Chapter 18

1340 Words
RYLAN POV "Peace be with you," bulong namin sa isa't isa ni Dylan at hinalikan pa niya ako sa pisngi. Napakagat labi na lamang ako upang di kiligin rito sa simbahan, pero bakit kasi kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi nawawala ang saya sa aming pagsasama. Matapos iyon ayon ay nag-peace be with you din kami sa aming anak bago humarap sa ibang tao na na dito sa simbahan. Mabuti na lang at mukhang tanggap naman nila kami sapagkat walang maririnig na pangungutya at masasamang salita galing sa kanila. Halos linggo-linggo ba naman kaming umaattend ng misa kaya sanay na rin sila sa aming pamilya. Kilala na rin kami ng mga taong simbahan at mga madre. Nang matapos ang misa ngayong hapong ito ay nagbabalak na kaming uwi dahil sa palagay ko ay babagsak ano mang oras ang malakas na ulan. Sana ay pupunta pa kami sa mall ngunit napagpasyahan namin na dumeretso na lamang sa bahay at doon mag movie marathon kaysa manuod sa cinehan. Makulimlim ang panahon kaya naman kahit hapon pa lang ay parang kay dilim na. Nagmamadali na kami sa paglalakad pabalik sa parking lot sapagkat nagsisimula na na ang pag ambon nang biglang magtatakbo si Deden palayo. Nagulat naman ako sapagkat bigla siyang bumitaw sa aking kamay. "Ryden!" sigaw ko pa. Nakuha no'n ang atensyon ni Dylan at mabilis na sinundan ang aming anak. Baka mapahamak kasi siya lalo na at maraming mga taong naglalakad sa paligid at nag uunahan na rin sa paghahanap ng masisilungan. Iniisip ko pa lang na baka may humigit na lang bigla sa aming anak at kunin siya ay matinding takot na ang aking nadama kaya naman humabol na rin ako sa kanila. Nang maabutan ko sila, nagtataka akong napasilay sa kanilang ginagawa. Nakatigil kasi sila sa isang magtitinda rito sa labas ng simbahan. Nasa gilid naman ito ng gusali kaya hindi nauulanan ang howla na dala nito. "Ano yan, Dylan?" tanong ko pa. Hindi ko mawari kung, itik o sisiw ang laman ng kulungan na iyon. "Rabbit Ry ko, gusto ata ng anak natin," tugon naman niya habang pinupunasan ng panyo ang naambunang ulo ng anak namin. 'Napaka-maalaga talaga ng Dylan ko.' "Ah," napapatango ko pang tugon habang nakasilay sa aming anak na manghang-mangha sa pagsilip sa puti at iba't ibang kulay na rabbit sa loob ng kulungan. "Ano sa tingin mo, Mahal ko?" Pagtukoy pa niya sa rabbit. Yumuko naman ako upang makapantay ko si Deden at matanong siya. "Anak, gusto mo ba niyan?" "Opo, Papa. Pwede po ba?" Muli naman akong tumingala kay Dylan para alamin ang kanyang desisyon, nang tumango siya ay masaya akong nginitian si Deden. "Oo naman, pero dapat alam mo paano maging responsable, hindi iyan isang laruan. Buhay iyan at kailangan alagaan," paalala ko pa sa kanya. Ayaw kong mapatulad ang anak namin sa ibang bata na pinapatay at pinaglalaruan ang mga buhay na hayop tulad nitong Rabbit, sisiw o kaya ay kalapati. Mabuting habang bata pa lamang siya ay alam na niya kung paano mag alaga at magpahalaga sa iba. Tao man iyan o hayop. "Paano po maging responsable, Papa?" Inosenteng tanong pa niya sa akin, kaya naman bahagya akong napahinga ng malalim bago siya sagutin. "Wag kang mag alala, nandito kami ng Daddy mo para gabayan ka," nakangiting tugon ko bago guluhin ang kanyang buhok. "Anak alin ang gusto mo sa kanila?" Ngayon ay naghahanda na kaming bumili. Si manong ay kanina pang nakasilay sa amin at naghihintay. "Pwede po bang dalawa?" Napataas naman ang kilay ko dahil sa kanyang sagot. "Dalawa? Bakit dalawa anak?" "Para po hindi siya malungkot," kaswal na sagot niya habang nakasilip pa rin sa kulungan. "Bakit mo naman nasabing malulungkot siya?" Hindi ko mapigilang hindi maitanong sapagkat bigla akong nagka interes sa paraan ng kanyang pag iisip. Napakabata pa niya ay alam na niya ang napaka kumplekadong emosyon na iyon. "Kaya po hindi kayo nalulungkot kasi nandyan si Daddy, kaya po hindi ako nalulungkot kasi nandyan po kayo, si tita Lily, tito Nico at Bryce. Kapag po napunta sa atin si Rabbit, malulungkot po sya kasi wala siyang kasama at ka-uri," pabulong na sagot pa niya sa akin. "W-Woah." Halos hindi agad ako nakapag react sapagkat napakalinaw ng kanyang sinabi. Batay sa kanyang sagot, masasabing napaka- observant niyang bata para malaman ang mga ganung bagay. Nang silayan ko naman si Dylan ay makikita sa kanyang mga ngiti ang walang humpay na kasiyahan at pagiging proud. "Sige anak, pili ka ng dalawa," pagbibigay permiso ko pa sa kanya at saka ako bumaling sa aking asawa. "Dylan, ang bait ng baby natin at napakatalino pa," kinikilig at napapahagikhik sa tuwang bulong ko sa kanya. "Oo naman, kanino pa ba sya magmamana kung hindi sayo," masaya rin naman niyang tugon habang nakayakap sa aking bewang ang isang braso niya. Dahil sa kanyang pahayag ay nawala ang ngiti sa aking labi at hindi ko inaasahan na maiboboses ko ang bagay na nasa aking isipan. "Pero hindi ko siya kadugo." "Kahit na. Ikaw naman ang nag alaga sa kanya, kaya lumaki siyang mabuting bata dahil sa pagmamahal natin," aniya, upang mawala ang kakaibang isipin na iyon sa aking utak at bigyan ako nang lakas ng loob. "Salamat din sa pagiging mabuti at responsableng asawa, Dylan," malambing na turan ko pa sa kanya. Pansin kong napahinga siya ng malalim na tila ba ay nagpipigil ng sarili bago ngumiti sa akin ng pilit. "Lahat gagawin ko para sayo at sa pamilya natin, Mahal ko." "Wag mo akong ngitian ng ganyan Ry ko, baka mahalikan kita dito ng wala sa oras," bumulong pa niya kaya naman napalayo ako sa kanya habang tinatakpan ang namumula kong mukha. ------+++ "Papa, Daddy, ito po," saad pa ni Deden sa amin habang ipinapakita ang dalawang rabbit na kanyang yakap-yakap. Tumango naman ako at masayang nginitian siya, ngunit ng dudukot na ako sa aking bulsa ng pambayad ay muli na namang iniabot sa akin ni Dylan ang kanyang wallet. Napailing na lamang ako at tinanggap iyon. "Heto po ang bayad," ani ko sa magtitinda. "Salamat, mga sir," tugon pa niya sa amin. "Thank you din po," magalang pang tugon ng aming anak kaya napatawa kami ni Dylan. Ngunit nang paalis na kami ay may napansin kaming batang nakasiksik sa isang tabi. Umiiyak ang bata at halatang napahiwalay sa kasamahan niya. Napaawa naman ako kaya nilapitan ko. Ito na nga ang ikinakatakot ko kaya talagang subaybay ko si Deden kapag umaalis kami. Mahirap na kapag nawala ang bata kagaya nito. Nang lapitan ko siya ay doon ko lang napansin na babae na ito. Naka bistida siya ng puti at may maganda pang puyot na nakadesenyo sa kanyang buhok. "Ineng, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ko pa habang nakayuko. Tumunghay naman ang kanyang ulo at humarap sa akin. Lalo akong napa awa sapagkat ang kanyang maamong mukha ay nababahidan ng luha. Mula sa aking nakikita ay parang kasing edad lamang ni Deden ang batang babae na ito. Hindi naman siya sumagot sa aking tanong kaya naman napakamot ako sa ulo. Nagpasya akong tanungin pa siya ng ilang bagay tulad ng pangalan o kaya ay mga kasama dito sa simbahan. Ngunit ayaw talaga sumagot. Hindi naman siya umiiyak, pero ayaw din niyang makipagtulungan. "Ry ko, wag kang ma stress, normal lang yan, hindi ka kasi niya kilala," saad pa ni Dylan sa akin. Tunay nga naman. Nag iisip kasi ako kung paano tutulungan ang batang ito kaso ayaw naman niyang magsalita. Ayaw ko naman siya agad na isama, baka mapagkamalan pa kaming kidnapper. At dahil sa buhos ng ulan ay mas humirap ang sitwasyon. Hindi namin alam kung saan hahanapin ang kanyang mga kasama. Habang nag uusap kami ni Dylan ng pwedeng gawin ay napansin pa namin na kalaro na ni Deden ang batang babae. Siguro dahil magka edad sila kaya malapit ang loob nila sa isa't isa. "Papa! Daddy!" Napalingon naman kami dahil sa biglaang pagtawag ni Deden sa amin. "Bakit anak?" "Pritz daw po ang pangalan niya," aniya, sabay turo sa dereksyon ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD