Chapter 19

1065 Words
RYLAN POV NAGULAT naman kami ni Dylan sapagkat nakuhanan agad ni Deden ng impormasyon ang bata. Napangiti naman ako ng may masamang balak. "Sige anak, tanungin mo kung saan sya nakatira," utos ko pa, masaya at excited pang tumango ang anak namin bago bumalik sa batang babae. "Iba din ang anak natin, baby pa eh matinik na sa chix," nakangisi pang kumento ni Dylan. "Gago ka, tumigil ka nga. Charismatic lang talaga ang Deden natin," proud ko namang saad. Ayun nga lang. Ilang minuto na rin ang nakalipas ngunit walang masyadong alam ang batang si Pritz. Hindi niya masabi sa amin kung saan siya nakatira, o kung nasaan napunta ang mga kasama niya sa pagsisimba. NGAYONG medyo humupa na ang ulan at nasinagan ng ilaw galing sa gusaling aming sinisilungan ang mukha ni Pritz kaya biglang napakunot ang aking kilay. "Bakit Mahal ko?" pansin siguro niya ang pagbabago ng aking ekspresyon. "Pamilyar ang mukha niya, Dylan." "Talaga?" Nagtataka rin niyang saad at mas pinagmasdan ang mukha ng bata, ngunit base sa kanyang ekspresyon ay mababasa kong hindi niya talaga kilala ang batang ito. "Oo, pero hindi ko maalala kung saan ko nakita," pabulong na turan ko pa. "KUYA GEOFF!" Nang marinig ang sigaw na iyon ay napahampas pa ako sa aking kamay sapagkat naalala ko na. "TAMA! GEOFF NGA --- tek--" ngunit napatigil rin sapagkat napagtanto ko ang nangyari. "PRITZ!"malakas na sigaw din ng lalaking nagmamadali patungo sa aming dereksyon. Basang-basa na ito at bakas ang matinding pag aalala sa kanyang mukha. "KUYA! NANDITO PO AKO!" masaya pang hiyaw ni Pritz habang kinakawayan ang lalaki. Nang makarating siya sa aming kinalalagyan ay medyo nagulat pa siyang makita ako. Siguro ay namukhaan din niya ako. "Kilala mo?" tanong pa ng katabi ko. "Apo siya ni Mama Chona," saad ko naman, napatango naman si Dylan sapagkat nabanggit ko na sa kanya ang tungkol sa pagtulong sa akin ng apo ni Mama Chona dahil sa lawnmower. "Si Dylan, asawa ko," pagpapakilala ko rin kay Geoff ng lalaking kasama ko/ asawa. Mukhang hindi naman ata niya nagustuhan ang narinig at mas lalo pang kumunot ang kilay. Ayaw ko naman ng g**o sapagkat pansin ko na biglang nag iba ang aura ni Dylan mula sa aking tabi. Bago pa magkaroon ng sabong dito ay nagpaalam na ako. "Mauuna na kami ha, ingat kayo," nagmamadali ko pang saad at mabilis na binuhat si Deden. Hindi na naman umuulan kaya nakabalik na rin kami sa parking lot. ▼△▼△▼△▼△ "Anong problema nun?" may bahid ng inis na pahayag ni Dylan habang nagmamaneho siya. "Hindi ko rin alam, ganyan na siya nung una kong makita sya sa bahay nina Mama Chona kanina," sagot ko rin naman. "Homophobic ata?" nakanguso pa niyang kumento. Napakibit balikat na lang ako sapagkat wala din akong ideya sa problema ng lalaking iyon. At dahil nga sa nangyari at muli naming pagkikita ni Geoff ay naalala ko ang usapan namin ni Dylan kanina noong makita niya ang lawnmower sa labas ng bahay. -----+++ "Ry ko, bakit hindi mo ako tinawagan?" reklamo pa niya habang buhat-buhat ang lawnmower papasok sa bahay. "Alam kong busy ka kaya di ko na ginawa," tugon ko naman habang itinuturo sa kanya ang daan patungo sa backdoor. Ngayon ko rin kasi balak maayos ang lugar na ito. "Ikaw lang ba ang nagbuhat nito? Mabigat to ah." "Hindi, tinulungan ako nung apo ni Mama Chona sa pagdadala niyan dito," makatotohanang sagot ko pa sa kanya. "Apo? May apo ba siyang kasama dyan?" gulat din niyang pahayag, sa tagal na rin ba naming nakatira dito ay wala pa kaming nababalitaan na may bumisita kahit isang kamag anak kay Mama Chona. "Oo ata, iyon ang tawag ni Mama dun sa lalaki eh." "Ganun ba, halika tulungan na kitang magtabas ng d**o," pagpe-prisinta pa niya habang binubuhay ang lawnmower. Ang lakas ng tunog nito kaya naman medyo natakot akong lumapit. "Salamat, Dylan ko," saad ko na lamang at kininditan pa siya. Kaya naman ang ulol kong asawa ay hindi na nagtanong pa at mabilis na sinimulan ang trabaho. "Love you, Ry ko," lovestruck na tugon pa niya sa akin habang nagpupuso-puso ang kanyang mga mata. ' Adik ata talaga ang isang ito sa akin,' napapailing ko pang saad sa aking isipan. MAKALIPAS ang ilang sandali ay himalang mabilis niyang natapos ang gawain. "Ano nga pala ang balak mo sa lugar na to?" tanong pa niya matapos makaupo sa aking tabi. Narito kami sa may pintuan at nakatanaw sa malinis at malawak na likod bahay. Mas maganda na itong pagmasdan ngayong malinis na ito. "Gusto ko magpatayo ng greenhouse," excited na sagot ko sa kanya. Napuno naman ng pagtataka ang kanyang ekspresyon bago humarap sa akin. "Greenhouse?" "Oo, yung taniman ng gulay." "Hm," napapatango naman niyang tugon. "Ano namang mga anong gulay ang itatanim mo?" "Malunggay galing kay Mama Chona, sabi niya bibigyan niya daw ako ng sanga na pwedeng itanim." "Ano pa?" "Hm masarap din ang kamatis at magagamit ko pa sa iba't ibang lutuin at..." Naiisip ko pa lamang ay natutuwa na ako. Dahil mahilig akong magluto at ang aking negosyo ay tungkol din sa pagkain kaya naman walang masama kung maghangad ako ng fresh at sariwang sangkap. Mas ganda pa nito ay kung ako talaga ang mag aalaga sa kanila. "---talong? Paborito mo yun di ba?" turan muli niya. "Hmm..." nakangiti ko pang pagsang ayon. "Eh yung talong ko? Paborito mo din, Ry ko?" "Oo--" Wala sa sariling tugon ko sapagkat malayo na ang narating ng aking pagpapantasya dahil sa greenhouse na aking pangarap. "Huh? O-Oi! Gagao ka Dylan!" May halong pagkabigla at hiya ang aking ekspresyon ng mapagtanto ko ang kanyang sinabi. 'Bastos talaga ang ulol na ito!' Dahil sa inis ay balak ko pa sana siyang suntukin sa braso ngunit nakailag siya at mabilis na nakalayo sa akin. "Haha joke lang mahal ko!" Sigaw pa niya habang tumatawa at tumatakbo upang hindi ko siya maabutan. Ang mga damong itinambak namin sa gilid ay muling nagkalat sa buong lugar dahil sa aming paghahabulan. Para kaming mga batang naglalaro at nagbabatuhan ng d**o sa isa't isa, hindi nagtagal ay hindi ko na napansin na ang inis na aking nararamdaman ay napaltan na ng saya. Habang nasa ganung tagpo ay hindi namin inaasahan na may makakakita pala sa amin. "Papa! Daddy! sali kami!" sigaw ni Deden habang hawak-hawak ang kamay ni Bryce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD