3RD PERSON POV
PAGPASOK pa lang ni Dylan sa opisina ay pansing-pansin na niya ang mga disenyong nakadikit sa pader at mga nakasabit sa buong paligid. 'Hayss Valentines day nga pala ngayon,' isip-isip pa niya.
Habang naglalakad papasok ng building ay maraming bumabati at nagbibigay ng mga regalo tulad ng chocolates, cake at iba pa sa kanya, tinatanggap naman niya lahat iyon ng may kasamang ngiti dahil masama tumanggi sa grasya sabi nga nila.
Bilang Boss ng isang kumpanya ay di sya tulad ng iba na suplado at mataas ang tingin sa sarili kaya naman mahal na mahal at inirerespeto siya ng kanyang mga tauhan. Pero hindi lang iyon ang dahilan, mabait siya at mapagbigay ngunit ayaw niya ng abusado at sinungaling. Hindi rin niya gusto ang mga taong mapagmataas at mayabang.
Kaya naman kapag may ganung uri ng tao sa kanyang kumpanya, siguradong hindi siya magtatagal.
Lahat ng nakakasalubong ni Dylan ay binabati din niya nang pabalik at may pag galang.
"Mr. Hendricks, Happy Valentines day po!" masayang bati ng isa sa kanyang mga empleyado.
"Happy Valentines day din," masaya din nyang bati at sinamahan pa ng isang ngiti kaya naman halos mahimatay sa kilig at saya ang babaeng ito.
Nang makarating na siya sa kanyang private elevator, ay bumukas ito lulan ang sekretaryo nyang si Nico. Tinulungan sya nitong dalhin lahat ng mga regalong hawak niya.
"Boss dami nito ah," bati pa nito nang maipasok na niya lahat sa elevator ang mga regalo.
"Hm, siguradong ang hirap iuwi nito sa bahay mamaya," tugon naman niya habang pinagmamasdan ang napakaraming mga paperbag at box na nasa paahan nila ni Nico.
"Baka gusto mo naman boss ay ako na lang ang magdala nyan para di ka mahirapan," nakangisi pang suhestyon nito sa kanya.
"Talaga? Tutulungan mo ako Nico?"
"Oo naman boss, ako pa ba? Syempre iuuwi ko yan..."
"--Iuuwi sa bahay ko?" tanong pa niya dito.
"Hahaha syempre iuuwi ko yan SA AMIN, hindi sa bahay nyo ni Rylan." Tumawa pa ito ng malakas na para bang naisahan siya.
"Hah! Speaking of Ry ko, kagabi pa akong di makatulog dahil sa pag-iisip kung ano pwede kong ibigay sa kanya, syempre gusto ko ay espesyal iyon," pabulong na aniya, habang nakatingin sa salamin ng elevator kung saan ay kita niya ang repleksyon ni Nico na napapailing pa.
"Boss naman, kahit naman ano ang ibigay mo kay Rylan ay siguradong magiging masaya siya," nakangiti pang pahayag nito.
"Oo alam ko ,pero di pwede na basta-basta lang ang ibibigay ko, dapat iyong di niya makakalimutan."
Natapos lang ang pag-iisip niya ng marinig ang pag "Ding" ng elevator. Nakarating na pala sila ni Nico sa palapag nila. Tinulungan siya ng kaibigan na dalhin lahat ng mga regalo sa loob ng kanyang opisina. Nagpasalamat naman dito pagkatapos.
MAKALIPAS ang ilang oras ng pagtatrabaho at pababasa ng napakaraming dokumento at mga email ay naisipan muna nyang isara ang laptop at ipatas lahat ng folder na nasa kanyang table para maipahinga ang kanyang mga mata dahil sa pagod ng mga ito.
Bukod sa pagod at sakit ng mata sa pagharap sa screen buong maghapon ay isama pa ang di niya maayos na pagtulog kagabi ay talaga namang nagdala sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Kaya naman naisandal niya ang likod sa kanyang malambot na swivel chair habang ipinapahinga ang kanyang sarili.
Habang nakapikit ay di niya mapigilang di makita sa kanyang mga alala ang masayang mukha ng kaisa-isang tao na tunuturing nyang espesyal sa kanyang buhay. Ano kaya ang pwede nyang gawin para mapasaya naman at masukilian lahat ng ginagawa nito para sa kanya.
'Romantic Dinner Date sa mamahaling resto?'
'Chocolate at bulaklak?'
'Alahas tulad ng kwintas, relo o bracelet?'
'Mamahaling gadget?'
"Argg!" Hindi niya alam kung ano ba dapat.
Unang-una hindi pwede ang chocolate at bulaklak sapagkat hindi naman babae si Rylan at siguradong magagalit lang ito sa kanya kapag binigyan niya ito ng bagay na iyon. Pangalawa ay hindi rin pwede ang alahas at gadget dahil hindi rin naman materialistic ang Ry niya.
Walang siyang maisip na pwedeng ibigay, ayaw naman niyang lumipas ang napaka especial na araw na ito na wala man lang siyang ginawa para mapasaya si Rylan.
Parang sasabog na sa pag iisip ang kanyang utak. Kung tatanungin naman si Ry mismo alam niya at siguradong simpleng bagay lang ang gusto nito, o kaya naman ay wala dahil sasabihin nitong sapat na sa kanya lahat at masaya na kaya naman lalo siyang nahihirapan magdesisyon.
Dahil sa pag iisip ni Dylan tungkol sa pwede nyang gawin para kay Rylan ay hindi na niya napansin ang oras.
Nagising lamang siya sa matagal na pagkatulala dahil sa mahinang katok mula sa labas ng pintuan.
Tok! Tok!
"Come in," saad ni Dylan sa kumakatok sa pinto, pagbukas ng pintuan ay sumilip naman ang kanyang sekretaryo.
"Boss, lunch na, pasabay ako sa pag kain. Pwede?"
KADALASAN pag may baon si Nico na pananghalian ay dito rin siya sa opisina ng kanyanh boss kumakain at kapag wala naman ay sa cafeteria sa loob ng Building.
"Sige lang, pero wag mo akong agawan ng ulam," sabi pa ni Dylan habang palapit sa center table dito sa loob ng opisina niya.
"Boss naman, damot mo pa rin," nakanguso namang reklamo ni Nico kay Dylan.
"Hindi mo na talaga ako kailangang agawan dahil may pinadala ring ulam ang Ry ko para sayo," anunsyo niya sabay abot kay Nico ng isang baunan.
Nagliwanag naman ang mga mata ng kanyang kaibigan dahil sa narinig.
"Talaga Boss!? Ang bait talaga ni Rylan, swerte mo talaga boss. May kasambahay ka nang cute, magaling pagmagluto at higit sa lahat napakabait. Ikaw na talaga," maligayang papuri nito sa kay Rylan kaya naman sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam rin siya ng pagiging proud dito.
"Yeah, you're absolutely right. Napaka swerte ko talaga sa kanya," masaya niyang pagsang ayon.
Nang buksan na ni Nico ang Tupperware ay talaga namang namangha ito.
"Woah! Mapaparami kain ko nito ah, paborito ko itong ulam na niluto ni Rylan," masayang sabi pa ni Nico at mabilis na sumandok upang tikman ang ulam.
Napangiti na lamang ng patago si Dylan sapagkat katulad ni Nico, paborito rin niya ang putahe na ito sapagkat ito ang unang pagkain na niluto ni Rylan para sa kanya noong una itong dumating sa kanyang bahay.
Bigla niyang naisip ang ilang araw na niyang pinagkakaabalahan. Ilang beses at mula noon ay ginusto na niyang matutong magluto, pero kahit ang mama niya o si yaya Ising ay di siya nagawang turuan kung paano ito, dahil talaga namang wala syang pag asa pagdating dito.
Kung hindi sunog ay hilaw ang luto niya pero hindi tulad noon ay mas pursigido syang matuto ngayon sapagkat nagpapa-impress siya sa Rylan, kaso ang kaya pa lang nyang lutuin sa ngayon ay priting itlog, hatdog at isda.
Ang gusto sana nyang lutuin ay adobo katulad ng paborito ng Ry nya kaso napakahirap nito para sa kanya, pero hindi siya sumusuko dahil alam nyang magagawa din niya ito pag nagpractice lang siya lagi.
Minsan tumatawag si Dylan sa kanyang mom para magpaturo sa pagluluto ng adobo at pag gabi na at tulog na si Rylan ay nagpapractice naman siyang magluto nito sa kanilang kusina. Medyo nag iimprove na siya sa kanyang ginagawa dahil pinagbubutihan talaga niya ito, gusto kasi talaga niyang matikman ni Rylan ang mismong luto niya kaya naman pinag iigihan talaga niya.
Ang huli niyang luto ng adobo noong isang gabi ay medyo okay na, luto ang karne at hindi na ito masyadong maalat kaya naman kaunti na lang ay magagawa na din niya ito ng maayos.
Dahil rin sa iniisip ay bigla siyang napasinghap nang may maisip na ideya.
"Aha! alam ko na!!!"
"Anong alam mo na boss?" takang tanong naman ni Nico na nagulat dahil sa kanyang biglang pagsigaw.
"Alam ko na ang gagawin ko para kay Ry ngayong Valentine's day," masayang pahayag pa niya habang nakataas ang kamay. Excited na siya sa gagawin kaya naman hindi niya napigilang di mapangisi.
SI NICO naman na nasa kanyang tapat ay napasilay na lamang ng may pagtataka dahil sa kanyang inaasal.
"Okay boss, basta wag nyong kakalimutan na mag suot ng proteksyon." May pagtaas-baba pa ang kilay nito.
"Gago, anong iniisip mo!?" depensa naman niya. Hindi niya akalain na mukhang sa ibang dimension na ata napunta ang imahinasyon nitong kanyang kaibigan.
"Alam mo na yun, boss + Rylan = you know," pilit na pagpapaliwanag pa nito.
"Luko ka talaga-- ah! gusto ko yun, syempre, pero hindi pa sa ngayon."
"Haha, sabi mo eh, sige magsabi ka lang boss pag kailangan mo ng tulong."
Lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang mga katagang iyon.