Chapter 3

1159 Words
RYLAN POV NANG sumapit ang byernes, normal naman ang lahat. Nagtungo sa trabaho si Dylan habang ako naman ay papunta sa school para ihatid si Deden. Nang mai-park ko ang sasakyan, nakasabay ko pa si Mrs. Ramirez sa paglalakad. Dahil sa huling nangyari ay medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya. Hindi na ako galit at napatawad ko na siya, pero dahil nga sa kakaiba niyang ugali kaya mahirap siyang lapitan at basta na lamang kausapin. Pero kahit ganun, maayos na naman ang lahat kaya dapat hindi ko ipakita na may bakas pa rin ang nangyari noon. Ngumiti ako ng maganda sa kanya at saka bumati ng magandang umaga. "Good morning, Mrs. Ramirez." "G-Good morning din, Rylan. Pwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko," nakangiti ring aniya, kaya napatulala ako at di makapaniwala habang nakatingin sa kanyang likuran nang mauna nang maglakad siya kasama ang anak na si Adrian. 'Wow, marunong din pala ngumiti ang masungit na babaeng iyon. Kung pinapayagan na niya akong tawagin siya sa tunay niyang pangalan ibigsabihin ay gusto na talaga niyang makikaibigan nang tuluyan.' Nawala ang pagmu-muni muni ko nang maramdaman ang paghigit ni Deden sa aking kamay. "Ano yun, anak?" "Papa, sabi ni teacher ngayon po ang simula ng ---" "---registration!" gulat na saad ko pa. "Salamat anak, buti ipinaalala mo." Hinaplos ko pa ang kanyang buhok. Masaya naman siyang ngumisi dahil sa papuri ko. Nang makarating sa classroom, kita kong nagkakagulo sa harap ng classroom ni Deden, mukhang pinalilibutan ng mga parents ang adviser nilang si Ms. Rachel. Dahil sa matinding g**o ay parang may zombie apocalypse na nagaganap sa loob ng classroom ngayon. "Ano kayang nangyayari?" tanong pa ko sa kanyang sarili habang papalapit sa kanila. Sa kaguluhan ay naaninag ko din ang kaibigan na si Lily doon. Inihatid ko muna si Deden papasok sa silid bago lumapit sa mga nagkakagulo. "Uyy Lily, anong meron dyan?" "Cutiee!!! Buti dumating ka, naku bakit ngayon ka lang?" Nagtaka naman ako bigla, hindi pa naman ganun ka tangghali ah, di nga kami late ni Deden. "Bakit? May problema ba?" "Oo, simula nang dumating si Ms. Rachel kanina nagkagulo na ang mga parents na nag iintay dito, nagpaunahan sila sa pagpapa-register." "Ganun ba, paano yan Lily may slot pa ba sa cooking contest?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Wala naman kasing sinabing oras ng registration kaya hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Base sa ekspresyon niya, alam ko na ang sagot at di ko na kailangang marinig pa iyon. "Hehe, yun na nga ang sinasabi ko Cutie, dapat inagahan mo pasensya ka na di kasi kita pwede ipag-register." "Ano ba yan, gusto ko pa naman sana sumali doon. Paano yan? Edi sa games na lang din ako gaya mo." Nadismaya naman ako, pinag isipan ko pa naman noong isang araw pa kung ano ang ipanglalaban kong recipe. Hindi naman sumagot si Lily, pero pansin ko na napakamot pa siya sa ulo. Nang makapagpa-register na lahat at nagsi-alisan na ang ibang parents, doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makalapit kay Ms. Rachel. "Ma'am, ano pa pong contest ang pwede kong salihan?" "A-Ah Mr. Hendricks, ano na lang kasi ang natira----" "A-Ano po?" hindi ko alam kung imagination ko lang yun, pero mula sa peripheral view ko kita kong napangisi si Lily. "------ Beauty Contest na lang ho." 'Beauty Contest' 'Beauty Contest' 'Beauty Contest' Kahit ilang beses na isipin ko ang sinabi niya, may hindi talaga tama. 'B-Beauty Contest? Ano gagawin ko dun? Di naman ako babae. May lawit kaya ako.' Dahil sa stress ay nailagay ko na lamang ang aking kamay sa noo. "Ms. Rachel, alam niyo naman na di ako pwede dyan. Siguro next event na lang po ako sasali." "Ahm sorry Mr. Hendricks, pero compulsory po ang participantion ng bawat parents." "Pero ma'am, lalak--" "--- ano naman kung lalaki ka Cutiee, mas maganda ka pa sa iba! Keri mo yan, tutulungan kita," pagpupursige pa ni Lily sa akin, pero isipin ko pa lang ang lahat ay parang gusto ko nang mag goodbye sa earth. "Lily, di ko kaya ang ganito, next time na lang." "Gusto mo bang malungkot si Ryden, parent niya lang ang walang sinalihan. Promise Cutie ako bahala sayo," sambit pa niya na para bang nagmamaka-awa. Nang maisip ko naman nang maayos, medyo may kumurot nga sa aking puso kapag nai-isip ko na pwede ngang malungkot si Deden kung di ako sasali. Hayss, pero syempre kailangan ko muna itong pag isipan ng dalawang daang beses. Kakausapin ko pa si Dylan tungkol dito. "Ahm Ms. Rachel, pwede pag isipan ko muna." "Wala pong problema basta bukas po dapat makapag register na kayo, kasi may mga rehearsal at practice iyon na kailangan ninyong daluhan," nakangiti pa nitong saad, kaya mas kinabahan ako. "G-Ganun po ba, s-sige pag uusapan muna namin ng asawa ko." Nagpaalam na ako sa kanya pagakatapos sabihin iyon. Si Lily naman ay humabol pa sakin, para ano pa? Edi kumbinsihin at kulitin ako. "Sige na Cutie, sumali ka na, ako magiging manager mo." 'Jusko, kulit talaga.' --------------++++ 5:45pm, nasa kusina ako at nagluluto ng hapunan, mamaya-maya kasi ay darating na si Dylan galing sa trabaho. Si Deden naman ay naglalaro sa sala. Kung iisipin ko, may mga barako ngang mga ama na sumasali sa mga ganoong contest, hindi para ipahiya ang mga anak nila ha, syempre para mapaligaya ang mga ito. Hindi ko mapigilang di mapabuntong hininga dahil sa pag iisip nang dapat gawin. Parang payag na ako, pero hindi ko talaga makita ang sarili ko na magsuot ng damit pangbabae. At humarap sa ganun kadaming tao. Jusko, hindi porket lalaki ang asawa ko eh willing na akong magpakababae. Wala yun sa bokabularyo ko at di ko pinangarap na maging ganon. Kung ano mang porma ang ipinagkaloob sakin ng dyos, masaya na ako doon at di na maghahangad pa ng iba. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." "Tungkol saan?" "Yung contest nga kasi--- EHHH? Dylan, kanina ka pa ba dito?" "Oo tinawag pa nga kita pagdating ko, pero hindi mo ko pinapansin," nakangusong aniya pa, kaya napatawa ako at nawala ang pinoproblema. Humawak ang isa niyang kamay sa aking bewang habang ang isa naman ay sa aking pisngi, lumapit siya at ginawaran ako ng mapagmahal niyang halik. "Magbibihis lang ako, tapos pag usapan natin yan mamaya ha." Nagawa pa niya akong kindatan bago umalis patungo sa kwarto namin. Naiwan naman akong nakangisi pa rin dahil sa walang kapantay na tamis ng halik niya. 'Halik mo lang ata Dylan ang alam kong matamis, pero di nae-expired.' 'Tumigil ka nga, kung kiligin ka naman parang teenager,' singit pa ng bwisit na utak ko. Asawa ko naman siya kaya walang masamang kiligin di ba? Alam kong ma-edad na kami, pero sa paningin ko hindi kumukupas ang kagwapuhan at kakisigan ni Dylan. Siya pa rin ang gwapo at napakabait kong boss mula noon hanggang ngayon kahit mag asawa na kami. 'Sya lang ang lalaking minahal ko mula noon hanggang ngayon.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD