Chapter 2

1201 Words
RYLAN POV LINGGO ngayon kaya day off ni Dylan ganun din ako, noon pa man ay napag desisyonan na namin na kapag linggo ay araw para sa pamilya. Magsisimba kami sa umaga at magbo-bonding lang kami buong maghapon. Medyo tanghali na ako nagising at maliwanag na ang sikat ng araw, paglingon ko sa bedside table nakapaskil na ang oras na 8:30 sa alarm clock. Napangiti din ako dahil sa nakakarinig na katok galing sa labas ng pinto. 'Hm, gutom na ang munting si Deden, kailangan ko nang bumangon at magluto.' Maisasakatuparan ko na sana iyon kung hindi lamang parang koala o tarsier itong si Dylan kung makayakap, akala mo naman ay lagi siyang iiwanan. Ang higpit kasi nang pagkakayakap niya sa aking katawan. Hinaplos ko ang buhok niya sapagkat nakasiksik sa aking balikat ang kanyang ulo. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pag luwag ng brasong nakayakap sa akin mula sa likod. Siguro ito yung magic na nalaman ko dahil na rin sa tagal nang pagsasama namin. Kapag nakaramdam siya ng marahan kong paghaplos, napapanatag siya kaya lumuluwag ang pagkakayakap sa akin. Para talaga siyang aso, kung ako ang tatanungin. 'Makulit, pero mapagmahal,' bulong ko pa sa tulog niyang pigura. Nang makaupo sa kama, tiningnan ko pa ang mahimbing at sarap na sarap sa pagtulog na mukha ng aking asawa. Kung magbabalik tanaw lamang ako. Noon kung may magsasabi sa akin na magkaka-asawa ako ng lalaki at ubod pa ng yaman, baka namatay ako sa katatawa, pero tingnan nga naman natin ang tadhana. Hindi lang basta lalaki at mayaman ang ibinigay sa akin, napakabait, gwapo at mapagmahal na asawa pa. "Salamat sa pagtanggap at pag mamahal mo sa akin Dylan sa mga taong lumipas," bulong ko sa kanya, sabay halik sa kanyang noo. Umungol lang naman siya nang bahagya at muling bumalik sa pagtulog. Napatawa pa ako nang kapain niya ang tabihan niya na parang hinahanap ang ako roon. Sigurado akong yayakap na naman siya kaya mabuti at nakaiwas ako. Hindi pa nakakapaghilamos, pero dumeretso na ako sa pinto para tingnan ang nangungulit kong anak. Alam niya na bukas ang pinto ng aming kwarto ni Dylan, pero may nalalaman pa siyang pagkatok. "Good morning Deden ko, anong ginagawa mo dyan?" Napatingin naman siya sa'kin at mabilis na ngumisi, halos lumabas naman ang aking puso dahil sa ka-inosentehan ng ngiti niya. Kapag ngini-ngitian niya ako ng ganyan, tila ba ay nakakalimutan ko ang mga kapilyuhan niyang ginawa noon. 'Hays, mukhang marami-raming pa-iiyaking babae ang Deden ko paglaki niya ah. Kamukhang-kamukha kasi sya ng kanyang ama,' napapailing na saad ko pa sa aking isipan. "Deden ko, sa baba ka na maglaro, maghihilamos lang ako tapos magluluto ng breakfast." "Opo Papa!" sagot pa niya sa akin, sabay takbo pababa kaya napasigaw pa ako para sabihin na wag siyang tumakbo sa hagdan, napakadelikado kasi no'n. Makalipas ang isang oras, luto na ang agahan namin, nakaupo na si Deden sa silya niya, pero di pa rin bumababa si Dylan, baka tulog pa siya kaya pinuntahan ko muna para gisingin. Nang maka-akyat sa second floor, malapit na ako sa pintuan ng aming kwarto at papasok na nang makita ko si Dylan na gising na at may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya pansin ang pagpasok ko, dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nanatili doon. "Yes, yes I think about it--" "What...ah yeah, kakausapin ko muna si Ry, pag pumayag edi okay." Nagtataka naman akong nakasilay sa kanya, hindi ko alam kung sinong kausap niya sa ganito ka-agang oras. Mukhang wala naman siyang balak itago sa'kin ang lahat kaya hintayin ko na lang nahumarap siya sakin. Nang maibaba ang cellphone, pagharap niya, doon na niya napansin ang aking presensya. "Boo!!!" Napatawa pa ako ng malakas nang mapaupo muli siya sa kama dahil sa gulat. "R-Ry ko, bakit ka naman ng gugulat?" aniya, habang nakalagay pa sa dibdib ang isang kamay. "Gusto ko lang, sino nga pala yang kausap mo, kay aga-aga ay may kachikan ka agad." Dahil nakaupo siya sa kama at nasa harap niya ako, yumakap pa siya sa aking katawan kaya ang ulo niya ay nasa tapat ng aking may dibdib at tyan. "Si Nico yun, may reunion daw ang basketball team namin noong college, kung aattend daw ba ako?" aniya, sabay halik sa aking dibdib. Nakikiliti naman ako kaya itinutulak ko palayo ang mukha niya. "Kailan daw ba?" "Next week, after work, wala pang venue na sinasabi si Nico." "Hm, pag iisipan ko, halika na kanina pang nag iintay sa baba ang anak mo. Gutom na yun," saad ko at saka kinalas ang braso niyang nakakayap sa akin. Tumango naman siya at sabay kaming bumaba para mag agahan. DUMAAN nang kay bilis ang buong maghapon. Matapos mag agahan, nagtungo kami sa simbahan at sa mall para mag-shopping. Nang makauwi naman, nagkaroon kami ng maliit na pool party kasama ang anak ni Lily na si Bryce. Syempre kung narito si Bryce, narito din ang lukang nanay niya. "Cutiee, may dala akong watermelon slices oh," malakas na sabi pa niya sa akin. 'Hindi na talaga nagbago ang babaeng ito kahit lumipas ang maraming taon,' napapailing, pero nakangising ani ko sa aking isipan. Napaka-ingay pa rin, akala mo ay nakalunok ng megaphone. Sa halip na sawayin ko siya, tinanggap ko na lang ang dala niyang tray at ipinatong sa table na nasa tabi ng pool. "Salamat Lily, nasaan si Gab? Bakit di mo inimbita?" "Wala siya ngayon, alam mo naman ang mga high schooler busy lagi sa mga projects," aniya pa. Napatango na lamang ako sapagkat totoo naman iyon. Masaya ang naging pool party, ang mga bata ay nagtatampisaw sa tubig habang isa-isang binubuhat ni Dylan. Napatawa na lamang ako kapag tinatamaan ng bola sa mukha si Lily nang maglaro kami ng water volleyball. "Mahal ko, may ice cube pa ba tayo?" tanong ni Dylan, nang makaahon siya sa tubig. "Ah Oo, teka kukuha lang ako ha." Pumasok ako sa bahay at dumeretso sa kusina. Nang pabalik na ako dala ang tupperware na may lamang ice cube, napansin ko na magkaharap sina Dylan at Lily, parang may pinag uusapan silang seryoso. Kita ko pa ang paglapit ng mukha ni Lily kay Dylan at parang may ibinulong pa. Tumango naman ang aso kong asawa, di nakalampas sa aking paningin ng maarteng hampasin pa ni Lily ang braso ni Dylan at nag thumps up pa siya dito. Parang nagtinginan pa ang dalawa nang may kahulugan bago bumalik si Lily sa pool habang nanatili naman si Dylan na nakaupo sa stool at umiinom ng juice na walang yelo. Ewan ko kung anong mararamdaman ko dahil sa aking nakita, maghihinala ba ako o palalampasin ko lang yun. Pero habang naglalakad palapit kay Dylan, doon ko naisip na napakarami na naming pinagdaanan, si Lily bilang kaibigan, malaki ang tiwala ko sa kanya kaya sa huli pinalampas ko na lamang ang lahat. Bukod pa roon, sa halip na mag selos ay parang kinilabutan pa ako sapagkat pakiramdam ko ay may binabalak na naman silang kalokohan. Natapos ang kasiyahan at magulong linggo namin nang masaya at magkakasama. Pagkatapos ng pool party, umuwi na rin sina Lily sa kanila sapagkat tumawag na ang asawa nitong si Brandon. "Ano kayang balak nila?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD