Chapter 2 The Engagement

1509 Words
Kristine’s POV Her whole week was spent preparing for her engagement party. Kahit ang bestfriend niyang si Coleen ay excited para sa kanya. Kaya napagpasiyahan niyang ipagtapat dito ang lahat at ang totoo niyang saloobin sa kasal na ito. “Why? Eh, hindi ba gusto mo nang makatakas sa sobrang kahigpitan ng Mommy at Daddy mo? Ito na ang pagkakataon, girl. Saka ano pa ba’ng hahanapin mo? Ang pogi ng mapapangasawa mo tapos ang yaman-yaman pa. Inggit na inggit nga ang lahat sa iyo. Kahit mga celebrities at mga sikat na socialites, pinapantasya si Charles pero ikaw ang pinili,” excited na sabi ng kaibigan. May bahagi sa mga sinabi niya ang totoo, pero hindi niya makakalimutan ang Charles na nakita niya noong gabing iyon. Para siyang ibang tao. Parang hindi siya iyong Charles na kilala niya. “Pero ang bata ko pa para magpakasal. Ni hindi ko pa nga man lang nasubukang makipag-date or tumanggap ng manliligaw dahil sa sobrang strict ng parents ko. Saka aanhin mo yung kaguwapuhan at kayamanan niya kung wala ka namang nararamdaman para sa kaniya,” paliwanag ko. Hindi ako makapaniwalang mismong kaibigan ko ay hindi ko kakampi. “Problema ba iyon? Eh, di getting to know each other muna ang peg Ninyo, d iba? Saka super sweet naman sa’yo si Charles mula pa noon, kaya hindi malayong ma-fall ka rin sa kanya,” pakli pa nito. “Sweet? Siyempre pinakikisamahan lang ako noon dahil malapit ang mga pamilya namin, and besides, kilala sa pagiging notorious na babaero yun. At ayokong maging asawa lang sa papel habang siya ay busy sa pakikipaglampungan sa iba’t ibang babae. This marriage will surely make my life miserable beyond repair,” paghihimutok ko. Nagbabanta na naman ang pagtulo ng mga luha ko sa tuwing maiisip ko ang kahihinatnan ng buhay ko sa piling ni Charles. “Ano ka ba. Paanong hindi magiging babaero yun, eh, mismong mga babae ang lumalapit at nagpupumilit na maikama niya kahit isang beses lang. Alam mo, kaysa magmukmok ka diyan, i-enjoy mo na lang ang pagiging Mrs. Ty mo, soon. Unless, kaya mong i-defy ang decision ng Daddy mo,” mapanghamong tanong nito na tuluyang nagpatulo sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan.. Bigla namang nataranta si Coleen kaya hinagod nito ang likod ko. “Uy, sis, sorry na. Ano ba naman kasi itong bunganga ko, walang preno minsan,” sabi nito at ipinagpatuloy ang pang-aalo sa akin. “Wala kang kasalanan, beshy. Hindi ko lang talaga alam kung paanong makatatakas sa problemang ito. Ang sakit-sakit ng dibdib ko kasi wala man lang akong kalayaang gawin ang gusto ko. Lagi na lang akong sumusunod at napipilitang gawin ang kagustuhan ng iba para sa akin. Lalo ko tuloy nami-miss si Kuya Angelo. Kung nandito lang siya, I’m sure hindi siya papayag na ganito ang pagtrato sa akin. Siya lang ang tagapagtanggol ko kina Mommy at Daddy. Ang nag-iisang nakakaintindi sa akin maliban sa’yo,” patuloy ang aking paghikbi habang sinasambit ang mga bagay na ito. Sobrang bigat ng dibdib ko ngunit wala akong magawa kung hindi umiyak. Malungkot akong nakaharap sa malaking salamin ng kuwarto kung saan ako aayusan para sa engagement party mamaya. Huminga ako nang malalim at inayos ang aking mukha nang pumasok na ang dalawang bakla at isang babaeng inatasan para ihanda ako at ang damit na gagamitin ko mamaya. “Hoy, girl, ang ganda-ganda mo pala lalo sa malapitan. Hindi ka pa man nalalagyan ng make-up, super pretty ka na. No wonder, ikaw ang pinili ni papa Charles na mapangasawa,” kinikilig na kumento noong mas batang bading. Ngumiti lang ako sa kanya. “Hoy, bakla, manahimik ka nga. Hindi ka man lang nahiyang mag-ingay dito,” saway naman ng mas matandang bading. “Eh, bakit ba, ateng? Totoo naman ang sinabi ko. Bakla ako pero talagang gandang-ganda ako dito kay ma’am. ‘Nga po pala, ako si Melody at itong balyenang ito ay si Ate Salome,” maarteng sabi at pakilala ni Melody sa sarili at kasama nilang babae. “Grabe namang makabalyena itong negrang bakla na ito,” komento ng babaeng kunwari ay naiinis sa sinabi ni Melody. “Ako naman po si Angel, ma’am. Ako ang in-charge sa hair and make-up mo,” masayang pakilala naman noong mas matandang bading. Masayahin at palabiro silang tatlo kaya kahit saglit ay nakalimutan ko ang kalungkutan ko dahil sa asaran at walang katapusang laitan at biruan nila. “Oh, my gosh! Ang shutiful mo talaga ati!” tili ni Melody nang matapos akong ayusan ni Angel. I stared at my reflection in the mirror, and I am indeed beautiful. “Ang galing mo, mamang Angel,” puri ko sa kanya at pasimple nitong hinawi ang buhok ko palikod. “Ang arte, mabait lang talaga itong si Miss Kristine. At isa pa, dati na siyang maganda kaya kahit ano’ng ilagay mo sa mukha niya, talagang maganda na siya,” pambabara naman ni Melody dito kaya nakatikim siya ng batok at nagtawanan kaming muli. “O siya, magsitigil na kayong dalawa at kailangan na niyang maisuot itong gown,” sabad naman ni ate Salome. “Ay, true. Grabe itong gown mo ma’am gawa pala ni Michael Cinco. At hindi lang isa kung hindi lima ang pagpipilian, bongga!” Excited na sabi ni mamang Angel. Lahat ng gowns ay magaganda at napaka-elegant ng designs lalo na ang nakapaligid na Swarovski crystals at iba pang mahahalagang bato sa mga ito. Pinili ko yung dark blue gown dahil ito ang pinakamalapit sa itim. Pakiramdam ko kasi ay nagluluksa ako at hindi aattend ng party. “Ay ang perfect nitong pinili mo, madam. Bet ko ito kasi siguradong babagay sa malaporselana mong kutis. Grabe, kakainggit ang kinis-kinis mo, wala man lang pores.” Muling papuri ni Melody sa akin. Saktong natapos na sila ay may kumatok sa pinto at nang bumukas ito ay iniluwal nito ang napakaguwapong si Charles suot ang kanyang three-piece Armani suit. Everyone in the room, except me, gasped in admiration to the dashing-looking man in front of us. “Just in time. I think you’re ready.” He said and turned to them. “Will you all please leave us now?” Bigla na namang kumabog ang dibdib ko nang maiwan kaming dalawa sa room. He’s staring at me intently which makes me more uncomfortable. A strong unknown emotion in his eyes darkened his aura. “Why are you staring at me like that?” Hindi ko mapigilang tanong at nag-iwas ako ng tingin dahil sobrang nakalulusaw ang titig niya. “You’re too stunning, Kristine. I’ve never seen a woman as beautiful and striking as you. Even goddess Aphrodite will be ashamed to stand beside you,” he commented seriously. Hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba sa pagkakasabi niya ng mga salitang iyon. “T-thank you,” tipid kong tugon. “I am here to give you something as an engagement gift,” sabi niya at iginiya ako upang maingat na umupo sa harap ng malaking salamin. Then he took out a box with a brand Bvlgari on it then opened it. Isang kuwintas na napaliligiran ng diamonds at ang gitna ay may blue aquamarine heart-shaped diamond. Medyo malaki yung diamond pendant sa gitna kaya sigurado akong napakamahal nito. The brand alone says It all. “I heard your birth stone is blue aquamarine, so I especially asked Bvlgari House to designed it for you on this special day. Better sets will be coming on our wedding day,” saad niya. Dapat ay matuwa ako at maging excited sa mga pinagsasabi niya. Pero pakiramdam ko, habang isinusuot niya sa aking ang kuwintas ay nilalagyan ako ng isang kadena na magkukulong sa akin sa isang mundong kailanman ay hindi ako magiging masaya. I touched the diamond pendant as I sadly said, ‘Thank you’ to him. “Not even a fake smile?” He asked seriously and gripped my shoulders a bit tightly. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago sumagot. “I am sorry, but I am not fake, so I can’t give you a fake smile,” and that’s what I really feel. I decided to be honest with him hoping that he will change his mind and initiate to stop the wedding. “It’s alright. I don’t give a damn as long as you are mine. You can sulk all you want but that won’t change anything. Matutuloy pa rin ang kasal natin at mapapasunod din kita sa lahat ng gusto ko,” maawtoridad na sambit nito at pabalibag na isinara ang pintuan bago tuluyang lumabas. Nagbabadya na naman ang mga luha ko kaya tumingala ako at mariing pinagdikit ang mga labi upang mapigilan ang pag-iyak. Sa buong panahon ng party ay hindi ko lubos maisip kong paano ako naka-survive sa dami ng mga taong kinailangan kong makilala at bigyan ng pilit na ngiti. And the worst part is the interview from some reporters who were evidently not happy with the idea of me marrying the most fantasized bachelor in the country. Well, the feeling is mutual, I thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD