Lumabas na nakasimangot si Charles habang ang head event organizer ay nakangiting sumalubong sa akin upang ihatid ako sa waiting area kung saan ako manggagaling bago lumakad sa aisle. “Ma’am, medyo nabura po ‘yang make-up ninyo, siguro po ay umiyak kayo sa sobrang excitement at saya. Lahat ng bride ganyan. Pero ire-retouch na lang po kayo ng tao ko para umayos po ulit ang looks ninyo,” masayang sabi nito sa akin. Tatanggi pa sana ako kaya lang ayoko namang magmukhang ewan sa harap ng mga bisita kaya tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Nang pumailanlang na ang bridal march ay lalong nilukob ng kalungkutan ang puso ko. Wala sa sariling sumunod lang ako nangg i-guide ako ng isang staff patungo sa puwesto ng mga magulang ko na maghahatid sa akin sa aking groom. They looked very happy an

