Parang ang bilis na lumipas ang tatlong linggo at bukas na nga ang araw ng kasal. Paroo’t parito ako sa loob ng kuwarto ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Hindi pa rin ako makaisip ng paraan para makatakas sa kasalang ito. Then, I remembered one time when Drake told me that if I am really not willing to be married then he would help me. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinawagan ko siya. “Kristine?” takang tanong nito nang sagutin ang tawag ko. “Drake, I need your help. I really do not want to get married. Sabi mo sa akin dati, 'di ba, na tutulungan mo ako kapag talagang buo na ang desisyon kong huwag tumuloy sa kasalang ito?” nagbabakasakaling tanong ko sa kanya. “Of course! But are you really sure about this?” Ramdam ko ang katuwaan sa boses niya. Malamang ay naaawa talaga

