Nang ganap nang makalapit si Charles sa amin ay iniharang ko ang sarili ko sa harap ni Drake. Lalo lamang dumilim ang mukha nito at nagtiim ang bagang sa aking ginawa. Sunod-sunod din ang pagtaas-baba ng dibdib niya na halatang nagpipigil ng galit. Mismong ang mga muscles niya sa mukha at balikat ay nagpapakita ng matinding tensiyon. “H-how did you know that I’m here?” tanong ko habang sinusubukang pakalmahin ang dibdib kong sobrang bilis ang pagtibok. Kahit alam kong madali lang naman para sa kanyang hanapin ako dahil sa lawak at laki ng impluwensiya niya ay gusto ko pa ring makipag-usap dahil nakatatakot ang awra niya ngayon. “It’s a piece of cake,” nakakunot ang noong sagot nito saka muling nagsalita. “At sino itong gagong ito na yumayakap sa iyo? Who gave him the audacity and nerve t

