Dumiretso ako sa kuwarto ko upang kahit paano ay makalayo kay Charles. Nagugulo na ang sistema ko sa mga pinaggagawa at pinaparamdam niya sa akin. Naiinis ako sa kanya pero kapag nagiging intimate na kami ay hindi ko naman mapigilan ang sarili kong magpatianod sa mga ginagawa niya. My body is betraying me beyond my control. At para bang iyong alas sa baraha na ginagamit niya para mapasunod ako. Pagkatapos kong makapagpalit ay pumunta ako sa garahe at pinaandar ang kotse ko. Bago ako sumakay ay napatingin ako sa Red Ferrari na iniregalo niya sa akin noong 18th birthday ko. Sobrang saya ko noong una kong dalhin ito sa school dahil talagang pinagkaguluhan kasi limited edition nga. Ngayon. halos gusto ko na itong mawala dahil ang dating magandang pagtingin ko kay Charles ay biglang nawala na

