Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nakaramdam ng takot nang bigla ko siyang makita at ngayon ay matalim ang pagkakatitig sa akin. “Where do you think you’re going?” Seryosong tanong nito. Pinilit kong pakalmahin ang sarili at pahupain ang pagdagundong ng puso ko bago sumagot. “I am going home,” matatag kong sagot sa kanya. Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya dahil gusto kong ipaalam na hindi niya ako basta-basta masisindak. Hindi ko alam kung ano’ng nakita niya sa akin dahil medyo lumambot ang mukha niya saka bumuntong hininga. “Then let me take you there myself. Hindi ako papayag na mag-taxi ka lang pauwe. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo kapag nagkataon,” sabi niya saka lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Bahagya niya akong hinila dahil hindi ako gumagalaw sa k

