Napasinghap si Kaye nang buhatin ni Dem. Awtomatikong naipalibot niya ang mga braso sa leeg nito. Ramdam ni Kaye ang bahagyang pagtigas ng katawan ni Dem dahil sumiksik siya sa dibdib nito. Ah, ang sarap talaga sa pakiramdam na mayakap ulit si Dem. She thought she could stay that way forever. Naramdaman na lang ni Kaye ang pagsayad ng likuran sa kama pero ayaw pa rin niyang pakawalan si Dem. Napabuntong hininga ito. "Kaye, let go." anas nito. "No..." luhaang anas niya at hinagilap ang mga mata nito. Napasinghap siya ng makatitigan si Dem. Dahil sa pagkakalapit nila, doon niya napansing hindi na dilaw ang mga mata nito. Maiitim ang mga iyon. Normal na mata ng isang... tao. "A-Ano'ng nangyari sa mga mata mo?" takang tanong niya. Nagiwas ito ng tingin. Muli, pinilit niyang hagilapin ang mg

