"PARA KA pa ring may sakit." puna ni Milly kay Kaye dahil tamilmil pa rin siyang kumakain. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang mga natuklasan kay Dem. Mayroon palang mga nilalang na kagaya nito: ascended demons. Naghanap siya ng impormasyon sa internet tungkol doon pero wala siyang nakita. Natural! Mukhang ang lahat ng tungkol sa mga ganoon nilalang ay inalis na. Kunsinuman ang may gawa, hindi na niya alam. Siguradong demon lang din ang may gawa para hindi na siya makapag-summon. Tatlong araw na ang nakakalipas magmula ng magkita sila ni Dem. Pinangatawanan na talaga nito ang mga nangyari kaya hayun siya, nalulungkot dahil hindi na ito nagpakita at nagparamdam. Nagaalala din siya. Kung tao na ito, nakakaramdam na ito ng gutom at pagod. Sino ang nagaasikaso d

