Lucy's Pov
"Himala at nauna pa kami sa'yo rito." bungad ni Kitty habang kumakain ng Takuyaki. Naupo ako sa katabing upuan nito. "Why? Hindi naman traffic ah?" dagdag pa nito. Ibinaba niya ang plastic na mini fork at tinignan ako ng seryoso.
Napatingin ako sa tahimik na si Claire. Nakayuko lang ito sa harapan ng kanyang selpon. Napaubo ako. Mukhang nakuha naman nito ang atensyon niya nang ilapag niya ang aparatong hawak sa lamesa.
Ngumiti ito, "Oh, sorry."
Napailing na lamang ako. "Anyway, do you guys have any idea kung ano'ng gagawin natin sa project?" tanong ko at kinuha ang notepad sa bag ko.
I heard Kitty "tss" sa tabi ko nang hindi ko ito sinagot sa mga tanong niya.
Kilala ko 'yang pinsan ko. Masyado siyang curios sa lahat ng bagay. Kaya nga madalas napapahamak dahil kung saan-saan dinudutdot ang ilong niya. Alam kong hindi siya titigil sa kakatanong sa akin.
I jotted down our own ideas on my pad. Si Claire ang unang nagbigay ng kanyang ideya at sumunod rin si Kitty na halos pinuno ang isang page sa dami ng kanyang sinabi.
"Marami na ba masyado?" tanong nito at ngumisi.
I rolled my eyes. "Pipili tayo ng isa sa-
"Luke," Kitty shouted interrupting me. Kumaway ito sa may likuran ko.
Sinong tinawag niya? Napalingon ako. Luke was standing alone at may dala itong paper bag. Mukhang nag-shopping pa talaga silang dalawa ni Valentina.
"Ba't hindi mo sinabing kasama mo pala ang best friend mo, Lulu?" tanong ni Kitty habang napanguso.
"Oo nga," segunda naman ni Claire at kinuha ang lipstick nito sa maliit niyang bag. "I'm so pale and underdress pa naman."
Napapailing ako sa sinabi nito.
Pale pa siya sa lagay na 'yan? Eh, halos pumutok na nga ang labi niya sa sobrang pula at kung maka-underdress naman ang isang 'to. Mukhang may cheering tournament na nga yata ito sa hapit na suot nito at miniskirt niyang kita pati kaluluwa.
I sighed. Ba't ba pumayag akong maging grupo ang dalawang 'to?
"Are you guys doing your project?" tanong ni Luke nang makalapit sa amin.
Si Kitty at Claire ang sumagot rito. Tahimik lamang akong nagsusulat sa notepad ko. Hindi binibigyan ng tingin ang bestfriend ko.
"Lucy," pagtawag ni Luke sa akin.
Napahinto ako sa pagsusulat.
"Hi," bati ko at ngumiti. Hinanap kaagad ng tingin ko si Kuya Lucas. "Saan na si kuya?" tanong ko.
Mukhang hindi na nito kasama si Valentina.
"Pinauna ko na si kuya." sagot nito. "May hinihintay pa kasi ako."
"I see."
I sighed. Hindi nga nito kasama pero hinihintay niya rin pala.
Napatingin ako rito nang umupo ito sa may tabi ko. Napaangat ang kilay ko. Magaling din 'tong bakulaw at dito niya pa talaga hihintayin si Valentina.
Nakakainis.
"Lulu, masisira na 'yang ballpen mo." saad ni Kitty sa akin.
Gosh. I almost broke my pen.
"Stress ka na kaagad, Lucy?" puna pa ni Claire.
"May nangyari talaga kanina eh." Kitty accused.
I sighed. Pang-ilan ko na 'to ngayong araw. Pinagkakaisahan talaga ako ngayon. Gusto ko ng umuwi at mag-senti sa kwarto ko ng mag-isa. I saw Luke staring at me, looking puzzled.
Malamang, wala siyang ideya kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
"Why are you still following me?"
Napahinto ako sa paglalakad at napaharap sa kanya.
Nairaos ko rin ang group meeting namin nang hindi ako nag-walk out at ngayon ay pauwi na. Si Kitty ay nagpaiwan dahil bibili raw siya ng bagong bikini para sa darating na family gathering namin na gaganapin sa mismong resort nila Kitty.
"Let's go." aniya.
"What?" Naguguluhan kong tanong rito.
Sa halip na sagutin ay hinawakan ako nito sa kamay at tinungo ang elevator.
"San mo ba ako dadalhin?" Napadilat ang mga mata ko. Tinuro ko ito. "Are you k********g me right now, Mr. Vagabond?"
"Of course, not. Kakanuod mo 'yan ng pelikula." saad nito at sumandal.
"Heh. Hindi ko ginagawang reference ang mga napapanuod ko no! Hindi katulad sa iba diyan."
Tinungo ko ang kabilang dulo at sumandal rin dito. Napatingin ako sa taas at sa ground floor ang baba namin kung saan ang parking area ng mall na ito.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makapasok kami sa Jeep nito.
"Fasten your seatbelt." turan nito nang hindi ako kumikimi sa tabi nito.
"No, unless you tell me kung saan tayo pupunta."
Luke sighed. "Mama requested you. Gusto ka niyang makita dahil miss ka na raw nito."
"Did Tita Kas say that?"
"Yup," aniya. "Nagsasawa narin kasi ito sa mga mukha namin ni kuya."
Napatawa ako sa sinabi nito.
"Hindi halatang masaya ka." Luke ignited the engine nang malagay ko na ang seatbelt ko.
"Wait. Hindi pa ako nagpapaalam kina mama at papa."
"I already did."
"Talaga?" I asked. "Buti pinayagan ka?"
"Bakit naman hindi? I'm your one of a kind best friend."
"Right. Best friend." bulong ko sa huling salita.
Hindi ko na ito kinausap pa at pinagmamasdan na lamang ang tanawin na aming nadadaanan. Ngunit napapasulyap rin ako paminsan-minsan sa kanya dahil mahaba rin ang ang oras ng byahe. Baka antukin ito at makatulog.
"Hindi ako matutulog," aniya nang mapansin ang ginagawa ko.
"Alam ko," tugon ko na lamang.
Muli akong napatingin sa labas.
Luke's mom and dad are separated. Naaalala ko pa noong mga bata pa kami. Naglalaro kami ni Luke sa bahay nito nang hindi sadyang makita namin na nag-aaway ang kanyang mga magulang sa sala. Kaya simula rin noong araw na 'yon, sa parke na kami naglalaro ni Luke.
Tahimik si Luke noon at kailanman hindi niya binuksan ang topiko hanggang sa lumaki na kami.
Nabalitaan ko na lang kay mama ang hiwalayang nangyari.
Matalik rin kasi na magkaibigan ang mga magulang namin ni Luke. High school batchmate ang mga magulang namin. Sobrang close rin nila hanggang maisipan nila na maging magkapit-bahay.
Hindi ko alam na posibleng mangyari 'yon sa taong pinakamamahal mo.
I know Tita Kas loves Tito Ruel so much.
Ilang bases na rin namin itong nasaksihan sa tuwing may reunion and batch nila mama. Sobrang sweet ng couple na 'yan. Pero sa likod pala ng mga ngiti ni tita ay may tinatagong pait.
Muling bumalik sa akin ang nangyari kanina.
"Ang lalim yata ng iniisip mo, Lucy?" tanong ni Luke nang huminto kami sa gitna ng daan.
Red light.
"Wala. May iniisip lang."
"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" seryosong tanong nito.
Napatingin ako rito. "Ikaw, Luke? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
Napaiwas ito ng tingin. "Don't answer my question with a question, Lulu."
"Lulu," I smirk. "You seldom call my pet name." ani ko.
Green light.
Muling umandar ang sinasakyan namin. Ayokong tanungin si Luke sa tunay na estado ng samahan na meron sila ni Valentina. Natatakot akong malaman.
Natatakot ako na baka hindi ko kayanin.
I just want to be with Luke.
Kahit na ganito lang.
I don't wanna lose my only best friend.