Lucy's Pov
It's Saturday today.
Umupo ako sa swing at sumandal sa chains nito. Pinanuod ko lamang si Luke na nagpatuloy sa pagtakbo. Walking distance lamang ito sa bahay namin at dito kami palaging nag-jojog tuwing weekends.
"Lucy, you should jog more." Luke exclaimed.
"I'm done, Luke."
I was swinging back and forth as I replied to him after finishing the second to his last lap. He sure has so much energy in the morning. Napasulyap ako sa relos ko at trenta minutos na ang lumipas matapos ang pagpatak ng alas-singko.
Ilang saglit pa ay natapos narin ito. Inabot ko sa kanya ang tumbler nito at kaagad naman siyang lumagok rito. Pinagpatuloy ko lang ang pagduyan sa sarili. Iniisip kung saan kami magkikita nina Kitty at Claire mamaya para sa group activity namin.
Nagulat ako nang bigla na lang bumilis ang pagduyan ko. Iyon pala ay nasa likuran ko na si Luke at nasisiyahan sa kanyang ginagawa.
"Stop," saad ko. Pero patuloy parin ito sa pagtulak sa akin.
"Why? You broke your promise at ito ang parusa mo." aniya.
Nararamdaman ko na ang sikmura kong masusuka at lumingon ako ng marahas. Matalim ko itong tinitigan.
"Ititigil mo o makakatikim sa akin?" pagbabanta ko sa malamig na boses.
Luke just grinned. I sighed. Man, I really hate this side of him. Naglalakad lang ako ng diretso at hindi binigyang-pansin ang bakulaw na panay hingi ng sorry sa likuran ko.
Nakakahiya sa ibang mga kapit-bahay. Ang aga-aga gumagawa na kami ng eksena.
"Sorry," he whispered.
Napahinto ako. "Stop saying sorry." nanggigigil kong wika. "The damage has already been done."
Nagkamot ito ng batok. "I know. Still, I'm sorry."
I rolled my eyes. "Whatever, Luke."
Pumasok na ako sa gate namin ng hindi siya nililingon. Sobrang childish niya. I almost lost all my strength earlier at muntik na talaga akong masuka.
Nakakainis.
"Ang pangit mo kapag nakasimangot,"
Napaangat ako ng tingin at inilapag ang sapatos sa lagayan nito. Nakangiti ang papa sa may isla ng kusina habang nakasuot ng apron.
"Pa naman," pag-angal ko.
Tinungo ko ang kusina para uminom ng tubig. Naubos ko kasi kanina sa kanya. I sighed. Hindi ko rin sana gagawin 'yon pero hindi siya nakinig.
He made me do it.
"Nag-away na naman ba kayo ni Luke?" saad ni papa at pinagpatuloy ang pagluluto ng sunny side egg.
Napaupo ako at napangalumbaba. "Luke is acting childishly again, pa."
Napa-aha si papa na tila ba alam na nito ang nangyari. "Really? Ano na namang ginawa niya this time?" natutuwang tanong nito.
"Dinuyan ba naman ako ng sobrang bilis."
Ngayon, napahalakhak na talaga si papa. Nakasimangot lang akong nakatingin sa kanya. Kakampi ko ba talaga 'to? Mukhang natutuwa pa siya sa ginawa ng bakulaw na 'yon.
"Let me guess sa ginawa mo," saad nito at inilagay ang itlog sa babasaging pinggan. "You threw your water on him."
Napanguso ako.
"Hahaha. Wala parin talaga kayong pinagbagong dalawa." wika ni papa at inilapag sa harapan ko ang agahang hinanda nito. "Pareho parin kayong ang titigas ng mga ulo. Walang nagpapatalo sa inyong dalawa."
"Siya naman ang nauna." turan ko.
I took the fork at marahas na tinusok ang hotdog.
Napapailing na lamang si papa sa akin. After finishing my meal, umakyat kaagad ako sa aking silid para magpahinga. Pabalibag kong tinapon ang sarili sa aking kama.
Napatitig ako sa kisame kong napupuno ng mga bituin. Luke custom made it after finding out na hirap akong makatulog sa gabi. He also gave me a dreamcatcher na siya rin mismo ang gumawa.
Kinuha ko ito at tinitigan.
I felt bad.
Nabasa ko tuloy siya kanina. Napasampal ako sa aking noo nang ma-realize ang ginawa kong kahangalan.
I'm so stupid.
Kakatakbo lang nito at binasa ko pa.
Great, Lucy. Just great.
Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto ngunit natigilan ako ng makita si Luke at papa na masayang nag-uusap sa sala.
Napansin naman ako ni papa.
"Sabi ko sa'yo eh. Late realization talaga 'tong si Lulu." aniya.
"Pa," pag-angal ko.
Nakakahiya naman 'tong si papa. Parang hindi ako ang anak kung makapagsalita ng ganyan. Napatingin narin si Luke sa akin at ibinaling ko lang ang tingin sa ibang bagay.
Nahihiya na tuloy ako.
"Bilisan mo at kanina ka pa hinihintay ng bestfriend mo, Lulu." saad ni papa. "Oh siya, maiwan ko na kayo at pupuntahan ko lang ang Casa."
"May nangyari po ba?" tanong ko at nagmamadaling bumaba ng hagdanan.
Napangiti si papa. "Wala. Na-miss ko lang mga empleyado natin doon. Gusto ko lang silang kamustahin."
"Ganun po ba."
"Oo, at dadalawin ko narin ang mama mo sa hospital. Baka nagpapalipas na 'yon ng gutom."
Napatango ako. "Mag-iingat ho kayo, papa."
Hinalikan lamang ako sa noo ni papa at nagpaalam na ito sa amin. Naiwan kaming dalawa ni Luke at sobrang nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin. Walang gustong mauna.
"Sorry,"
"Sorry,"
Nagkatinginan kaming dalawa at daling ibinaling ang tingin sa magkaibang direksyon. Ano ba 'yan. Ba't sabay pa talaga kami?
"I didn't.."
"I didn't.."
Deja vu. This time walang nagbitaw ng tingin. Luke smiled.
"Ladies first," aniya.
Napangiwi ako. "No, you first. Ikaw naman talaga ang nag-umpisa nito."
Umupo ako sa kaharap na sofa at tinaasan ito ng kilay. Naghihintay sa kanyang sasabihin. Luke sighed na parang hindi niya inaasahan na ganito na lamang ang naging reaksyon ko.
Why? Ako pa ngayon ang mali?
"Alright. I'm sorry," panimula nito. "I didn't mean to hurt your feelings sa ginawa ko kanina. It was supposed to be a sweet gesture dahil ganun ang ginagawa nila sa movie."
"Movie?"
Napakamot ito ng kanyang batok. Siya rin ay hindi sigurado sa kanyang sinabi. Dahil rito ay napatawa ako.
"Sabi ko na," bulong nito.
Pinahiran ko ang nangingilid na luha sa aking mata. "Did you just copy the movie?"
"In an attempt to put a smile on your face." aniya.
Napailing ako. "That sounds so corny, Luke."
"I know. Alam kong ganito rin ang magiging reaksyon mo."
He sighed once more.
I smiled at him.
"You really did surprise me, Luke. I can't imagine myself not knowing this side of you. Ako na bestfriend mo? Of course, dapat alam ko 'to." saad ko at ngumiti sa kanya. "The gesture is now highly appreciated. Sorry if it's too late, Luke."
Luke smiled pero may something sa mga ngiti nito ngayon. Parang pilit.
"Glad you realize it." he replied.
Nah. Maybe, I'm just seeing things.
Umuwi narin si Luke nang tumunog ang selpon nito. May lakad raw ito kasama ang kanyang Kuya Lucas. Mukhang dadalawin na naman nila si tita.
Nag-ayos narin ako at nagtipa ng mensahe kay Kitty. Ako na ang mamimili ng lugar na pagkakakitaan namin para pag-usapan kung ano ang gagawing presentasyon sa linggong parating. I also contacted Claire.
I know na sobrang kahinaan ko talaga ang unang magsalita o bumuo ng pasya. I'm always the receiving end, the follower. I don't really like socialising dahil narin siguro sa traumang inabot ko noon. I became aloof at kinakausap lamang ang mga taong malalapit sa akin.
Kunti lamang ang kaibigan ko pero lahat sila ay totoo. Ngayon lang ulit ako nag-initiate ng ganito.
Ayokong magsisi na hindi ko ginawa ang best ko.
So, I always make sure I'll fight before giving up things without even trying.
I know I've said that. Pero mukhang may mga bagay talagang kailangan mong bitawan. Only because it is out of your league.
I sucked the air at bumalik sa aking dinaanan. Dumiretso ako sa cr ng mall at tinungo ang isang cubicle. I lock it at umupo sa toilet cover.
What did I just see?
I thought magkasama sila ngayon ni Kuya Lucas? Bakit si Valentina ang kasama nito?
Did I miss something?
Luke.