Chapter 3

1116 Words
Lucy's Pov I took a deep breath and exhaled it slowly. I feel so alive. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. My heart beat is faster than before. The adrenaline is rushing and wreaking havoc in my system but it felt good. I felt good. I may not be as sporty as other girls but I'm regularly exercising with my best friend. I smiled at the memory. Of course, hindi ako pumayag nung una. I am not really a morning person at ayokong gumising ng maaga para mag-jog lang sa park. I better sleep till noon. That's the person I am. Luke will never let me though. He kept on nagging me all day long. He even bribed me just to do it. Nagtagumpay naman ito sa kanyang plano at tuwing weekends kami tumatakbo sa park. After nun, tinuturuan niya rin ako ng basketball. We had so much fun, kahit kami lang dalawa sa park. I sighed. Nang matapos makapagbihis ay lumabas na ako ng locker room. All eyes on me. May kakaiba ngayon, wala na akong narinig na bulungan. Nakatingin lang sila sa akin. Inayos ko ang salamin na suot at lumabas ng silid. Nakita ko si Luke na nakaupo sa isa sa mga benches. Napaangat ito ng tingin at kumaway sa akin. I waved back at dumulog sa kanya. "Hi," bati ko at umupo sa tabi nito. "Great job, Lucy." aniya habang nakangisi ng malaki at ginulo ang buhok ko. "You should be proud." Tinabig ko ang kamay niya at ngumiti. "Small things," "Aba-aba," saad niya. Napatawa ako at sinuntok ito sa kanyang braso. "Wanna grab some lunch?" alok nito sa akin. Biglang tumunog ang tummy ko. Napangisi lamang si Luke. "Guess, Im hungry," saad ko at nauna ng maglakad palabas ng gym. Narinig kong sumunod ito sa akin. Napangiti ako ng lihim habang hawak ang strap ng backpack ko. I'm happy. Pumili na ako ng bakanteng lamesa habang si Luke naman ang nagpresentang pumila. He says he'll treat me dahil hindi ko siya binigo at naipanalo ang laro kanina. Napatingin ako sa paligid. We're in cafeteria C. Dito ang kainan para sa juniors and seniors' students. Napansin kong kunti pa lang ang nandito ngayon. Mukhang hindi pa yata tapos ang ibang klase. "Hi, are you Miss Sincerely?" tanong ng isang babae na may maliit na buhok. She also has freckles in her face and dimples. Tumango lamang ako sa kanya habang ginagalaw ang mga daliri ko sa lamesa. Biglang lumiwanag ang mukha nito. "Ikaw ba talaga 'yan, Lucy?" "You know me?" nagtataka kong tanong. Pinagdapo ko ang mga palad at sumandal sa upuan. Tumango ito at umupo. "Ako ito, si Jenny." nagagalak na pagpapakilala niyo. "Jenny?" Nagulat ako nang paluin niya ako sa braso ko. Napaangat ang kilay ko. "Sorry, sorry." paghingi niya ng paumanhin. Napaubo lang ako. "Hindi mo ba ako naaalala? Summer? Beach." wika pa nito. Napatitig ako sa kanya. I don't really- Natigilan ako nang bumalik ang nangyari noong summer break. Awtomatikong hinanap ng paningin ko si Luke na kasalukuyang pinakain ng pera ang vending machine sa gilid. Lumingon ito at nagtagpo ang aming paningin. He smiled sweetly. Pinamulahan ako ng pisngi. I immediately wiped the memories off my mind at binaling ang tingin kay Jenny. "I remembered you." mahina kong saad. "Really? Akala ko nakalimutan mo na ako." pag-aalala niya. "Dito ka rin pala nag-aaral?" I asked to change the subject. "Nah, may dinalaw lang ako sa seniors." sagot nito. "Sige, maiwan na kita. Pasensya na sa disturbo." "It's okay." saad ko. Tumayo ito. "Nice to see you again, Lucy." Yumuko lamang ako bilang tugon at hinatid ito ng tingin. Umupo ito sa may dulong bahagi ng cafeteria kasabay ng mga cheerleading squad. Napansin ko si Claire at tumango ito sa akin saka binaling ang tingin sa mga kasama. "Are you okay?" tanong ni Luke at inilapag ang tray ng mga pagkain. "I'm fine. I'm just hungry." I answered at kinuha ang spicy chicken with brown rice. Luke just smiled at binigay ko rin ang pagkain niya. Tahimik kaming kumakain habang unti-unti ay napupunan narin ang mga bakanteng lamesa. Umiingay narin ang paligid at may paparating na sakuna. "Hi, Luke." bati ni Valentina na abot hanggang langit ang ngiti. Hindi sumagot si Luke bagkus ay nagpatuloy ito sa kanyang pagkain. Pero mukhang wala yatang pakiramdam si Valentina at inimbitahan ang sarili na umupo sa pagitan namin habang hindi naalis ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy rin sa pagkain. Pero iba si Luke, he dropped his spoon and wiped the sides of his mouth using the handkerchief I bought for him. "Look, we're eating our lunch. You're not invited here, Valentina." he said it with a straight face. I almost choke on my food. Valentina giggled. "Alright. Sorry about that. Let's just meet later." Napaangat ang kilay ko sa sinabi nito. Ngayon, napatigil narin ako sa pagkain. Tumayo ito at pa-simpleng hinaplos ang nakakuyom na kamay ni Luke. Umalis na ito at naglakad sa dulo. Maraming mga matang nakatingin rito. She's a queen bee after all. "Sorry," Luke murmured. "For what?" saad ko. "I'm done. Let's go?" Tumayo na ako at naunang lumabas ng cafeteria. Luke and I are walking side by side in the hallway. Wala naman akong klase at mamayang alas-tres pa ng hapon ang susunod kaya naisipan namin na pumuntang oval. Luke also has no more classes this afternoon dahil may inaasikaso ang adviser nila. "I heard umuwi na si tito?" wika niya nang maupo kami sa isa sa mga steel benches sa ilalim ng mayabong na puno ng Narra. I sighed. "Yup. Kaso, isang linggo lang siya dito kasi pinapabalik na siya ni Jitter para sa closing ceremony ng conference." Napatingin ako sa mga naglalaro ng baseball sa field. Sobrang layo nung hampas ng unang player at ngayon ay sobrang bilis ng kanyang takbo every base hanggang sa nahinto ito sa ikatlong base. Muntikan na. "I see." "Luke," I called nang hindi inaalis ang tingin sa field. Luke hummed. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Ilang segundong katahimikan ang namutawi sa amin. Tumakbong muli ang player at naghiyawan ito ng maka-home run sila. "I'm sorry," Napatingin ako kay Luke. Seryoso itong nakatingin sa akin. Parang pakiramdam ko maiiyak na ito sa harapan ko ngayon. Nginitian ko ito at niyakap. "Kung ano man 'yan. Gusto kong malaman mo na nandito lang ako. At kahit na ano pa 'yan, kakampi mo ako." Naramdaman ko ang pagtango nito nang ipahinga niya ang mukha sa balikat ko. Mas lalo pa nitong isiniksik ang mukha na mas lalong nagpatibok ng puso ko. I am hoping na hindi niya narinig ang pagtambol nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD