The job

2184 Words
Huminto kami sa isang nakasarang pinto at nakita kong bahagyang kumatok ang lalaki sa pinto, bago ito buksan. Nang akmang papasok na kami ni Kristen ay hinawakan ko siya sa kamay, kaya napalingon siya sa gawi ko. "What?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Y-You can't betray me, right?" sabi ko at nakaramdam ng kakaibang takot sa buo kong katawan. Napakuno't noo siya, matapos ko iyong sabihin. "Ano bang sinasabi mo? Oo naman, bakit ba parang natatakot ka?" saad niya at tila natatawang nakatingin sa akin. "Iniisip ko kasi, na b-baka ibebenta mo ako eh. Alam kong alam mo, kung anong klaseng lugar ito," wika ko. Napatitig siya sa akin saglit, at mayamaya pa ay bahagyang tumawa. "W-What? Haha! Anong ibebenta? Ikaw? Haha! Umayos ka nga, Oo alam ko kung anong lugar ito at mas lalong hindi kita ibebenta. Huwag ka ngang mag isip ng kung ano-ano diyan. Trust me, okay?" natatawang sabi niya sa akin. Alanganin akong ngumiti sa kanya at tila ba nabawasan ang kaba ko. Oonga naman, bakit nga ba niya ako ibebenta..eh kilala ko ang lukaret na ito. Hays! Umayos ka nga, Khez! "O-Okay, I trust you," tugon ko. Napangiti siya at tumango sa akin. "Ganoon naman pala eh, halika na para makausap na natin si Tita Laura," sabi niya at hinila na ako papasok sa loob ng silid. Pagkapasok namin ay nakita ko ang lalaking kasama namin kanina na nakatayo sa gilid ng pader. Doon ko rin napansin ang isang nakatalikod na babae, habang tila may kausap sa phone. "Don't worry, Sella, makakahanap rin ako. Actually, may napapusuan na ako at kailangan ko munang kausaping mabuti. Oo, this week, okay, bye." Nakita kong ibinaba niya ang kanyang Cellphone at bumaling sa gawi namin. Napangiti agad siya nang makita kami. "Hai Tita!" bati ni Kristen at humalik sa pisngi nito. "Kristen, mabuti naman at dumating ka na. Oh, siya ba ang tinatukoy mong kaibigan?" sabi nito nang mapatingin sa akin. "Yes, Tita.. nakita niyo na ang picture niya di ba? So, what do you think?" nakangiting sabi ni Kristen habang nakatingin sa akin. Naiilang naman ako sa kakaibang tingin sa akin nito. Para bang sinusuri ang buo kong katawan, kahit pa may suot akong damit. Inaamin ko namang maalaga ako sa katawan, biniyayaan rin ako ng katamtamang hinaharap at maging ang tangkad ko na 6ft. Mas matangkad nga ako kay Kristen at ilang beses na rin akong nasali sa pagent noong highschool, pero ngayong college na ako ay hindi na ako sumasali. Ewan, na-fucos na ako sa pag aaral para makatulong sa pamilya ko. "Hmmm, you really have a taste, ija. Hindi ko alam na may kaibigan kang ganito ka tangkad at kaganda. Pweding-pwedi siya, ano nga ulit ang pangalan mo, ija?" sabi nito sa akin. Naiilang akong ngumiti, bago sumagot sa kanya. "Ahm, Khezyene Emarie, pero pwedi na ring, Khez," pakilala ko sa kanya. Tumango-tango at naglakad palapit sa akin. Umikot siya habang sinusuri ako, kaya bahagya akong napatingin kay Kristen na nakangiti lang na pinagmamasdan kami. "I really like you. Sigurado akong magugustuhan ka ni Sella at ng magiging employers mo kung sakali," sabi nito sa akin. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. "E-Employers?" "Oh! Let me explain everything, but, first.. can I see you nake body? Just to clarify something? Kahit iwan mo lang ang panloob mo, gusto kong makita nang mabuti ang balat mo," sabi niya sa akin. Napakurap ako at hindi makakilos sa kanyang sinabi. Tinutukoy niya bang maghubad ako nang damit para makita ang katawan ko? Hell no! Bahagya pa akong napasulyap sa lalaking kasama namin, bago sa kanya. "Why would I do that? Kung iniisip mong gagawin ko iyan, pwes nagkakamali ka. I'm finding a decent job, not like this," seryoso kong sabi sa kanya. Natigilan naman ito at napatingin kay Kristen. Nakita ko naman ang naging reaksyon niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat. "Girl, I know what you're thinking., But I promise you will never do such things like that. Let her explain first and make a deal. She will never force you to work with them. It's up too you, if you want, but, let's hear her first," paliwanag sa akin. Seryoso akong napatitig sa akin at nakikita ko ang pagiging determinado niya na hayaan kong magpaliwanag si Ma'am Laura. Kaya naman, napabuntong-hininga ako at tumango. "Okay, I want to know what kind a jod they will offer too me. But, I will never undress myself," saad ko. Napatango si Kristen at bumaling kay Ma'am Laura. "Okay, I will explain everything. Have a sit," sabi niya sa amin. Kaya magkatabi kaming umupo ni Kristen. "I apologize for what I've said earlier. Sinabi na sa akin ni Kristen ang lahat tungkol saiyo at tulad niya, ay ayokong mapasok ka sa ganitong trabaho sa lugar na ito. I have a business partner, they are finding some young and beautiful woman like you to become thier model. Iba ito sa nakikita niyo sa T.V na mga modelo ng kahit anong brand ng damit o advertisement. This job, is for a private sectors, to those billionaires who want to have a lady beside them every event they went. You will be their dates and entertain them. It's up to you, if you want to sleep and make them satisfied the night. But of course, that's not a part of your job," paliwanag niya sa akin. Tila nabingi ako sa kanyang sinabi at pilit na iniintindi ang mga iyon. Ngunit, isang bagay lang ang nabuo sa isip ko. Kung ganoon, hindi rin iyon nalalayo sa mga babaeng nagtatrabaho dito sa club. Model? Bakit magiging Model ang dating no'n? "I don't understand, paano mo masasabing modeling iyon? Eh, hindi naman ata nalalayo iyon sa mga babaeng sumasama sa costumers nila sa labas," kuno't noo kung sabi sa kanya. "Oo nga no?" sang ayon naman ni Kristen na tila pareho kami nang iniisip. "You can say that, but, it's really different. Kapag nakuha ka at naging isa sa mga bagong Modelo ni Sella—ng kaibigan ko. Malaki ang posibilidad, na malaki rin ang kikitain mo. Dalawa lang ang posible mong maging trabaho. Be a girl model in Casino's or be a girl with a lucky bet. When you become a model in Casino's, all you have to do is to work like a model and dance infront of them. That's your only job and no one dare to touch you there. You are safe, because those people who tried to touch the employees will die. Get that?" paliwanag niya at wala sa sariling napatango ako sa kanyang sinabi. Nalilito ako pero pilit ko paring iniinti. Gusto ko munang malaman ang lahat, bago mag desisyon kung kaya ko bang pumasok sa ganoong trabaho. "What about the other one?" narinig kong tanong ni Kristen. "The other one is, those girls who have high standards and most attractive will be held in an auction. Some people will by you in a high rate of money just to be with then in one night. As I've said earlier, it's up to you if want you to have an intercourse with your client. But, it's not a part of your job and if they tried to touch you without your consent. They will die. You will be with them in a few hours. It depends on your boss, who will give the time," muling paliwanag niya. Napalunok ako. Tama nga si Kristen, this job is too risky. Kaya ko nga bang gawin iyon? "Can I ask something, Tita? You said that, if the client touch the employees without their consent, they will die. Why? Malalaman ba nila kung anong gagawin ng client?" kuno't noo'ng tanong ni Kristen. Oonga no? Mamamatay? Paano? "Oh in that part, I don't have a right to say something. Ang magiging trabaho lang ang pwedi kong sabihin sa inyo. Ngunit, alam ko na kapag nakapasok ka sa kanila, Khez ay hindi nila hahayaang mapahamak ka. Mabait si Sella, at talagang aalagaan ka niya. Basta magaling ka lang dumiskarte sa trabaho mo," nakangiting paliwanag niya. Nagkatinginan kami ni Kristen, na bahagyang tumango sa akin. Ngunit, hindi ako makapagdesisyon agad. Nagdadalawang isip ako sa maaaring mangyari, kapag nakapasok ako. Baka mamaya ay mapapabayaan ko ang pag aaral ko. "Alam mo namang nag aaral ako. Kaya ba nilang pagbigyan ako ng oras sa trabaho?" tanong ko. "Don't worry, kapag buo na ang desisyon mo ay ipapaliwanag ko kay Sella ang tungkol sa sitwasyon mo. Sa ngayon, ay ayoko munang pilitin ka. Pag isipan mo munang mabuti at heto, tawagan mo ako kung handa ka na," nakangiting sabi niya at binigyan ako ng calling card. Napatingin ako doon, saka tumango sa kanya. "Okay, pag iisipan ko," sabi ko sa kanya. Matapos namin makausap ni Kristen si Ma'am Laura ay umalis na rin kaming dalawa. Pareho kaming tahimik at tila iniisip kung ano ang pweding maging desisyon ko. Ngunit, desidido pa rin akong makahanap ng trabaho at kung ligtas nga ako sa trabahong iyon ay baka pumayag na ako. Subalit, kailangan ko pa ring isiping mabuti iyon. Hindi na ako naihatid ni Kristen sa bahay namin dahil bigla siyang tinawagan ng Mommy niya. Kaya naman sa park na lang ako bumaba ng kanyang sasakyan upang makapag isip pang mabuti. Hinayaan naman niya ako. Tahimik akong nakaupo sa isang tabi at paulit-ulit na napabuntong-hininga. Napatingin ako sa aking relo at nakita kong alas-dose na ng hapon. Saglit lang ay napagdesisyonan ko nang umuwi na. Bumili lang ako ng pagkain na ipapasalubong ko kina Mama at nang papara na ako ng jeep. Nagulat na lang ako, nang may humintong tatlong naka-motor sa harapan ko. "Hey! Ms. Beautiful!" Natigilan ako. Hindi ako pweding magkamali, ang mga lalaking ito ang laging bumabalik sa coffee shop upang pagtripan ako. Tsk! Ang malas ko naman at nakita pa nila ako. Napahigpit ang hawak ko sa aking dala at bahagyang napaatras. Kakaunti lang ang taong dumadaan, dahil masyadong mainit ang araw. Hindi ko alam kung may nakapansin ba sa mga ito, na bahagyang bumaba sa sakay nilang motorsiklo para lapitan ako. "Hinahanap ka namin sa coffee shop, at ang sabi nag resign ka na raw, bakit naman? Alam mo namang natutuwa kami kapag nakikita ka namin eh, haha!" sabi ni Raven, ang siyang tila pinuno nila. Nalaman ko lang rin ang pangalan niya, dahil iyon ang tawag sa kanyang ng kanyang mga kasama. Ang iba naman ay hindi ko kilala. "Ano namang pakialam niyo kung nag resign ako? At pwedi ba, tigilan niyo na ako. Masyado kayong nakakaabala," seryoso kong sabi sa kaniya at mabilis na tumalikod. Ngunit, mabilis rin nilang naharangan ang daraanan ko. "Ang init naman naman ng ulo. Mas lalo ka tuloy gumaganda, haha! Ano, sama ka na muna sa amin para makabawi ka, dahil alam kong naiinis ka na sa amin. For sure, mag e-enjoy ka," nakangising sabi muli ni Raven. Mariin akong napatitig sa kanya. "Wala akong oras para sa kalokohan niyo, kaya padaanin niyo na ako," sabi ko sa kanya. Ngunit, bigla akong hinawakan ng kanyang kasama, pero agad rin niya akong nabitawan nang malakas kong binawi ang kamay ko. Ngunit, dahil sa ginawa ko ay sila ng lahat ang humawak sa akin. "Ano ba! Bitawan niyo ako!" Hinawakan ako ni Raven sa aking pisngi at marahang hinaplos, ngunit agad ko rin binawi ang aking mukha at inilayo sa kanya. "Ikaw naman, saglit lang naman eh. Ipagtitimpla mo lang naman kami ng kape, o kung gusto mo ipagtitimpla ka namin ng gatas mula sa amin," nakangisi niyang sabi sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. "Ang bastos mo! Bitawan niyo ako, ano ba!" sigaw ko sa kanila at pilit na nagpupumiglas sa hawak nila sa akin, ngunit, tila mas natutuwa sila sa ginagawa nila sa akin. Habang abala sila, maging ako sa pagpupumiglas ay pareho kaming natigilan.. nang may biglang pumutok. Sabay kaming napatingin sa gawi, kung saan naroon ang mga motor nila. Nakita ko kung paano nawalan ng hangin ang isang gulong ng motorsiklo na dala nila. "s**t!" agad na sambit ni Raven at nilapitan ang motor. Napatingin ako sa isang itim na kotse na bahagyang huminto sa tapat ng kanilang mga motorsiklo, lalo na sa isang lalaking nakatingin sa gawi namin na nasa loob nito. Deretso itong nakatingin sa amin, o di kaya sa akin. "s**t! Anong ginawa mo!" galit na sambit ni Raven at akmang lalapit sa lalaki na nakasilip sa bintana ng kotse. Ngunit, pareho kaming nagulat ng biglang umabante ang kotse at binangga ang nakaparada nilang mga motorsiklo. Sabay na bumitaw sa akin ang mga kasama ni Raven upang tulungan ito, na bahagyang natumba dahil sa ginawa ng driver ng kotse. "T*rantado ka ah!" sigaw ng kanyang mga kasama at akmang susugod. Ngunit, bigla rin silang napahinto ng may hinagis ang lalaki sa kanila, sabay alis nito. Nakita ko pa kung paano siya tumingin sa gawi ko, na naging dahilan upang matauhan ako sa nangyari. Mabilis akong umalis doon upang makalayo kina Raven, dahil baka balikan nila ako sa nangyari. Ngunit, sino ang lalaking iyon? Tinulungan niya ba ako? O sina Raven ang puntirya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD