bc

Fall to a Sadist Mafia

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
badgirl
kickass heroine
independent
gangster
twisted
bxg
realistic earth
betrayal
school
like
intro-logo
Blurb

Sa kagustuhang makatulong ni Khezyene sa kanyang pamilya ay minabuti niyang maghanap ng part-time job, habang nag aaral siya sa kolehiyo. Tinulungan siya ng kanyang kaibigan at nagkaroon siya ng trabaho. Malaki ang kita at talagang matutulungan niya ang kanyang pamilya. Ngunit, sa kanyang napasok na trabaho ay hindi niya aakalain na makikilala niya ang isang lalaking magpapahirap sa kanya. Si Zucchini. Isang kilalang bilyonaryo at may ari ng malalaking Casino. Ngunit, bukod sa pagiging bilyonaryo nito ay malalaman niya ang isang lihim nito, na naging dahilan upang matali siya nang tuluyan sa mga kamay nito.

Makakalaya pa kaya siya, kung nais nitong bilhin maging ang buhay niya?

chap-preview
Free preview
Khezyene
Teaser.... "Hindi naman siguro mahirap ang pinapagawa ko saiyo di ba? Kaya gawin mo na at nang makaalis ka na sa harapan ko" seryoso niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanyang ginagawa sa akin. Inutusan niya akong lagyan ng rosas ang kama, habang nasa tabi niya ang babaeng nakangisi sa akin ngayon. Napayuko ako at ginawa na lang ang inutos niya sa akin upang makaalis na ako sa kwarto. Nang magawa ko iyon ay walang salita akong naglakad palabas, ngunit, natigilan ako nang maramdaman ang paghila niya sa aking buhok. Naramdaman ko ang sakit dahil sa ginawa niyang iyon. "Sa susunod na uutusan kita ay umayos ka," mariing sabi niya sa akin at tinulak ako palabas ng pinto saka iyon isinara. Hindi ko na mapigilan ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa ganito, nitong nakaraang araw lang ay ang lambing niya sa akin at sinasabi kung gaano ako kamahal. Ngunit ngayon ay biglang nagbago ang lahat. Tila ba inaalipin niya ako sa di ko malamang dahilan. Ano bang dapat kong gawin, gayong hindi ko alam kung paano pa makakalaya sa kulungang binigay niya sa akin. "Kaila, dalawang buwan na kayong hindi nakakabyad ng renta, alam mo namang kailangan ko rin ng pera para sa pagpapaaral ng mga anak ko.." "Dina, pasensya na talaga, nagkasakit kasi si Bunso kaya nagamit namin iyong pera. Iyon na rin ang huling sahod ni Ricky, kaya hindi ko maipapangako kung makakabayad ako saiyo ngayon." Napabuntong-hininga ako, nang marinig ko ang sinabi ng aking ina kay Aling Dina; ang may ari ng bahay na inuupuhan namin. Pababa ako ng hagdan nang marinig ang pag uusap nilang iyon at heto nakatingin sa kanila. Nakita ko ang naging reaksyon ni Aling Dina sa sinabing iyon ng ina ko. Makikitang dismayado ito at tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Mama. Mabait naman siya at kaibigan siya ni Mama. Ngunit, pagdating sa renta ng bahay at sa pera ay talagang nag iiba ang kanyang ugali. "Naku naman, Kayla, alam mo rin na kailangan ko ng pera. Baka naman pwedi mong gawan ng paraan, na makabayad ka sa akin ngayon," napapailing na sabi nito sa aking ina. Muli akong napabuntong-hininga at naglakad palapit sa kanila. Bago pa makapagsalita si Mama ay nagsalita na ako. "Ako na pong magbabayad, Aling Dina," sabi ko sa kanya at bumaling kay Mama, saka ako ngumiti sa kanya. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha dahil sa sinabing kong iyon. Muli akong bumaling kay Aling Dina at nakita kong tila nabuhayan ng loob ang kanyang mga tingin sa amin. Ngumiti ako sa kanya at may kinuha sa bag na dala ko. Kinuha ko ang halaga ng pera na ibabayad ko sa kanya, saka ko ito ibinigay. "Ayan ho, at mag a-advance rin kami ng isang buwan," nakangiting sabi ko sa kanya. Agad niyang tinanggap ang pera at nagpasalamat sa akin. "Naku! Mabuti na lang at mabait itong si Khez. Sige ha? Mauna na ako at nang maihabol ko ito sa tuition ni Dylan," sabi nito at nagpaalam na sa amin na umalis. Nang makalabas na siya ng bahay ay naramdaman kong hinawakan ni Mama ang aking kaming kamay. Kaya napatingin ako sa kanya. "Saan galing ang perang iyon, Khezyne?" kuno't noo'ng tanong sa akin ni Mama. "Sweldo ko ho iyon ng isang linggo sa pinagt-trabahuan kong coffee shop malapit sa school namin," nakangiting sabi ko sa kanya. Mas lalo siyang napakuno't noo sa sinabi ko at naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya. Oonga pala, ako nga pala si Khezyene Emarie Mendez; 20 years old at isang 4rth year college. Simple lang ang buhay at nakakaraos kapag masipag sa araw-araw na ginagawa. Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid at nasa highschool pa ang dalawa kong lalaking kapatid. Actually, hindi alam ni Mama ang ginagawa ko, lalo na sa trabaho ko sa coffee shop. "Nag t-trahabo ka? Paano ang pag aaral mo? Baka mamaya napapabayaan mo na iyan dahil sa trabaho mo. Alam mong pinagsisikapan namin na makapag aral ka at makapagtapos, para naman ikaw na ang magpapaaral sa mga kapatid mo kapag may maayos ka nang trabaho. Khezyene naman!" aniya at napatayo bigla sa harapan ko. Napakamot na lang ako sa aking pisngi, habang umiiwas nang tingin sa kanya. "Kaya kong tiisin lahat, Khez, alam mo iyan! Ikaw ang inaasahan ko sa mga kapatid mo!" "Kai? Bakit ba ang ingay mo? Ano iyong naririnig ko?" Napatingin ako sa biglang pumasok sa pinto at nakita ko si Papa na may buhat-buhat na inuming tubig. Inilapag niya iyon at nagtatakang nakatingin sa amin ni Mama. "Itong anak mo, nagt-trahabo na pala nang hindi natin nalalaman," sabi ni Mama kay Papa. Kaya napatingin sa akin si Papa. Alanganin akong ngumiti sa kanya. "Totoo ba iyon?" kuno't noo niyang sabi sa akin. "Okay, relax lang kayong dalawa. Yes, I'm working, but it doesn't mean..na pinapabayaan ko ang aking pag aaral. Nag p-part time job ako para makatulong sainyo. Kaya sana huwag niyong masamain ang hangarin kong makatulong. I have a lot of time to study, but, I want to help you too. So, sana pagbigyan niyo ako sa diskarte ko, please?" paliwanag ko sa kanilang dalawa. Hindi sila nakapagsalita at bahagyang nagkatinginan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at mayamaya ay narinig kong napabuntong-hininga si Mama at nilapitan ako. "Okay, pero sigurado ka ba sa gagawin mo? Baka mamaya mahirapan ka at di kayanin ng katawan mo," nag aalala niyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Huwag kayong mag alala, Ma, Pa, kakayanin ko rin lahat para sa pamilyang ito," nakangiting sabi ko sa kanila. Nakita kong pareho silang ngumiti sa akin at bigla akong niyakap. "Ikaw talaga, ingatan mo ang sarili mo, huh?" paalala sa akin ni Mama. Tumango ako at kumalas ng yakap sa kanya. Kinuha ko ang aking wallet at kumuha ng pera dito. Nag iwan lang ako ng kaunti para sa gagawin ko ngayong araw. "Heto, Ma, ikaw na ang bahala diyan. May trabaho kasi ako ngayon dahil Sabado, kaya baka gabi na ako makakauwi," sabi ko sa kanila. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at hinayaan naman akong makaalis. Nang tuluyan na akong makalabas ng bahay ay unti-unti rin nawala ang aking ngiti. Yeah, totoong nagt-trahabo ako sa coffee shop, pero nag resign na ako kahapon dahil sa mga costomer na lalaki na halos araw-araw na lang naroon at ako ang pinagt-tripan. Hinihipuan at paulit-ulit na inuutusan sa table nila. Kaya naiinis ako sa araw-araw na ginagawa nilang iyon sa akin. Sinabi ko naman iyon sa manager namin, pero parang mas kinakampihan pa niya ang mga lalaking iyon.. kaya naisipan ko na lang kaysa paulit-ulit gawin ng mga lokong iyon ang pagtripan ako. Kaya ngayon, kailangan kong makahanap ng bagong trabaho dahil nangako ako kina Mama na tutulungan ko sila. Wala naman talaga akong balak na sabihin sa kanila ang trabaho ko, pero napasubo na ako at mas lalong hindi ko pweding sabihin na nag resign ako at sabihin sa kanila ang dahilan, baka biglang hanapin ni Papa ang mga lalaking iyon. Ni ayaw nga niyang may nanliligaw sa akin o umaaligid na lalaki, iyon pa kayang hihipuan ako? Baka makapatay pa si Papa, kaya hindi ko iyon sinabi. Napabuntong-hininga na lang ako at pumara ng jeep. Magkikita rin pala kami ng kaibigan ko at siya ang tutulong sa akin para makahanap ako ng bagong trabaho. Nakarating ako sa mall, kung saan naghihintay sa akin ang kaibigan kong si Kristen. Nasa lobby lang raw siya ng mall, sa may entrance. Kaya nang makapasok ako ay agad ko siyang nakita. "Hello, Friend! Talagang lagi mo akong pinaghihintay ah?" sabi niya at bahagyang pinaikot ang kanyang mga mata. "Naku, pasensya ka na.. na-traffic eh. By the way, nauuhaw na ako ilibre mo naman ako. Alam mo namang kaka-resign ko lang," sabi ko sa kanya at niyakap ang kanyang braso. "Asus! Alam ko naman talagang sasabihin mo iyan. Sige na, doon tayo," sabi niya at agad akong hinila patungo sa lugar na sinasabi niya. Pumasok kami sa isang fastfood chain. Oonga pala, siya Kristen Aguilla. Kaklase ko siya at bestfriend simula noong freshmen pa lang kami. Hindi ko nga aakalain na magiging kaibigan ko ang isang ito, dahil bukod sa maganda, mayaman at matalino mabait pa—sa akin. Mataray ang isang ito sa iba, sa akin lang hindi. "So, anong mai-rereto mo sa aking trabaho, kahit ano.." Napaismid siya. "Alam mo marami naman talagang trabaho ang fit saiyo. Ang problema lang ay oras, dahil nga nag aaral ka sa umaga. Ang time mo lang ay gabi, pero hindi parin sure kung kaya ng schedule mo," sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. "You know, I really need to get a job now. Inaasahan nila ako ngayon, lalo na at nawalan ng trabaho si Papa. Kaya kahit anong trabaho pa iyan ay papasukin ko, makatulong lang sa pamilya ko," seryoso kong sabi sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at bahagyang napatitig sa akin. Tila ba sinusuri niya ang kabuuan ko at mayamaya ay napapailing. "Ano?" saad ko. Napakamot siya sa kanyang noo. "Alam mo, kaibigan kita. Maaari kitang pahiramin ng pera o di kaya ako na ang bahala sa pinansyal mo. Huwag ka na lang magtrabaho," saad niya. Napaiwas ako nang tingin sa kanya. "Alam mo namang ayaw ko nang ganoon. Gusto kong paghirapan ang pera na makukuha ko, ayoko sa ediya mong iyon. Alam mo iyan di ba?" mahinahanon kong sabi at napabuntong-hininga sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Mayamaya ay dumating ang inorder namin, pero wala kahit sino ang gumagalaw. Hinihintay ko pa rin ang kanyang magiging sagot. "Fine. I know that, but it's too risky if I suggest this too you," nag aalalangan niyang sabi. Ngumiti lang ako. "Kakayanin ko kahit ano pa iyan," desidido kong sabi sa kanya. Napabuntong-hininga siya at bahagyang lumapit sa akin. "Okay, this one is risky but, if you got lucky—you will have a thousands every hour," sabi niya at bahagyang napangisi. Natigilan naman ako sa sinabi at tila nais malaman kung anong klaseng trabaho ang sasabihin niya sa akin. "What is it?" "I heard from my mom, na may kaibigan siyang naghahanap ng mga kasing edad natin na perpekto ang pangangatawan, na para bang pang model ang dating. Kapag nag apply ka at makuha ang standard na hinahanap nila ay matatanggap ka agad. Kaya lang ay may dalawang trabaho na pweding maging trabaho mo kung sakali. Either, you will become their model or a lady of waiting. Actually, hindi detalyado ang lahat eh, malalaman lang natin kapag nakausap natin ang kaibigan ni Mommy," paliwanag niya sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung papasukin ko ba ang trabahong sinasabi niya, kahit hindi pa naman namin alam kung makakabuti ba iyon sa akin. Ngunit, nasa isip ko pa rin na makahanap ng trabaho dahil nga kailangan ko. "Paano natin makakausap ang sinasabi mong kaibigan ng Mommy mo?" tanong ko sa kanya. "Ako bahala, pupuntahan natin ngayon ang kaibigan ni Mommy. Kilala ko naman iyon eh," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatango ako. Mayamaya ay nagsimula na rin kaming kumain at marami kaming napag usapan, lalo na sa dati kong naging trabaho. Maging siya ay naiinis sa mga lalaking iyon, dahil minsan na rin niyang nasaksihan kong paano ako tratuhin ng mga iyon. Hindi lang talaga siya kumikilos upang sawayin ang mga iyon, dahil kapag pinatulan niya ay baka mapaalis ako sa trabaho. Iyon nga lang, ako na ang kusang nag resign. Napakuno't noo ako habang nakatingin sa labas ng isang establisyemento, kung saan kami nakatayo ni Kristen. Sarado pa lang ito, ngunit alam ko kung anong mayroon sa lugar na ito at hindi ako maaaring magkamali! Isa itong kilala club dito sa Makati. Napatingin ako kay Kristen. "S-Sigurado kang ito ang lugar ng kaibigan ng Mommy mo?" tanong ko sa kanya. "Yes, at alam ko kung anong iniisip mo ngayon. Para sabihin ko saiyo ay hindi ganoon ang magiging trabaho mo. So, let's go," sagot niya sa akin at inaya na ako. Bahagya siyang kumatok sa nakasaradong pinto. Mayamaya ay bumukas ito at may sumilip na isang lalaki. Tiningnan niya kaming dalawa at nakikita kong tila namamangha siyang nakatingin sa amin ni Kristen. "Ehem! Inaasahan kami ni Mrs. Laura, I'm Kristen—her guest," sabi ni Kristen dito. Muli niya kaming sinuyod nang tingin bago binuksan ng tuluyan ang pinto at pinapasok kami. "Sumunod kayo sa akin," sabi nito. Kaya sumunod kami ni Kristen dito. Habang naglalakad kami papasok ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman siguro ako ibebenta ni Kristen di ba? Matalik ko siyang kaibigan kaya hindi niya ako lolokohin. Ang club kasi kung nasaan kami ay lugar kung saan maraming bayarang babae, kumbaga mga prostitute. Minsan na akong dumaan dito, lalo na kapag gabi at talagang nakikita ko ang mga babaeng lumalabas mula dito, na may kasamang mga lalaki. Napalunok ako. Sa lahat ng trabaho na ayaw ko ay iyong ganoon. Kung ito man ang ibibigay ni Kristen huwag na lang, hays!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook