Chapter 1 Kiss

3461 Words
Chapter 1 Kiss "Aio!" napalingon ako sa tumawag. Kababa ko lang nang footbridge at nagmadaling lumapit sa tumawag. Natanaw ko kaagad doon ang aking kaibigan. Masaya akong ngumiti at lumapit. "Casimiro!" irap kaagad ang binalik niya sa akin. "Nakakaloka ka talaga Aio! Cassy nga! Jusko hihimatayin na ako sa Casimiro na iyan napakatagal na nating magkaibigan!" Natawa ako sa kanya at nahiya din dahil napakalakas nang boses niya. Iyong mga nagmamadaling pumasok ay napapabaling pa nang tingin sa amin. Siniko ko siya. "Ang ingay mo. Nakapasok nga pala ako sa La Granja de Flores..." Nalalaki ang mata niya akong hinawakan sa braso. Niyugyog niya pa ako na tila tuwang tuwa. "Omg! Ako din Aio! We're super galing talaga my gosh!" hindi ko talaga alam kung kailan ako makakapag adjust sa ingay niya. Sa tahimik kong ito hindi ko din alam bakit ako nagkaroon nang kaibigan gaya niya. Madaming maingay na babae pero wala na yatang iingay sa mga bading. Well, hindi naman lahat. "Ang ingay mo talaga!" mahina pero may diin kong bulong sa kaniya saka hinila sa student's pathway. Chineck noong guard ang mga ID namin at saka kami tumuloy sa loob. "Para namang hindi ka pa sanay sa'kin!" Natawa ako habang naglalakad. We've been friends since the first year college at hanggang ngayon na graduating na kami. Una niya akong inaaproach noon dahil magisa ako. Sabi niya ang ganda ko naman daw pero bakit wala akong friends? Natawa lang ako pero hindi ko alam na sasamahan na niya ako since then. Palagi niya nga lang akong pinapagalitan dahil sobrang mahiyain ko daw samantalang kasi siya, sobrang makulit, maingay at friendly. May friends naman ako noong high school pero hindi iyong tipong pang matagalan. Nagkikita parin naman kami noong iba dito at nagbabatian naman. Iba iba na rin kasi kami nang course at ako lang ata ang nasa agribusiness na course sa mga naging kaklase ko dati. "Hala ang yummy!" bulong niya sa akin nang mahinto kami sa science and technology na building. Naka tingin siya sa may parking at napailing nalang ako at hinatak siya. "Ma lalate tayo." Sumimangot siya at bahagya akong tinampal sa braso na nginitian ko nalang. Nang makarating kami sa main building na nasa bandang kaliwa ay ang daming tao. Kahit sa basketball court na nasa gitna nang main building ay may naglalaro kahit ang aga pa. Pumanhik kami ni Casimiro sa third floor para sa unang klase namin. Tungkol iyon sa aming internship dahil ito na nga ang gugugulin naming para sa second sem. Isang thesis nalang at internship. "Excited na talaga ako sa OJT natin! We're so like destiny! Feeling ko kasi pretty tayo kaya tayo ang nakuha nila." Salita nang salita si Casimiro habang nakatingin sa compact foundation niya at nananalamin. Wala pa kasi iyong prof namin kaya puro daldal lang siya. Ang iba kong kaklase ay nag k'kwentuhan at nagtatanungan din tungkol sa pinag apply'an nila para sa ojt. "Puro ka talaga kalokohan." "Duh! That's the truth kaya!" "Nakapasok kayo sa La Granja Aio?" tanong ni Nollan nang marinig kami ni Casimiro. Ngumiti ako at tumango. "Oo..." "Ang galing naman! Congrats Aio!" masaya niyang sabi habang nagaayos nang gamit niya sa mesa. "Thank you..." "Ay ganoon? Siya lang may congrats? Siya lang nakapasok?" narinig ko ang pagsara nang foundation nang kaibigan ko at dumukwang pa sa table ko para masilip si Nollan. Nasa medyo malayong kanang bahagi kasi si Nollan at nasa kaliwa ko naman si Casimiro. Nollan laughed and smirked playfully, "Congratulations Casimiro!" I heard my friend groans. Padabog na bumalik sa maayos na upo. "I hate the name!" Natawa na ako pero natigil nang pumasok ang prof. Tatlo lang kasi ang kinukuhang intern nang La Granja every year for ojt's. Kaya tuwang tuwa talaga ako nang maka tanggap nang tawag mula sa kanila. Tinanong kami nang prof about sa company na pinag applyan namin. Halos lahat sa amin ay mayroon na, iyong iba nga lang ay malalayo kaya medyo nahihirapan sila. Buti nalang iyong sa akin ay sa bayan din namin kaya hindi na ako mahihirapan. Isang oras din ang byahe mula dito sa university mula bahay kaya ganoon din ang layo nito sa pag o'ojt'han ko pero mas okay na malapit iyon sa bahay. Tinatanong nga ako ni Casimiro bakit hindi nalang ako mag dorm kasi ang layo ng school pero ayoko. Ayaw kong mag isa at saka ayaw kong maiwan sila Mama. "Grabe ang layo talaga nito!" naglalakad kami ngayon papuntang main canteen at nag rereklamo naman ang kasama ko kahit kanina pa siya pansin nang pansin nang mga gwapong dumadaan. "Sabi sa'yo sa may mini canteen nalang para mas malapit." Sabi ko naman sa kaniya. "Walang gwapo doon!" Kita mo na, ito naman ang gusto nagrereklamo pa. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad. Dadaaan pa kami nang main parking pati nang basketball court at covered court bago makarating sa canteen. Gutom ka na talaga pag dating doon. "Ako na ang bibili ikaw maghanap nang table." Sabi sa akin ni Casimiro. Tumango naman ako dahil madaming tao. Ganoon kami pag madaming tao para may maupuan kami kapag may pagkain na. Nakahanap naman ako kaagad kaya naupo na ako doon at itinabi sa gilid ko ang bag. Hindi masyadong mainit siguro kasi ay malapit na ang pasko. Nilinga ko ang tingin at puro mga studyanteng nagtatawan habang kumakain ang nandito. Napaisip naman ako kasi graduating na kami. Kahit papaano ay mamimiss ko ito. Kahit stressful ang college, siguradong nakakamiss padin. Waves of laughter from the table not far away in front of me made me smile. Puro lalaki ang nandoon at ang lalakas nang tawa. Napansin ko naman ang pagdaan nang isang Raptor sa gilid, paikot sa covered court. Huminto iyon sa building sa likod nang court. Napatitig ako dahil puno nang bulaklak ang likod noon. Its colors are so bright that I had the urge to go and touch it. Napanguso ako, ang ganda nang mga bulaklak. May mga dasies and other types of chrysanthemum. The wind blows, making some of the flowers dance. Napangiti ako. Huli na nang mapansin ko na may lalaking nakatayo doon at kukuhanin ang mga bulaklak. Nang iangat ko ang tingin ay nagtama ang aming mata. Hindi ako sigurado kung ako ang tinitingnan niya dahil medyo malayo siya. Nawala lang ang tingin ko noong dumating si Casimiro at naharangan niya ang tinitingnan ko. "Kung waley lang yummy doon, 'di ako magtitiis dito, kalurkey!" "Nasaan na ba iyong crush mo na kinwento mo sa akin noon?" Nabanggit niya kasi sa akin na nag kaka chat yata sila. Hindi ko naman alam ano na nangyari. "Pa fall lang girl! Ayaw ko na doon." With Casimiro's build and face structures, hindi naman siya mukhang gay sa unang tingin. Kung hindi naman siya magsasalita at mas papatigasin ang features sa mukha, lalaking lalaki ang itsura niya. Sayang nga. "I know I'm pretty bff, but the food is waiting." Maarte niyang sabi na ikinatawa ko nalang. "Inaayawan mo din naman mga crush mo..." "Kasi walang thrill! Puro sila sweet words ew. Kasuya 'te." Napakunot ang noo ko pero nangingiti padin. Hindi ko talaga alam dito kung ano ang gusto. "Ikaw ba? Kailan mo balak mag boyfriend? You're so pretty pero walang jowa!" "Hindi ko naman kailangan noon." "Nakaloka ka! Kung ganyan ang mukha ko baka naka isang dose na akong jowa!" Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain kahit madami siyang kwento. Puro tawa lang naman ako dahil napaka exaggerated niya mag kwento. Wala akong masyadong ginawa sa mga sumunod na araw. Inayos ko ang mga dapat dalhin na requirement para sa internship. The days passed as the flowers continue to bloom. Mas lumamig ang panahon at mas lalo ko yatang naramdaman ang kaba nang sumapit ang byernes. I wore a denim pants and plain brown oversized long sleeves polo. Naka tack in iyon at nag soot nalang ako nang brown flat shoes. Susunduin ako ni Casimiro dahil nag prisinta naman siya. Nakaka awa nga iyon dahil sa Talisay pa siya kaya sobrang haba nang byahe niya. Nang marinig ang busina ay kinuha ko na ang gamit at bumaba. Nandoon sila Papa kaya ngumiti ako at nagpaalam na. "Aalis na po ako..." "Magiingat kayo ha?" Mama hugged me first. Nangiti naman ako at humalik kay Papa. "Bye po! Mag iingat kami." Dumiretso na ako sa labas at sumakay sa Vios ni Casimiro. Regalo ito sa kaniya noong nag third year college kami. May kaya din sila sa buhay kaya madalas akong ilibre niyan. Madalas ko nga lang tanggihan dahil nahihiya ako lalo na at may pera naman. "You look pretty, but I think I'm prettier." Bati nito sa akin nang makasakay ako. "Oo nalang." natawa naman siya sa sagot ko. Kumalat sa dibdib ko ang kaba nang lumiko kami para makapasok sa compound nang mga Buenavides. Nandito ang main office nila, pati na rin ang buong flower farm na ang alam ko ay nasa twenty hectares. "Ang laki talaga dito. Nalulula ako." Hindi ko na pinansin si Casimiro sa sinabi at nauna nang bumaba. Mayroon doong malaking building na office nila. Medyo familiar na ako dahil dalawang beses ang interview noon para sa intern. Bumati naman kami sa guard at sinabi ang sadya namin. Mukha namang alam niya ang tungkol doon kaya tuloy tuloy lang kami sa pagpasok. "Good morning. We're from Cebu Technological University..." bati ko sa receptionist sa lobby. "Good morning po. Punta lang po kayo sa dulong room. Nandoon na po iyong isa pang intern na makakasa ninyo." Tumango naman kami at bahagya akong siniko ni Casimiro at ngumiti nang nakakaloko. Mukhang ang saya saya niya kaya napangiti nadin ako. Kumatok muna kami bago binuksan ang pinto. Isang tao lang ang nandoon. Lalaki na sa tingin ko nga ay iyong isa pang intern. Kaagad siyang tumayo at bumaling nang tingin. Ngumiti ito sa amin at sa pagsiko palang sakin nang kaibigan ko ay alam ko na nag ibig niyang sabihin. May itsura kasi. "Hi!" naunang bati nang kasama ko. Nahihiya naman akong ngumiti. "Hi. Kayo iyong dalawang intern?" magalang niyang bati na may ngiti. I nodded, "Oo. My name is Cassy. How about you?" Gusto ko nalang takpan ang mukha sa hiya. Ang sigla sigla kasi nang boses ni Casimiro halatang halata siya. Bahagya namang nangiti iyong lalaki. "Joshua. Galing akong CTU, kayo?" "Doon din! Is this destiny?" gusto kong mapapikit kay Casimiro. Nakakahiya! Ako na ang sumiko sa kaniya ngayon. "I'm Aio... nice to meet you..." mahina kong sabi. "Nice to meet you too. Hindi ako pamilyar sa inyo..." "Kami rin! But it's not hard to be friends!" singit na naman ni Casimiro. Natigil lang kami nang may pumasok na babae doon. Bumati kami at ngumiti naman ito sa amin. Naupo na kami sa isang mahabang table at tabi tabi kaming tatlong intern at siya ang nasa harap. "Good morning. I'll take your requirements now..." Sabay sabay naming naming nilahad ang aming mga envelopes. Ngumiti ito sa amin. I think she's in her early thirties because she looks so young. "Karamihan sa intern ay sa office lang at nag a'assist pero dito lahat nang intern ay sa farm tumutulong. Para mas mapagaralan at malaman nila ang basics sa flower farm." Napangiti naman ako at tumango. Mas na excite ako dahil doon. Hindi ko naman pinili ang course ko dahil lang may maliit kaming flower farm. I grew watching my parents planting and harvesting flowers, and I learned to love it. Pati ang mga meaning nang bulaklak ay alam ko dahil pinagtutuuanan ko talaga iyon nang pansin. It gave me a different feeling watching a seed turn to a beautiful flower. Mula sa isang maliit na buto, inaalagaan at hinuhulma nang panahon at pinaglaanan ng oras ay nagiging magandang bulaklak. Like how life turns you from an innocent and tiny baby into a fully grown and mature person. Kaya lang hindi nga lang pare parehas nang panahon ang pag b'bloom nang tao. Diba may tinatawag pang late bloomer. Napailing nalang ako sa iniisip ko. Sinamahan kami ni Ms. Gail, iyong nag orient sa amin kanina dito sa farm. Namamangha nalang ako sa nakita ko pagpasok palang. Puro iyon greenhouses, at mukhang lahat ay hi-tech. Napatingin ako kay Joshua nang nakatingin siya sa akin. Nahihiya akong nagiwas nang tingin. Natawa naman siya. "Mahilig ka talaga sa flower farming or..." simula niya. Tumango naman ako nang bahagya, "May maliit kaming taniman nang bulaklak." "Really? Kami din!" masaya niyang kwento kaya napangiti narin ako. Mukha siyang friendly at mukhang mabait ang itsura niya kaya pinilit kong maging komportable. "We have five hectares in Naga..." dugtong niya habang naglalakad kami papunta sa isa sa mga greenhouse. "That's big. We only have two..." "Diyan naman nagsisimula." He smiled, and I can't help but smile back. Natigil lang ako nang makaramdam na naman ako nang siko. Natawa nalang ako sa loob ko. Hindi ko naman aagawin sa'yo ito Casimiro. Tiningnan ko siya nang nakakaloko at pinandilatan niya lang ako kaya natawa na ako. Seryoso na akong tumungin sa harap nang makapasok kami. Wala pang fully bloom flowers dito. Mukhang bago pa lang. Pero ang nakaagaw nang pansin ko ay ang modernized nilang greenhouse. May maliit na room doon na puno nang computer na siyang nag c'control nang mga ilang features nang greenhouse. Pinakita iyon sa amin kaya lalo akong namangha. Even the temperature and humidity can be controlled through it. Nakangiti ako the whole time na naglilibot kami. Sinabi din sa amin na kung saan kami kailanganin ay dapat sumunod kami. Walang kahirap hirap akong tumango. Si Casimiro ay parang nabibigla pa. Tinanong ko iyan noon kung bakit gusto itong course namin, gusto niya lang daw itry. Hindi ko talaga iyan maintindihan. Napunta kami sa may open field at mas bumilis ang lakad ko kaysa sa dalawa dahil sa tuwa ko. "Daylilies!" I said while looking around. Natawa sa akin si Ms. Gail kaya bahagya akong ngumiti. Daylilies are one of the flowers that can grow in a direct sunlight. Hinayaan niya kami doon at magtingin tingin. Iyon lang naman ang gagawin namin sa araw na ito dahi next year pa talaga kami mag s'start. Nakita kong nag uusap sila Casimiro at Joshua kaya hindi ko na inistorbo at naglakad lakad. Nakarating ako sa dulong bahagi sa bandang kanan habang nagmamasid. Nakarinig naman ako nang kaluskos sa may puno doon. Hindi ko alam kung matatakot ba ako kaya napahinto ako sa paglalakad. Nakarinig ako nang parang yabag kaya napakunot ang noo ko. Wala naman akong makita kundi puro puno dahil ito na yata ang dulo noong lupain na may tanim. Naglakad ako palapit para tingnan. Hinawi ko ang isang sanga nang puno para makita ang kabilang bahagi. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Natutop ako sa kinatatayuan at hindi nakagalaw. I am seeing two people kissing! Nabitawan ko ang sanga na lumikha nang ingay nang dahon kaya natigil sila at napatingin sa gawi ko. Halos nakabuka pa ang bibig ko sa gulat. Did I just saw two people kissing each other? I feel like I sinned! Napakunot ang noo noong lalaki na parang pamilyar sa akin. Naiinis naman na humarap iyong babae. Nakasandal sila sa puno at... at... "S-Sorry!" natataranta kong sabi saka tumalikod at naglakad palayo. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Feeling ko ay may ginawa akong masama. Naistorbo ko kasi sila? Nang pumasok sa isip ko iyong halikan nila ay gusto kong tampalin ang mukha ko. Ang pangit sa isipan! Hindi pa ako nakakakita nang ganoon sa totoong buhay. Sa movies oo pero sa harapan ko mismo? "Anong nangyari sa'yo girl?" salubong sa akin ni Casimiro. "Bigla kang nawala. Nakita ka ba nang multo?" nanunuya niyang tanong pero hindi ko mapatulan. Napalunok nalang ako at napapapikit. "Ayos ka lang Aio?" tanong ni Joshua. Tsaka lang ako napakurap at napabuntong hininga. Tumango ako at ngumiti. "Ayos lang..." "Pwede na kayong umuwi para makapagpahinga. Magkita nalang tayo next year..." mabait na ngumiti si Ms. Gail pero hindi padin mawala sa isip ko iyong nakita ko. "I'll email you the proper dress code. Dahil sa farm kayo maglalagi..." Sa kakahuyan talaga nag k'kiss? Hindi naman desirable iyon? Bakit doon? Napapilig ang ulo ko. Bakit ko ba iniisip iyon? Kasi mukhang hindi lang kiss ang gagawin nila kung hindi ko nakita tapos kung hindi sila tumigil, may gagawin sila doon? At sa puno talaga? Ang pangit! Hindi ko alam na totoo pala iyong mga ganoon? Kinikwento lang sa akin ni Casimiro na may ganyan talagang lalaki. At babae na rin pero hindi naman ako makapaniwala noon pero ngayon? "Gail." Napapitlag ako nang may marinig na ibang boses. Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko iyong lalaki kanina kaya kaagad akong umiwas nang tingin. Tinawag niya si Ms. Gail? "Sir Javier. Nandito po pala kayo..." Nanlaki ang mata ko at kaagad na napaharap sa lalaki at nagkataon na nakatingin ito sa akin kaya nagiwas ako nang tingin at nahihiyang yumuko. Javier? Buenavides? Anak noong may ari nito! "They are the interns for this year..." paliwanag ni Ms. Gail at hindi ko alam kung babati ba ako kasi boss din namin siya? "Good morning Sir." Bati ni Joshua at sumunod si Casimiro. Wala akong nagawa kundi bumati. "Good morning po." Bati ko nang nakayuko. Hindi naman bago sa akin na ganito makitungo pero masyado akong nahihiya ngayon lalo na sa nakita ko. "Morning," he said sternly. Nagangat naman ako nang tingin at naabutan ko siyang nakatingin sa akin nang may ngisi. Hindi ko alam kung para saan kaya nag iwas nalang ako nang tingin. Mukhang masungit ang boses niya pero mukha siyang mapaglaro. "Can I get an intern for my stay here?" tanong niya na tingin ko ay para kay Ms. Gail? Stay here? Ang alam ko nga ay hindi iyan madalas dito. Kilala siya dito sa Siraya dahil nga marami siyang nagiging babae o nalilink sa kaniyang babae dito pero hindi ko naman iyon pinagtuunan nang pansin kasi hindi ako interesado. Kaya hindi ko din siya namukhaan kanina dahil hindi ko naman talaga alam ang mukha niya o nakita ko na pero hindi lang talaga ako interesado sa kaniya. Isa pa, malayo ang agwat nang edad namin kaya hindi rin napaguusapan sa ilang kakilala ko sa amin. "You mean you'll get an intern for your assistant Sir?" "Yes." "That'll be great Sir. Mas okay po iyon. Ipapaalam ko kay Sir Buenavides." Sagot ni Ms. Gail pero mas interesado ako sa lupa ngayon. "I want her." Javier Buenavides spoke again. Saglit akong natigilan. Kung her ang sabi niya, ako lang naman ang babae? Unti unti akong nagtaas nang mata. May nakakalokong ngisi niya pero pilit niyang itinatago habang pinagmamasdan ako. Napakurap ako at tumingin kay Ms. Gail na parang nalilito din. "Ms. Escribaño, Sir?" pagkumpirma ni Ms. Gail. Hindi naman sa ayaw ko dahil for sure madami akong matututunan pero nakakahiya iyong nangyari kanina. Naistorbo ko sila sa kung ano man ang gagawin nila. "Escribaño?" tanong nito na nakaharap sa akin. Naramdaman ko ang siko ni Casimiro at halos mapahakbang pa ako sa harap kaya nag angat ako nang tingin at sumagot. "O-Opo..." "I want her to be my assistant in her internship here." Pinilit kong matuwa dahil malaking karanasan iyon pero nahihiya talaga ako sa nangyari kanina. Mas lalo akong maiilang niyan. Hindi na ako nagsalita at tumango nalang. Umalis din siya pagkatapos kaya nakahinga ako nang maluwag. Nakalabas na kami nang farm tahimik padin ako. "Ang gwapo ni Javier!" nangingiting sabi ni Casimiro nang makasakay kami sa sasakyan. Kilala din siya ni Casimiro kas inga kilala ang pamilya nila. Isa pa doon din sa CTU nag aral iyon kaya talagang kilala niya. "Sir Javier." Pagtatama ko. "Sus! Pag tayo lang Javier nalang. Ang tahimik mo kanina! Kung ako iyong pinili niyang assistant baka tumalon na ako doon sa saya!" napailing nalang ako dahil kung wala akong nakita, kahit ngiti maibibigay ko kanina. "Nakita ko siyang may kahalikan sa may punong bahagi doon sa farm." Pag amin ko. Nahinto naman niya iyong kotse at muntik na akong sumubsob. "Oh my gosh! Kaya ka ba parang natatae kanina?" Pinalo ko siya sa braso sa pangit nang salita niya. "Kadiri!" Natawa siya sa akin, "Anong nangyari?" excited niyang tanong. "May narinig kasi ako kaya pinuntahan ko tapos ayon. Naghahalikan sila sa may puno tapos nakita ko. Natigil sila nung makita ako kaya tumakbo ako paalis." "Omg! Baka nabitin iyon si Javier kaya ikaw ang kinuhang assistant at pahirapan ka?" Napakunot naman ang noo ko. Ganoon ba iyon? Pero bakit nga naman niya ako kukuhaning assistant? Intern nga lang ako! Saka nagt'trabaho ba doon iyon? Alam ko madalas iyon sa Manila? Kaya nga hindi pamilyar ang mukha niya dahil hindi ko naman madalas makita dito. "Tingin mo?" kinakabahan kong tanong. Tinawanan lang naman ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD