Chapter 2
Tease
"There's no definite time as to how long Sir Javier will stay here, but you'll accompany him while you're here..." Ms. Gail is orienting us for the day.
Tapos na siya sa mga dapat gawin ngayon at ang tinutukoy niya ay ang pagiging assistant ko kay Javier. Kinakabahan nga ako kasi hindi ko parin makalimutan iyong nakita ko at hiyang hiya ako.
Lumipas na ang pasko at lahat pero malinaw parin sa akin iyon na parang isang bangungunot. Hindi ko alam kung mandidiri ako o ano.
"Minsan lang bumisita iyan dito dahil madalas sa Manila para sa ilang klase niya doon. Tapos na siya kaya baka magtagal siya dito."
Napatango nalang ako sa mga sinasabi. Kailangan kong tandaan dahil baka mamaya ay magkamali ako.
"He usually stays in the office when he's here..." doon naangat ang tingin ko.
Hindi ako sa farm kung ganoon? I pursed my lips and nodded. Parang nawala ang excitement ko dahil doon. I sighed and looked down. Pagkatapos ay sinabihan kaming sumunod sa farm, pati ako dahil nandoon daw si Javier.
Pumasok kami sa isang greenhouse at nang makita ang mga roses ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. From different varieties and colors, it all stood out in full bloom. Tahimik akong nagmasid habang nakasunod sa kanila.
"You like to be on the farm, right?" Joshua whispered, so I turned to him.
Malungkot akong ngumiti at tumango. Huminto sila kaya napahinto din kami. Dahil nga papansin din ang kaibigan ko ay nasa unahon ko siya katabi si Ms. Gail.
"Oo. Pero ayos lang..."
Tumabi si Ms. Gail kaya nakita ko si Javier sa aking harap. Matipid akong ngumiti at kaagad nagiwas nang tingin. Napansin naman ni Casimiro ang pagkailang ko kaya tinawanan niya ako.
"Huwag kang malungkot Aio!" natatawa niyang sabi.
Nagulat ako at kinunotan siya nang noo dahil sa sinabi. Baka mamaya isipin nila mapili ako. Gusto ko siyang hampasin pero hindi ko magawa.
"Why?" Javier voice filled our air.
Napalunok ako ay bahagyang umiling. Dumako ang tingin niya sa akin na para siyang natatawa sa itsura ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na concious. Para kasing may nakakatawa pero hindi ko alam kung ano.
"Gusto niya kasi Sir dito sa farm pero madalas daw kayo sa office."
Pati si Ms. Gail ay napatingin sa akin. Hindi ko naman sinabi iyon kanina kaya medyo nagtaka din siya. Umiling ako at ngumiti.
"Ayos lang po." Sagot ko sa kanila at sinamaan nang tingin si Casimiro, "Ayos lang Casimiro." Ulit ko nang mas may diin at inirapan niya naman ako dahil sa tawag ko sa kaniya.
I smiled at Joshua when I saw him looking at me with concern. Narinig kong tumikhim si Javier kaya lumingon ako.
"I'll stay here on the farm." Seryoso niyang sabi at hindi ko alam kung matutuwa ba ako.
I smiled in the end. Gusto ko kasi talaga dito. I heard Ms. Gail chuckled, so I looked at her.
"It's settled then. Magbihis na kayo dahil madaming aanihin ngayon."
Hindi ko na tiningnan si Javier at tumango habang nakangiti. Tumalikod na kami at lumabas nang greenhouse. Pinalo ko kaagad si Casimiro.
"Ang daldal mo. Dapat hindi mo na iyon sinabi." Medyo naiinis kong sabi sa kaniya pero tinawanan niya lang.
"Mas okay nga iyon girl, o sabi ni Javier sa farm na daw kayo."
"Nakakahiya."
"Lahat naman sa'yo nakakahiya." Tumawa siya. Narinig ko din si Joshua kaya sumimangot na ako.
"Matagal din tayong magsasama dito. I hope we all be good friends..." mahina niyang sambit.
"Oo naman!" sagot ni Casimiro.
Napailing nalang ako at ngumiti kay Joshua. Pumunta kami sa restroom para magpalit nang damit. Gaya nang sinabi ni Ms. Gail, sinabi niya sa amin ang dapat sootin dito. Hindi naman ako nahirapan dahil mayroon na ako noon sa bahay.
Binili ako ni Papa dahil pag hindi ako busy at walang pasok ay madalas ako sa farm namin. I am wearing a high waited slacks pants and an army green shirt. Ipinatong ko nalang iyong hickory strip fit bib, overalls ko. Pinalitan ko rin iyong flats ko nang boots.
Nang lumabas ako sa restroom ay nandoon na iyong dalawa.
"Ang daya! Bakit may favoritism ang outfit na ito? Mukha akong magsasaka pero para kang may ari noong sinasakahan ko, naloloka ako!" malakas na sabi ni Casimiro.
Napapailing nalang ako at nangingiti din sa kaniya. Matagal na kaming magkaibigan kaya sanay na ako. Napatingin ako kay Joshua. Halos pareparehas lang naman kami nang soot kaya ewan ko dyan sa kaibigan ko at masyadong maarte.
"Bagay sa'yo..." Joshua uttered. I smiled at him politely.
"Sa'yo din." Sagot ko dahil nakakahiya naman na hindi ko lang pansinin.
"Oo na at sa akin na hindi. Tara na nga!" naiinis na sabi nang kaibigan ko at naunang lumabas.
Gaya nang sabi ni Ms. Gail tutulong kami sa pag haharvest ngayon. Madami ang mga iyon at baka tumulong din kami sa pag d'deliver nito sa ilang bayan dahil ganoon daw ang karaniwang ginagawa nang interns.
Naabutan namin si Javier sa tapat nang pinto nang isa sa mga greenhouse. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsuri niya sa akin. His face has hard features. Mas define ang straktura nang mukha niya kumpara sa mga nakikita ko marahil dahil mas matanda siya sa amin.
I never got the chance to look at him closely then. Hindi ko nga matandaan na nakita ko na siya sa personal. But now, I can say that he has a very playful aura. Palagi siyang nakangisi at parang lagi siyang may nakikitang nakakatuwa.
Kung close kami iisipin kong para niya akong inaasar sa mga tingin niya. Hindi ko nalang pinapansin dahil hindi nga kami close at isa pa, boss ko siya.
Nang makarating kami sa harap niya ay sumeryoso ang kaniya mukha.
"Gail said you two will be guided by Mang Tonyo. Sa akin si Azalea." He has a friendly voice, but that just weirded me out.
Isa pa, tinawag ako sa first name ko. Dapat ko bang sabihin na Aio nalang o hayaan na siya? Baka mamaya sabihin niya sa feeling close ako pero kasi walang tumatawag sa akin nang ganoon.
Siniko ako si Casimiro. "Azalea daw teh. Ang yummy naman nang boses."
Siniko ko siya pabalik kasi wala talaga siyang pinipiling lugar sa mga hirit niya. Tumango lang ako kay Javier. Saglit niya pa akong tiningnan bago naglakad papasok. Siya na ang nagslide nang pinto.
Sumunod iyong dalawa kay Mang Tonyo habang nakasunod ako sa kaniya.
Nagpunta kami sa dulong bahagi at halos lumubog na ako dahil parang mataas pa sa akin iyong mga roses. May nakasunod sa amin na dalawa pang lalaki na feeling ko ay tutulong sa amin. Javier was only wearing a white shirt, dark pants and boots.
Hindi ba siya natatakot madumihan at wala manlang siyang overalls or something over his white shirt? Napailing nalang ako.
I am wearing my gloves as I walk that I didn't notice he stopped. Muntik na akong tumama sa kaniya buti ay napigilan ko ang sarili. Napalunok ako at napaiwas nang tingin. Kapag hindi ko ito nagawa nang tama baka bumagsak ako sa internship ko.
"Sorry po..."
"It's fine." He sounded enthusiastic, that I don't remember if there's any gossip about him being friendly. Pero playboy siya kaya malamang friendly. Hindi ko nalang pinansin.
May ibinigay sa amin na cutter iyong isa sa mga lalaki. Nakangiti ito sa akin kaya kinuha ko iyon saka nginitian siya pabalik. Mas bata ito kaysa doon sa isa. Feeling ko nga kaedad ko siya o baka matanda nang isa o dalawang taon.
"Thank you... uh..." I was hesitating to ask his name. Makakatrabaho ko siya dito kaya dapat marunong akong makisalamuha.
"Caloy. Anak ako ni Mang Tonyo." Masigla niyang pakilala, "May experience ka na ba sa harvesting, Aio?"
Nagulat pa ako nang alam niya ang pangalan ko. Natawa siya nang makita ang mukha ko.
"Narinig ko kanina na iyon ang tinawag sa'yo."
Ngumiti naman ako at tumango, "Mayroon naman akong experience."
Nilingunan ko iyong si Javier at nakita ko siyang nakatingin at nakakunot ang noo. May hawak na siyang cutter pero hindi pa nagsisimula. Medyo dumistansya talaga ako sa kaniya kanina dahil nga hindi ako komportable.
Nagiwas ako nang tingin at nagsimulang magputol nang stems. Tinuruan padin ako ni Caloy kung paano kasi hindi naman talaga ako expert gaya niya. Madali lang ang mag kuha nang roses. Ang mahirap lang ay hawakan dahil may mga tinik.
Kaya si Caloy ang naghawak habang ako ay puro putol lang. Nalaman ko na working student siya dito noon kaya dito narin nagtrabaho pagkatapos dahil maganda daw ang pasahod.
"Ikaw? Ba't nga pala related dito ang course mo? May farm din kayo?"
"Maliit lang..."
"Sus! Mukha kang anak mayaman!" natatawa siya dahil feeling niya ay nagiging humble ako pero hindi naman talaga.
"Mahirap lang talaga kami." Nailing ako at ngumiti. Naglakad ako nang kaonti dahil natapos ko na iyong nasa pwesto ko kanina.
"Totoo nga? Hindi talaga binibigay ang lahat. Ayos lang dahil maganda ka naman." Hindi ko alam kung matatawa ako.
Usually mahihiya na ako pero sa tono nang pagsasalita niya para niya akong inaasar at tinutuya. Humarap ako sa kaniya at nakita ang nakakaloko niyang ngiti.
"Ewan ko sa'yo." Mahina kong sabi.
Natawa siya, "Babaan mo pa iyong cut nang kaonti Aio." Pagkalaunan ay sabi niya.
Tumango namna ako at sinunod siya.
"Azalea." Napalingon ako sa kaliwa. "Come here," Javier said seriously.
Napaunat ako nang tayo at nagtatakang tumingin sa kaniya. Wala na iyong mga ngisi niya kaya nagtaka ako at bigla siyang nag seryoso. Lumingon ako kay Caloy at nakangiti siyang nakaharap sa akin.
"Tawag ka." Natatawa siya marahil nagtataka ako. Tumango naman ako at naglakad papunta kay Javier.
Hindi talaga ako sanay sa tawag niya sa akin pero nahihiya akong sabihin.
"Bakit... po?" nahuli pa iyong po dahil naiilang talaga ako sa kaniya.
Hindi talaga mawala sa isipan ko iyong nakita ko noong nakaraan! Medyo malayo ako nang huminto sa kaniya.
"You go cut this part. I'll hold it." Napatango ako nang mabagal at sinunod siya.
Sinunod ko naman iyong turo ni Caloy. Nahihiya akong iabot ang mga na c'cut ko sa kaniya. Pinapanood niya lang ako sa ginagawa. Nagiingat ako sa bawat galaw ko kasi nakatingin siya. Baka mamaya ay magkamali pa ako.
"Iyong nakita mo noong nakaraan..." sabi niya kaya kaagad akong nagulat.
"W-Wala akong nakita." Sagot ko kaagad para hindi na niya madugtungan.
Bakit niya pa in'open up iyon? He took a step towards me. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.
"Sure ka?" his playful tone is back. Napakagat ako sa labi kasi meron naman talaga.
"Wala nga..." I gulped, "Po."
I heard his chuckles making me turned my gaze to him. Pinagmasdan naman niya ako na siguradong namumula. Bakit kasi kailangan pang banggitin iyon. I pouted and looked away.
"Why did you run?" his friendly manner is creeping me out. Hindi ko alam kung friendly nga ba o...
"Gusto ko l-lang." maling sagot alam ko pero wala naman akong ibang maisasagot.
Tsaka bakit niya ba ako kinakausap sa oras nang trabaho. Kung hindi ko lang siya boss, hindi ko na siya papansinin. He tilted his head to have a clearer view of me. Lalo akong yumuko kunwari ay busy sa ginagawa.
"Gusto ka ba?"
Saglit pa akong natigilan dahil hindi ko nakuha iyon. Lumingon ako sa kaniya at nakita siya na nagpipigil nang ngiti. Lalo nang kumunot ang noo ko nang mapagtantong iniinis niya ako. Hindi naman ako ngumiti kahit parang iyon ang gusto niyang makita.
Inabot ko sa kanya ang tatlong stems nang rose at sinakto ko talaga na tumama sa mukha niya. Napailag siya at natawa. Wala namang nag j'joke?
At saka, joke ba iyong sagot niya sa akin? Gusto ka ba? What is that? Hindi naman kami close at empleyado niya ako kaya bakit ang friendly naman niya. Mas lalo akong naiilang.
That day ended pretty well. Hindi ko na pinansin si Javier sa mga banat niya sa akin at pangiinis tungkol sa nakita ko. Kung alam niyang nakita ko iyon, hindi manlang ba siya nahihiya? Ganoon ba talaga pag playboy?
Sa mga sumunod na araw ay wala si Javier o nandun man ay hindi kami nagiinteract. Ang sabi ni Ms. Gail ay may inaayos sa office at sinabihan siya na huwag na ako doon at sa farm nalang. Gusto kong isipin na dahil alam niyang mas gusto ko sa farm kaya hindi niya ako isinasama sa office.
Okay na rin sa akin iyon dahil hindi kami laging magkasama. Hindi ko alam kung kailan ako makaka adjust sa kaniya. Medyo na ka close na namin iyong ibang trabahante doon. Lalo na si Caloy dahil nga palabiro siya.
"Are you okay?" Joshua asked.
Nandito kami nagpapahinga sa may canteen dito. Nasa kaliwang bagahi siya nang farm. Kung saan concrete at kung nasaan din ang office at ilang building for flower arrangements. Ang alam ko nasa malayong dulo nito ang mansion nang mga Buenavides. Hindi ko pa iyon nakita pero sabi malaki daw.
"Oo. Napagod lang nang konti." Sagot ko.
Joshua is a nice guy. Sa isang linggo namin dito ay palagi niya kaming kinakamusta at inaapproach. Nag k'kwento din siya tungkol sa sarili. Kumuha nga daw siya nang apartment sa malapit dahil ang layo nang bahay nila mula dito.
"Na stress ang beauty ko ha! Hindi pala madali ang farming." Mahinang bulong ni Casimiro na nasa harap ko. Patuloy padin siyang kumakain.
"May gwapo naman dito kaya gaganahan ka." Sagot ko nalang at nakakalokong ngumiti kay Joshua.
Umiling ito sa akin at nag taas naman nang kamay si Casimiro para sa apir. Natatawa kong sinalubong iyon.
"Tama ka diyan friend! Sayang nga lang madalang si Javier."
Sinenyasan ko siyang hinaan dahil wala manlang Sir sa sinabi iya. Natawa lang naman siya. Tumayo naman ako kaya napa angat sila nang tingin.
"Mag r'restroom lang ako."
"Samahan kita?" alok ni Joshua pero umiling nalang ako.
"Hindi na, alam ko naman na."
Naglakad ako papunta sa kabilang bahagi noong canteen dahil nandoon ang restroom. Mapuno din ang bahagi na iyon pero mas maayos dahil may mga benches. Bahagi padin yata nang lupain nila ito. Ang laki.
Papasok na sana ako nang may makita akong dalawa tao na papalapit. Javier is obviously flirting with the girl he's with. Pinagmasdan ko iyon at hindi naman iyon iyong babae na kasama niya noong nakaraan. May pahaplos pa siya sa braso ni Javier kaya nangunot ang noo ko.
Bagong girlfriend niya iyan?
Napailing nalang ako. Nagtama ang paningin namin at feeling ko nagulat na naman siya. Lagi nalang ba akong maabutan sa ganito? I sighed and shook my head. Pumasok na ako sa banyo at sa isa sa mga cubicle.
He's indeed a playboy, huh? Naririnig ko lang dati pero ngayon ay nakikita ko na. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako nang pagkailang pa. I'm the type who's serious in that type of talk. I have never been in a relationship before because I never felt mature enough to enter into one.
Hindi ko nga maintindihan ang iba na palaro laro lang sa ganyang aspeto dahil diba, seryosong bagay iyon? Kaya hindi ko sila maintindihan. I am not judging them by their choices, but I never saw myself getting involved in that kind of person.
Sa tingin ko, hindi lang sila iyong mga taong kaya kong kaibiganin o maging close. If they're not serious in that kind of thing, saan pala sila mag seseryoso pa? If they are playful in the things that should be taken care of seriously, how could you trust them?
Inayos ko ang pagkakatali nang buhok dahil ang init ngayon. Nakaharap ako sa salamin at inayos iyon. My paper white skin flushed. Dahil mainit ay namumula ang aking pisngi at ilong. Mahaba ang pilik mata ko na hindi ko alam kung kanino namana.
I have thin lips and slightly thick eyebrows. Pinoproblema ko iyan noon pero ngayon ay hindi na gaano dahil natutunan ko nang ayusin. Ang mata ko ay medyo singkit pero hindi gaanong halata. Makikita mo lang pag tumawa ako.
Maraming nagsasabi na nawawala daw ang mata ko kapag tumatawa pero hindi ko iyon alam. Hindi naman ako tumatawa sa harap nang salamin para makita pa iyon.
Naalala ko si Ate Penrose, hindi niya pa ako tinawagan simula noong mag kita kami. She texted me on holiday for the greetings. Nagreply ako pero hindi na siya sumagot pagkatapos.
Iniisip ko parin gabi gabi ang sinabi niya sa akin kahit wala naman akong makukuhang sagot. Hindi ko alam kung nasaan siya at anong paraan ang ginagawa niya para mahanap ang pumatay sa magulang namin kung totoo man iyon.
I know she's my sister. I believe her. Nakita ko iyong batang ako sa pictures na kasama siya at isa pa, bakit niya sasabihin iyon kung hindi totoo? Nakikita ko rin sa mukha niya ang pagkakahawig namin pero hindi matanggal sa isip ko ang posibilidad na baka hindi naman talaga sinadya ang pagpatay?
Baka aksidete lang or... pero masyado siyang sigurado. Nakitaan ko pa siya nang galit noon pero hindi ko nalang pinansin.
Nang matapos mag ayos ay lumabas na ako. Halos mapaurong naman ako nang may sumalubong sa akin doon. Javier is standing outside like he's waiting for someone. Ako lang naman ang nasa loob?
Tiningnan ko ang likod niya hinahanap ang kasama niya kanina pero wala na ito.
"Excuse me po..." I said feebly.
Humakbang ako sa kanan pero humakbang din siya doon. I tried on the left side, but he did the same. Nagangat na ako nang tingin. He is smiling friskily, and I knotted my eyebrow. Anong problema niya?
"Excuse me." Madiin kong sabi na sinadya ko talaga habang nakatingin sa mata niya.
He looked amused and very entertained.
"Galit?" tono siyang nangiinis kaya mas nakunot na ang noo ko.
"Hindi." I replied. "Po."
He licked his lips trying not to laugh. All I feel is indifference. Masyado siyang magalaw at mapaglaro. Nangangawit na ako kasi nakatingala ako sa kaniya dahil sa laki niya. I am shorter than people my age kaya sa lagpas nang edad niya sa akin at sa natural na laki nang katawan niya, ang liit ko tingnan.
"Aalis na ako," mahinahon ko nang sabi dahil masama ang mainis sa isang taong walang ginagawa at isa pa, boss ko.
Humakbang na ulit ako sa kaliwa, he steps on his right and I stumble. Napatid kasi ako sa paa niya. Kinabahan ako dahil doon, nahawakan niya ako sa palapulsuhan kaya hindi ako nasubsob.
Inalis ko ang hawak niya at hindi makapaniwala siyang tiningnan. Bakit kasi ang kulit? Bumalatay sa mukha niya ang concern at gulat din.
"Sorry." He uttered.
I should tell him to go away and stop bothering me, but I never said that to anyone before. It's rude not just because he's my boss, but it's just plain rude for me. But his presence is bothersome.
"Ayos lang..." mahina kong sabi dahil nakikita ko naman na hindi niya intensyon iyon.
I sighed and looked away. Nagsimula na akong maglakad at lumayo doon. Feeling close talaga siya. Wala naman problema sa akin ang mga ganoon pero boss ko kasi siya at isa pa, hindi ako komportable sa kaniya.
His face looks like he's teasing me for unknown reason. Dahil sa nakita ko noon? Napailing ako dahil sa nakita kong iyon nabahiran na talaga iyong judgement ko sa kaniya. First impression last pa naman.