Chapter 3
Home
Nandito kami ni Casimiro sa café kung saan kami nagusap ni Ate noon. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala siya. Hanggang ngayon, wala parin akong balita. Konti nalang iisipin ko nang panaginip lang iyong pagkikita namin.
"Dumudugo na ang ilong ko here!" madrama pa niyang hinawakan ang ilong na akala mo may dugo talaga.
Nagpatuloy nalang ako sa pagt'type. Nandito kami ngayon dahil weekend at walang pasok sa La Granja. Gumagawa kami nang weekly report na dapat weekly din ay napapapirmahan sa supervisor and in our case, kay Miss Gail.
"Ang drama mo talaga." Sagot ko habang nag t'type padin.
Halos maubos ko na iyong iced tea ko pero hindi padin ako tapos. Kasi naman kailangan ay atleast two thousand words. Hindi rin naman madali iyon dahil halos pareparehas lang ang ginagawa sa internship kaya mahirap mag hanap nang magandang ilagay na salita.
"Si Joshua kaya nakagawa na?"
Natatawa akong lumingon, "Puro ka lalaki!"
"Aba, doon tayo na bubuhayan cachorro!"
Napahawak nalang ako sa noo. Simula nang lagi kong pagtawag sa kaniya nang buong pangalan niya, iyan na ang nickname niya minsan sa akin. Hindi ko alam anong masama sa buong pangalan eh kaniya naman iyon.
Iyong akin, ang ibig sabihin ay puppy. Mukha daw akong maamong tuta. Ang pangit. Cachoro. Mukhang katsura. Hindi naman ako nagmamaganda pero hindi naman angkop sa akin iyan.
"Ikaw lang, dinadamay mo pa ako."
Tinulak niya nang bahagya ang laptop ko kaya napaharap na ako sa kaniya. Tinaasan niya ako nang kilay na para bang may naiisip siyang maganda pero para sa akin ay hindi.
"Maki pag blind date ka kaya?" napakunot na ang noo ko, "I mean, sayang ang ganda! Mag boyfriend ka na at total g'graduate na tayo!"
Umiling ako at nagsimula na ulit mag type. "Kung ayaw mong makalbo tayo ni Papa manahimik ka na."
He groaned. "Dating app nalang? Mag download ka noon! Maraming gwapo doon!"
Hindi ko talaga alam bakit gustong gusto niya akong hanapan nang jowa. Gusto lang niyan may iba akong samahan maliban sa kaniya kasi naguiguilty kapag nakikipag date siya at wala akong kasama.
It's really fine with me though. Hindi ko naman siya pipigilan at lalong hindi masama ang loob ko. Gaya nang sabi ko, I took that part seriously. Kaya hindi ko pa iniisip iyan dahil alam kong dadating din naman.
"Ayoko nga Casimiro. Dadating din iyon."
"Ugh! Ano hihintayin mong mahulog sa harapan mo? Okay lang makipag date atleast may experience ka na kapag nagka boyfriend kang talaga!"
Hindi ko alam bakit napunta dito ang usapan gumagawa lang naman kami nang report? Hindi talaga kami matatapos. Narinig ko ang pagtunog nang chimes na tanda nang mga pumapasok.
"Hindi ako mag b'boyfriend." Sagot ko.
Hindi naman ako pinansin nang nasa harap ko dahil nasa likod ko ang mata niya. Napakunot ang noo ko at tiningnan kung saan siya nakatingin. I turned around and saw Javier Buenavides.
Sinalubong siya nang manager nitong café at nakita ko siyang ngumiti. The manager looks young and I think about his age or a little bit older. Halatang halata namang may gusto sa kaniya. Bakit ba lahat ay nahuhumaling dyan?
"Ang gwapo talaga cachorro!"
Hindi ko na napansin si Casimiro dahil nanatili ang tingin ko doon. His pace is too large and brisk. If he's less than friendly and smiling face than his usual, nakakatakot siyang tingnan. Kung mag seseryoso lang ang mukha niya mukha na siyang galit.
His jawline is scary, but I think that adds more to why women flocks to him. Napailing ako, wala sa kaniya ang kahit isa sa mga tipo ko sa lalaki. Pero bakit ko ba iyon iniisip?
"Are you checking him out?" matinis at nangaasar na sabi nang nasa harap ko.
Hindi ko pinansin at humarap nalnag sa laptop.
"Hindi."
"I saw you! Oh my gosh, is Javier your type?"
Naginit ang pisngi ko dahil baka mamaya ay may makarinig.
"Tone down your voice. I don't like him."
Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko. Napakamot na ako sa sentido. I drink the remaining iced tea habang natatawa si Casimiro sa harap ko.
"May iba palang tipo kaya ayaw makipag date?"
Sinimangutan ko na siya. He's getting all of this wrong! Hindi ko iyan type. Malayong malayo. Halos ayaw ko ngang dumikit diyan dahil bukod sa hindi ako komportable, nakakailang talaga siya.
Isa pa, ang laki niya sa akin. I feel like he's towering over me every time. Kayang kaya niya akong tirisin feeling ko. Kaya hindi ko iyan magiging type manlang.
Casimiro said I'm like a puppy. Siya na ang nagsabi noon at ang lalaking iyon ay parang leon sa pangangatawan kahit ang presensya. Hinding hindi ako magiging komportable sa ganyang tao.
"Kapag may nakarinig sa'yo baka kung anong isipin!" I whispered violently.
Lalo lang niya akong tinawanan. He pursed his lips to hide his annoying smile, and I can't help but frown more. Tumunog ang kaniyang cellphone kaya parehas kaming napalingon doon.
"Si Ate naman wrong timing. Ang ganda na ng view!" sabi niya habang nakatingin sa phone.
"Nandoon na si Ate Claire?" tanong ko tinutukoy ang nakakatanda niyang kapatid.
Madalas iyon sa Manila dahil sa trabaho at miminsan lang umuwi dito.
"Yes. I need to go now. Ang haba pa nang byahe!"
Tumango ako at nag ayos naman siya nang gamit. Ngayon, weekend nalang din siya uuwi dahil nakapaghanap na daw siya nang matutuluyan dito. I offer our house but he declined, ayos lang daw. Hindi ko na pinilit.
"Ayos ka na ba dito? O hatid na kita sa inyo?" he asked after fixing his things.
Napatingin ako sa laptop ko at balik sa kaniya. I shook my head lightly.
"Tatapusin ko na ito dito."
Tumango naman siya at ngumiti.
"Okay! I'll go now, bye Aio!"
Nag beso beso pa siya sa magkabilang pisngi ko bago umalis. Ang lakas talaga nang boses. Napabuntong hininga ako at bumalik na sa ginagawa. I put my arm on the table and rested my chin on my palm.
Binasa ko ang ilang sentences bago nagdagdag pa hanggang sa matapos ko iyon. Napabuga ako nang hangin at napahawak sa aking mata, kinusot ko iyon pagkatapos.
"Tapos ka na?"
Halos napatalon ako sa nagsalita. Nag angat ako nang tingin at nakita si Javier sa aking gilid. May ngiti siya sa labi habang pinagmamasdan ako. Kalaunan ay naupo siya sa aking harap. I sat up starighly and swallowed hard.
Napansin ko pa kung gaano siya kalaki na parang lumiit iyong lamesa para sa aming dalawa. I saw him pursed his lips while studying my face. I blinked.
"Bakit po?" mahina kong tanong.
He chuckled and cross his arms as he rests his back on the chair.
"Are you done with what you're doing?" he asked again, hindi parin nawawala ang tingin sa akin.
Hindi ko alam kung paano niya nalamang tapos na ako? Akala ko ay umalis na siya kanina? Tsaka ano ba ang ginagawa niya dito sa harap ko?
"I was about to approach you earlier, but you seem busy. Tapos ka na ba?"
Dahan dahan akong tumango. "Bakit po?"
He sighed and lean forward. Kahit malayo ang agwat namin dahil sa mesa ay inurong ko parin ang katawan ko.
"Can you drop the po? Sa gwapo kong ito, pinagmumukha mo akong matanda."
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. First, for his request and second, did he just say he's gwapo? Natawa siya marahil sa itsura ko. Napaiwas naman ako nang tingin. Pati timbre nang boses niya, malayo sa kung gaano ako karahan.
Parang kapag sumigaw, kusang titigil ang lahat sa takot dahil sa kapal at tindig nang boses niya. Napakunot na ang noo ko.
"Bakit po?" tanong ko nalang.
Narinig ko naman ang mahina niyang himutok. Tila naiinis dahil may po na naman ako o dahil iyon parin ang sinabi ko sa kaniya.
"I'm technically your boss so you should just do what I say." bumalik ang ngisi niya na para bang hindi ko tatanggihan ang suhestyon niya.
Totoo naman ang sinabi niya pero bakit ba ayaw niya? Gumagalang lang ako. Mas umingay ang loob nang café marahil madaming pumasok. Nang mapagtanto iyon ay para akong nataranta. Kilala siya dito kaya ang pagupo niya sa harap ko ay hindi maganda.
Nagsimula na akong magligpit nang gamit.
"So..." he uttered slowly.
Tumango nalang ako. Kung hindi ko siya susundin baka ibagsak na niya pa ako.
"Okay," I answered because it's rude to just nod to your boss.
"You're done? This is my third time asking." kahit mapaglaro ang boses niya ay nahihimigan ko nang pagka annoy iyon.
Nag angat ako nang tingin at naabutan siyang pinagmamasdan ang galaw ko. Lalo lang akong nailang. He's like a predator watching his prey. Like a vicious criminal looking at his target intently. Kung hindi siya ngumiti ng bahagya ay matatakot na talaga ako.
"Tapos na..." mahina kong tugon.
"Can you help me deliver some flowers?" his voice is like telling me, not asking me.
Tumingin ako sa banda nang pinto at nakitang may iilang bulaklak na pinapasok doon. Nag d'deliver pala siya. Bakit siya ang gumagawa niyan? Nagtataka akong bumalik nang tingin sa kaniya.
"Don't ask why again. Iyon lang ba ang alam mong salita?" para siyang nanunuya at nakakunot ang noo pero may ngisi sa labi.
No one dare to talk to me like that. Marahil dahil alam nilang hindi talaga ako palasalita at madaling mahiya pero ang lalaking ito, tinanong pa talaga iyon sa harap ko.
"But I want to ask why." Balik kong sagot.
His eyebrows shot up looking amused. Kinabahan ako dahil akala ko magagalit siya sa pagsagot ko nang ganoon pabalik. Pero mukha pa siyang natutuwa.
"Wala akong kasama." Tanging sagot niya. He even shrugged like that should be enough explanation.
Ano naman ngayon kung wala siyang kasama? Surely ayos lang sa kaniya iyon dahil pwede naman siyang magsama ng tauhan niya pero hindi niya ginawa so bakit kailangan niya nang kasama ngayon?
"Can I say no?" marahan pero matapang kong tanong.
He pursed his lips. Hindi ko alam kung natatawa ba siya pero kung oo, hindi iyon ang inaasahan kong tugon niya. Hindi naman sa masungit ako o mapili at judgmental. Kung hindi lang akong pupunta nang school baka pumayag ako kasi nga boss ko iyan.
Isa pa, mabait naman siyang nagtatanong kahit na medyo parang iniinis niya ako. Dapat ko din siyang galangin dahil mas matanda siya sa akin.
"Can I ask why?" balik niya sa akin.
Napaiwas ako nang tingin dahil titig na titig siya sa akin. I blinked and looked down. Nagpapanggap na inaayos ang gamit.
"Pupunta akong school." Sagot ko.
"Great." He said. Naangat ako nang tingin. May ngisi na naman siya kaya hindi ko maiwasang mapakunot ang noo kasi ano ba ang nginingisi niya? "Doon din ang punta ko."
I looked at him to find if he is serious. Tinaasan niya lang ako nang kilay. He even tilted his head like saying I got no more excuses. Sandali akong nagisip.
"Let's go?" alok niya.
I bit my lip. Sasama talaga ako diyan? Akala ko pa naman ang ganda na nang lusot ko.
"Sigurado ka ba? Bakit ako ang isasama mo?"
"That's the longest sentence of the day." He chuckled after saying that.
Naginit naman ang pisngi ko. Hindi ko talaga alam kung bakit siya feeling close o kung ganito ba siya sa lahat. He seems like he's always happy and carefree. Ayos lang naman iyon kaya lang hindi nga kami close.
I sighed. Mukha wala naman siyang balak sabihin kung bakit gusto niya akong isama. Pinasok ko ang laptop sa bag at tumayo na.
"Tara na." ako na ang nagyaya.
Pinagmasdan niya pa ako nang may ngiti sa labi bago tumayo at tumikhim. Pinipilit na iseryoso ang sarili kahit mukhang aliw na aliw siya. Inunahan niya ako sa paglakad. Nakita ko pa ang tingin nang iba kaya nagbaba ako nang ulo saka sumunod sa kaniya.
Nagpunta kami sa parking at nakita ko iyong sasakyan niya. It's a black Raptor, may naalala ako habang pinagmamasdan iyon. Siya pala iyong nagdeliver sa school noong nakaraan? Hindi ko siya naaninag dahil malayo at hindi ko naman talaga alam hitsura niya noon.
Pinagbuksan niya ako nang pinto. Nahihiya akong pumasok doon. Ang taas pa naman.
"Thank you," I uttered.
Sandali siyang natigil at pinagmasdan ako. Hindi ako lumingon sa kaniya. He then closed the door and find his way around to the driver's seat.
Iniisip ko palang na isang oras ang byahe mas nailing na ako. Anong gagawin ko dito sa isang oras? Humarap nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang tanawin. Puro malalawak na lupain. Halos berde at kayumanggi ang mga kulay.
I saw some birds flocking and flying around. Tila masyang naglalaro sa hangin at himpapawid. I wonder if sometimes it crossed their mind, what if they have legs like humans? Kasi ang mga tao madalas iniisip kung paano kaya kung may pakpak sila?
"Your course is Agribiz?" he strikes a conversation.
Bahagya akong napalingon at humarap ulit pagkatapos.
"Oo."
"You live here in Siraya?"
I nodded, "Oo."
He turns left and glance at me, "So you're on your last year..."
"Uh, yes..."
I heard him sighed and looked at me. Hindi naman ako tumingin.
"Ako ba hindi mo tatanungin?" parang naiinis pa siya na hindi makapaniwala na sagot lang ako nang sagot. At puro oo lang iyon.
I pursed my lips and looked at him slightly. Ano ba sasabihin ko? Hindi naman ako interesado.
"Anong itatanong ko?" tunog dismayado pa ako.
Parang alam niya dapat na wala naman katanong tanong sa kaniya. Alam ko naman na taga Siraya siya at graduate na siya at... agribiz din ba siya? Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Hindi ka ba interesado sa akin?"
Nagtataka ko siyang nilingon. He smirked at me. Bahagya akong ngumiwi at unti unting umiling.
"Hindi?" sagot ko.
Lalo lang siyang natawa. Buti nalang masiyahin siya dahil kung iba ito baka magalit sa akin. Nagsasabi lang naman ako nang totoo. Hindi naman ako interesadong malaman ang kahit ano sa kaniya. Kung gusto ko man i'r'research ko nalang dahil sigurado ay nandoon iyon kaysa magtanong pa ako sa kaniya.
"You're the first woman who said that." He said after. Napapailing pa siya.
Dapat ba akong matuwa doon? Expected ko na habulin siya nang babae, o siya ang humahabol sa babae, pero hindi naman siya tinatanggihan. Dapat ba iyang ika proud?
"What an honor." Sagot ko na siguro ay hindi niya inaasahan. Sarcastic iyon. Wala lang, feeling ko kasi gwapong gwapo siya sa sarili.
Totoo naman pero hindi naman siya super gwapo gaya yata nang inaakala niya? Marami naman ding iba pang gwapo hindi lang siya. Bakit ba ako parang naiinis?
"Is that sarcastic?" he laughed. Mukhang hindi pa alam ang idudugtong. "Is Azalea being sarcastic?"
Napasimangot ako at humarap sa kaniya. Hindi talaga ako sanay sa tawag niya. Saka ano naman akala niya sa akin hindi sanay nang mga ganoon? Hindi ko lang madalas sinasabi dahil wala namang katulad niya akong nakaharap. Medyo mayabang.
"You can call me Aio." Sagot ko.
I saw his eyebrow shot up. "I like your name."
"Pangalan ko parin naman ang Aio."
"I'll still call you by your first name."
I pouted. Ang kulit naman niya? Dagdag pa iyan sa katangian niyang negatibo sa akin.
"Bakit?" medyo naiirita kong tanong.
He shrugged.
"Call me by my first name too."
"Iyon naman talaga ang tawag sa'yo."
He chuckled, "Right. It's just the same. Anong problema Azalea?"
Humalukipkip nalang ako at nagiwas nang tingin. O sige bahala siya. Sinasagot ko nalang nang maikli kapag nagtatanong siya. Mukha wala lang naman sa kaniya dahil tuwang tuwa siya.
I don't know if I look funny or he's just making fun of me. Either thing, I'm uncomfortable.
"Ano palang gagawin mo dito?" he asked when we're already beside the covered court.
"May meeting kami noong mga ka groupmates ko sa thesis." Sagot ko na hindi ko alam bakit ko sinagot.
Tumango siya at naunang bumaba. Binuksan ko na din ang pinto. Umikot naman siya at pinanood akong bumaba.
"I'll wait for you."
"Huh? Matagal pa ako..." nalilito kong sagot.
Tsaka bakit siya maghihintay? Pinagmasdan naman niya ako nang nakataas ang kilay.
"Paano ka uuwi?"
"Mag b'bus?" hindi niya ba alam ang pag c'commute bakit pa siya nagtatanong?
"Hihintayin na kita."
Napalingon ako sa likod nang sasakyan niya. Ipapasok niya lang naman iyan sa loob, o baka hindi pa siya ang magpasok. Ang meeting namin ay pwedeng mga isang oras...
"Saglit lang naman magdala nang bulaklak ah?" inosente kong tanong.
May gagawin pa ba siya dito? His head fell dramatically. Nalilito ko siyang tiningnan.
"Iisa isahin ko ang kuha para matagal. Ako na rin mag a'arange para sa kanila."
Lalo yatang lumamukot ang aking mukha. "Ano?"
He groans and chuckled a little. He crouched a bit to look at me. Umatras naman ako dahil sa pagkabigla.
"Where is your meeting place?"
Napakurap ako. Sumilip ako para makita ang hilera nang mga tables malapit sa canteen. Nakita ko na ang ilang classmates ko doon.
"Doon lang." turo ka sa tinitingnan. "Bigay mo na iyong id'deliver mo at umuwi ka na."
He bit the side of his lips, "Are you ordering me?" hindi nakatakas ang ngisi niya.
Napakurap naman ako. Boss ko nga pala ito. Kasi naman? Bakit siya ganyan kung umasta hindi naman kami friends? Saka bakit niya ako hihintayin pa dito? Hindi ko alam na concern siya sa mga interns.
"No... sir..." dagdag ko sa huling salita.
Napatuwid siya nang tayo at napabagsak ang balikat. Hindi naman siya mukhang dismayado o naiinis. Mas mukha pa siyang natutuwa.
"Matatagalan ako dito. Matatapos ako kapag tapos ka na."
Aangal pa ako pero nilagpasan na niya ako. Kinuha niya ang iilang lilies na bulaklak. Ngayon ko lang nakita iyong mga iyon. It's a mix of lilies and roses. Ang alam ko, madalas silang nagbibigay nang bulaklak dito nang walang bayad.
Dito kasi iyan grumaduate. Baka nagpapasalamat o talagang mabait lang siya sa alma mater niya. Nagtaas siya nang kilay nang hindi ako umaalis sa pwesto.
"They are waiting for you." He uttered, and I looked at my classmates.
Good thing they are busy. Simimangot ako sa kaniya at naglakad na paalis. The leaves are scattered on the ground, making my steps sound a bit harsher. Malamig din ang simoy nang hangin marahil dahil sa amihan.
Kaunti lang ang estudyante hindi gaya nang weekdays na sobrang puno. The laughters of the students filled my ears as I walk closer. Nang makarating sa inuupuan nila ay ngumiti ako at bumati.
"Hi, Aio! Dito ka na." bati sa akin ni Dave at itinuro ang espasyo sa tabi niya.
Doon nga ako umupo. "Sorry medyo na late ako..."
"Ayos lang!" sagot ni Mori na nasa aking harap. I smiled at her.
Wala naman akong problema sa mga ka grupo ko dahil halos lahat naman ay kumikilos. Siguro dahil, last na ito at kailangan para maka graduate na kami.
"Kamusta ang internship mo Aio?" tanong ni Miguel.
Apat kami sa grupo, dalawang lalaki, si Dave at Miguel at dalawang babae, kami ni Mori. I smiled at them.
"Maayos naman. Ang ganda doon..."
"Ang swerte mo! Pati si Cassy doon hindi ba?" si Dave naman ngayon tinutukoy si Casimiro. Sanay na talaga silang ganyan ang tawag dahil kung hindi, sabunot ang aabutin nila doon.
"Oo. Nagrereklamo nga mahirap daw pala. Madalas kasi kami sa farm."
"Oh? Mas maganda nga iyon?"
I nodded, "Mas gusto ko nga. Alam mo naman si Casimiro, may pag ka over acting." Sagot ko sa kanila.
Bumili kami nang snacks at saka nag usap na pagkatapos. Nilabas ko din ang laptop para ma revised iyong part ko, kinukuha ang suggestions nila. I became close to them because of this. Dati ay ngitian lang naman kami.
I remember their impression of me when we first had our meeting. Nahihiya daw silang iapproach ako dahil mukha akong hindi namamansin. Alam naman daw nila na may pagkamahiyain ako kaya hindi narin sila lumalapit.
Natawa nalang ako. Hindi naman ako introvert. I can converse. Is just that, I get shy easily. Hindi ako sanay sa masyadong atensyon at hindi rin ako expressive. Hindi rin ako sanay na unang mag approach nang tao. Nahihiya ako kapag ganoon.
"Maganda na itong chapter one natin. Ayos na ito? Wala na tayong babaguhin?" Mori asked.
Nagkatinginan kami naghihintay may magsalita. Natawa siya. "Ayos na ito!"
"Maghanap pa tayo sa related studies. Hindi direct iyong iba nating nakuha. Maraming butas." Dave added. Tumango nalang ako.
Nang matapos sa main agenda ay unti unti na kaming nagayos nang gamit. I stretch my back and looked at my watch. Lumagpas pa kami sa isang oras.
"Uuwi na kayo? May klase ba kayo?" Miguel asked and looked at us.
Umiling ako.
"Ako mayroon!" sagot ni Mori. "Maya maya pa."
Si Dave at Miguel ay wala daw. Nilagay ko ang laptop sa bag. Nilingon naman ako ni Dave.
"Uwi ka na?" he asked.
Naalala ko bigla si Javier. Nandiyan pa kaya siya? Nakatalikod ako kung saan siya nagpark kaya hindi ko siya nakikita. Ayaw ko naman biglang lumingon. Tumango lang ako kay Dave.
Humarap na ako kay Mori na nagugulat at nakaharap sa aking likod.
"You done?" napapitlag na naman ako sa boses niya.
Unti unti ko siyang nilingon. Nandito pa talaga siya? And? Did he just approach me here? Akala ko ba hihintayin ako bakit kailangan pang lumapit? Napansin ko ang ilang tingin nang estudyante. Good thing, konti nalang sila.
"Uh... yes?" alanganin kong sagot.
Hindi naman siya nakangiti gaya nang madalas. Tinaasan niya ako nang kilay.
"Let's go, then."
Mabilis akong tumango at tumayo. Nauna siyang naglakad. Hinarap ko naman ang mga kasamahan ko na para bang nagugulat.
"Uh... boss ko?" paliwanag ko pero alam naman nila iyon. Hindi naman yata iyon yung hinahanap nilang paliwanag.
Tumingin sa akin ni Mori na parang nagtataka. "Internship? Extended." Hindi sigurado kong tanong.
Bumaling sa akin si Dave na naka kunot ang noo, "Weekdays lang ah? Anong extended?"
Nahihiya na ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Sinabi ko na kasi kay Javier na umuwi na. Dapat talaga pinagpilitan ko.
I smiled nervously, "M-May inasikaso lang ako doon sa farm kanina kaya sinabay niya ako noong papunta dito." masamang magsinungaling pero wala naman akong maisip na isasagot na hindi kataka taka?
They nodded, unsure. Napalunok na ako.
"Azalea."
Kaagad akong napalingon. He looked at me with hawk eyes and eyebrows knotted. Sabi ko kasi huwag na akong hintayin mukha yatang naiinip na siya.
"Mauna na ako ha? Ingat kayo..." paalam ko.
Madadagdagan pa ngayon ang tanong nila na bakit sabay pa kami ni Javier aalis? Mabilis akong pumunta sa lugar niya. Tiningnan niya ako habang naglalakad.
"Sabi sa'yo mauna ka na..." mahina kong sabi.
Lalong nagkunot ang noo niya nang nasa harap na kami nang sasakyan niya. Ayan, nakakatakot siya kapag seryoso. Feeling ko ay galit siya sa akin? Bakit siya galit? Kinakabahan ako kasi para siyang mananakit.
Napaatras pa ako nang humakbang siya. Natatakot talaga ako. Napansin niya iyon. I nervously bit my lip and blinked. Halos pawisan ang kamay ko. I heard him sighed. Kinakabahan akong nag angat nang tingin.
Binuksan niya ang pinto nang shotgun seat. Sa kaba, hindi ko alam kung papasok pa ako riyan. Humakbang siya at yumuko upang maabot ang tingin ko. Matagal niyang akong tiningnan at makalaunan ay ngumiti.
Para akong nabunutan nang tinik. Mas okay na pala iyong nakangiti siya.
"Let's go home," he softly said.