Chapter 4
Friend
"How are you?" Ate Penrose asked the moment I picked up the phone.
Kalagitnaan nang linggo na iyon nang tumawag siya. Hindi ko inaasahan kaya hindi ako gaanong nakapaghanda.
"I'm okay... ikaw? Bakit ngayon ka lang ulit tumawag?"
"I'm busy. I heard you're working in La Granja de Flores for your internship?"
Hindi ko inaasahan iyong tanong niya. Kung paano niya nalaman, well she said she have ways.
"Oo..."
Walang nagsalita sa aming dalawa. Gusto kong magtanong kung ano n ang balita o kung... ano nang nangyari sa ginagawa niya? Hindi ba hinahanap daw yung pumatay sa magulang namin?
I heard her sighed. "Uh... anong nangyari sa..." hindi alam ang tamang salita, "Ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong.
"I'm planning about it."
"Plan?"
"Hanggang kailan ang internship mo?"
Napabuga ako sa hangin nang ibahin niya ang topic. Napaupo ako sa kama, nararamdaman ang pagod dahil sa ginawa maghapon.
"Second week of March..."
"Graduation?"
"First week of April."
"You should sleep. It's getting late."
Napakurap ako, "O-Okay."
"Goodnight Aio."
"Goodnight..."
Napabuga ako nang hininga pagkatapos nang tawag. Saglit pa akong natulala. Kahit ano ay wala parin siyang sinasabi sa akin. Kahit pangalan nang aming magulang. She said it's for me to be safe. Is our family really in danger?
If she could find me, did she do it for the past year or just... recently? Kung talagang ayaw niya akong madamay bakit pa siya nagpakita? Not that I am not happy to see her, but I am just curious. Nagpakita nga siya, pero nakadagdag lang iyon sa madami kong tanong.
Naligo ako at nagbihis na ng pantulog. Hindi naman ako nahirapan matulog dahil sa pagod. Noong nakaraang linggo pa iyong pagsabay ko Javier noon. Buti nalang ay hindi na ako bumalik nang school dahil baka may magtanong po kung bakit magkasama kami.
Hinatid niya pa ako sa bahay noon at buti wala sila Mama kaya wala ring nagtanong. Hindi ko naman kasi alam ang tamang isasagot.
I wore a black cropped top closed buttons cardigan and a pair of skinny slacks. Nilagay ko sa bag iyong overalls ko at sa paperpag ang boots. Nang marinig ang busina nang sasakyan ni Casimiro ay bumaba na ako.
Nasa farm sila Papa kaya hindi na ako nakapagpaalam. Nagusap naman na kami kanina. Nang makapasok sa kotse ay kaagad din naman kaming umalis. Hindi mahaba ang byahe papunta roon kaya mabilis din kaming dumating.
Joshua is already at the farm, and my best friend's eyes twinkled at sight. Napailing nalang ako at nagbihis na.
"Papi talaga." Bulong ni Casimiro sa akin nang makapasok kami sa isa sa mga greenhouse.
Javier is already there, talking to some of the workers. Nang mapansin kami ay kaagad kaming nilingon. Nahanap niya ang mata ko kaya tinuon ko ang tingin sa ibang bagay. Matapos noong weekend ay hindi ko na siya nakita nitong nakaraan dahil madalas daw sa office.
Nasabi sa akin ni Miss Gail na kung nandito si Javier sa farm ay saka ko nalang samahan, kapag sa office ay hindi na kailangan. Buti nalang. Pero ngayong nandito siya sa farm?
"Tutulong kayo ngayon magtanim nang dahlias." Sabi sa amin ni Mang Tonyo.
Madalas siya ang nag g'guide sa amin dito. Minsan din si Caloy. Napahanap tuloy ako kung nandito ba siya pero wala. Baka busy sa ibang greenhouse.
Nakita ko naman na maraming trabahante na ang nagtatanim sa kabilang dulo nang greenhouse. Sumunod kami kay Mang Tonyo. Kasabay niya si Javier habang naglalakad at nasa harap namin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapansin.
He's wearing a black shirt and dark jeans, naka boots at mukhang hindi takot madumihan. Nang tumigil kami sa lakad ay kaagad siyang lumingon sa akin. Hindi ko na hinintay na tawagin ako at kusa nang lumapit sa kaniya.
Nandiyan na naman iyong ngisi niya.
"How are you?" he asked, not minding the people around.
Hindi ko na pinansin ang OA na paglingon sa akin ni Casimiro.
"A-Ayos lang..." sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.
Pinaliwanag sa amin ang gagawin, pinanatili ko ang sarili na naka focus. Nauna akong umupo upang gawin ang dapat. Mayroon nang hole na mga thirty centimeters ang ground. Kailangan nalang ilagay ang grit and manure.
Manure contains some animal feces that are used as organic fertilizer. Napalingon ako sa kanan nang tumabi sa akin si Javier. Nasa malayo naman sila Casimiro at Joshua, tinutulungan nang iba pang trabahante.
I picked up the garden trowel gently to put some of the grit in the base. Hindi naman kumikilos ang katabi ko at tinitingnan lang yata ako. Hindi ko maiwasang hind imaging masaya. Planting is a way to ease my mind. Kaya kapag libre ako ay ginagawa ko iyon doon sa amin.
"You know how to plant." It's not a question. Bahagya akong tumingin kay Javier.
"Medyo." Sagot ko nalang. Tumaas naman ang kilay niya na parang naghihintay pa nang idudugtong ko. "May maliit kaming flower farm."
He looks amused as he nods. Umiwas na ako nang tingin.
"Kaya ka nag agribiz?"
"Oo."
"Ako din. Basic nga lang ang alam ko sa pagtatanim dahil lagi sa office ako." Napatingin ako sa kaniya kasi hindi ko naman tinanong. "Share ko lang, baka nahihiya ka lang kasi magtanong."
He is smiling while looking at me. Gusto ko rin mangiti kasi mukha siyang ewan pero pinigilan ko. Hindi ko nalang siya pinansin. He chuckled and start doing what I'm doing.
I start to concentrate kahit ang laki niyang distraction sa akin. Napalingon ako kay Casimiro at nakakaloko niya akong nginitian. Alam ko iyang mga ganyan niyang ngiti kaya umiling nalang ako at nagiwas nang tingin.
With my every gentle move, he equals it with his fast and huge movement. Minsan iniisip ko kunghindi ba nakakapagod kasi para siyang masyadong magalaw.
"Iyong grit muna..." sabi ko sa kaniya nang makitang iyong manure kaagad ang inilalagay niya.
Tumingin naman siya sa akin nang nagtatanong. I tried to removed what he put on the base.
"Ito..." turo sa pebbles. "Mauna yan bago iyong manure."
"Why?" he asked.
I pursed my lips and blinked.
"Anong bakit?" tanong ko nanag marahan.
He moved closer. Pinagmamasdan akong mabuti. Hindi ko naman maiwasang hindi mailang. Mukha tuloy akong kuting sa harapan niya.
"Told you I don't know much. You should educate me."
Nagiwas ako nang tingin.
"Kailangan iyan para maiwasan iyong waterlogged..."
He nodded and watched me putting the grit first before the manure.
"Ganyan. May ari ka ba talaga nang flower farm?" hindi ko naiwasang bulong sa huli. Narinig ko naman ang tawa niya.
"That's why you should always be with me. Turuan mo ako."
Sandali ko pang inisip ang sinabi niya. He sounds serious, but the looks on his face are playful. Hindi ko tuloy maintindihan.
"Madami ka namang trabahante." Sagot ko.
"But I want you." Wika niya kaagad.
Nakasimangot akong humarap sa kaniya. Mukha naman siyang naeentertain. Iniisip kong dahil binibiro niya ako at natutuwa siya sa aking reaksyon.
"But I don't want you." Mahina pero may pang ganti kong sabi.
Natawa siya doon. Napatingin pa sa gawi namin ang ibang nagt'trabaho kaya napaiwas ako at sinamaan nang tingin ang katabi ko. He looks so amused as he looked at me softly. For a second, nawala sa isip ko ang unang imaheng nakita ko sa kaniya.
Mukha siyang maamong leon ngayon. I licked my lips and looked away.
"Hindi tayo matatapos kung maglalandian, oo!" narinig kong sigaw ni Casimiro.
Napasinghap ako at lumingon sa kaniya. Sinamaan ko siya nang tingin at natatawa niya akong tinaasan nang kilay. Nagbulungan ang ibang trabahante at gusto ko nalang umalis doon.
"I like your friend," Javier whispered.
I sighed slowly and continued what I'm doing.
"He likes you too." Sagot ko nang hindi siya tinitingnan.
Lumayo ako sa kaniya para mas mapabilis ang ginagawa. Wala nga akong matatapos kung siya lagi ang kasama ko. Natatawa siyang lumapit sa akin.
"Ikaw hindi mo ako like?" subok niya pa.
I looked at him with disbelief. Hindi ko alam kung natural lang sa kaniya ang mga ganyang biro. Narinig ko na ang mga ganyan dati pero wala pang nakakagawa nang ganyan sa akin.
"Hindi." ko alam kung tama bang sabihin iyon. Boss parin iyan Aio, pero totoo naman iyong sinabi ko.
He pursed his lips, trying to hide his smile.
"Let's work on that." He arrogantly said.
Hindi ko alam ang sasabihin o kahit ang ibig niyang sabihin. Masungit akong umiwas nang tingin na hindi ko alam kung nagmukha bang masungit. I heard his chuckles, but I didn't glance his way.
Hindi ko na siya pinansin sa mga banat niya sa akin. Nagpatuloy ako sa ginagawa para makausad na. Sa huli ay nilagyan namin iyon nang stout stake to support the plants. Maabutan ko kaya itong mag bloom?
I know it took two or three months before it blooms. Baka hindi na. There are different kinds of Dahlias, and Mang Tonyo said the one I'm planting is a blueboy. Sabi nila, Dahlia symbolize elegance and dignity.
I read it also means commitment. Kaya madalas inireregalo sa couples, o madalas ginagamit sa mga kasal. Nang inabutan kami nang tanghali ay nagpunta na kami sa canteen para kumain.
Hindi ko na nakita si Javier at hindi ko na rin pinansin.
"Hoy Aio, hindi type ha?" malakas na sabi nang kaibigan ko. "Anong ganap niyo ni Javier kanina?"
I shook my head shyly. Pati si Joshua na nasa tabi ko ay nakatingin na din sa akin at nagtatanong nag mata.
"Hindi nga Casimiro, ang dumi nang utak mo."
"May pa, 'how are you' pa nga? Omg! Bigatin pala ang gusto mo cachorro!"
Napasimangot nalang ako kahit gusto ko siyang hampasin. Hindi ko din kasi alam kung bakit laging ako ang iniinis si Javier. Hindi ko alam kung trip niya ako o tuwang tuwa lang siya sa reaksyon ko.
"May gusto ka kay Sir Javier?" Joshua asked. Humalakhak si Casimiro sa harap ko.
"Wala."
"Mukha kayong close." Dugtong nito na parang hindi naniniwala sa akin.
Hinarap ko naman siya para talagang itanggi.
"Hindi kami close. Ganoon naman yata siya sa lahat."
"Bakit sa akin hindi?" Casimiro intrude. Gusto ko na talaga siyang hampasin o balibag ko nalang kaya itong kutsara?
"Tigilan mo nga ako Casimiro."
Malakas siyang tumawa at tuwang tuwa sa pagtanggi ko.
"Natatawa talaga ako kapag naiinis ka e. Para kang baby na nagmamaktol."
Hinagis ko sa kaniya iyong gloves ko at tumama iyon sa mukha niya. Natawa si Joshua at inirapan naman ako nang bakla.
"Palalagpasin ko ito Aio total ako lang nag ginaganito mo. I find it sweet!" humagikgik pa siya.
Wala na talaga akong magagawa diyan. Hindi ko alam anong tumatakbo sa utak.
"May thesis din ba kayo?" Joshua asked after a couple of minutes.
"Syempre! Stress is me!" Casimiro stated while fanning himself with his hand.
"Meron Joshua. Nakapag meeting na kayo Casimiro?" tanong ko.
"Hindi pa din! Naloloka ko sa groupmates ko."
Natawa ako nang bahagya, "Kayo ba?" baling ko kay Joshua.
He shrugged, "Hindi ko din alam." Napailing pa siya.
Casimiro laughed, "Itong si Aio swerte kahit saan! Ang ganda nang grupo."
Napalingon ako sa paligid pagkatapos kumain. Malulam ngayon, kaya mas lumamig. Ang mga huni nang ibon ay naririnig pati ang mahinang hampas nang hangin sa mga dahon. Tanaw mula dito ang madaming greenhouses nasa fifteen yata iyon. Pati narin ang malaking open field.
I inhaled and the cold and soft air made me smile. Feeling ko kapag nasa farm, iba ang simoy nang hangin. Hindi ko alam kung naiisip ko lang o dahil narin ang ganda kasi nang paligid.
Hindi ko na nakita si Javier sa mga sumunod na araw dahil siguro kagaya nang sinabi niya, madalas lang siya sa office. Sabado, at nandito na naman ako sa café. Wala si Casimiro dahil umuwi sa kanila at magisa lang akong gumagawa nang report.
Napapirmahan na namin iyong nakaraan at panibago na ulit ito ngayong week. Busy ako sa pagt'type nang may naupo sa harapan ko. Nilingon ko pero hindi ko naman siya kilala. Pero mukhang familiar.
"Yes?" I asked slowly. Not knowing what to say.
Pinagmasdan naman niya ako kaya nailang ako nang bahagya. Mukha niya akong sinusuri. As I looked closer, I remember when I saw her. Ito iyong babae ni Javier noon, iyong nakita ko noong pangalawang beses.
She's wearing a spaghetti strap na halos labas na ang dibdib. Umuulan na nga sa labas, hindi ba siya nilalamig? Hindi ko nalang pinansin.
"Close kayo ni Javier?" I got stunned by her questions.
Hindi ko inaasahan iyon. Napakurap pa ako at medyo kinabahan.
"Who are... you?" mabagal kong sabi para hindi magmukhang rude ang tanong ko.
Maarte naman niyang hinawi ang mahaba niyang buhok. She pouted her lips to look plump. Napakunot ang aking noo. I swallowed hard and look at the people inside the café.
"I'm Lucille. Javier's girlfriend." Iyong tono niya, nagmamalaki parang nagmamalaki.
I inhaled. Nalilito akong tumingin sa kaniya. Nagiisip nang bagay na dahialn nang pagkausap niya sa akin.
"Anyway, nabalitaan ko na magkasama kayo last week. Sino ka ba?" she asked rudely.
Hindi ko alam ang tamang salitang sasabihin. Magkasama nga kami ni Javier kasi pinilit niya akong sumabay sa akniya. Ayaw kong sabihin na ganoon dahil baka iba ang isipin niya. ayaw kong maka sira nang relasyon lalo na't wala naman talaga akong kinalaman.
"Yes..." I answered honestly.
"Bakit kayo magkasama? Are you flirting with him?" masungit na niyang tanong.
Hindi ko na alam ang isasagot ko. Nagsimula naring tumingin ang ilang tao dito sa amin dahil siguro medyo napapataas ang boses niya. I swallowed hard as I looked at her.
"Hindi..."
"Bakit nga kayo magkasama kung ganoon?"
Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya. I tried to understand her because as a girlfriend, karapatan niya ang kwestyunin iyon.
"It's... about the farm. Intern kasi ako doon. May inasikaso lang kami."
She looked shocked, and after a while, she smiled widely. Para bang nakahinga ng maluwag.
"Oh! Really? I thought you're one of his admirers!" she laughed loudly.
Naisip ko tuloy kung bakit hindi siya kay Javier nagtanong? Inisip ko na ito unang beses palang akong kinausap ni Javier ditto. Masyadong maraming nakakakilala sa kaniya at lalo na't habulin ng babae.
Lalo lang tuloy lumayo ang loob ko sa kaniya. Hindi ko din kasi maintindihan kung bakit parang komportableng komportable siya sa akin at lagi akong kinakausap. Napansin ko naman na hindi siya ganoon sa ibang trabahante nila.
"May itatanong ka pa ba?" I asked.
She smiled at me and shook her head, "Wala na. Sorry for disturbing you!"
Hindi ko na pinansin at bumalik sa ginagawa. Wala na tuloy akong maisulat. Ininom ko na nag iced tea ko at naubos ko iyon. Binaba ko iyon at tinitigan ang laptop ko. Mas lalong lumakas ang ulan imbis na tumila.
Hinihintay kong tumila dahil wala naman akong dalang payong. Napabuntong hininga nalang ako.
Hindi pa ako nakakabalik sa ginagawa ay may umupo na naman sa harap ko. Napakunot ang noo ko nang umupo si Javier doon, wearing a white shirt and his smile. Iniwas ko ang tingin. Naalala ko iyong girlfriend niya na nandito lang kanina.
Bakit nandito na naman siya? Baka pagnalaman noon ito, tanungin na naman ako.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na nang hindi siya nagsalita. Marahan naman ang pagkakasabi ko pero natigilan padin siya.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya pero agad ding nakabawi. He leaned closer. Umatras ako at hindi nagpakita nang ano mang reaksyon.
"Badtrip ka?"
Hindi ko siya sinagot. Inisa isa ko nang niligpit iyong gamit ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. His girlfriend just confronted me earlier. If anyone saw us again like this, baka hindi lang sa paguusap umabot sa susunod. She's like a jealous girlfriend.
I am not about her, asking me. Dapat lang iyon pero hindi ako sanay sa ganoon. Hanggat maari ayaw ko nang g**o lalo na't hindi naman talaga ako kasali.
"Aalis ka na?" naguguluhan niyang tanong. "Ang aga pa ah?"
Hindi ko pinansin. Hinawakan niya ang laptop ko na nasa mesa pa. Nag angat ako nang tingin. Nakanunot ang noo niya at naguguluhan sa akin. Gusto kong sumimangot sa kaniya pero pinigilan ko. Gusto ko na talagang umalis e.
"Anong problema?"
"A-Aalis na ako..."
"Why?"
Hindi ko alam kung nakita niya ba ang pagkabalisa sa mukha ko pero hinarap ko padin siya.
"Gusto ko nang umalis. Bakit ka nandito?"
Nagugulat siya siguro dahil sa ibang pakikitungo ko sa kaniya ngayon. Well, I'm always civil to him but I'm not this dismissive. Ayaw ko nalnag talaga pahabain ang usapan dahil lalo lang akong magtatagal kasama siya.
"Is there something wrong?" nagaalala niyang tanong.
Umiling ako. Nakasimangot na at nagiiwas ng tingin. He sighed and continued watching me. Na parang hindi niya ako paaalisin kung hindi ako magsasalita. Nang hindi niya ako tinigilan ay umupo na ako nang maayos at hinarap siya.
"Nagpunta iyong girlfriend mo dito." Panimula ko.
Nakita ko siyang nagulat pero kalaunan ay kumunot ang noo.
"I don't have a girlfriend."
Kung hindi ko namukhaan iyong babae, baka maniwala pa ako sa kaniya.
"Sabi niya sa akin girlfriend mo siya. Bakit iyon magsisinungaling?"
The side of his lips rose. Lalo lang sumama ang pakiramdam ko. He nodded slowly.
"Tinatanong kung bakit tayo magkasama last week. Nagpaliwanag naman ako kaya hindi siya galit sa'yo."
He pursed his lips this time. Mukhang hindi ako sineseryoso.
"Wala akong girlfriend."
"Kilala ko iyon. Nakita ko kayong magkasama noon."
"Iyong sa puno?" diretso niyang sabi.
Nang maalala iyon ay naginit ang pisngi ko. Paanong kaya niyang sabihin nang diretso iyon? I can certainly tell that my cheeks are burning. Umiwas ako nang tingin at mas sinimangutan siya.
"Hindi! Iyong isa pa. Bakit mo ba ako tinatawanan?" I tried to sound irritated.
Naiinis na talaga ako sa ganyan niya. Mukha siyang natutuwa eh naiinis na nga ako. Hindi siya nagsalita kaya hinatak ko na iyong laptop ko at inilagay sa bag. Nagulat siya nang bahagya pero hindi nawawala ang ngisi.
"She's not my girlfriend, Azalea."
Ano nagsisinungaling iyong babae? Pwede naman, baka assuming lang? Pero ba't magtitiwala ako dito kay Javier, mas mukha siyang hindi ka tiwatiwala.
Tumayo ako at hindi siya pinansin. Nakita ko naman na may humarang sa kaniya para kausapin. Buti naman. Nakalabas na ako nang café. Umuulan padin pero hindi na gaya noong kanina.
Kailangan ko nang tricycle pero dahil umuulan hindi ako makapagabang. Napabuga ako nang hangin. Hindi naman masyadong malakas kaya hindi naman siguro ako gaanong mababasa kung pupuntahan ko iyong terminal? Sa kabila lang naman e.
I was about to step forward when someone put an umbrella over me. Napalingon ako doon. Javier is looking at me intently. Lagaslas nang tubig ang naririnig sa paligid.
"Magkakasakit ka sa gagawin mo." He seriously said.
Napakurap naman ako. I exhaled and look away. Ano nga ulit ang pinaguusapan namin kanina? Muling bumuhos ang malakas na ulan at napapikit nalang ako. Tawagan ko kaya si Papa para magpasundo?
"She's not my girlfriend. Stop thinking about it." His tone is low and hoarse.
Napalingon ako sa kaniya. Diretso niya akong tiningnan sa mata. The wind blows, making my hair dance with it. Tumunog ang chimes sa café, marahil sa pumasok o mga lumabas. I blinked several times and look away.
Now I'm thinking... why is he always talking to me? Ayos lang naman sa aking iyong ginawa ng girlfriend niya. Pero sabi niya hindi daw niya girlfriend at huwag ko nang isipin. Ayos lang din isipin ko at talagang iisipin ko dahil baka mamaya may iba pang girlfriend na magalit sa akin.
I bit my upper lip like I'm sulking. Napakunot ang noo ko at hindi mawala sa isip kung bakit friendly siya sa akin.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Ayos na ako dito." Kaagad kong sagot nang hindi siya tinitingnan.
"Come on..." he tried to look at my face, "Malakas ang ulan."
Nakikita ko nga.
"Hihintayin kong tumila. Ayos lang ako. Wala ka bang ibang gagawin?"
"Don't try to change the subject. Let's go."
Napabuga ako sa hangin. Wala akong nagawa nang ipilit niya iyon. Tahimik lang akong umupo sa tabi niya sa sasakyan. Naririnig ang buhos nang ulan sa loob, buti nalang dahil kahit paano, may ingay.
"Can you be comfortable with me?" mahina niyang tanong.
I glance at him, "Uh... what are you talking about?"
He chuckled, "Can we be friends?"
Hindi ko alam ang isasagot doon.
"Bakit?"
He groaned. "Kailangan ko pa ba ng rason para makipag kaibigan sa'yo?"
He's my boss. So hindi dapat pwede. Isa pa bakit gusto niya akong maging friend? Hindi ko magets, I'm sure madami iyang kaibigan. Kung ako, mahirap akong kaibigan dahil hindi kaagad ako nagiging komportable kahit pa nga kaklase ko. Tapos siya pa?
Napanguso ako.
"Bahala ka," I whispered.