Chapter 6
Mad
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang tingin naman niya sa akin ay tila hinahamon ako. Napakurap ako at naiwas ng tingin. Bakit kailangan niya ng number ko? Nanatili siyang nakatingin sa harap ko at pinagmamasdan ako.
Narinig ko ang tawag ni Papa kaya napapitlag ako. I heard his chuckle. Napabuga ako ng hangin at hinarap niya.
"Go inside. I'll go now." He stated.
Nalito pa ako sa gagawin kaya napangiti siya. Kalaunan ay tumango ako at tinalikuran na siya. Nagmamadali pa ako kasi para akong kinakabahan. Ang lakas ng t***k ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.
Nakita ko si Papa sa pinto na pinagmamasdan ako. Ngumiti naman ako ng bahagya.
"Papasok na po ako Papa." Mahina kong sabi.
Hindi naman siya nag salita kaya kinuha ko na iyon para maglakad ng mabilis. Kaagad kong tinungo ang hagdan sa kaliwang parte ng bahay at umakyat. Halos hiningal pa ako dahil doon. I opened my door and sat at the edge of the bed.
I closed my eyes firmly and heave a sigh. Feeling ko ang haba ng araw na ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mabilis nakatulog ng gabing iyon dahil sa pagiisip ng nangyari.
Nang makabalik sa farm kinabukasan ay busy ang lahat dahil sa pagaayos. Maroon kasing magf'field trip na mga pre-elem mula sa Argao dito sa huebes. Every year daw ay pinapayagan ang mga iyon kaya abala ang mga tao ngayon.
"Blind item, sinetch itey na muntik ma harass sa bayan at may dalawang papi na super hero?" bulong sa akin ni Casimiro.
Naglalakad kami papuntang Canteen. Nauna na si Joshua kaya kaming dalawa nalang ngayon. Nakakunot ang noo ko siyang binalingan.
"Sino?" tanong ko kahit kinakabahan na ako.
Humalakhak siya. Tapos ay nanliliit ang matang tiningnan ako. "Anong pinag gagawa mo kahapon Aio?" malisyoso niyang tanong.
"Saan mo iyan narinig?" mahina kong bulong. He laughed again.
Hinampas niya ako sa kaliwang braso at nanunuksong tumingin.
"Narinig ko sa trabahador! Lalo na sa mga babae! Naku ka talaga Aio! Gusto mo bang masabunutan ng fan girls noon?"
I sighed and looked away. Sabi na sa dami ng nakakita, malalaman at malalaman iyon ng iba.
"Tinulungan lang naman ako..."
"Tapos hinatid ka sa bahay?" hindi ko alam kung nagagalit siya o nanunukso. Parang iyong huli.
He nudged my shoulders and smile like an idiot.
"Nagmamalasakit lang iyon Casimiro!" medyo naiinis ko nang tugon.
"Oh, bakit ka naiinis sis?"
My head fell and walked faster. Nang makarating sa canteen ay hindi lumagpas sa tingin ko ang paglingon ng ilang trabahador doon. I sighed and sat down. Nandoon na si Joshua.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
Tumango ako. Naupo naman si Casimiro sa harap at nginitian ako ng nakakaloko. Sumimangot ako at umiwas na ng tingin.
Ganoon ang naging usapan ng ilang babaeng trabahador sa farm. Hindi ko nalang nga pinansin dahil wala naman akong magagawa pa doon. Totoo naman ang nangyrai kaya lang feeling ko iniisip nilang may malaking malisya doon. Mahirap magpaliwanag ng hindi nagtutunog defensive. Sayang lang din sa oras.
Mas naging abala ng araw bago dumating nag mga bisita. Na excite din ako kasi mga bata sila kaya kahit madaming gawain ay natutuwa ako. Nang hapong iyon ay magpupunta akong café para kitain si Ate Penrose.
Gusto niya daw makipagkita kaya hindi ko tinanggihan dahil ito palang ang pangalawang pagkikita namin. Nagdala na ako ng damit kanina para sa farm nalang ako magbibihis. Bago makaalis sa farm ay nakita ko pa si Javier.
First time iyon matapos ang nangyari noong linggo. Palabas na ako ng makasalubong ko siya. Si Casimiro ay naghihintay na sa sasakyan kaya hindi ko na kasama. Yumuko at nagiwas ng tingin.
Balak ko sana siyang lagpasan pero hinarang niya ako. Napasimangot na kaagad ako at inangat ang ulo para magtagpo ang mata namin. Nakataas ang kilay niya sa akin na parang nagtatanong.
"Bakit?" tanong ko.
"Bakit mo ako iniiwasan?" seryoso ang sabi niya pero parang nanunuya.
"Hindi kita iniiwasan."
"Really?"
"Wala naman kasi akong sasabihin." Diretso kong sagot.
Lumawak naman ang ngisi niya kaya napayuko ulit ako. Gusto ko nang umalis dahil napapansin ko nag tingin ng ibang tao sa amin. Kung anu ano naman ang iisipin nila niyan.
"May pupuntahan ka?" tanong pa niya.
Mabagal akong umiling. Meron. Pero hindi ko sasabihin. Bakit siya nagtatanong?
"Aalis na ako." Sabi ko at mabilis siyang nilagpasan.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at halos takbuhin ang papunta sa parking. Nang makarating ay kaagad akong sumakay para makaalis na. Napatingin naman sakin ang kaibigan.
"Nagmamadali?"
Umiling nalang ako at hinayaan na siya. Hinatid niya ako sa café dahil alam niyang kikitain ko doon ang kapatid ko. Gusto niya ngang makita pero sabi ko ay sa susunod nalang. Hindi naman siya nagpumilit.
Nang makapasok sa café ay kaagad ko siyang natanaw. She's still the same, looking cold woman. Tumama ang malamig niyang tingin sa akin. Ngumiti naman ako at doon ko lang napansin ang kasama niya.
"Hi." Mahina kong bati at naupo sa harapan nila.
May kasama siyang lalaki na hindi ko kilala. Tumingin siya doon nang doon natuon ang aking pansin.
"He's a friend. Nagpumilit na gusto kang makita." Ate Penrose said.
Ngumiti naman ako.
"I'm Kyle and I heard your name is Aio..." ngumiti ito nang malaki sa akin kaya ganoon din ang aking ginawa.
"Nice to meet you..." dagdag ko.
Dumating ang waiter at may nilapag na drinks doon. Hindi na ako nagtaka na sila ang umorder. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanatili ang tingin ko sa inumin.
"Malaki pala iyong company na napasukan mo sa internship?" simula ni Ate kaya nagangat ako ng tingin at tumango.
"Oo. Mahirap makapasok doon kaya masaya ako."
"Buenavides?" tanong niya na parang hindi sigurado.
Mabagal akong tumango, "Kilala sila dito."
"Kahit naman sa Manila." Maikli niyang sagot na medyo ikinabigla ko.
Hindi pa ako nakakaluwas ng Maynila kahit kailan kaya hindi ko alam iyon. Isa pa, wala naman akong rason para umalis dito.
"Talaga?"
"Retired AFP iyon diba? Lalong sumikat dahil sa bulaklak nila." Singit ni Kyle, tinutukoy si Sir Paul Buenavides.
Alam ko ngang retired AFP iyon, madalas kasi iyon parin ang tawag sa kaniya. Major General, his rank.
Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. Edi kilala din doon si Javier? Napanguso ako dahil hindi talaga siya basta basta. Kung tutuusin ang layo ng pamumuhay naming dalawa. Isang tingin, makikita mo na ang pagkakaiba, at layo ng agwat.
Nagbaba ang Ate ng isang picture sa lamesa. Nagtataka akong tumingin sa kaniya at inabot iyon. It's a clearer picture of... our parents? Para iyon sa isang event dahil magarbo ang palamuti sa likod.
Napatitig ako dahil mas malinaw kong nakikita ang tunay kong magulang. Tumingin ako kay Ate at uminom lang siya ng juice at nagiwas ng tingin. Si Kyle ay busy sa cellphone.
The woman, looks classy and has a warm smile. Hindi kita ang kamay pero kita ang kamay ng lalaki na nakapalupot sa kaniyang likod. I smiled a bit. The woman... my mother, has long eyelashes. Sa kaniya ko pala iyon nakita, maging ang labi at kulay ng buhok.
Malakas naman ang aura ng lalaking katabi nito... my father. He looks strict, ruthless and scary. Kaibang kaiba ng sa biological mother ko. Napangiti ako lalo dahil kahit ganoon, kita sa picture na masaya sila.
"Can I keep this?" I asked.
Nagtaas ng kilay si Ate at tumango. "Keep it."
"Uh... hindi mo ba sasabihin kung anong pangalan nila?"
Nanatili ang titig niya sa akin. Nang hindi makayanan ay napaiwas ako ng tignin. Nahagip noon ang mata ni Kyle. He smiled sadly at me.
"I'll tell you soon. Delikado sabi ko hindi ba?"
I pursed my lips and nodded slowly. Pinipilit na intindihin ang sitwasyon kahit na hindi ko talaga maintindihan. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kyle.
"Don't be harsh, Pen." He whispered.
Umiling naman ako para ipakitang ayos lang.
"I'm not being harsh, okay?" sagot ni Ate at tapos ay humarap sa akin, "Sasabihin ko din pero hindi ngayon. Lalo na ngayon. Please understand Aio."
I bit my lower lip and do nothing but nod. Nagtagal ang tingin sa akin ni Kyle. Hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin pero hindi naman nagsalita. I just wanted to know their names. Pero naiintindihan ko naman kung ayaw nilang sabihin.
"We should eat dinner. Ayos na ba dito o may gusto kang iba Aio?" he asked sounding cheerful. Tila pinapawi ang mabigat na hangin.
"Ayos lang sa akin. Pero uh... pwede sa Pepper Grill. Sa kabayanan iyon at mas madaming pagkain."
Kyle smile widely. He looked at Ate Penrose.
"Pwede! Para makalibot din ako dito. Ano Pen?"
My Ate sighed and nodded. "Okay let's go." Nauna siyang tumayo at nahuli kaming dalawa ni Kyle.
"Pag pasensyahan mo na iyon. Lagi lang talaga siyang PMS." Bulong sa akin nito na ikinatawa ko.
"Sinusubukan ko naman na intindihin..."
"Sasabihin niya sa'yo lahat. Kapag okay na."
I nodded. Slowly holding into his words. Si Kyle ang nag drive habang tinuro ko nalang sa kaniya ang daan. Hindi naman puno ang parking kaya naisip kong hindi gaanong marami ang tao.
Humanap na kami ng table at sabi ko ay sila na ang mamili ng pagkain. Masaya namang ginawa ni Kyle iyon. Napansin ko lang na baliktad sila ng ugali ni Ate. Masyado siyang madaldal kumpara kay Ate kaya nagtataka ako at magkaibigan sila.
"Dito ka lumaki Aio?" Kyle asked.
"Oo. Ang sabi ay sa Aklan ako natagpuan noon. Ang mga umampon sa akin ay dito talaga nakatira."
"Mabait ba sila sa'yo?"
"Oo naman." Nakangiti kong sagot.
Dumating ang pagkain pero parang hindi naman ininda ni Kyle dahil tanong padin siya ng tanong.
"May kapatid ka ba? Hindi ka inaapi? Parang sa cinderella ganoon?"
I chuckled a bit at his imagination. "Wala akong kapatid at sobrang bait sa akin nila Mama at Papa. Tinuring nila akong parang anak dahill hindi sila pinagkalooban..."
"Mabuti naman kung ganoon. What's your course again?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ate at pagharap nito kay Kyle.
"Ang daldal mo." Asik nito na kinatawa lang naman ng huli, pati ako ay natatawa nadin.
"Agribiz ako." Sagot ko nalang.
"Oh right! Nasabi nga ni Pen na may maliit kayong flower farm?"
Nakangiti akong tumango. "Oo."
We continued eating after that. Nasarapan yata si Kyle kaya hindi na nakapagsalita ulit. Habang gumagabi ay dumadami ang tao. Ang iba ay magbabarkada yata at nagkakatuwaang uminom dito.
Natatawa ako ng mahina sa mga kwento ni Kyle nang nagpaalam si Ate para mag restroom.
"May boyfriend ka Aio?" mahinang tanong niya sa akin na naka lean pa sa table. "Secret lang natin."
Natatawa akong umiling, "Wala."
"I don't believe you!" naningkit pa ang kaniyang mata. "Nag ka boyfriend ka na?"
Umiling muli ako. "Hindi pa..."
"You're lying!" mas pinagmasdan niya ako na para talaga akong nagsisinungaling. Natawa naman ako, "Ilang taon ka na ulit? Twenty-one? Imposible!"
Umiling nalang ako para ipakitang wala talaga.
"It's true..."
Tumango tango siya na parang tinatanggap nalang ang sinabi ko kahit parang nagiisip pa.
"You look very reserved. Kaya siguro wala? Kabaliktaran ng Ate mo."
"May boyfriend ba si Ate? Ikaw?"
Halos mabuga naman niya ang iniinom. I chuckled and gave him a tissue.
"Hindi ko girlfriend ang Ate mo. Magkaibigan lang kami." Natawa siya.
Tumango naman ako at nilipat nag tingin sa kanan. Ang dami nang tao. Nahagip ng tangin ko ang isang pamilyar na mukha. Inayos ko pa ang tingin para makumpirma kung si Javier iyon. Nang makita ang mabigat niyang tingin sa akin ay kinabahan ako.
Mariin siyang nakatingin na parang kanina pa siya nagmamasid kaya napa kurap ako at napaiwas ng tingin. Bakit ba ako kinakabahan? I licked my lips and drink my juice.
"Ayos ka lang?" he asked and I nodded. "Nauna na ang Ate mo sa sasakyan. Pasaway talaga. Tara na?"
Tumango lang ako at nagmamadali nang kinuha ang bag. Buti naman. Hinintay niya akong makatayo at pinauna sa paglakad. Hindi ko na tinapunan ulit ng tingin si Javier dahil mukha siyang galit.
Hinatid ako nila Ate sa bahay at nagpasalamat ako.
"See you again Aio!" pahabol ni Kyle na nginitian ko. I waved my goodbye and went inside the house.
Nakatulog ako kaagad pagdating sa kwarto. Medyo late pa nga ako nagising dahil sa pagod. Halos takbuhin ko nang sasakyan ni Casimiro.
"Sorry!"
"Napuyat! Close na ba kayo ni sisteret?" natatawa niyang tanong.
Medyo na late nga kami ng dating kaya nagmamadali kaming magbihis. Halos habulin ko pa ang hininga ng makarating sa open field. Doon kami ngayon para alalayan ang mga bibisita. Ang ilang trabahador ay naka pwesto din sa ibang greenhouse.
I heave a long sigh. Nahagip ng tingin ko si Javier na mariing nakatingin sa akin. Nagiwas ako ng tingin nang maalala na ganyan din ang tingin niya sa akin kagabi. Nakaramdam ako ng may sumiko sa akin.
"Ano iyang titig na iyan cachorro? Malulusaw ka na!"
"Huwag ka nang maingay diyan." bulong ko at natawa naman siya. Napanguso ako at nanatili ang tingin sa ibang bagay.
"You're both late." Sabi ni Javier na hindi ko namalayang nakalapit na sa amin.
Napakurap ako, "Uh... sorry... po." Dugtong ko sa huli dahil nasa trabaho kami kaya dapat gumalang.
Nakita ko ang paghakbang niya palapit.
"Sorry Sir! Tinanghali si Aio dahil may date kagabi." Masiglang sabi ng katabi ko kaya hindi ako makapaniwalang lumingon sa kaniya.
Kinindatan naman ako ni Casimiro. Dahan dahan akong nag angat ng tingin kay Javier. His eyes are darted on me like watching my every move. Lalo akong hindi napakali. Gone is his smile and smirk, he's almost angry with the way he looks at me.
"Date?" his voice is low, but scary.
"Uh, sorry..." mahina kong bulong.
Kasalanan ko naman talaga dahil kapabayaan ko iyon. Kahit late ako natulog dapat maaga parin akong nagising dahil may resposibilidad ako. Waking up late is never an excuse and I know that.
Umingay ang paligid nang siguro ay dumating na mga estudyante. Umiwas ako at naglakad palayo. Hindi ko kayang nandoon sa harap niya dahil naiilang talaga ako. My heart is beating loudly and I don't know why. Ganoon ba siya nakakatakot kapag galit?
Saglit akong natulala at napawi lang iyon nang marinig ang mahinang hagikgikan ng mga batang estudyante. Napangiti ako ng makita sila sa cute nilang pe uniforms. May mga maliit na backpack at ang cute cute.
"What flower is this?" matinis at cute na boses noong batang babae sa harap ko.
Umupo naman ako at pinantayan siya. Nakangiti akong pinagmasdan siya bago sumagot.
"They are daylilies."
"Daylilies?" nagtataka siyang tumingin sa akin na parang nagiisip. Ang cute. "Why does it call daylilies? Is it only for day time?"
I laughed and nodded slowly at her cute acts. "You're right. They only bloom on the day and closed at night."
"Really?" manghang tanong niya.
Natutuwa akong tumango. "It also represents a love of a mother. And a love of a child to its mother..."
"Should I give this to my mom?" tanong niya habang hinahawakan ang bulaklak.
Ang chubby cheeks niya ay ang sarap kurutin. Pinagmasdan ko lang siya at nabaling ang tingin ko sa lalaki sa kabilang hilera ng bulaklak. He's still looking intently. Nang tiningnan ko pabalik ay masungit na nagiwas ng tignin. May problema kaya si Javier ngayon?
"It means flirtation too baby! Dahil sa araw lang naroon at nawawala na sa gabi. Panandalian!" sigaw ni Casimiro sa gawi namin kaya pinandilatan ko.
"Ang pangit naman ng turo mo." Naiinis kong sabi na ikinatawa niya.
"What's flirtation?"
Napapikit ako, "Don't mind him. He's just fooling around..." sagot ko sa batang babae.
Buti naman at hindi na niya pinansin at naglakad na ulit. Nang makalapit ako kay Casimiro ay hinampas ko siya.
"Ouchie Aio! I told you I find this sweet but it hurts sometimes!" maarte niyang sabi.
Hindi ko na pinansin at itinuon ang atensyon sa mga bata. Nakita ko si Javier na may kausap nang isa sa mga tauhan. Napanguso ako dahil hindi niya ako pinapansin. Pero ayos lang din dahil baka kung ano na naman ang isipin ng mga tao rito.
"Matunaw yan." Bulong ni Casimiro.
"Tigilan mo nga iyan Casimiro."
"Sus! Nag d'deny ka pa! Alam mo bang dahil sa mga tukso kaya lalong nahuhulog ang loob ng isang babae at lalaki?"
"Hindi. Kaya tumigil ka na."
He just laughed at me. Walang ibang makausap ito dahil malayo si Joshua sa amin kaya ako ang pinagbubuntunan. Nang matapos ang pagkaabala sa umagang iyon ay kumain kami sa canteen.
Kumakain kami ng tahimik ng lumapit sa amin si Miss Gail. Bumati naman kami at ganoon din siya tapos ay itinuon ang pansin sa akin.
"Pwede bang pakidala ito sa office ni Javier, Aio? Hindi ko lang kasi maiwan iyong ginagawa ko." Mahina niyang sabi.
Tumango ako kaagad, hindi na naisip na si Javier pala ang pupuntahan.
"Thank you! Alam mo naman kung saan hindi ba? May mapagtatanungan ka rin naman doon."
Umalis siya kaagad ng iabot sa akin ang isang folder. Napabuga ako ng hangin at humarap kay Casimiro na may nakakalokong ngiti.
"Samahan kita?" tanong ni Joshua.
Sandali akong nagisip at umiling. Maabala pa siya kaya ko naman. Ibibigay lang naman ito. I bit my lip and drink my water.
"Kaya mo yan cachorro!"
Sinimangutan ko nalang siya at tumayo na. Nilakad ko ang papunta sa main building kung saan nandoon ang office niya. Nagtanong ako sa receptionist at mabait naman niyang tinuro kung saan.
I knocked three times before I opened the door. Hindi naman siya nagaangat ng tingin. Nakayuko siya sa table niya at may binabasa. He looks serious and this is the first time I got a picture of it. Parang iba siya sa mga nakasanayan ko.
Hindi pa ako nagsasalita ng nag angat siya ng tingin siguro dahil ang tagal kong kumibo. Nakita ko siyang nagulat ng makita ako. Kinabahan ako kaagad ng kumunot ang noo niya. Hindi talaga ako sanay na ganyan siya.
"Why are you here?" diretso niyang tanong.
My heart hammered as I swallowed hard. His tone is cold and grumpy. Napakurap ako at lumapit. Halos manginig pa yata ang tuhod ko. Mukha kasi siyang galit kaya nakakatakot.
"Uh... P-Pinabibigay ni Miss Gail..." sambit ko at pinakita ang folder.
Masungit naman siyang tumango at binalik ang tingin sa binabasa. Hindi ko alam kung bakit napakunot ang noo ko sa inaasal niya. He looks so cold and I don't remember him being like this.
"Ilagay mo nalang diyan." Sabi niya sabay turo sa table niya.
I sighed and pouted. Siguro ganito talaga siya? Inalala ko pa ang huling usap naming kahapon pero maayos naman siya ah? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba. My heart raced more as I put the folder on his desk.
Ni hindi manlang siya nag angat ng tingin sa akin. Tumalikod na ako pero hindi ko alam kung bakit gusto kong tanungin kung anong problema? Hindi naman siya ganito?
Muli akong humarap bago mabuksan ang pinto.
"Galit ka ba?" mahina kong tanong.
Nakita kong bahagya siyang natigilan. I bit my lip waiting for his response. Nagangat siya ng tingin sa akin pero ganoon padin, seryoso at malamig. Gusto ko nang sumimangot pero pinigilan ko lang.
"Hindi."
"Bakit ka ganyan?" tunog nagmamaktol pa ako pero binalewala ko nalang.
"Anong ganyan?"
"Hindi mo ako pinapansin."
His eyes slightly widen. He cleared his throat and look at me the same. Napasimangot na ako.
"Dapat ba lagi kitang pinapansin?"
His words lingered. Napakunot ang noo ko at hindi ko alam kung bakit parang nagagalit ako. I parted my lips to say something but no words came out. His words caught me off guard. Oo nga Aio, ano naman kung hindi ka niya pinapansin?
Hindi ko alam kung bakit feeling ko, nasaktan ako sa sinabi niya. Syemrpre, sabi niya gusto niyang makipag kaibigan tapos ngayon ganito? Napatayo siya ng wala akong nasabi. Masungit ko siyang tiningnan at nakita ko ang paglambot ng kanyang mata.
"Okay. Sige. Hindi na kita kakausapin." Sabi ko at tumalikod na.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naiinis ako. Dapat nga matuwa ako dahil hindi niya ako pinapansin dahil mas okay iyon. Bago ko pa nabuksan ang pinto ay naramdaman ko na ang paghawak niya sa palapulsuhan ko.
Nag angat ako ng tignin sa kaniya at nakita ko ang malamyos niyang titig siya sa akin. Kaagad kong hinila ang kamay ko na ikinagulat niya.
Hinarangan naman niya ang daan ko nang magtangka akong umalis ulit.
"I'm just kidding..." he said softly and he's all smile now.
Masungit ko parin siyang tiningnan. Hindi naman ako nakikipagbiruan sa kaniya.
"Aalis na ako."
Hindi naman niya alam kung paano ako pipigilan, kung saan ako hahawakan at kung tama bang hawakan niya ako. Umiwas ako at mas lalong sumama ang tingin sa akniya. Napa buntong hininga siya.
"It's just a joke... are you mad?"
"Hindi naman ako nakikipag biruan sa'yo."
"Come on..." he tried to held my wrist.
Hinigit ko kaagad iyon. "Huwag mo nga akong hawakan." Nagmamaktol kong sabi.
Bahagyang nanlaki ang mata niya. His eyes are watching me softly and almost regretful. Lalo akong napasimangot. Bakit naman siya mag j'joke ng ganoon? Ang sakit kaya ng sinabi niya. Hindi talaga siya pwedeng maging friend ko.
"Azalea..." he called almost pleading. "Sorry..."
"Ayaw na kitang friend. Hindi tayo magiging friends."
Napasinghap siya at parang nataranta.
"Oh damn. Why did I even do that." Napapikit sya at parang nahihirapan, "I'm sorry..." masuyo niya akong tiningnan.
"Ang pangit mong magsalita."
He sighed at me. "I know, I'm sorry, okay? Hindi na mauulit. I'm just upset..."
My eyebrows knotted. Kung upset siya bakit sa akin niya ibinubunton iyan? Ganyan din ba siya sa iba? Napailing ako. Bahala siya diyan.
Tumalikod ako at lalagpasan sana siya ng hawakan niya ako sa palapulsuhan.
"Come on baby... Damn! Ako dapat iyong galit."
Bumaba ang kamay niya sa kamay ko. Sinubukan kong hilahin pero hindi niya binigay. Anong galit? Bakit ba siya galit? Saka sabi niya hindi siya galit?
"Hindi kita maintindihan. Sabi mo hindi ka galit? Saka bitawan mo nga ako. Naiinis na ko e."
"Did you have a date last night?" bigla niyang tanong.
My heart keeps on throbbing against my chest. Masuyo niya akong tinitingnan sa mata at naghihintay ng sagot. Nailing ako at nagiwas ng tingin.
"No..."
"I saw you." His voice is almost angry but he still keeping it low and soft. I heard him sigh.
"Nakita rin kita, hindi naman ako nagtatanong?"
He groaned.
"Wala naman akong kasamang babae."
Napakunot na ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. His head fell dramatically.
"Fine. You didn't have a date. Who's with you last night?"
Ayaw ko siyang sagutin pero... sige na nga.
"He's a friend of my sister."
His eyes narrowed. Kalaunan ay tumalim ang tingin niya.
"You don't have a sister Azalea. Are you lying to me?" hindi makapaniwala niyang tanong at tunog nagmamaktol pa.
"No!" agad kong sagot. "That's true... he's... I have a sister... my biological sister..." pahina ng pahina kong sabi.
Napayuko na ako at natigilan naman siya. I sighed and looked up.
"The one you met is my adoptive parents..." dugtong ko dahil parang naguguluhan siya.
Lumambot ang hawak niya sa kamay kong nakalimutan ko nang hawak niya padin.
"I just met her recently... kasama namin siya kagabi..."
"Now you're explaining. That's new." Sagot niya na may ngisi. Napasimangot na ako at hinila na ulit ang kamay kong hindi naman niya binibitawan.
Humalakhak siya. He looks at me gently and crouched a bit to level my eyes. Napaurong naman ang ulo ko. This close, I can say... he's really good looking. Napakurap ako nang mapansin malapitan ang kaniyang mukha.
Mula sa depinang panga at nangungusap na mata. His pointed nose, and lips that's always in a stretch for smile... he's not that bad. He poked my nose. Napakurap ako dahil doon.
"Pwede ko na bang makuha number mo? Hmm?"