Chapter 7 Girlfriend

2665 Words
Chapter 7 Girlfriend Masungit kong kinuha ang cellphone niya nang iabot niya sa akin iyon. Naiinis padin ako sa ginawa niya pero nag sorry naman siya kaya papalagpasin ko nalang. Mukha naman siyang nagsisisi. Lumabas ako kaagad ng office niya ng iabot ko pabalik ang cellphone niya. Natatawa naman siyang humabol. Napasunod pa ng tingin sa amin ang receptionist nang sundan ako ni Javier hanggang sa labas. "May gagawin ka sa sabado?" Napatigil naman ako at hinarap siya. "Meron." "Iyong weekly report mo? Sa café?" Hindi ko alam kung bakit tama siya doon pero tumango padin ako. "Oo." Sagot ko at tumalikod na ulit. Sumunod padin naman siya. I saw some workers looked our way, sa hiya ay mas mabilis akong naglakad. "Saan ka ba pupunta?" mahina kong sabi kahit naglalakad. "Kung saan ka pupunta." "Wala ka bang trabaho?" "Meron. Kanina. Ngayon wala na." Huminto ako at tumingin sa kaya. Naningkit ang mata ko at nanatili naman siyang naka ngisi sa akin. "Huwag mo akong sundan." "Why?" "Hindi ba, galit ka sa akin?" Nawala ang ngisi niya at kumunot na ang noo. "I'm not mad. I'm just upset. I told you I'm sorry..." "Why are you upset?" He sighed and shook his head. Tila alam naman ang rason pero pinipilit huwag sabihin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Parehas kaming napalingon ng may tumawag sa kaniya. From a far, I can easily tell who is she. Iyong girlfriend niya. "Javier! Nandito ka lang pala!" sabi nito ng makalapit at hindi pa ako napapansin. Iniisip ko ngayon na baka iba na naman ang isipin niya sa amin. Pero sabi ni Javier hindi niya ito girlfriend? Ano ang ginagawa dito kung ganoon. Wala pa naman akong sinasabi pero tila nagiging defensive na ang mata ni Javier nang tumingin ako sa kaniya. Lumingon sa akin ang babae at nagtaas ng kilay ng mamukhaan siguro ako. "Lucille." Agaw ng pansin ni Javier. "Aalis na po ako... sir..." I fake a smile and turn away. "I miss you!" rinig ko pang lambing noong babae. Mas binilisan ko ang lakad. Hindi girlfriend? Nakita ko pa ang tingin ng ilang trabahador pero wala na akong pakialam. Kung hindi girlfriend bakit bumibisita dito? Singungaling talaga iyon. Not that I expect him to be honest but atleast, right? Sana sinabi na lang niya ang totoo nang sa ganoon alam ko ang sasabihin kung sakaling sugurin na naman ako ng babae niya. O baka hindi niya girlfriend at fling lang? O isa sa mga girlfriend niya na hindi niya matandaan? "Kunot na kunot ang noo girl?" tukso ni Casimiro nang makabalik ako. Hindi ko naman napansin na naka kunot nag noo ko kaya pilit kong itinago iyon. "Anong nangyari?" tanong ni Joshua nang maupo ako sa tabi niya. Umiling lang ako at hindi nagsalita. Tahimik na nakamasid si Casimiro kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tinikom naman niya ang bibig na nagbabadya ng ngiti at tila nanunukso. Hindi ko din alam kung bakit sumama kaagad ang mood ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa biro ni Javier kanina o dahil sa babaeng iyon. Siguro dahil sa biro niya dahil bakit naman ako magagalit sa babaeng iyon? Dapat pa nga maawa ako dahil tinatanggi siya ni Javier sa iba. Tama. I sighed and stood up when our lunch time is over. Nakita ko si Javier na naglalakad palapit kaya binilisan ko ang kilos para hindi na kami magkatagpo. "Azalea," Nilingon ko siya. Kaming tatlo ay nilingon siya at ang dalawa kong kasama ay nagtataka. Hindi naman ako nagpakita ng kahit anong makapaguugnay sa nararamdaman ko. "Bakit po?" diretso kong tanong. Napabuga siya ng hangin at malambot na nakatingin sa kain. Ang itsura niya ay parang may ginawang kasalanan. Ano iyon? Nagsinungaling siya at girlfriend niya talaga iyon? Ayos lang naman. Ayos lang talaga. Magsasalita na sana siya pero inuhan ko ulit. "Tapos na po ang lunch break kaya babalik na po kami sa trabaho po sir." He looked pissed but he's trying to hide it with his soft eyes. Parang mas matimbang ang panunuyo niya kaysa sa pagkainis sa mga po ko at pagtawag kong sir sa kaniya. Tumingin si Casimiro sa mga daliri niya na parang may nakakaaliw doon. Si Joshua naman ay parang naguguluhan na nakatingin lang sa amin. "Magusap muna tayo..." "Tungkol po sa trabaho?" I almost cringe at my tone. Malumanay iyon at halos kabaliktaran ng nararamdaman ko talaga. Hindi ko nga alam kung bakit parang naiinis ako? Ang makita siyang parang maamong tuta dahil siguro may kasalanan at iyon ay nagsinungaling siya? Nakakapagpainis sa akin. "Hindi-" "Work hours po e. Magt'trabaho muna po ako sir..." Naubo si Casimiro sa sinabi ko. Hindi ko na siya nilingon dahil sigurado akong pinagtatawanan niya ako. Hindi ko rin alam kung bakit parang ang tapang kong sumagot pero bahala na. Napapikit ng mariin si Javier kaya kinuha ko na iyong pagkakataon para umalis. "Mauna na po kami." Kaagad ko siyang tinalikuran at napabuntong hininga. "May problema kayo?" Joshua asked. "Wala naman." Nilingon ako ni Casimiro na parang ngayon lang naka get over sa nangyari. "Infairness ang galing mo doon girl! LQ kayo?" Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang siya. "Ngayon ko lang nakita ang ganoong itsura ni Javier!" natatawa niya pang dugtong. "Anong mayroon sa inyo ni Sir Javier, Aio?" singit ni Joshua na nilingon. Bahagya akong umiling, hindi rin alam ang isasagot. Hindi naman kami magkaibigan... boss ko? Iyon lang ang sigurado ako. Pero hindi ko kasi alam bakit siya lapit ng lapit sa akin. Feeling close pa at ang dami ng tanong. Hindi rin alam kung bakit sa nararamdaman kong inis at sakit sa salita niya kanina, parang pinahahalagahan ko siya kahit hindi naman. "Wala naman Joshua." "Parang may something. Hindi ba Casimiro?" "Mayroon talaga! Naku! Kapag nalaman ko iyan Aio, magtatampo ako at hindi mo kaagad sinabi sa akin!" sagot ng kaibigan ko. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa trabaho sa hapong iyon. Hindi ko na nakita si Javier pagkatapos noon. Umuwi din naman agad ako ng matapos ang oras na kailangan kong gugulin. Patulog na ako ng araw na iyon ng may matanggap na mensahe. Unknown Number: Are you mad? Hindi ko kilala kaya hindi ko nireplyan. Kahit may ideya ako kung sino, hindi ko na pinansin. Tumihaya ako ng pwesto at pinagmasdan ang kisame na parang may bago doon. Unknown Number: Tulog ka na? Hindi ko parin pinansin. Unknown Number: Azalea. Ngayon sigurado na ako kung sino. Pero kahit ganoon hindi ko parin pinansin ang mensahe niya. Bakit ba siya nag tetext? Kung alam ko lang na hanggang dito mangungulit siya, ibang number nalang sana ang ibinigay ko. Iyong kay Casimiro at sigurado akong matutuwa ang baklang iyon. Ako: Tulog na 'ko. Unknown Number: Is that sarcastic or joke or... Napasimangot ako at hindi na ulit nagreply. Bakit ba hindi ako makatulog kung kailan dapat na akong matulog. Unknown Number: Let's talk tomorrow. Ayaw ko nga. Unknown Number: Goodnight, Azalea. I barely slept. Buti nalang hindi ako nalate ng gising. Nang makarating sa farm kinabukasan ay wala akong ginawa kundi ang iwasan si Javier. Ayos narin dahil ayaw kong pagusapan na naman ng mga trabahador lalo na ng mga babae. Sa tuwing nakikita ko siyang lalapit ay kung anu anong ginagawa kong iwas. Kahit hindi ko na trabaho ay ginawa ko para lang maging busy. Naka survive naman ako at hindi kami nagkausap manlang sa araw na iyon. Kinabukasan ay sabado kaya sa café ulit ako para gumawa ng report. Nakasanayan ko na iyon kaya doon nalang ako gumawa ulit. Madalas naman talaga ako dito kahit hindi pa internship. Siguro mas naaliw ako at mas nakakagawa ng maayos dito. Isa pa, may pagkain at madali lang umorder kaya komportable na din. Wala rin sila Mama ngayon at Papa sa bahay dahil may deliver silang bulaklak. Hindi naman sila madalas mag deliver pero napagpasyahan na nila at mag d'date daw sila. Gusto nga akong sumama pero tumanggi na ako. May kailangan din kasi akong gawin. I was busy looking at my laptop when someone sat before me. Hindi ako nag angat ng tingin dahil sa ilang beses niyang ginawa iyan ay pamilyar na sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagtype ulit sa laptop ko. "Hindi na ako natutuwa sa pagiwas mo sa akin." His voice is valid of bitterness and annoyance. Nagtype lang ulit ako. I was reading in my mind the words I needed to write. Hindi pwedeng mawala sa isip ko dahil baka makalimutan ko pa. Writing needs a good concentration and time. I heard him huff and sighed. "Fine, lagi naman akong natutuwa sa'yo kaya hindi iyon totoo. Huwag mo na kasi akong iwasan." Hindi ko alam kung maiirita ba ako sa sinabi niya o ano. I noticed that these past few days, I seem to give him a lot of attention. When I don't like someone, I don't even feel irritated or annoyed, I just don't care. Pero itong lalaking ito... binubuhay ang lahat sa akin. I can't say that the way he is to me don't linger in my mind. It does. A lot. Kung nakikita ko siyang ganito sa iba, maiintindihan ko na friendly talaga siya at ito talaga ang personality niya. If other people can gossip about how he is extra mindful of me because of what they see, I certainly see and feel it too. I can't say that he's just being good. Because being good have some line and limitations. Iyong kabutihang ipapakita na hindi magkakaroon ng ibang pahiwatig at kahulugan. Kabutihang wala kang ibang nais iparating kundi purong intensyon. Kung ganoon ang gusto niyang ipakita, wala sana siya sa harap ko ngayon. This is beyond the line of wanting to be good to others without ulterior motives. Kung ano mang motibo ang mayroon siya, ayaw ko nang isipin. "Hindi kita iniiwasan." "Ano pala itong ginawa mo?" "Hindi lang talaga kita pinapansin dahil hindi naman tayo friends." I don't know if that's the right words to say but I needed that line as of the moment. I needed to tell him that before I even forget it myself. Nakita kong natigilan siya pero pilit hindi iniinda at nagpapakitang naiinis pero nanunuyo. "She's not my girlfriend." I blinked, "I'm not even thinking about that." Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob. Kung ibang tao ito, hindi nalang ako magsasalita. Pero dahil siya... siguro nga ang dahilan ng pagiwas ko ay ang katotohanan na baka nag sinungaling siya sa akin. Girlfriend naman talaga niya iyon pero dineny pa niya. If he wants us to be friends, it's not that hard to be honest right? Pilit kong isinisiksik sa isip na iyon lang ang dahilan at wala nang iba. "If you're upset because you feel that I lied to you, I didn't." His tone is serious and so is his face. Napakunot ang noo ko. My heart throb and unnamed emptions started flowing through my veins. It's like a wrong chemical mixed into one. Hindi matanggap dahil hindi compatible. Hindi ko matanggap dahil hindi maaari. "She's not my girlfriend. She really isn't. Fine you saw us but... it's nothing serious." Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Napahawak siya sa buhok at mukhang na f'frustrate. Oo nga at hindi naman siya mapagseryoso. Isa pa iyon sa ayaw ko sa kaniya. Napasimangot ako dahil sa itsura niya. Pinagmumukha naman niya akong masama dahil mukha siyang kawawa sa harap ko. May natigilan pang customer sa gilid namin at tiningnan pang mabuti kung si Javier nga ang nakita niya at kalaunan ay tumingin sa akin. Nagyuko nalang ako ng ulo. "Won't you say something?" mahina niyang sabi. Ano bang sasabihin ko? Hindi ko naman maamin na nagagalit nga ako sahil sa babae na iyon at sa isiping nagsinungaling siya sa akin kaya ano ba ang dapat kong sabihin? Sa mga ganitong bagay dapat wala akong pakialam pero hindi ko alam kung bakit siya bumabagabag sa akin. "Okay." I uttered. His eyebrows knotted more and he looked more serious. Iyon nalang ang dapat isagot para matapos na ang usapan, dahil kung hindi, hahaba pa ito ng hahaba. Hindi naman nagbago ang itsura niya at mukha paring hindi napapanatag. Nagsalita na ako ah? Wala kaya itong ginagawa at laging ginugugugol ang oras dito sa café? O baka naman may date siya dito ngayon? Pero kahit pa iyon wala naman akong paki. "Anong okay?" "Okay. Ano ba ang dapat kong sabihin? I don't even know why you're explaining..." hindi nakatingin kong sabi sa kaniya. Maybe I should buy some papers to print my report out. Wala na akong papel at kahit pa madalas lang akong magpasabay kay Mama bumili o minsan sa escuelahan ay gagawin ko na ngayon. Nagligpit na ako ng gamit at hindi na pinansin pa ang nasa harap. "Where are you going?" I sighed and looked at him. Malambot na ang mga mata niya ngayon. Hindi ko talaga alam kung bakit ang dami niyang oras sa ganito. Nagtataka nga ako dahil wala yatang nababalita sa kaniyang babae ngayon? Dati usap usapan siya sa farm namin ng mga trabahador. Ngayon, bukod sa alam kong babae niya dahil lang nakita kong bumibisita sa farm nila, wala na akong ibang naririnig. "Aalis na. Bakit ka ba nandito? Hindi ka ba busy?" sa mga babae o negosyo? "Sasamahan kita." Napailing ako dahil ang kulit niya talaga. "Hindi ko kailangan ng kasama." Mahina kong sambit. There he goes again with his smirk and playful eyes. "Gusto kitang samahan." Hindi ko naiwasang mapairap. Ngayon, sigurado akong may iba talaga akong nararamdaman sa kaniya. My heart won't stop beating harshly that I think it will break my rib cage. I have my few shares of crushes but it's just because they look attractive. Hindi ko rin iyon pinagtutuunan ng pansin. Pero ang lalaking ito ay hindi kailan man naging maganda sa aking paningin kaya bakit nagkakaganito ako ngayon? "Did you just roll your eyes?" para siyang namamangha, "It's not something Azalea would do every day." And now he notices even the smallest things. Malayong malayo sa pagkahusga ko sa kaniya. I don't know why he's like this with me. He said he wanted us to be friends... ganito ba talaga siyang makipagkaibigan? Parang lalo kong ayaw na. Kasi kapag nagpatuloy siya ng ganyan at ang gusto niya lang ay pakikipagkaibigan, hinding hindi ko kayang ibigay iyon. "Ewan ko sa'yo." I stood up and got my bag. Natatawa siyang sumunod sa akin sa labas kaya mas binilisan ko ang lakad. Nakita kong binati siya ng manager ng café kaya mas binilisan ko. "Get in the car!" habol niyang sigaw nang nagtuloy tuloy ako sa lakad. I run when I saw him catching up. Narinig ko pa ang tawag niya sa pangalan ko bago ako nakasakay ng tricycle. I shyly told the driver to please drive faster. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis. Nang makarating sa kabayanan ay kaagad akong nagbayad sa driver at tumungo sa bilihan ng school supplies. Mas maraming tao ngayon sa bayan dahil sabado at hindi rin masakit sa balat ang sikat ng araw dahil sa malamig na simoy ng hangin. Halos napatalon ako ng may humawak sa aking palapulsuhan, afraid it will be that guy again or another drunk guy, I tried to pulled away harshly. Hindi ko naman nagawa nang humakbang sa harap ko kung sino man iyon. Nang makita ko siya ay napabuga ako sa hangin. Naiinis na tumingin sa akin si Javier. "You scared me!" mahina pero may diin kong sabi. "You wouldn't be scared if you went with me." Mas may inis ang boses niya kaya napatikom nalang ako ng bibig. Talagang sumunod pa siya dito? Gustong gusto talaga nito ang ginugulo ako. Mamaya ano na naman ang isipin ng ibang tao dahil dikit siya ng dikit sa akin. "Bahala ka nga. Papansin ka din e." He looked shocked and amused. Gustong niyang matawa pero parang pinoproseso pa ang sinabi ko. He chuckled in the end. "Sa'yo lang naman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD