Epilogue

2437 Words
Frozen Heart Epilogue ***** "Why are you doing this May?" "Because I want to get even. Sinira mo ang buhay ko Yara, simula nang dumating ka ay nawala sa 'kin ang lahat. Everything that you have now, they're supposed to be mine." She was looking down while saying those unimaginable words. Hindi ko alam na may grudge pala sa 'kin si May. I thought that she was the most sweetest girl I have ever met. "I don't recall ruining someone else's life, May. Especially you!" I defended myself. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero tumingin siya sa 'kin na nanlilisik ang mga mata. Si Kiana naman ay nakangisi na pinanunuod kami. "Kasi selfish ka! You don't care about everything else, you only care about yourself!" Nagsimula na siyang magwala. Lumapit siya sa 'kin at sinampal ako. It was loud and stings really bad, naramdaman ko ang pananakit ng labi ko kasabay ng paglasa ng parang kalawang mula roon. Kiana was just smirking at me while the other person inside the room was busy reading some papers. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," I talked back. She snorted, "Hindi alam? Well ipapaalala ko sa 'yo. It was way back when you were broke, kayo ng nanay mo. Nandoon ako sa mansiyon dala ang mga gamit ko, it was time para ampunin ako ng mag-asawang Tejares." Flashbacks started to drown me. Iba't-ibang sinaryo noong nandoon pa ako sa mansiyon. Some were good but mostly struggles and hardships. Pumunta kami ni Mama sa mansiyon ay may mga madre na kinakausap si Lolo Ruben, may mga dala rin silang maleta na may kalakihan. Nandoon lang ako sa terrace, nakaupo habang si Mama ay kinakausap si Lolo at ang mga madre. "Hija what are you doing here? Ngayon ka na lang ulit dumalaw simula nang mamatay ang Mama mo," "Tito Ruben, it's so nice to see you again." Lumapit si Mama kay Lolo Ruben at naiwan ako nang tuluyan. Bigla namang naupo sa harapan ko ang dalawang madre at tila may pangamba sa kanilang mga mukha. Hindi ko na sila pinansin dahil panay ang tingin nila sa akin. I felt uneasy that time dahil sa mapanuri nilang tingin. Itinuon ko na lamang ang buong pansin sa kung gaano kaganda ang tanawin sa hardin. Napupuno ng mga bulaklak na iba't-ibang klase. Hanggang sa napansin ko ang malalim na paghinga ng isa sa mga madre. "Sister Eva, anong gagawin natin sa bata kapag nagkataon? Hindi na kaya ng ampunan na maghandle pa, siya na lamang ang natitira." "Hindi ko alam sister, hindi naman natin kayang isama si Amelia sa Roma." Bumuntong hininga ulit siya at tumingin sa 'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa pagkahiyang nararamdaman nang mahuli niya akong nakikinig sa usapan. Imposible naman na ako ang pag-usapan nila dahil una at higit sa lahat ay hindi Amelia ang pangalan ko. At ni hindi ko nga kilala ang mga madre na nasa harapan ko. Napatayo sila nang bumukas ang pinto sa terrace at iniluwa niyon si Lolo Ruben at si Mama. Pangalawang beses ko pa lamang nakita si Lolo Ruben noon. Simula kasi nang mamatay si Lola Corazon na nanay ni Mama ay hindi na kami muling nagkita pa. "Don Ruben..." bati ng isa sa mga madre. Tumango lamang ang mga ito nang marahan na umiling ang kaharap. Bakas ang matinding kalungkutan sa mga mata, ang isa pa ay halos maiyak na sa sobrang pagkalugmo. Pilit na ngumiti ang kasama nitong madre. "Naiintindihan po namin Don Ruben, aalis na ho kami." Walang imik na lumakad ang mga ito palabas ng pinto pero bago iyon ay may isang batang babae ang tumakbo papunta sa harapan ko. Napatayo na lamang ako. Nakasuot ito ng kulay asul na bistida na mahaba at nakapusod ang buhok na hinati sa dalawa. Ang mga mata nito na pulang-pula dahil sa kakaiyak at nanlilisik. Ang pisngi na basa na ng mga luha. "Ayoko sa 'yo! Bad ka! Bad ka!" Itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako. Hindi ako nanalaban pa samantalang bakas ang pagkagulat sa mukha ng mga madre. Kahit na si Mama at Lolo Ruben ay napatingin sa batang babae. "Amelia! Bakit mo ginawa 'yun? Hindi mo ba alam na masama ang bagay na iyon?!" Sita sa kaniya ng madre. Tinignan lamang siya ng batang babae at binalik ang matatalim na tingin sa 'kin. She was sobbing so hard. "Hindi ka magiging masaya kasi mang-aagaw ka!" She snapped at tumakbo palabas ng mansiyon. Humingi naman ng tawad ang dalawang madre bago nila sundan ang batang babae. It was the most unforgettable moment in my life, the day my mother left me. The day she sold me. But those eyes, the girl's eyes, they hunt me every night. Even her last words echoed in my head everytime I fell asleep. She was angry, no she was mad. She loathes me. And looking back, I remembered. ''What now? Lost your tongue?" "Ikaw...A-Amelia." She laughed histerically at si Kiana naman ay inirapan siya. She took off her eyeglasses at saka ang kaniyang ponytail. At iyon ang pares ng mga mata na hindi ko malimutan. She even managed to wink at me bago naupo sa tabi ni Kiana. "I hate you, you know that by now don't you? Alam mo, simula nang araw na 'yun ay kalbaryo na ang lahat para sa 'kin. Lahat ng trabaho ay pinasok ko, illegal man o hindi magkaroon lang ng pantawid-gutom. Ilang taon din akong palaboy-laboy sa kalye samantalang ikaw ay nagpapakasasa sa kayamanan!" "So gumaganti ka!" "Ano pa nga ba?! H'wag ka ngang tanga. So to make the long story short, I ended up working for Kiana to ruin you. And oh, alam ko na narerecieve mo lahat ng gifts ko. Perfect, right?" "Baliw ka na! Kayong dalawa!" Nagkatinginan sila at nagsimulang magtawanan. Ngayon alam ko na kung bakit. Kung bakit sobrang pamilyar ni May sa 'kin at kung bakit halos patong-patong ang mga kamalasan na dumarating sa buhay ko. It wasn't life playing with me, but it was the two of them messing up with my life. Nang malaman ni May na kinasal ako kay Damien ay pumunta siya sa simbahan nang palihim. Doon niya nakita at nakilala si Kiana, who was devastated that time. Bumuo sila ng plano para paghiwalayin kami ni Damien. Amelia even succeeded being my husband's secretary. Nandoon lamang siya bilang mata ni Kiana. "And wanna know the saddest truth?" Tanong ni Kiana habang winawagayway ang cellphone niya. Nangunot ang noo ko nang makita ang larawan nilang dalawa ni Damien na magkasama. Ayon ang picture na narecieved ko noon. "Damien and I, well, we've always been together. Hindi naman talaga kami naghiwalay. Touching, isn't it?" Parang bomba na unti-unting sumasabog ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Isang aralin na mahirap intindihin, na hindi kaagad pumapasok at rumerehistro sa utak ko. "Here." Tawag ni Kiana sa atensiyon ko at ibinato sa 'kin ang isang maliit na box. Kumunot ang noo ko habang binubuksan ang kahon na iyon. "Oh god," tanging nai-usal ko na lamang habang sinusuri ang bagay na iyon. Napatingin ako sa kaniya. "N-no. It can't be." "Why? Congratulate me naman! Binati kita noong nalaman mo 'di ba?" She smirked. "Y-you're pregnant? And i-it's. . ." "Yes. You're husband's." Napatingin ako sa tiyan niya at totoo nga. Hindi nga siya nagsisinugaling. Ngayon ko lang napansin ang umbok na tiyan niya. Though hindi kasing laki ng tiyan ko ay mahahalata mo na may laman iyon. She's petite kaya hindi halata ang pagbubuntis. "S-since when?" She grinned. "A week after you found out about your's." Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na likido na umaagos mula sa aking mata. I was already crying dahil kahit na ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ako ang mahal ni Damien, na ako ang pinili niyang pakasalan ay hindi pa rin mababago ng mga kasinungalingang iyon ang katotohanan na sumisigaw sa mga mata niya. He doesn't love me the way he loves this girl in front of me. Ayoko nang linlangin ang sarili ko sa mga kasinungalingan na parati kong iniisip. Na parati kong dinadahilan, dahil alam ko naman na hindi talaga ako. Mahirap tanggapin. "Read this," inilapag ni Kiana ang isang folder sa lamesa. Kahit na nanghihina na ako ay sinubukan ko pa rin siyang buksan at basahin. My hands started to tremble. Ang kaninang wasak na wasak na puso ko ay lalo pang winasak ng mga salitang nakatala sa bawat piraso ng papel. Makapangyarihan iyon dahil iyon ang huling testamento ni Lolo Ruben. Nakasaad doon na kalahati ng kayamanan niya ay mapupunta kay Damien at ang kalahati naman ay sa magkapatid. Since Damiwn is his favorite grandson. Pero, makukuha lamang ni Damien ang mana niya kapag kinasal siya kay Yasmine Rasiel Juano- kaya siya nagpakasal sa 'kin. Hindi niya rin makukuha ang kalahati ng kaniyang mana hangga't hindi pa kami nagkakaanak. It was all his plan, no scratch that, it was all their plan. Kiana and him. "Sad but true..."Kiana commented. Napahagulgol naman ako ng iyak dahil doon. Kaya pala...kaya pala napakalambing niya sa 'kin bigla. Everytime we make love, he wasn't thinking of me, he was thinking of the money he will inherit kung sakaling may mabuo. Kung selfish man ako, siya naman ay gahaman. He's greedy enough to use me. Everything he showed me, everything I thought I saw in his eyes. All of them, all of them are lies. Lies that were made up to fool me. To make me believe in those fairytales. To make me believe in love. Para mapaniwala ako na mayroon ngang love na nageexist sa mundo. Para maibaling ang atensiyon ko sa tunay niyang pakay. Sa tunay nilang pakay ni Kiana. I am shuttered into a million of pieces. I am broken, the only thing that makes me feel alive now is the baby inside of me. All the lies...all the heartaches. "And this too," nagsalita ang lalaki habang pinakita sa 'kin ang isa pang folder. Iniabot niya ito sa 'kin pero hindi ko binasa. He shrugged. "I am Attorney Denver, ako ang abogado ng Papa mo." I looked at him, all focused. "Ito ang last will and testament niya. Nakapaloob diyan ang mga habilin niya sa 'kin. To make it simple, you're his heir. Ypu inherited his wealth Yasmine." "Paano nangyari 'yun? W-we're broke." He sighed. "I've been trying to reach you, mabuti na lamang at nakilala ko si Kiana. You see, nalugi ang negosyo niyo but before that ay nagset na ng trust fund ang Papa mo para sa 'yo. It was millions of money before, pero ngayon ay mas lumago na ito. Since hindi mo naman nagagalaw ang trust fund mo. Mayroon din na pinamana na isang villa sa 'yo, it is located in the states. Sa California." "Alam mo ba kung bakit hindi mo 'to nalaman kaagad?" Singit ni Kiana. Tumikhim naman ang nasa harap ko, "Your husband forbid me to talk to you about this matter." Kiana laughed. "Ang sama niya 'di ba? All along ay pinaniwala ka niya na hindi ka mahal ng Papa mo. And all along you believed his lies. Tanga ka rin e." Hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang lahat. Hanggang sa naramdaman ko ang sakit ng tiyan ko at ang pag-agos ng tubig mula roon. It was the most unbearable pain. Pero bago iyon ay paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang paliwanang ni Kiana. Hindi lang pala mana niya ang gusto niya, pati na rin ang pera na iniwan para sa 'kin ng Papa ko. I hate him... ~*~ "We're very sorry Mr. Tejares but the baby didn't make it. We're very sorry for your loss." Napapikit ako ng mariin nang marinig ang malakas na sigaw ni Damien sa doktor. I don't know what to feel, noon ay nakakaramdam ako ng takot kapag sumisigaw siya pero ngayon, pakiramdam ko ay namanhid na ako. The door opened at dinig ko ang paglakad niya papalapit sa 'kin. Nanatili akong tulala at hindi siya tinatapunan ng tingin. He reached for my hand pero kaagad ko iyong binawi sa kaniya. "Babe...Yara, look at me please." He pleaded. I can't. I won't. Yumuko siya at nakita ko kung paano nagtaas-baba ang kaniyang mga balikat dahil sa pag-iyak. He's not mourning because we lost the baby,he's mourning because he lost half of his enheritance. Lalo lamang nagngitngiy ang galit ko sa kaniya habang inaalala ang lahat ng mga katotohanan at kasinungalingan niya. All the things he did for me, it was all an act. Ano pa ba ang dapat kong paniwalaan? I inhaled sharply. "Let me go." He stopped and looked at me. Tumingin ako sa kaniya at mapait na ngumiti. Nakita ko kung gaano siya nagulat sa ginawa ko pero kinalaunan ay mahigpit akong niyakap at umiyak sa harap ko. "No please, no. I'll do anything huwag mo lang akong hiwalayan." He caressed my face at hinalikan ako sa noo. "Malalampasin din natin 'to okay? Just please stay with me..." He hugged me again. Pero hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko siya kayang kausapin. I've had enough of his lies. Kotang-kota na ako sa pagpapakamartir. Sa sobrang sakit ay pakiramdam ko ay nagigibg masokista na ako. Itinulak ko siya palayo na kinagulat niya. Yes, he's already crying. Pain was visible in his eyes, pero alam ko na ang sakit na iyon ay paraan lamang niya para hindi ako makipaghiwalay sa kaniya. "Yara let's go." Dumating si Aby kasama si Alex. They looked at Damien na nakaluhod at umiiyak. He was gripping my hand, begging me not to leave him. Nabigla ako nang lumuhod siya sa harapan ko. "Kung kailangan kong lumuhod ay gagawin ko. Just don't do this to me, please." Pero buo na ang pasya ko. I stood up at iniwan siyang nakaluhod doon habang umiiyak. Kung ang iba ay mahahabag sa itsura niya, p'wes ako hindi. I looked back at him, emotionless. "I'll send over the papers para pirmahan mo, Au revior, Damien." Hindi ko na siya tinignan pa at lumabas na ng kuwarto. I brought with me a heavy heart for it was already frozen. "Okay ka lang?" Tanong ni Aby nang makasakay na kami sa kotse. I looked at her and gave her a warm smile. "Of course," This is the new chapter of my life. Sawang-sawa na ako sa lahat ng pangaalipusta nila sa pagkatao ko. All those words, those painful words that stabbed me, they're gone. I smiled at the back of my mind. I'm done being his slave. But most of all, I'm done being his miserable wife. ***** Fin Book Two: Return of the Wife
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD