Broken Trust
Chapter 14
*****
I tried to call him pero hindi niya pa rin sinasagot. It's nearly two in the afternoon at malapit na ang oras ng schedule ko para sa check up.
Ayoko namang i-cancel dahil ngayon na namin malalaman ang gender ni baby. We've been waiting for this for a long time. I don't want him to miss it.
He even promised na magshoshopping kami ng mga damit ng anak namin. Although meron nang kaunti ang binili ni Lolo at 'yung iba naman ay galing kay Aby, siyempre iba pa rin 'yung galing sa amin.
Meron na ngang stroller, binili ni Anton at Nadine. Panigurado na si Anton ang pumili dahil kulay pink. May mga design na flowers at butterflies. Okay lang daw 'yun sabi niya, dahil sure siya na babae ang future inaanak niya.
I tried to dial his number again.
"Where the heck are you?" I whispered habang patuloy pa rin ang pagring sa kabilang linya. I bit my lower lip habang matiyagang nag-iintay sa waiting area ng ospital.
Nagpaalam siya sa 'kin kanina na may iche-check lang sa opisina at wala pang isang oras ay babalik na siya. Pero it's been an hour and a half, ni anino niya ay wala akong makita.
"Mrs. Tejares? This way please,"
Sumunod na ako kay Doc Jen papunta sa loob ng clinic. I checked my phone again pero kahit na isang message ay wala akong marecieve galing sa kaniya.
"Ready ka na ba?" Tanong ng doktor sa akin.
I shook my head.
"Sorry Doc but can I reschedule my ultrasound? My husband's not answering his phone, you know that we planned on doing this together."
"I see," she smiled at me "Okay lang, so I'll reschedule your ultrasound tomorrow? Okay lang ba?"
Nginitian ko siya. "Yes, thank you for understanding."
Tumayo na ako at dumiretso palabas ng ospital. Malalim ang iniisip at parang balisa. Hindi ko alam kung nasaan si Damien. I already called May at sabi nito na hindi raw pumunta sa office si Damien the whole day.
Naupo ako sa kainan malapit sa ospital. Medyo nananakit na kasi ang paa ko sa kalalakad at dahil na rin siguro sa init ng panahon. Tinanggal ko ang sapatos ko na suot-suot at minasahe ko ang kaliwa kong paa.
I was busy massaging my foot when my phone vibrated.
Dalidali ko iyong kinuha sa pag-aakala na si Damien na iyon. My heart sank when an unregistered number flashed on the screen of my phone. Pamilyar ang mga numerong iyon at gamit ang nangangatal na kamay ay binuksan ko iyon.
Muntikan ko nang mabitawan ang hawak ko matapos makita ang laman ng mensahe. Biglang nanikip ang dibdib ko at parang kakapusin ako ng hininga.
Hanggang sa unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko. May mga luhang pumatak sa screen ng cellphone ko. I harshly wiped my tears away, 'yung tipo na halos maalis na pati ang mga pilikmata ko. Pero wala pa rin, hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga pesteng luha ko. They're just continuesly flowing from my tearducts.
I stood up in haste at naramdaman ko ang biglaang pananakit ng tiyan ko. Iyon bang sobrang sakit na mapapaluhod ka talaga. It was an unbearable pain that sends every single cell in my body in shock.
"H-help..."
Tuluyan na akong napaluhod habang nakahawak ang kaliwang kamay sa tiyan ko bilang suporta. The pain was spontaneously unbearable. My eyes started to shut, kahit ang pandinig ko ay nadadamay na rin.
I gripped tight at the phone then I fell asleep.
~*~
"Mama what are you doing po?"
"Leaving,"
Pinagmamasdan ko ang isang napakagandang babae na nag-iimpake sa isang madilim na kuwarto. It was a scene that saddens me everytime. I watched her as she packs her precious gems and priceless cotour.
All shimmering inside her very expensive bag. I watched silently trying to recall what she just said when my father stormed in the room, furious.
Marahas niyang iniharap sa kaniya si Mama pero ang kinagulat ni Papa ay ang pagsalubong nito sa kaniya ng isang malakas na sampal.
"What are you doing Yasmina?! Are you out of your f*****g mind! Stop this nonsense!" Sigaw ni Papa kay Mama. Wala namang reaksiyon si Mama at hindi natakot sa pagsigaw ni Papa.
"Why do you care about me?! About our daughter?! All you care is about the company! Trabaho! Trabaho! Bakit hindi na lang tayo magdivorce nang mapakasalan mo 'yang trabahong 'yan!"
"You don't get it do you?! Ginagawa ko 'to para sa inyo! To have a better future,"
Mom got silent. Pero hindi pa rin nabago ni Papa ang desisyon niya na iwanan kami. When my mother left, my father was devastated. He was shattered.
Araw-araw ay nakikita ko kung paano niya sirain ang buhay niya. Lagi niyang nilulunod ang sarili sa alak at paminsan-minsan nama'y nagdadala siya ng babae.
They forgot about me.
Maybe that's why I am selfish.
I was out of love. I was looking for love. For attention. Dahil hindi ko nakamit iyon. I was abandoned, until I met my grandma. She's our maid, siya ang nag-alaga sa 'kin.
But when she died, I was back at that cold room. Alone and no one dares talk to me. Hanggang sa namatay si Papa,
And I met Damien. Siya ang kauna-unahang tumanggap sa 'kin noon. He was the one who always made me smile. Siya ang savior ko laban sa mga monsters. Tandem lagi kami pagdating sa mga kakulitan.
He was my best friend.
Then just like my parents, one day, he left. Umalis siya. Nawasak ang masayang mundo ko, hindi ko alam kung paano ibalik iyon. Lalo na nang malaman ko na may kasintahan na siya sa ibang bansa.
And when I got him back again, I don't feel the same. It's like he's slowly drifting away from me. It was like I don't know who I am anymore.
Those heartaches made me a monster I am now. And this time, they are all coming back to hunt me down. Lahat ng sakit na tinakasan ko, bumabalik sila sa. Pero sa paraang dumodoble ng nararamdaman ko.
I closed my eyes, trying to distract the emptiness. Trying to surpass the pain. Pero mali ang ginawa ko, the pain that I was feeling got doubled. And the same image flashed in my mind.
Damien and Kiana...Kissing.
~*~
I woke up with that familiar smell. The same quietness and the same beam of light. No doubt, nasa ospital na naman ako. I lifted my self para makatayo at nabungaran ko si Dra. Jen. She was holding some medicines at nilagay iyon sa side table.
"Okay ka na ba?"
"Yeah, medyo napagod lang siguro."
She sighed at tinulungan akong makatayo.
"Sabi ko naman sa 'yo na bawal kang mapagod or ma-stress. I hope last na 'to okay? Baka kung mapano pa kayo ni baby."
Nginitian ko na lang siya dahil pakiramdam ko ay napagod ako ng sobra. I was so damn tired that I couldn't talk. Inayos niya ang kumot na nakapatong sa 'kin.
"By the way," she started "There's someone here who would like to see you."
Pakiramdam ko ay namutla ako sa sinabi niya. Kung si Damien man iyon ay panigurado na magbe-break down lamang ako dahil hindi ko pa siya kayang makita.
I looked at the door nang marahan itong nagbukas. I was expecting to see my husband's face but when the person came in. I was taken aback. The woman smiled at me, carrying a basket with different kind of fruits.
I dont know what to feel.
"Mama..."
*****
To be continued...