Chapter 15

1407 Words
Threats Chapter 15 ***** "Anak, kausapin mo naman si Mama o," Tinignan ko lang siya at binalik na ang buong atensiyon sa pagbabasa ng magazine na nakita ko sa side table. It was all about pregnancy and first time Moms. She sighed at naupo sa isang upuan na nasa tabihan ko. She was silent the whole time. Kung hindi ko lang talaga kailangang intayin si Jen ay panigurado na tinakasan ko na naman siya. My gaze landed on the table. Sa ibabaw nito ay naroon ang mansanas na binalatan niya kanina pero hindi ko naman kinain. Bakit pa? Baka mam'ya ay may lason na pala 'yun, isa pa I never liked them. I wonder how she didn't remember. Probably because she wasn't by my side while growing up. "You know," she started, hindi ko pa rin siya pinapansin. "Your husband, that Tejares kid, mabait siya. He promised na aalagaan ka niya at ang magiging apo ko." She chuckled. I did not respond though nagulat ako dahil naka-usap niya na pala si Damien. I wonder how it happened, I know him. He loathes my mother as much as I loathe her. "Promise I'll protect you from your Mommy!" "Talaga?" "Yes! I will be your savoir, promise 'yan." She smiled nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. She's really creepy na para bang may itinatago na kung ano. Napakunot na lamang ako ng noo at umirap sa kaniya. Muling nagbuklat ng magazine at tinaklob iyon sa buo kong mukha na parang nagbabasa. "How did you met him?" I asked. Halos isang minuto rin siyang natahimik na parang nakakita ng multo. Kahit na hindi ko makita ang mukha niya ay alam ko na nakangiti siya at pinagmamasdan lang ako. She coughed. "Well, kanina nang mawalan ka ng malay, I was there too. I saw you at kaagad na sinugod dito. I got your phone and luckily tumatawag siya." "That's it?" "Not all dear. I guess he really loves you, he came rushing here at mukhang malayo pa ang pinanggalingan. He was angry when he met me." Bigla akong kinabahan. Alam ko kung paano magalit si Damien, he's the kind of guy na gagawin ang lahat. Dahil sa sinabi niya ay naalis ko ang magazine sa mukha ko at tinignan siya. She wasn't looking at me, she was looking out the window with that familiar sadness in her eyes. In that moment, when I saw how pained my mother was, it actually melts my heart and my walls almost came crushing down. But I snapped out of it. "He's still outside, waiting. I asked him to give is some time, he agreed." Hindi na ako nagsalita pang muli. Nahiga na lang ulit ako at inihilig ang ulo sa kabilang direksiyon. I don't want her to see me in this state, I don't want her to pity me. 'Yun bang akalain niya na kailangan ko ng guidance ng isang ina, because for me, I don't need her. A tear fell. "Anak," she sighed "I think it's about time na malaman mo ang totoo." She said. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko pero hindi ko iyon pinansin. Patuloy lamang ako sa pagtingin sa labas at siya naman ay mas lalong hinigpitan ang hawak sa aking kamay. "Hindi kita iniwan ng walang rason Yassie." I laughed. "Yeah right," I put alot of effort to show how sarcastic I was. Napahinga naman siya ng malalim. A sign that she was already frustrated. "Anak if you would just listen for once," she insisted using the sad tone I once remembered. Naupo na ako at hinarap siya. I wasn't angry, I wasn't happy either. I don't feel anything. Siguro ay hinaharang na ang nararamdaman ko para sa kaniya ng pinagsamang galit at lungkot. "You're the one who should've listen to Papa. Alam mo ba kung gaano siya naging desperado nang mga panahong umalis ka? All he ever talked about is you! At nang mawala siya, you took over the company...and you've lost it all." "Yassie..." "Hindi lang 'yon. Pagkatapos mawala ang lahat-lahat ay ibinenta mo ako sa mga Tejares. You sold your own daughter. How could you! Anong klase kang ina?! At sumama ka pa sa kabit mo, together with your bastard daugther." Tumawa ako ng mapakla samantalang siya naman ay walang humapay ang pag-agos ng mga luha at ang paghagulgol. Alam ko na dapat ay may maramdaman akong awa sa kaniya pero wala. Wala nang natira para kaawaan ko pa siya. She deserves it. "Kung iiyak ka lang diyan maghapon ay mabuti pang umuwi ka na sa inyo. I don't need your sorry, and most and foremost, you're not my mother." Hindi ko na nakita ang ekspresyon sa mga mata niya dahil bigla akong tumalikod at tinanaw ang labas ng ospital. I felt her warmth nang yakapin niya ako pero hindi ako gumalaw. It's like she doesn't exist at all. May narinig pa akong mga yabag hanggang sa tumahimik ang paligid ay namayani ang pamilyar na amoy sa hangin. Kahit na sa panaginip ay malalama't-malalaman ko kung sino iyon. Ang pamilyar na amoy ng pabango niya na ako mismo ang pumili at ang ginamit niyang aftershave. He was standing behind me pero hindi ko rin siya pinapansin. "Babe," he called me. I didn't look back. Nagtaingang-kawali ako at hindi siya pinagtuunan ng pansin. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana pero iba ang lamang ng isip ko. Ang picture nilang dalawa. "Wasn't that too hasrsh? The way you treated your Mom?" Silence... I did not speak back or looked at him. Nanatili akong walang kibo na para bang hindi pansin ang presensiya niya. It was killing me, how my hearts wants to hold him tight but my mind's telling me to stay silent and ignore him. Naramdaman ko ang biglang paggalaw ng kama at ang bigat ng kaniyang pag-upo. He hugged me from behind and rested his chin on my shoulder. He planted soft kisses on my neck, "Are you mad at me?" Oo! Gago ka kasi. I wanted to shout those words. Gusto ko siyang sumbatan dahil sa mga kataksilan niyang ginawa at patuloy na ginagawa pero hindi ko magawa. Waring umurong ang dila ko at parang pinapaso sa t'wing susubukan kong magsalita. Inalis niya ang pagkakayakap sa 'kin at huminga ng malalim. Tumalikod siya sa 'kin pero nakaupo pa rin sa kama. He sighed once more. "Okay, okay. Alam ko na galit ka dahil dinala ko dito ang Mama mo. So I'm sorry okay?" He begged. I clenched my fist and gritted my teeth. Wala talaga siyang kaalam-alam sa kasalanan na nagawa niya. "Aayusin ko lang ang hospital bill mo okay? You need to rest first." Paalam niya at narinig ko ang mga yabag ng paa niya palabas ng kuwarto. Nang makalipas ang dalawang minuto ay saka lamang ako nakahinga ng maluwang. I looked back kung saan naroroon ang pinto. The people whom I love the most, both betrayed me. Kung sino pa ang minamahal mo at pinagkakatiwalaan mo ng sobra ay siya pang sisira ng buo mong pagkatao. They are the ones who is capable of ruining you, emotionally. Tumayo ako at pumunta sa comfort room para magpalit ng damit. Mabuti na lamang at may nabili akong maternity dress kanina sa mall. I looked at my reflection in the mirror. I looked the same but I don't feel the same. I can see greed and love in my eyes. Those eyes that I possesed long ago, those sweet and innocent eyes, they were gone. Nang makalabas na ako sa banyo ay may bumungad sa 'kin na isang kahon sa ibabaw ng kama. It was beautifully wrapped with a red paper at may mga ribbon pa sa ibabaw. I read the note on the side, it wasn't written hence it was printed. Kulay black naman ang papel at may white na tinta. 'To the most beautiful lady I have laid my eyes on.' It doesn't say any address or any person's name. Siguro ay galing ito kina Anton na pinaprank ako. Or someone na namali lang ng delivery. I opened it. Horror was written all over my face when I saw what's hidden inside that beautiful box. Isang manyika na hiwa-hiwalay ang parte ng katawan at puno ito ng dugo. May kutsilyo pa sa tabihan at may kasama pang isang maliit na papel. Nangangatal ang kamay na kinuha ko iyon. 'Die Yara. You're going to die, and that baby inside you." *****   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD