Prologue
"Pssst, halo (hello) DefDef."
Napalingon ako sa kung san galing ang boses at napangiti kaagad. Inayos ko yung buhok ko. Nakita ko syang umupo sa upuan dito sa garden ng bahay nila.
"Ano bang ginagawa mo dito sa labas?" tanong ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagdidilig ko sa mga halaman nila. Inamoy ko yung ibang mga bulaklak. Napangiti ako. Namumunga na rin yung ibang puno nila.
"Hindi ba pwedeng pumunta dito?" tanong nya.
"Hmm pwede naman.. Sa inyo to eh." sabi ko sabay lingon sa kanya at nakita kong nakaharap sya sa akin.
"Def!" napalingon naman ako sa gawi ng kambal ko, papunta sya dito pawis na pawis. Kinuha ko naman kaagad yung towel.
"Ano bang ginawa mo at naging grabe pawis mo?" tanong ko sa kanya habang papalapit sya. Nakita kong nagbago expression ng mukha nya nang nakita nya si Lax.
"Uy tomboy halo (hello) "
Pinaningkitan ko siya ng mata, alam na nyang ayaw ni Sia sa kanya, palalalain nya pa talaga sa pag asar. Para talagang aso't pusa ang dalawang to. Minsan nga naiisip ko kung may gusto ba sya kay Sia kasi parati nyang pinagtritripan.
Hindi sya pinansin ni Sia, nang makalapit si Sia ay pinunasan ko sya kaagad. Nakita kong lumalim yung paghinga nya. May hika sya kaya di pwede sa kanya ang mga bigating trabaho pero parating nagmamatigas.
"Upo ka nga dito" tinuro ko yung bakanteng upuan at pinunasan muna yung likod nya.
"Ang others talaga ni Sia oh." asar na naman ni Lax may pataas taas pa ng kilay. Tahimik talaga tong kapatid ko na to. Parati kasing pinapagalitan ni mama kahit wala namang ginawa.
"Uy tomboy laro tayo basketball tas pag nanalo ako, suot ka ng saya." kita kong lumingon si Sia sa kanya.
"Lax, tigilan mo nga ya-----"
"Oh cge ba, tas pag ako nanalo, suot ka ng dress." napatingin naman ako bigla kay Sia.
"Ano ka ba, wag ka ngang papadala nyan. Nagjojoke lang naman yang si---"
"Cge! Ano game? Kunin ko muna bola" tumayo sya at naglakad papasok sa bahay.
Napakamot ako sa ulo. "Di ka pwedeng mag basketball may hika ka." sabi ko sa kanya.
"Ate okay lang naman. Di naman ako ganon ka weak no." sabi nya sakin sabay ngiti. Ginulo ko nalang buhok nya tsaka linagyan ko ng towel yung likod nya.
"Basta ha pag nakaramdam ka ng panghihina, sabihin mo kay Lax tumigil na kayo."
"Ano? Tara na!" kita kong nakalabas na si Lax sa bahay. Tumayo naman kaagad ang kapatid ko at tumakbo papunta sa Court.
"Def, di ka manunuod?"
"Di na. May trauma ako sa bola eh, medyo takot ako nyan." sabi ko sabay kaway sa kanila "Kayo nalang." sabi ko then pumasok sa bahay.
Kumuha ako ng baso at linagyan ito ng tubig tsaka uminom. Naghanda rin ako ng jug na may tubig para sa dalawa.
"Expaidefties." napalingon ako sa tumawag.
"Po?" tsaka nagbow slightly habang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Minsan lang kasi namin nakakausap ang papa nila Lax. Kadalasan yung mama talaga nila.
"Umakyat ka sa taas, sa kwarto, ipapalinis ko sana yung CR."
"Cge po, susunod lang po ako. Ihahatid ko muna to kina Lax." kinuha ko yung water jug at tumakbo sa labas. Kita kong busy yung dalawa, grabe tawa ni Lax eh. Iniwan ko nalang sa bench yung jug at dalawang baso.
Pumasok na ulit ako sa bahay, hinanda ko yung mga panglinis ng CR at umakyat sa taas. Dahan dahan ako naglakad papunta sa kwarto ng papa nila Lax. Nang napansin kong walang tao ay pumasok na ako. Dahan dahan kong pumasok hanggang sa nagulat ako ng biglang may naramdaman akong matalim sa may balakang ko.
Lumakas ng sobra ang kabog ng puso ko. Ramdam kong pinagpapawisan ako. Naramdaman ko ang bibig nya sa may tenga ko at may binulong sya.
"Wag kang kikilos..." tumindig balahibo ko. Nanlamig ako at di makagalaw.
Tatakbo na sana ako palabas ng nahawakan nya ako.
"Tulongggggggg!!!!!"
"Sabi ko wag kang kikilos" binuhat nya ako at nagpumiglas ako, tinapon nya ako sa higaan...
Nakita kong sumilip si Phytisia sa pinto pero sinarado nya ito kaagad.
"Tulooonggggg!!!!"
Tinabunan nya bibig ko at hinalikan ang leeg ko. Tumindig ang balahibo ko.
"Parang awa nyo na po.. Wag po.." tumulo na yung luha ko, nanginginig ako.. Natatakot ako..
Tulong...
All rights reserved..
Broken