Mahina akong napaungol nang maalimpungatan ako. Nakakasilaw ang sikat ng araw na tumama sa mata ko sa pagmulat ko.
Hindi ko alam kung nasaan na ba ako. Sobrang tindi ng sakit ng ulo ko pati na buong katawan ko.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit pero tipong pagkamulat ko ay hindi ko na magawang pumikit. Ayaw din magproseso ng utak ko kung anong nangyari. Bukas lang ang mga mata ko subalit tulog pa rin ang diwa ko.
“Oh, Jesus Christ,” nahihirapan kong sambit. Ngayon ko lang kasi naalala matapos ng ilang minuto kong pagkamulat ang nangyari kagabi.
Mukhang ilang oras na ang lumipas simula matulog ako. Sumilay na nga ang araw hudyat na umaga na at marahil malapit na rin magtanghalian dahil mataas na sikat ng araw.
“Ian, take off your hands,” halos pabulong kong sabi sa kaniya.
Katabi ko pa rin siya subalit nakadapa siya at kahit hindi ko makita ang mukha niya ay mukhang mahimbing pa rin ang tulog niya.
Kaysa na gisingin siya ay dahan-dahan kong inalis ang kanang kamay niya sa bewang ko. Ibinaba ko ang kamay niya sa gilid sa gayon ay makabangon ako.
Buong ingat ako na hindi gumawa ng anumang ikakagising niya. Bukod sa pagod siya dahil siya nagtrabaho kagabi ay ayoko ring gumising siya dahil nagsisimula na akong mahiya sa nangyari.
Napapangiwi na lang din ako sa tuwing sasagi sa isipan ko ang mga ginawa namin. Ngayon ko lang napagtanto na malala pala ang nangyaring pagtatal*k lalo na nahirapan akong makabangon sa higaan.
“Sh*t talaga,” walang boses kong bigkas habang tinitiis ang hapdi sa maseselang parte ko. Bigla ring kumirot ang puson ko kahit na dahan-dahan na nga akong tumayo.
Dinaig ko ba ang nanganak dahil sa nahirapan din akong makalakad. Paulit-ulit akong napamura nang mahina na para bang mawawala sa pagsisisi ko ang sakit at hapdi na nararamdaman ko.
Kagabi naman kasi ay ramdam ko ang sakit subalit nangingibabaw pa rin ang sarap. Ngunit ngayon ay tapos na ang sarap at puro pasakit na lang.
“He’s f*cking d**k,” iritado kong bulong na lang din.
Ngayon lang ako tila nagising ng umaga na sobrang pagod na pagod. At sa tindi ng pagod ng katawan ko ay hindi ko mapigilang magmura sa galit.
Para akong tatlong taong gulang nang simulan kong hanapin ang damit ko kagabi. Isa-isa ko rin itong dinampot habang nagpapakawala ako ng malalim na buntong-hininga sa tuwing uupo ako para lang makuha ang damit sa sahig.
Hindi kaya ng katawan kong bumaluktot o damputin ang damit gamit ang paa. Wala akong choice kundi marahang bumaba para makaupo at madampot ang bwesit kong mga damit.
Sa inis ko talaga ay binato ko sa ilalim ng kama ang brief ni Ian. At kung kaya ko lang hanapin pa ang iba niyang damit ay baka sinama ko ring itago ‘yon. Para naman maranasan niya ang hirap ko ngayon na binaldado niya nang husto.
Paulit-ulit kong sinabi kagabi na wala akong experience, na first time ko, na v*rgin ako. Pero anong ginawa niya? Kulang na lang ay bawian niya ako ng buhay!
“Pasalamat ka lasing ako,” bulong ko ulit habang masamang tinitingnan si Ian na nakadapa sa kama at mahimbing pa rin ang tulog.
Iwas akong gumawa ng ingay na nagsuot ng damit. Napapatigil ako sa tuwing mararamdaman kong gagalaw siya subalit hindi naman siya gumalaw at nanatiling nakadapa.
Natatakpan naman ng puting kumot ang maselang bahagi ng katawan niya. Pero kahit gano’n ay hindi ko maiwasang pagmasdan saka pasadahan ang matipuno niyang katawan.
Ewan ko ba pero mukhang mas gumanda ang katawan niya kahit na kahapon lang nang huli ko siyang makita sa harapan ng hotel sa New York. Ang bilis naman yata lumaki ng biceps niya pati abs at parang nag-iba rin ang istilo ng buhok niya.
Siguro dulot lang ng matinding sakit ng ulo kaya bigla akong kinabahan saka nagpanik bigla. Nilibot ko agad ang paningin sa kuwarto para kumpirmahin na hindi ako tanga na pumasok sa ibang kuwarto.
“Ian,” tawag ko habang nakatayo ng ilang metro mula sa kama. “When did you have tattoos on your back?”
Ngayon ko lang din napansin ang mga tattoo niya sa likod. Pumukaw ng atensyon ko ang tattoo niya na celtic knot at may nakasulat pa roon na bukod sa malayo ako para mabasa ay mukhang sa ibang salita ito sinulat.
Never kong nakita si Ian na nakahubad, ngayon pa lang talaga na may nangyari sa amin. Pero tanda ko na wala siyang tattoo sapagkat ayaw niyang nagpapa-tattoo. Binanggit niya pa ‘yon sa akin matapos naming magpunta sa California at magkaroon ng something sa pagitan naming dalawa.
“Professor Ian?” naninigurado kong saad habang dahan-dahang lumapit sa kama. Humakbang ako palapit sa kaniya at patungo sa kabilang bahagi upang masilip ang mukha niya.
Sure na dulot lang ng alak kaya ako nag-iisip ng hindi maganda. Impossible naman na pumasok ako sa ibang kuwarto at ibang lalaki ang nasipingan ko.
Lasing ako kagabi subalit klarong-klaro sa isip kong si Ian ang kasama ko. Hindi naman ako papayag na makipag-s*x kung hindi ito si Ian.
Galit ako sa kaniya pero gusto ko pa rin siya. Kaya nga ako pumayag na may mangyari sa amin kasi alam kong siya ‘yon. Kahit na hindi ko maiwasang magsisisi na sinuko ko agad ang pagkabirhen ko sa lalaking malabong pakasalan ako.
“F*ck! Who is this man?”
Malakas akong napamura nang tuluyan akong makalapit sa lalaking nakahiga sa kama. Pero agad akong napatakip ng bibig bago pa ako lumikha ng matinding ingay dahil sa matinding pagkawindang.
Iling ako nang iling habang kinukumbinsi ang sariling nananaginip lang ako. Baka karugtong lang ito ng panaginip ko at hindi ako nagpadalos-dalos kagabi. I did not do a f*cking one-night stand with a complete stranger!
Si Ian ang lalaking kasama ko sa kama kagabi. Siya ang tumira’t kumain sa akin. Hindi ako hibang dahil sigurado akong siya ang gumawa ng lahat kaya nga nabaldado ang katawan ko.
“No. Please. It must be a dream.”
Napadasal na talaga ako habang nakapikit. Umaasa ako na sa pagmulat ko ay mukha na ni Ian ang bubungad sa akin.
Nagsisisi na nga ako na sinuko ko nang maaga ang pagkabab*e ko. Tapos ano, mas magsisisi ako na ibang lalaki ang nakakuha no’n?
“Hmmm…”
Mabilis akong napamulat ng mata nang marinig ko ang lalaking ito na mukhang malapit na maalimpungatan. Agad akong napahakbang paatras dahil mas pipiliin kong tumakbo kaysa ang makaharap siya.
Mas nanaisin kong maglaho bigla kaysa makita niya ako. At ibang-iba ang nangyayari ngayon kaysa sa napapanood ko sa pelikula na ang lalaki pa nga ang tumatakbo kapag aksidenteng nakipag-s*x o nakabuntis ito. Pero sa sitwasyon ko ngayon ay ako ang nagbabalak na tumakas dahil kasalanan ko naman at responsibilidad ko rin.
“Tangina talaga,” bulong ko. Pakiramdam ko katapusan ko na habang nakatingin sa lalaking hindi ko kilala at ngayong umaga ko lang nakita.
Sa sobrang gulat ko sa nagaganap ay hindi ko alam anong mararamdaman ko ngayon. Hindi ko talaga alam kung ano rin ang gagawin ko. Nakatangang nakatitig lang ako sa kaniyang nakadapa pa rin at kalahating mukha niya lang ang nakikita ko.
Pero kahit hindi buong mukha niya ang nasisilayan ko at kahit hindi ko tanggapin ang katotohanan ay hindi ‘yon mababago ang nangyayari, na hindi si Ian ang kasama kong magtal*k. Tattoo niya pa lang sa likod ay malabong ipagpilitan ko sa sariling si Ian siya.
Pero kung siya nga ang lalaki kagabi na hinabol ko, ibig sabihin wala talaga si Ian dito sa isla? Lahat ng inisip ko tungkol sa kaniya kagabi ay dahil lang lasing ako at aminado akong nami-miss ko lang siya?
What the f*ck. Ganito na ba ako katanga ngayon? Anong mangyayari sa akin kapag nalaman ng iba lalo na ng pamilya ko ang nangyari sa akin? Paano na lang kapag nalaman ni Dad ang idudulot kong kahihiyan?
“F*ck. Sh*t. Bwesit.” Maraming beses akong napamurang bumulong sa hangin. Ayon na lang ang tanging lumalabas sa bibig ko dahil alam kong lagot na ako.
Pero kaysa tangang tumayo saka titigan lang ang lalaking nakakuha ng pagkabirhen ko ay dahan-dahan akong lumapit sa table na nasa gilid ng kama. Tatlo ang drawer nito habang nakapatong naman sa ibabaw ang lamp pati na mga gamit ng lalaking ito.
Una kong dinampot ang susi ng sasakyan ko. Ngayon ko lang naalala na may dala pala akong sasakyan kagabi.
Anong oras na rin. I’m sure nag-aalala na sila Dad sa akin at baka ni-report na akong missing person ni Mom nito.
Iniisip ko rin na baka paglabas ko ng room ay makasalubong ko si Manong Pablo. Ang natatandaan ko kasi sa pag-uusap namin ni Dad ay ipapasundo ako nito.
Pero bago pa ako maging emosyonal sa kagagahan ko ay kinumbinsi ko ang sarili na kailangan ko munang makaalis sa lugar na ito. Mamaya ko na marahil iisipin ang marapat gawin sa nangyari sa akin.
“You took valuable thing from me, and I will take this to you,” bulong ko sa sarili saka kinuha ang black card niya.
Mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi niya namalayan na kinuhaan ko na rin siya para kahit papaano ganti sa ginawa niya sa akin.
Pero hindi ko siya masisisi dahil pareho kaming lasing. Mas mabuting mabura ang nangyari sa araw na ito. At kung kaya ko lang alisin sa memorya ng lalaking ito ang nangyari ay gagawin ko, sa gayon masiguro kong tanging ako lang ang nakakaalam ng sikretong ito.
Hindi pwedeng malaman ng kahit sino lalo na ni Dad ang naganap sa akin. I need to lie again for my own good.
Binalik ko sa pagkapatong sa table ang black leather wallet niya. Walang kahit cash do’n kaya itong black card niya na lang ang kinuha ko.
Kailangan ko ng pera para makauwi. Masakit ang ulo ko pati na buong katawan ko kaya hindi ko kayang magmaneho. At tatawag din ako sa telephone kung mayro’n man para masabihan sila Dad kaysa naman bulagain ko sila sa pag-uwi ko.
Binulsa ko agad ang black card niya at car key ko. Humakbang na ako palapit sa pinto para makaalis na bago pa magising ang hinayupak na lalaking ito.
Pero kung kailan naman ako paalis at hindi ko pa nga nabubuksan ang pinto para makalabas ay saka naman tumunog ang phone niya.
“Uhm…”
Nataranta talaga ako sa lakas ng phone ring niya. Hindi ko alam ang gagawin kung tatakbo na ba ako palabas ng room o papatayin ko muna ang tawag sa phone niya.
Pero bago ba magising ang lalaking ito ay hinablot kong dinampot ang phone saka pinatay ito. Subalit hindi ko ma-off ang phone niya dahil may password ito para patayin.
“Wrong timing,” bulong ko habang inaalisan na lang ng sound ang phone niya.
Kilala ko ang phone caller niya. Si Alaric ito, iyong lalaki kagabi na pinilit akong pinapalabas sa room na ito. Siya ‘yon na kaibigan niya at inakala kong waiter dito sa hotel at bar.
Pero kung maibabalik ko lang ang oras kagabi, sana pala nagpadala na lang ako sa paghila niya. Nakinig na lang sana ako sa lalaking ‘yon at hindi nagmatigas. Edi, sana ay birhen pa lang ako at hindi ko na nadagdagan ang problema ko.
“Ano ba, bakit panay tawag ka?” inis kong bulong saka pinatay ulit sa pangalawang pagkakataon ang tawag ni Alaric.
Hindi naman na tumutunog ang phone call subait nagba-vibrate ito. Lumilikha pa rin ng ingay na baka maging dahilan para magising ang lalaking ito.
Wala ng patumpik-tumpik na lumabas ako sa room. Buong ingat ako na huwag gumawa ng anumang ingay sa paglabas ko sa kuwarto.
Bumungad sa akin ang tahimik na koridor. Lahat ng pinto sa mga room ay sarado na para bang walang mga tao.
Lumakad ako agad hanggang sa makalabas ako sa parang loopholes na hotel area nilang ‘yon. At dito tumambad sa akin ang bar counter nila rito sa ikaapat na palapag na sarado.
Malayong-malayo ang lugar ngayon sa dinatnan ko kagabi. Walang mga tao ngayon na umiinom at iilang staff lang ngayon ang naglilinis sa paligid.
Nakapatay ang dilaw na ilaw nila kagabi pati na makukulay nilang ilaw. Iilang puting ilaw lang ngayon ang nakabukas at nagbibigay liwanag sa paligid.
Para akong napunta sa ibang lugar. Ang masaya at puno ng ligaya na lugar ay nauwi sa sobrang tahimik at payapa.
“Magandang umaga po, Miss. May kailangan po kayo?”
Napalingon ako sa babaeng natigil sa paglalampaso sa sahig. Mukhang kanina niya pa ako tinitingnan para lapitan. At mukhang kanina pa ako nakatangang nakatayo lang habang pinagmamasdan ang nag-ibang lugar.
“Pwede ba akong makitawag?” wala sa sarili kong tanong.
“Ah, may problema po ba? Nasa bag ko po ang phone ko pero pwede ko namang kunin po,” sambit niya saka hindi maiwasang magtaka sa itsura ko.
Pasimple kong sinuklayan ang buhok ko na paniguradong magulo. Inayos ko rin ang suot ko na nalukot-lukot na habang ramdam ko ang lagkit ng katawan ko.
Sana pala nag-shower muna ako bago umalis sa room. Feeling ko sobrang nangangamoy ako. What if I smelled like I’m just done from doing s*x?
“Gising na yata ang VIP customer sa Room 12.”
Napatikom ako ng bibig sa narinig ko sa lalaking staff na sinabihan ang ilang kasama. At bago pa makalayo ang babaeng kausap ko ay hinabol ko siya para sabihan na hindi ko na kailangan ng phone.
Nagrason na lang ako na nagmamadali ako at nagpasalamat kahit papaano rito. Hindi ko na rin pinansin ang mga tingin nila na puno ng pagtataka sa kilos ko.
Pero binalewala ko ang mga tingin nila. Ginawa ko ang lahat para indahin ang nararamdaman ko. Nagpanggap ako na okay lang ang pakiramdam ko kahit na paika-ika ang paglakad ko.
Wala akong sinayang na oras para umalis sa lugar. Nakita ko kasi kanina paglabas sa napasukan kong room ay Room 12 ‘yon.
I’m sure ang lalaking nasipingan ko ang tinutukoy ng staff kanina na gising na. Pero hindi ko alam paano niya nasabing gising na ‘yon nang kanina ay iniwan ko itong mahimbing pa rin ang tulog.
Hindi na ako naghintay sa elevator nila. May elevator pala sila pero ang tagal umakyat dito sa huling palapag kaya naghagdan na lang talaga ako.
Exercise na rin para sa maseselang parte ko. Pero mukhang maling-mali na naghagdan ako dahil bawat hakbang ko pababa ay gumuguhit ang hapdi sa bahaging perlas ko.
Lakad-takbo akong lumabas sa Harbor of Love Hotel and Bar. Mabuti na lang din ay halos wala ng tao dahil maaga pa.
“Okay. Relax. Walang magiging problema.” Kinukumbinsi ko ang sarili na magiging okay din ang lahat habang papalapit sa sasakyan. Kung saan ko pinarada ang sasakyan nila Dad kagabi ay dito ko rin naman nabalikan.
Hinuha ko ay hindi nagpunta si Manong Pablo rito kasi gamit ko pala ang sasakyan na minamaneho nito, unless na pinahiram siya ng ibang mamahaling sasakyan ni Dad para sunduin ako.
“Hindi ko pwedeng iwan ang sasakyan,” nababaliw kong bulong na lang.
Balak ko sana mag-commute pauwi dahil bukod sa hindi ako sigurado sa daan pauwi ay hindi talaga kaya ng katawan ko ang pumuwersa. Pero wala akong choice sapagkat dadagdag lang ang sasakyan na ito kapag iniwan ko sa utang na loob ko kay Dad.
Maingat sa mga personal na gamit ‘yon. Ayaw na ayaw niyang nakakasira ako ng gamit kundi ay malilintikan na naman ako. Alam kong nasahid ko na ang pasensya niya pati na rin pagpapatawad niya.
“Sh*t!” napamura kong sigaw nang galawin ko ang kambyo ng sasakyan. Imbes kasi na umabante ito ay biglang umatras naman kaya halos mapangudngod ako sa manibela.
Kung kasama ko lang si Mom ngayon at paulit-ulit niya akong narinig na nagmumura ay for sure napagsabihan na niya ako. At worst pa kung si Dad ang makarinig dahil baka dumugo lang ang bibig ko.
Pinaharurot ko agad ang sasakyan paalis sa hotel at bar na ‘yon. Ginamit ko ang car navigation para hindi na rin ako maligaw sapagkat hindi ko na klarong matandaan ang mga dinaanan ko kagabi.
Mas kinakabahan lang ako’t nagpapanik sa tuwing nadadagdagan ng minuto ang alas dies sa digital clock. Nakalimutan ko na nga dahil sa takot ang nangyari sa akin sa hotel at bar na ‘yon.
Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makauwi agad sa amin. Pero kahit ano pang bilis ng pagmamaneho ko o kahit paliparin ko pa ang sasakyan para makauwi sa bahay ay late na late na ako. Inabutan na ako ng umaga imbes na dapat kagabi pa ako umuwi.