Kabanata 5 - Reckless Soul

1365 Words
“Huwag ngayon, please,” inis kong sa sarili habang napasulyap sa rearview mirror. Ngayon ko lang namalayan na may nakasunod na pala sa aking patrol car. Hindi ko pa mamamalayan ‘yon kung hindi pa nila pinatunog ang siren ng kanilang sasakyan. Sinigurado ko pa muna kung ako ba talaga ang sadya nila at nakumpirma ko ‘yon nang businahan nila ako. Kaya wala akong nagawa kundi itabi ang sasakyan sa gilid kahit na nagmamadali na akong makauwi. Alam kong overspeeding kaya nila ako pinapa-pull over. Mukhang mas malas pa ang araw na ito kaysa sa kamalasan na nangyari sa akin noon. Nasobrahan naman kasi ang pagkamalas ko ngayon o baka sadyang pinaparusahan lang ako ng kalangitan sa pagsalungat ko palagi sa mga nag-aruga sa akin. Pati ba naman ang langit ay kumakampi kanila Dad. Saan na ako lulugar nito? Sa kulungan na lang siguro lalo na ngayong huhulihin na yata ako ng patrol officer. Akala ko pa naman sa kuwarto ko lang sa bahay ako ikukulong, subalit baka sa totoong piitan na talaga. Pero gano’n pa man, wala akong maramdaman na takot nang tuluyang makalapit ang lalaking patrol officer na kinatok ang binta para ipaalam na kailangan kong ibaba ang bintana. Siguro kaya para akong manhid ngayon ay dahil sa naubos ang lakas ko sa nangyari sa akin kagabi. Hindi rin maalis sa isipan kong lagot na ako nito kanila Dad dahil hindi pa ako nakauwi. Mamaya talaga ay nasa labas na ng bahay ang mga gamit ko. Baka wala na ako nitong tutulugan at mamamalimos na lang talaga ako. Bahagyang natigilan ang patrol officer nang magsalubong ang mga tingin namin. Hiyang-hiya ako dahil alam kong maling-mali ako. Subalit mukhang natigilan siya marahil sa itsura ko. Hinuha ko ay para akong tanga ngayon dahil sa magulo pa rin ang buhok ko kahit ano pang gawin kong pagsuklay gamit ang kamay ko. Pero marahil natigilan din siya dahil baka hindi ako pamilyar sa kaniya lalo na nang mapaisip siya na para bang may inaalala siya. “Maayong buntag, Miss. Bagong salta ka lang po ba rito sa isla?” tanong ng patrol officer habang nakatukod ang siko niya sa itaas ng bintana. “Uhm, yes po,” tugon ko. Wala ako sa sariling kausap dahil nawari ko ng huhulihin nila ako saka tiyak na kukunin nila pati sasakyan na ito. Malalaman din nila Dad na nahuli ako saka posible ring malaman niya ang ginawa kong kagagahan kagabi. Paano na lang kung dalhin ako sa presinto? Tapos tanungin nila ako anong dahilan bakit ako nagmamadaling umuwi. At saan ako galing at anong ginawa ko sa hotel saka sino ang kasama ko. Madidiskubre nila Dad na nakipagtal*k ako sa kung sino lang. Kapag nalaman niya ‘yon, hindi lang katapusan ng masasaya kong buhay sapagkat tinapos niya na ‘yon nang pauwiin niya ako rito sa isla, kundi katapusan na ng buhay ko. Hindi malabong lagutan niya ako ng hininga dahil puro pasakit na lang ang naibibigay ko sa pamilya nila. “Kaya po pala bago kayo sa paningin ko. Halos kilala ko na kasi lahat ng nakatira rito sa lugar na ito.” Napatango na lang din ako. Wala akong ibang maisip kundi ang makisama sa officer na ito like kung magbibiro siya ay willing akong tumawa. Ayon lang ang magagawa ko para kahit papaano siguro ay mabawasan ang kasalanan ko. Hindi naman ako masamang tao kaya ko pinatakbo nang mabilis ang sasakyan. Sadyang mas takot lang akong mayari kay Dad kaysa makalabag sa batas. “Mukhang alam n’yo naman po siguro kung bakit namin kayo pinatabi ng kasama ko,” ngiti niyang saad saka sumenyas sa patrol car nilang nasa likod lang ng sinasakyan ko. Nilingon ko ang likod ko saka nakumpirma na may kasama pa siyang isa pang lalaking patrol officer na nakasilip sa bintana. “I’m overspeeding?” alanganin kong sambit. “I’m really sorry.” Tumango siya saka para bang ilap siyang suwayin ako. Siguro kung nakapag-ayos ako ng sarili ay iisipin kong gumagana talaga ang pretty privilege pero mukha nga akong gusgusin ngayon. “May iba ring motorista na nag-overspeed sa kalsada na ito. Siguro dahil sa malawak saka kakaunti lang ang mga sasakyan na dumadaan. Pero kahit gayunpaman, hindi po pwedeng humarurot kayo ng patakbo rito, Miss.” “I’m so sorry for being reckless,” paumanhin ko saka napasapo na lang sa noo. Hindi ko pa naman natawagan sila Mom kaya nga kanina nag-aalala ako na masorpresa sila sa pag-uwi ko, subalit mukhang mas masosorpresa sila kapag sa police station nila ako makikita. “Saan po ba kayo galing, Miss?” tanong niya agad na nag-aalangan akong sagutin. Kapag sinabi ko na galing ako sa bar ay malalaman niyang may hangover pa ako. Mas mayayari ako nito dahil imbes overspeeding lang ang kakaharapin kong kaso ay pati driving under the influence rin. “Actually kasi may emergency po ako,” pagsisinungaling ko. “Pero alam ko naman na labag sa batas ang pagmamaneho nang mabilis. Kasalanan ko po at willing akong kaharapin ang anumang ikakaso n’yo sa akin.” Mabuti ng sumuko agad kaysa naman tulad sa iba na dumedepensa pa na walang kasalanan. Ayokong palalain ang problema dahil dehadong-dehado na nga ako sa nangyari pa lang sa akin kagabi. “Miss, pwede ko po bang makita muna ang lisensya n’yo?” tanong niya na ikinatigil ko. Wala kasi akong lisensya. Marunong lang ako magmaneho. At sa puntong ito ay nakaramdam na ako ng kaba dahil baka patong-patong na kaso ang kakaharapin ko nito. Ginawa ko ang lahat para hindi makahatala ang patrol officer. Binuksan ko ang compartment para magpanggap na may hinahanap talaga ako kahit wala naman. Pero agad akong natigilan sa pagkalkal nang may pumasok sa isipan ko. Balak kong akitin na lang kung posible ang officer para malihis ang atensyon niya tutal lalaki siya, ayon naman karaniwang kahinaan nila. “Sir, mukhang nakalimutan ko po ang driver license ko since nagmamadali akong makauwi,” palusot ko saka nagpanggap na aksidenteng nahawakan ko ang palad niyang nasa bintana ko nakatukod. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong humawak sa kaniya. Hindi niya man lang hinawi ang kamay ko para alisin kaya pasimple akong napangisi dahil mukhang umeepekto ang gano’ng paraan. “I’m so sorry po talaga. Kakauwi ko lang din po kasi rito sa isla. Galing ako sa America pero Filipino citizen ako at nasa legal age naman ako,” dagdag kong saad saka marahang pinisil ang palad niya at ngumiti. “Pwede n’yo akong tanungin ng kahit ano, Sir. Okay lang sa akin kung hihingin n’yo ang number ko, bakit naman ko hindi ibibigay sa isang tulad n’yo?” “May hangover po ba kayo, Miss?” bigla niyang tanong na muli kong ikinatigil. Mukhang mali ako na mauuto ko siya dahil kahit mukha siyang bata at baguhan ay hindi ibig sabihin hindi siya tapat sa trabaho niya. “Bakit ang tagal mo naman diyan? Isa lang aasikasuhin mo, hindi mo pa magawa,” biglang sulpot ng kasama niya na nakasilip lang kanina sa patrol car nila. Malayo ang edad ng kasama niyang kakalapit lang. Siguro mahigit dalawang dekada ang pagitan nila dahil may iilang puting buhok na sa ulo ng lumapit na bagong officer. “Hello po, officer,” bati ko na lang. Sa loob-loob ko ay nagpasalamat ako na sumulpot siya bigla dahil natakasan ko ang tanong ng kasama niya kung may hangover ba ako o wala. “Oh, kaya pala mas gumanda ang La Isla de Amore dahil may magandang dalagitang naparito, ano?” tumawang sambit niya na ikinatawa ko rin. “Ngayon lang kita nakita. Taga-rito ka ba sa isla o baka naman naligaw ka kaya ang bilis ng andar mo kanina, Ma’am?” “Kakauwi niya lang po rito sa isla, galing sa America po,” tugon ng kasama niyang una kong nakausap. “Ikaw ba ang tinatanong ko? Huwag ka sumagot kasi si Ma’am ang tinatanong ko rito,” sita ng matandang officer sa kasama. Binalewala ko na ang oras sa digital clock na pumalo na ng saktong alas dose ng tanghali ang oras. Hindi ko alam kung huhulihin ba nila o mag-uubusan na lang kami ng oras dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD