Kabanata 6 - Feeling Entitled

1657 Words
“I’m actually the daughter of Contessa. If you are familiar with Faustino Contessa and Patricia Noire Contessa. They are my parents.” Wala akong choice, which is palagi naman talaga akong walang choice, kundi maging feeling entitled. Mukhang hindi gagana ang pretty privilege kaya kahit labag sa loob ko ay sinabi ko na lang na mula ako sa Contessa family. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang pagbanggit ko sa background ko lalo na nang mapatango ang matandang officer sa nalaman nito. Alam na nila ang ibig kong sabihin na hindi ako karaniwang taong makakasalamuha nila at umaasa na akong papalagpasin nila. I know it’s wrong, but I still did it. Alam kong hindi rin magtatagal ay makakarating din ang insidente na ito kay Dad. “Oh! Ikaw pala ang unica hija nila!” natutuwang sambit ng matandang officer. “Naku, pasensya na at hindi kita nakilala. Narinig ko nga ang balita noon na pinaaral nila sa ibang bansa ang anak nila.” Matipid akong ngumiti saka tumango na lang din. Maraming koneksyon ang magulang ko dahil nasa medical field sila kaya walang duda na makakarating din ang nangyaring ito sa kanila. “Kilala ako ng mga magulang mo lalo na ng ama mo. Impossible naman na hindi nila ako kilala dahil kapatid ako ni Stefano Zulueta,” pabatid niya. “Ikumusta mo ako kay Doctor Faustino. Sabihin mong nakausap mo si Stevan Zulueta.” Tumango ako sa sinabi niya para sumang-ayon. Kung paano siya magsalita ay para bang magkamag-anak lang kami kahit na hindi ko naman kilala ang tinutukoy niyang angkan niya. Sa tagal ko ring nawala sa isla ay tiyak na marami ng bagong koneksyon sila Dad. Walang duda na mas marami pang nakakakilala sa Contessa. Mas tumirik pa ang araw sa dami ng sinabi ni Officer Stevan tungkol sa mga walang kwentang bagay. Puro usapang pamilya na hindi ako maka-relate pati na ang kasama niyang patrol officer, na kahit ito ay naiinip na rin. Sana inimbitahan na lang ako nila one-on-one interview kaysa pinahinto sa gilid ng kalsada para lang tsismisin ako. Pinagtitinginan din tuloy ako ng ibang dumadaang motorista dahil sa kahit sino mapapatingin kapag kinakausap ng police officers. “Napakarangal ng trabaho ng mga magulang mo. Maraming saludo sa kanila lalo na sa ama mo. Alam mo ba naging usapin ‘yon siya dahil nabalita lang naman siya kasi sinagot niya ang buong bayarin ng mga taong nabiktima sa sunog.” Kulang na lang ay alak saka pulutan para magtagay na lang kami habang nagkukuwento siya ng mga nangyari nitong nakaraan sa isla. Daig niya pa ang reporter kung i-update ako sa nangyayaring sakuna rito sa La Isla de Amore. “Sir, baka nagmamadali po si Miss kaya mabuting tingnan na lang natin ang lisensya niya saka…” Natigilan ang batang patrol officer nang sumenyas ang matandang officer na sinasabing huwag siyang pangunahan. “Tama po siya, nagmamadali po ako,” saad ko agad. “Baka po pwedeng ma-settle na ito dahil may emergency po sa bahay.” “Naku, gano’n ba?! Mamaya ay napaano na ang pamilya mo kaya ka nagmamadaling umuwi,” gulat na reaksyong sambit ni Officer Stevan. “Sige na, kahit na makita lang namin ang lisensya mo para makaalis ka na.” Napakagat-labi akong napailing. “Uhm, nakalimutan ko pong dalhin ang driver license ko sa kakamadali. Baka pwede pong ipa-follow up na lang, Sir? Idadaan ko na lang po sa office n’yo.” Nagpaawa na lang din ako para lamang makalusot. Kapag nasa lowest point na talaga ang tao tulad ko ngayon ay gagawin lahat para lang makabangon. “Sus, kahit huwag muna i-follow up. Pwede naman siguro kaming bumisita sa inyo at doon na lang namin tingnan ang lisensya mo, ano?” Tumango na lang ako kahit na nagpanik ako sa biglang suhestiyon niyang ‘yon. Pero wala na akong nagawa kundi pumayag na lang sa kondisyon. “Hayaan mo na, Kol. Ako na ang bahala rito dahil kilala ko naman ang mga magulang ni Ma’am…” “Misha Samara,” tugon ko nang hindi niya ako kilala. Kahit sino naman ay hindi ako kilala unless na mabanggit ko ang apelyidong dala ko saka pangalan ng mga magulang ko. “Miss, kunin na lang po namin number mo para kapag nagpunta kami sa inyo ay masabihan namin kayo,” sabat ng batang officer na tinawag na Kol. Binigay ko na lang din agad ang number ko kaysa naman magpalusot na naman ako at baka madehado na ako nito. Ang number din ng nasira kong phone ang binigay ko sa kanila. Sure na out of reach ‘yon dahil tinapon na rin ni Dad ang phone kong ‘yon bago pa kami bumalik sa isla. My dad really wanted me to restart a new life. Sinira niya ang phone ko saka tinapon ‘yon tapos pinalitan niya ng bago ang mga dating kasama namin sa bahay. Papakuhain niya ako ng bagong program saka papadiretsuhin sa medical school. Siya na lang kaya ang maging God ko tutal siya naman ang nagdedesisyon sa buhay na ito. Mamamatay na lang siguro akong siya pa rin ang masusunod, like anong magiging kabaong ko o ‘di kaya saan ako dapat iburol o ilibing. “Miss?” biglang tawag ni Officer Kol nang mawala ako sa sarili dahil sa kakaisip. “Okay lang po ba kayo? Sumama ba pakiramdam n’yo?” “Kol, dalian mo na! Nagmamadali ‘yan si Ma’am!” malakas na saad ni Officer Stevan na nakabalik na pala sa patrol car nila. Sinulyapan ko ang matandang officer na naninigarilyo sa gilid ng sasakyan nila. Minamadali rin nito ang kasama na tapusin na ang kailangan sa akin. “Hindi ko naman po kayo pwedeng palusutin, Miss. Baka malagot kami sa kinatataas kapag malaman na pinalagpas namin kayo. Minsan talaga ‘yan si Sir Stevan ay padalos-dalos ang desisyon saka lang mapagtatantong mali kapag nasita ng mas mataas sa posisyon kaysa sa kaniya.” Ngumiti akong tumango. Hindi ko man aminin pero napahanga ako sa pagiging maprinsipyo niyang tao. Nagkasundo kaming dalawa na kaysa puntahan ako sa bahay para lang maipakita ang lisensya ko ay magbabayad na lang ako sa overspeeding ko. Willing ako magbayad kahit magkano lalo pa nang maalala ko lang din ngayon na mayroon akong black card sa bulsa. Kahit sahirin pa nila laman ng card ay okay lang sa akin dahil hindi naman din ito sa akin. Mabuti na lang talaga ay naisipan kong kunin itong card na alam kong kapalit sa nawala kong pagkabab*e. “May dala po akong handheld terminal. Pwede n’yo na ngayong bayaran ang multa kaysa magpunta pa kayo sa opisina.” “How convenient,” sambit ko saka inabot sa kaniya ang card. “Paki-charge na lang dito sa card ang babayaran ko.” Bahagya pa siyang nabigla na kinuha ang card na inabot ko. Para bang ngayon lang siya nakakita ng gano’ng kulay ng card. Pero kahit ako ay mabibigla rin dahil alam ko na unlimited ang mga ganitong uri ng card. Mukhang mayaman ang lalaking may-ari ng black card kahit na inisip ko ring mahirap siya dahil wala siya ni kahit singkong-duling na cash sa wallet niya. Pero sabagay baka sa sobrang yaman niya ay hindi na siya nagdadala ng kahit anong cash at siguro sa mga high-end place siya nagpupunta. Mas moderno na ang isla ngayon at mas marami na rin ang mayayaman na lumipat galing ibang lugar. At siguro rin may ilan ding umangat na sa buhay, hindi tulad noong maliit pa ako na maraming mahirap sa lugar lalo na sa iba’t ibang bahagi ng isla. Maunlad naman na noon ang sentro ng La Isla de Amore saka sinundan lang na napaunlad ang ibang mga lugar tulad sa bayan. Pero marahil sa mga liblib na lugar ay talamak pa rin ang kahirapan. “Okay na po, Miss,” sambit ni Officer Kol saka inabot sa akin ang card matapos niyang i-scan sa hawak niyang device. “Bale, tatlong libo po ang binayaran n’yo saka ito na rin ang resibo.” “Maryosep! Ang tagal mo naman, aabutan ka na ng pasko diyan!” Nasilayan ko sa side mirror na pabalik na ulit si Officer Stevan. Ngunit bago pa siya makalapit ay nagsabi na ako kay Officer Kol na kailangan ko ng umalis at baka daldalin na naman ako ng senior officer niya. “Sige po, Miss. Sa susunod ay pakiiwasan na magmaneho nang mabilis para na rin sa safety n’yo at ng ibang tao.” “Thank you. Hindi na rin mauulit ito.” “Siguro naman po hindi na rin tayo magkikita dahil malaki ang isla,” mabilis niyang saad habang nakangiti. “Pero kung gusto n’yo po ako makita ulit ay mag-overspeeding lang kayo at tiyak na magkikita-kita ulit tayo.” Napailing na lang ako sa biro niya at saka lang din ako nagmaneho ulit nang magsabi na siyang makakaalis na ako. Mabuti na lang ay hindi na nakalapit pa ulit ang kasama niyang officer na baka kung lumapit lang kanina at hindi naalintana ng tawag sa phone niya, marahil ay hindi na ako makakauwi tapos mamaya ay ikuwento niya pa sa akin pati kasaysayan ng isla. Sa puntong ito ay wala akong maramdaman ni takot. Para akong naging manhid habang sinusundan ang mapa’t nagmamaneho pauwi. Marahil sa natuon ang isip ko sa ibang bagay lalo na muntik na akong makasuhan dahil wala naman akong lisensya para masuspinde. At tanging pumapasok lang sa isip ko ngayong tulala akong nagmamaneho ay baka nga bata pa rin ako. I mean hindi ko pa rin alam paano mabuhay na walang magulang lalo pa na isang araw ko pa lang ngayon sa isla ay nagkandaletche-letche na agad ang buhay ko. Maybe everyone was right all this time… that parents know what’s best for their children. I’m thinking right now about what my dad said last night, baka nga hindi ko na namamalayang nagrerebelde na ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD