Chapter 7: LQ?

1845 Words
Vanessa Masama ang loob ko na nag-aayos ng mga gamit ko at padabog na nilalagay ang mga ito sa loob ng itim na duffel bag. Matapos kong makipag-usap kay Fafa Haines na mukhang wala naman sa kaniyang sarili, kumatok si mommy dahil may lakad daw kami at isang linggo kami roon. I already reasoned out that we have classes but mom didn’t buy it. Kasi naman, kapag ka-ganito, mas natutuwa pa ako at agad-agad na nag-iimpake. Ngayon, siyempre, hindi ko masisilayan ang gwapong mukha ng Fafa Haines ko kaya mas gusto ko na lamang na pumasok kaysa sumama sa business trip nila. Pumayag pa naman siya na dalhan ko siya ng lunch at snacks na gawa ko! Ugh! I hate this! Pumapayag na siyang magpaligaw sa akin! I can’t believe this. Sinamantala ko na nga kanina ang kabaitan niya dahil puro pagsang-ayon lang ang ginawa niya sa mga sinasabi ko na siyempre, pabor na pabor naman sa akin. “Your dad already talk to your professors. Noong una pa lang, alam na nila na ganito ang set up mo. You can’t just attend to your school always. We have business trips to attend and your dad never wanted to leave you and your mamita.” Napatango na lamang ako kay Mommy na tinutulungan ako sa aking gamit. “Huwag mo akong artehan, Vanessa. If I know, nagkukunwari ka lang na gusto mong pumasok para mapansin namin na nagsisipag ka na sa pag-aaral mo pero ang totoo, gusto mo lang magpa-sipsip dahil may ipapabili ka.” Sinamaan ko ng tingin ang mommy ko at humingi ng tulong kay daddy. Tanging pagtawa lamang ang ganti ni daddy maging ni mamita. “Mommy! That’s not it, okay? I just don’t feel like going out…” Sabay-sabay na nagtawanan silang tatlo at saka nila tiningnan ang mga gamit ko. Matapos ay saka tumingin muli sa akin. “What?” Sabay-sabay na naman silang umiling pero may mga multo ng ngiti sa kanilang mga labi. Dad opened the van for us and let mom and mamita get inside. Inaalalayan pa niya ang mga ito samantalang ako ay nakasimangot habang yakap ang aking sarili. Napatingin akong muli sa dala ko. Dalawang duffel bag na malalaki at isang maletang maliit. Hindi sila naniniwala na tinatamad ako! Nagsuot na lang nag ako ng pantalon at sando at pinataungan ko ng denim jacket na style sira-sira pero dahil ako ang may suot, mas gumanda ang disenyo nito sa akin. Malamig sa sasakyan at sa pupuntahan namin which is Baguio. I wore a black boots for my foot covering and to complete my outfit, I brought my favorite bag for travel. Of course, hindi mawawala ang mga kwintas at bracelets na palaging sinusuot ko kapag may lakaran tuload nito. Dapat nagsabi ako kay Fafa Haines kasi mami-miss ako noon for sure o baka umasa siya na may snack at lunch siya mula sa akin! Arrrgh! Kainis naman kasi ang biglaang lakad na ito! Sanay naman na ako pero ngayon kasi… aarghh! I am getting stressed. I shouldn’t be stressed. Baka pumangit ako, ayawan pa ako ni Fafa Haines ko! No way! Magkatabi kami ni mamita at nakayakap ako sa kaniya. Hindi ko ma-text ang Fafa Haines ko kasi baka mabasa niya. Nahihiya pa ako sa ngayon dahil baka alaskahin lang ako ng mga ito. Sila pa naman ang number one bully ko. It’s my first time going there. They say, the place is beautiful and I hope it really is para naman bawi ang hindi ko pagkakita sa baby ko. At nang marating namin ang Baguio, damn! I think I’m going to love it here… I am glad I brought so many jackets in my bag as well as my pang-pormang mga damit at sapatos! It’s been four days since we went here and so far, it’s not getting boring. Palagi kong kasama si mamita at gumagala kami sa malapit na mga pasyalan. Napakarami na rin naming nabili na mga souveneirs at mga natikman na delicacies sa lugar na ito. Siyempre, hindi ko nakakalimutang ibili ang baby ko ng mgapasalubong. May couple shirt rin akong binili para sa aming dalawa, maging sa sombrero, bracelet at keychain. Ngayon, mag-isa na lang ako rito sa hotel room ko. Magkasama kami ni mamita sa room at sa kabila ay sina mommy. May nilakaran sila kani-kanina lamang pero dahil tinatamad pa ako ay pumayag sina dad na magpa-iwan ako. At dahil mag-isa ako, may pagkakataon na akong matawagan ang baby ko! Mabilis akong sumalampak sa kama at tinawagan ang number ni Fafa Haines. I know, wala silang klase ngayon o baka nakauwi na siya dahil around three na rin ng hapon. I know his schedule and his contact numbers even his sss account. Like duh! I am not Vanessa for nothing. Ang tagal sumagot! Ano na naman kaya ang ginagawa non? Baka naglalaro na naman. I really thought he is mast*rb*t*ng before. Kasi naman, back when I was abroad, they use to say that they are just done with playing and when they say playing, they are really doing the nasty! Wala namang masama sa akin kung malalaman kong ganon nga ang ginagawa niya. I am not the conservative, virgin like woman but I am still a virgin. Utak, mata at bibig ang hindi na. At hindi ko iyon kinakahiya. I do not want to be the pretend type but truth is, there is a demonic side that’s hiding inside them and I don’t want to be in that circle. Nakaka-dalawang tawag na ako pero hindi pa rin sinasagot! Kapag hindi mo ito sinagot, I will really go to your house. I swear! I press the send button then there, bahala ka na kung matatakot ka. Kung naroon ako sa Manila, for sure, gagawin ko talaga iyan. Tatawag pa lamang akong muli nang mag-appear ang gwapong mukha niya sa aking screen. Oh my ghaad! My baby is calling me! Inayos ko ang lalamunan ko kung may bara pa pero nang maayos naman ay sinagot ko na agad ang tawag at kumuha ng isang unan para may mayakap. Kinikilig ako! “Hello,” he coldly said from the other line. Kinagat ko ang index finger ko para mapigilan ang pagtili na gustong mamutawi sa bibig ko. OMG! His voice can make me fall in love with him more! Na-iimagine ko ang nakakunot niyang noo, ang mga labi niyang magkadikit at ang mga mata niyang mapupungay. I want to shout with so much kilig! OMG! “Baby! I miss you!” Narinig kong napa-ubo na naman siya. Noong nakaraan pa siya ganyan. Hindi ko naitatanong kung may ubo ba siya! Anong klaseng manliliagw ako nito? “Okay. So?” Kahit ganoon lamang ang sagot niya, napakalas ng impact noon sa akin. “I am sorry, I am out of town. Hindi ako makapagdala ng pagkain for you.” Hindi pa rin siya nagsasalita. Galit ba siya? “It’s just so sudden kasi. Don’t get mad, okay? I will be back, this Sunday. I have so many pasalubong for you. We can do video call now so you can see me,” malambing kong saad sa kaniya. “Yeah…” I really think he is mad o baka, he is tampo with me! Babawi na lang ako sa pasalubong at sa pagbalik ko. Paano ko ba siya susuyuin? “Let’s video call so that I can see your face… I miss you a lot, Fafa Haines…” Napabuntong-hininga ako. I really miss him. Kapag nagiikot kami, siya palagi ang naiisip at naaalala ko. “I am not in the mood right now, Vanessa. I am also answering some of my home works. I am busy as of the moment.” Parang kumirot nang bahagya ang puso ko. Galit talaga siya sa akin. Napayukyok ako lalo sa unan ko at yumakap nang mas mahigpit. “You are not upset with me?” “I am not, okay? I’m gonna end this call." “O-” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tumunog ang senyales na putol na sa kabilang linya. Nagtatampo siguro siya sa akin. Kainis! Magkaka-LQ na kami nito. Naku, minus points na ito sa panliligaw ko sa kaniya. Nag-iwan na lang ako ng mensahe na mag-iingat siya at huwag magpapalipas ng gutom. Mabilis lumipas ang tatlong araw. Nasa kwarto ko na ako ngayon, kagigising lamang dahil madaling araw na kami nakarating dito sa bahay. It’s past ten in the morning. My things are still on the floor. Mahigpit kong binilinan sina mommy at yaya na huwag iyon liligpitin at ako na lamang pagka-gising. Mahirap na, malalaman nila ang pagbibigyan ko ng pasalubong ko. I don’t want to lie to them so better na hindi na lang nila muna alam sa ngayon. Inayos ko ang comforter na tumatabon sa hubad kong katawan at tanging panty lamang ang suot. Sa kwarto ko, sanay ako na panty lang ang suot. I just prefer being naked. Mas komportable ako rito eh. My family knows this kaya ma-ingat din sila at hindi agad-agad pumapasok sa kwarto ko ng walang permiso mula sa akin. Si mom at mamita even ate, ayos lamang but si dad, hindi. He still wants to make sure that I am fully clothed before he enter my room. Tumagilid ako at inabot ang aking cellphone. Tinawagan ko ulit ang numero ni Fafa Haines ko. Kinabahan ako dahil napakabilis niyang sumagot. “I just woke up. Kanina lang kami dumating, around two in the morning…” Ang boses ko ay medyo namamalat pa. “Good.” “Tampo ka pa rin ba? Dadalhin ko ang pasalubong ko sa iyo bukas, ha.” “Hhhmmm…” “Pwede na ba tayong mag-video call? Promise, hindi na ako mangungulit.” “I am outside. Magkikita naman tayo bukas kaya…” Napatango na lang ako dahil marahan at maingat ang tono niya ngayon. Nagpaalaman na rin kami agad. Pakiramdam ko ay boyfriend ko na siya. Nakaka-inlove! Bumangon ako nang hindi naghihilamos at gargle. Diretso ako sa mga gamit ko at binuksan ang bag na naglalaman ng mga pasalubong. Maayos kong inilagay ang mga gamit na para sa Fafa Haines ko sa isang paperbag at naglagay rin ako sa isa pang paper bag para naman kay Mae. I bough her a sexy bikini and a T-back as well as T-shirts. Inilagay ko muna ang mga ito sa sahig, katabi ng maleta ko at inayos ang iba pang mga gamit. Inihagis ko lang ang mga ito sa laundry basket dahil mga labahin na ang narito. Hindi ko na rin pinili dahil lahat ng naroon sa bag ay mga marurumi na. Natumba ang parehas na paper bag dahil sa biglaan kong paghila sa maleta. Nagkataktak ang ibang mga laman nito at ganoon din sa maleta. Mabilis ko namang inayos. Napahakay ako, napapikit pero tuloy-tuloy sa pag-babalik ng mga gamit na nalaglag sa paper bag kahit hindi nakikita. Nang matapos ay inilagay ko sa bedside table ko ang dalawang paper bag. Hindi ko na ulit inisa-isa kung maayos ba ang pagkakabalik ko dahil kumakalam na rin ang sikmura ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD