Chapter 8: Stop

1341 Words
Vanessa Malakas ang pagkabog ng dibdib ko habang tinatahak ang daan patungo sa department ng Fafa Haines ko. Bitbit ko ang dalawang paper bag na ibibigay ko sa kaniya at kay Mae na noong nakaraan pa nagre-request na magkaroon ng bikini at T-back. She said she can’t buy because her parents are very conservative but she really wanted to wear one. At nang mapadaan kami sa isang store na nagbebenta ng mga summer attires and swim wears, siya kaagad ang naisip ko. Napa-aga ako ngayon dahil nga gusto ko na masilayan na ang napaka-gwapong mukha ng Fafa s***h baby Haines ko. I really miss him. Napaka-arte, hindi man lang pumayag na makipag-video call. Ayan tuloy, sobra-sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya. Kinakabahan ako kasi baka hindi niya ako pansinin. Tingin ko kasi talaga, nagtatampo iyon sa akin. Bahala na nga. Inhale… exhale… Wala silang schedule ng ganitong oras kaya sasamantalahin ko na rin. He doesn’t know that I am going now basta ang alam niya, ngayon ko ibibigay ang pasalubong ko. Teka, bakit ba ako kinakabahan? This is so not me. Huminga ako nang malalim at saka inayos ang sarili. Mabilis kong narating ang kanilang building. May mga nasa labas ng kanilang silid at mga nagta-tawanan. I can do this. “Hi!” Bati ko sa grupo. Natigil sila sa tawanan pero bakas pa rin sa mukha ang kasiyahan. Limang lalaki at tatlong babae. “Hello,” bati nilang lahat at saka ako nginitian. Tila parang hinaplos naman ang puso ko dahil sa kabaitan nilang taglay. “Is Fa- I mean, is Haines Gian Medallon inside?” “Yes, Miss. Wait,” sagot ng isa sa mga babae. Nakangiti akong tumango at saka naghintay na lang. “Gian, someone’s looking for you.” Nakatitig ako sa likuran ng babae. Gian? I know his name is Haines Gian but I first heard his name Haines kaya iyon ang tinatawag ko sa kaniya. Bakit parang iba ang dating sa akin ng pagtawag niya kay Fafa Haines ko? “Are you Gian’s cousin or some kind of relative?” Napalingon ako sa nagtanong. Ibig sabihin, Ang mga kaklase niya ay Gian ang tawag sa kaniya? Akala ko ay ang babae lang na iyon pero iba pa rin ang pakiramdam ko. Tingin ko ay may gusto rin ito sa baby ko. Bakit ba kasi ang gwapo mo? Kaya nga ako na ang nanligaw dahil baka maunahan pa ako ng mga babaeng umaaligid sa kaniya. “Uh- no…” May kasama pa iyon na pag-iling-iling. Relative his face. I am his future wife kaya! Hindi na ako muli tumingin sa grupo nila at naghintay na lumabas ang baby ko. “Sinong naghahanap sa bunso namin?” Bumukas na nang malawak ang pintuan at saka iniluwa si Dalton na preskong-presko ang mukha. He is handsome. Sa kanila, siya ang may pinaka-malakas ang dating. But, in my heart, my Fafa Haines is the most handsome of them all. Sumunod sa kaniya ay ang iba pa nilang kaibigan. Ano ba naman itong mga ito. Si fafa Haines ang hinahanap ko, sila ang lumabas. “Oh!” Dalton halted so as his friends. Hindi ko pa masilayan ang mukha ng baby ko dahil nakaharang sila sa pintuan. “Beautiful Vanessa. What brings you here?” Lumampas na siya sa pintuan kaya nakalabas na rin ang mga kasamahan niya. And there, nakita ko na rin ang mukha niya. Kumabog ang puso ko. Napangiti ako nang malawak at saka kumaway sa kaniya bago sa mga kasamahan niya. Itinaas ko ang isang paperbag na nasa kanan kong kamay. Napansin ko na napakamot pa siya sa ulo niya. Itinulak nila si Haines papunta sa akin at saka kinausap ang mga grupong kanina lang ay narito na pumasok sa loob dahil kailangan namin ng privacy. Naroon sila sa loob, binabantayan ang mga kaklase nila na baka makinig sa usapan namin o kaya ay manuod. Si Dalton at Miguel naman ay nasa magkabilang gilid namin pero may kalayuan dahil nagbabantay rin sila na maaring dumaan. Ano ba naman ang mga ito. Mas lalo lang kaming mahahalata nito. Nahihiya na tuloy lalo ang baby Haines ko. Inaaway at sinasaway pa nga niya ang mga kaibigan niya pero dahil malalakas ang trip ng mga ito, hindi man lang naawat. Kaya hinayaan na lamang niya at nahihiyang tumingin sa akin. “Hi,” bati ko sa kaniya sa isang mahinang boses. Tinaasan niya lamang ako ng kilay. “I just came here to give this to you but I never thought it could be this…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa seryoso lamang ang pagkakatitig niya sa akin. “You should have told me that you will go here.” Napakatungo naman ako at nag-isip ng sasabihin. “Kasi it would be hassle for you if you will be the one to get this. Are you still tampo with me? Or are you mad that I go here without your permission?” Umiling-iling siya at tiningnan ang kamay ko na may hawak na paper bag. Ini-abot ko ito sa kaniya ngunit kaniya lamang itong tinitigan. “I just wanted to give you this. You said I can give this to you today kaya.” “Tanggapin mo na, gago. Pakipot ka pa, ikaw na nga binigyan ng pasalubong. Kung ayaw mo, sa akin na lamang.” Si Dalton iyon pero nakatalikod pa rin siya. “Oo nga, Vanessa. Mukhang ayaw naman ng baby Haines namin,” Miguel seconded as he laughed playfully. Mga baliw ang mga ito. Kinuha sa akin ni Fafa Haines ang paper bag. “Open it when you get home, okay?” “Thank you for the thoughtfulness, Vanessa. I appreciate it. Pero sana, huwag ka ng mag-abala sa susunod. You shouldn’t be doing this.” Napakagat ako sa aking labi. “But I insist.” “I would accept this, but next time, I won’t.” Parang may kumurot sa puso ko pero agad ko iyong ipinag-sawalang bahala. “You told me, I can court you.” “I am not in my right mind that time. I am sorry for giving you false hope, Vanessa.” I felt awkward and embarrassed all of a sudden lalo na at napansin ko na ganoon din ang dalawang lalaki na naririnig ang sinasabi niya sa akin. “I give you so much respect not just as a girl, Vanessa but as a person. But this, I do not want you to take the role of a man. I believe how precious every girl is and you should be receiving what you are doing now with me and not the other way around. I appreciate you, okay? But for your self-worth, please, please, please, stop this.” He sounds so sincere, even his eyes that are now pleading. Pinanghihinaan na ako ng loob at parang gusto na lamang na biglang maglaho. Basted na ba ako? Ganito pala kapag naba-basted. Masakit sa puso. I know he did everything he can just so I won’t get hurt. I am touched by what he had said, but still… Muntikan na akong mawalan ng pag-asa at gustong sumang-ayon sa kanya. Pero dahil ginusto ko itong pinasok ko na ito, kailangan ko itong harapin. Mula sa pagkakalungkot ng aking mukha, binirat ko ang aking labi para sa isang ngiti. “I understand…” Nakita ko na lumiwanag ang mukha ni Haines. “But I really like you. I really do. You can’t just tell me to stop. That’s why I said I’m going to court you. I am just starting. I will prove to you that I am deserving and my feelings are true and sincere…” Hinigpitan ko ang pagkaka-kapit sa paperbag. “It was nice seeing you again, Haines Gian. Got to go. Bye, Dalton and Miguel. Thank you.” One quick last look at his face and my heart is still shouting for my feelings with him. This pain inside me will soon fade away. Hindi ko na hinintay pa silang sumagot at saka umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD