Vanessa
“Girl!”
Nagulat ako kay Mae dahil pagkapasok ko sa kwarto ko ay pinuno ng missed calls niay ang notification ko. Kagagaling ko lang sa baba dahil nag-dinner kami ng pamilya ko.
I removed my shirt as well as my shorts and inserted my body on the comforter. Nakapagpababa na rin naman ako ng kinain dahil nanuod pa kami nina mom sa baba bago ako umakyat.
“Mae, problema mo?”
I am lonely. Halata iyon sa boses ko kahit anong gawin kong magpanggap na masaya. Kanina, ginawa ko ang lahat para hindi nila kao mahalata.
Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko bago tuluyang inilapat ang likuran ko sa malambot kong kama.
“Sabi mo, may Tback rito kaya nga hindi mo sa akin pinabuksan kanina sa room. Bakit wala rito? Ang nandito lang ay iyong swimsuit at ilang souvenir shirts.”
Napabangon ako bigla sa pagkakahiga at nanlalaki ang bibig at mata kong napatitig sa kawalan. Don’t tell me…
Oh my goodness, Vanessa!
“Huh? Ibig sabihin ay hinid ko pala nailagay ang T-back? Have you checked, baka naipit lang sa mga shirts or what?”
Problemado akong nagkamot sa akin ulo pagkatapos ay kinagat ko ang mahaba kong kuko sa aking right thumb.
“Yeah. Or maybe, hindi mo lang na-isama.”
I don’t think hindi ko siya naisama dahil tanda ko pa na kasama iyon ng mga swimsuits at sabay kong ipinasok sa paper bag. Paanong…
Oh s**t! Naalala ko ang pagtumba nila at ang wala sa sarili kong pagbalik muli sa dalawang paper bag.
No way! Basted na nga ako, tapos biglang ganito. Ang tanga mo, Vanessa.
“Uh-Mae… Titingnan ko baka naasama sa iba kong gamit. Sorry ha.”
“Okay lang, girl. Basta ha, bibigyan mo ako.”
Tinapos na rin namin ang tawag at saka ako pabagsak na nahigang muli.
Nakita na kaya niya ang mag laman ng ibinigay ko?
I should call him. I must.
I dialed his number as my heart beats so fast and loud. Ang inaasahan ko ay ilang ring pa bago niya sagutin pero dalawang ring lang at sinagot na niya kaagad.
“I was about to call you...” he said with a plain tone.
Naalala ko na naman na pinapatigil niya ako. I can’t stop… I know my self-worth, I just really love him. I really do. This is my first time but I am sure with what I feel. I can already label this as love.
“Ahm… I just called to ask if there is a strange thing on the paper bag. But first, have you opened my pasalubong?”
Kinagat kong muli ang aking kuko. Nahihilig na ako sa ganitong gawain na hindi ko naman ginagawa dati.
“Yeah. Just now.”
“Did you see a T…”
Oh s**t! Hindi ko maituloy. I am a frank person but I can’t tell it to him directly.
“What? You mean the T-ba-”
“Oh my goodness! That was for my friend, Mae. I never really thought that I placed that together with my other pasalubong with you. I am sorry. I didn’t mean it. I know my self-worth. I value myself as a person and as a woman-”
“Vanessa…”
“Yes, I know. Hindi maganda pero hindi naman talaga iyan para sa iyo. Namali lang ako. You see, nahulog ang mga laman ng paper bags ni’yo at hindi ko napansin na sa iyo ko pala nalagay iya-”
“Vanessa…”
Natigil ako sa pagsasalita at hinihingal nang tumigil.
“You talk too much, woman. I was about to call you because of that thing. You can just say na namali ka lang, I would understand.”
Nakagat kong lalo ang aking kuko at saka niyakap ang aking human sized teddy bear.
“I am sorry. I don’t really mean it, I swear to God! Please don’t get mad at me…”
Halos maiyak na ako sa frustrations, dumagdag pa nag malamig niyang boses.
“I understand. Should I give this back to you?”
“Uh-pwede ba?” Tila nahiya naman ako sa sarili kong tanong.
“Yeah. Send me your address.”
Napabangon ako. “You’ll bring it here sa house?”
Parang bata akong pinagalitan ng kaniyang nanay pero sinabihan na pupunta kaming Jollibee para kumain.
“No. I’ll have it delivered by our driver.”
Bagsak ang balikat kong bumalik sa pagkakahiga at mas lalong niyakap ang aking bear. Pati ang paa ko ay nakayakap na sa katawan nito. I feel so down. I don’t know what to do.
For the first time, natahimik ako at hindi makaisip ng sasabihin. Parang isa akong dayuhan sa aking nararamdaman. He sounds like he just wants to end the conversation. Ayaw niya ba talaga sa akin?
“Okay. I’ll just… I will just send you my address. Sorry for the hassle.”
He then ended the call without a proper goodbye.
Napapikit ako. Wala na akong lakas na ilayo pa ang cellphone sa aking tainga. Nanatili iyon doon at saka tuluyang niyakap ang aking katabi at doon kumuha ng init na hindi ako nag-iisa rito.
Kinaumagahan, kumatok ang mommy ko sa pintuan ko at bitbit ang paperbag nab ago, hindi iyong ibinigay ko sa kaniya. I would really feel bad kung pati iyon ay ibabalik niya. Salamat naman at hindi ganoon ang nangyari.
Linggo… buwan ang lumipas na hindi ako nagpaparamdam sa kaniya. Sa mga araw na iyon, iniisip ko kung paano ko ba maipaparamdam sa kaniya na mahal ko siya kung nasa malayo ako. Kung parati akong iiwas at hindi man lang ipapakita kung ano ba talaga nag tunay kong nararamdaman. Kapag nasa school, palaging gusto ng paa ko na dumiretso sa building nila pat kailangan pa nang sobra-sobrang pagpipigil para lamang hindi ako tumuloy.
Sa bahay, kating-kati na akong tawagan siya at kamustahin pero hindi ko magawa.
Palaging nagpapa-alala sa akin ang mga nasabi niya. Is courting a man really that awful?
In the society that we have now, pantay naman na ang babae at lalaki. What men can do, women can also do that. Kung pwede silang manligaw, bakit ako bilang babae, hindi? Tao rin lang naman ako. It is my choice to court him. It is my freedom to express what I truly feel for him. Pati ba naman iyon bawal?
Hanggang sa ang panahon na yata ang gumawa ng paraan dahil Intramurals namin nang bigla akong piringan ng isang grupo at sabi ay para iyon sa booth nila which is blind date booth. I am asking who that person is but they refuse to answer and just told me that I will know it once I get there.
Biglang kumabog ang puso ko nang makapasok at maamoy ang pamilyar na mabangong amoy na iyon. Is it him?
Napalunok ako nang ilang beses. Gusto kong tumili sa saya.
Inalalayan nila akong maupo at dahan-dahang tinanggal ang blindfold.
Halos mawalan ako ng hininga nang magtama ang mga mata namin. Pigil ko ang malawak kong ngiti pero ang mga mata ko ay gustong maiyak sa tuwa. After three months, I saw him again, not on pictures but in person. Napa-kurap-kurap pa ako para lamang mapatunayan na siya talaga ang nasa harapan ko at hindi ako namamalik-mata at nananaginip. He is really in front of me, so serious.
Kunwari ay may inayos ako sa aking sapatos pero ang totoo ay pinahid ko ang luhang namumuo sa magkabila kong mata. I miss him so much that my heart hurts so much. Ganito iyong pakiramdam na pinagbawalan ka sa gusto mong gawin pero isang araw, pwede na pala ulit. Kahit ilang segundo man lang.
“Hi…” bati ko sa isang mahinang boses sabay ngiti nang maliit.
“Hi.” Hindi siya nakangiti, nakakunot na naman ang kaniyang noo habang nakatitig sa akin. Please, don’t stare at me like that. Baka hindi ko matagalan at bigla na ang kitang mayakap.
“Kamusta ka na?”
Pinigilan ko nag sarili ko na maiyak.
“Good. How ‘bout you? I haven’t heard from you for some time.”
Because you told me to.
“I got busy with school.”
Kahit ang usapan namin, wala lang.
Kinagat niya ang labi niya kaya napakagat din ako sa labi ko. His lips is so red and so thin. Malambot siguro iyon at masarap halikan.
“I miss you so much that I want to kiss you so bad…”
Umingay ang lamesang bakal dahil sa biglaan niyang paggalaw. Napatabon ako sa aking bibig dahil nabanggit ko na naman yata iyon mula sa aking isipan. Pahamak talaga.
“You... you... do?” Bakit pakiramdam ko ay hinahamon niya ako?
“I do. Kung pwede lang talaga.”
“No…” he said.
Napasimangot ako at tumango na lamang. Hangga’t maari, nanatili akong tahimik habang ang isip ko ay naglalaro kung paano ko siya mahahalikan! I can’t help it. It feels like his lip is telling me to taste it.
We just talked civilly para pamatay ng oras at hindi kami awkward. I am thankful that he is at least opening a topic for us.
Nagpa-alala ang administrator ng booth at sinabi na last one minute na lamang.
“Fa- Haines…”
Lumingon siya sa akin dahil nagce-cellphone na siya ngayon. Wala na kasi talaga kaming mapag-usapan kaya hinihintay na lamang ang time namin.
Tumayo ako at dali-daling lumapit sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at basta ko na lamang hinawakan ang magkabila niyang pisngi at pinaglapat ang aming mga labi.
If this will be the last time, I will do this so that I won’t regret this at the end.
Napapikit ako dahil sa sensasyon at pinagbigyan ang sarili na ma-enjoy ang segundo na iyon. I was about to move my lips when he held my shoulders. I thought he would push me away but his hand just stayed there.
Nanlalaki ang mag mata ko pero dahil doon ay tuluyan ko ng iginalaw ang aking mag labi. I nibbled his lower lip as I caress his cheeks using my thumbs.
From his lower lip, lumipat naman sa upper lip niya at patuloy ko iyong ginawa. Naroon lamang siya, nagpapaubaya, hindi sumasagot sa mga halik ko pero hindi niya rin naman ako tinutulak.
From a passionate to a French kiss. His lips feels so good. This is not my first kiss but compared to the rest, ito ang pinaka-gusto ko kahit na hindi siya gumaganti sa akin. Mas lalo kong pinalalim ang halik at saka mas lalong pinaglaro ang labi ko sa kaniya.
I was about to enter his mouth using my tongue when we heard the door opened.
Agad niya akong itinulak na may panlalaki ng mga mata, hinihingal din katulad ko. Agad akong lumabas nang hindi nagpapaalam sa kaniya. I know he is mad but that is not my concern right now.
Nang makalayo, dumiretso ako sa CR ng aming building. Nang makapasok sa cubicle at hinihingal akong napasandal.
Nangingiti ako habang nakakapit sa dibdib kong halos lumuwa na sa sobrang lakas ng pagtibok.