Chapter 1: Fafa Hanz

1726 Words
Vanessa Isa talaga sa pinaka-kinatatamaran ko ay ang first day of school. Wala naman kasing ginagawa at puro introduce yourself-introduce yourself lang ang nangyayari. Paano ako sisipagin niyan sa pagpasok? Mabuti sana kung may pogi roon, wala naman! I am a transferee at my new university here in Manila. We just came home last last month from Spain. Doon kasi ipinanganak ang daddy ko at ang mommy ko naman ay isang Pilipina. Ang huling uwi ko rito ay noong elementary pa ako at bumalik kami sa Spain noong high school at nang mag-college ay dito naman. Na-late nga lang dahil third year college na ako ngayon nang mag-transfer dito. Kung kailan patapos na saka nila naisipang umuwi rito. Mga trip ng mga magulang ko parang sa shunga lang pero mga mahal ko ang mga iyon. Kasama naming umuwi ang grandma namin. Ang ate ko naman ay nasa asawa niya roon sa Spain. “Vanessa, what’s taking you so long?” striktong sigaw ni daddy mula sa labas ng kwarto ko. Inayos ko ang paglalagay ng liptint ko. “Just a minute, dad. I love you!” sigaw ko sa kaniya at saka isinukbit ang bag ko at inilagay ang cellphone at wallet doon. Last look on the mirror and I blink on my image. Pinalo ko ang pwet ko at saka nagsalita. Ang ganda ko! Nang lumabas ako ay naroon pa rin si daddy. Malawak akong ngumiti sa kaniya pero sinuklian niya lamang ako ng isang napaka-cute na simangot. Niyakap ko siya sa braso niya at sabay kaming bumaba sa aming pa-ikot na hagdan. “I don’t feel like going to school today…” Pag-amin ko kay daddy. I am not a daddy’s girl nor a mommy’s girl. Parehas lamang akong sweet sa kanila lalo na kay grandma. Ganoon din sila sa akin. Sa amin ng ate ko, walang favoritism na nangyayari. We both feel the love of our parents. Kapag mayroon ang isa ay mayroon din ang isa. Minsan naman ay hindi ganoon ang nangyayari pero ni minsan ay hindi man lang kami nakaramdam ng inggit sa isa’t isa. Siguro dahil iyon sa pagpapalaki ng mga magulang namin sa aming magkapatid na hindi maganda ang inggitan sa magkapatid. I am an honest daughter. Aside from that, I also say what is going on with my mind with no filter at all. “You are a transferee. You need to make an appearance at school.” Napadaan kami sa living area kung saan naroon si mommy. Nakasandal siya sa couch, tanging ang balikat lamang at ang ulo lamang ang nakikita. Nanunuod siya ng TV. Yumakap ako sa kaniya mula sa likuran ng couch at humalik sa pisngi. “Hindi mo ba ako pipigilang pumasok, mommy?” Tinawanan niya lamang ako at saka hinalikan ang likuran ng palad ko. “Just enjoy the day. Do not start it with your complaints, honey. Okay?” Napabuntong hininga na lamang ako. Kinuha ni dad ang susi ng kotse sa sabitan. “I’ll just drop her off. Do you want me to buy something?” malambing na saad ni daddy kay mommy at humalik sa labi nito. Nakapangalumbaba lamang ako sa sandalan ng upuan. They are so sweet! I really admire their love with each other. “Mom! Hindi na ba magbabago ang isip mo? We can just go shopping!” suhestiyon ko dahil mahilig si mommy sa ganon. “Stop it, Vanessa. You need to go to school. Be a good student. I don’t want to go to the guidance with the start of classes.” Napasimangot naman ako nang magtawanan ang dalawa. “You both are so mean to me!” Mom just shoo us away. Ganiyan siya kapag gusto ang usapan pero ayaw nang pahabain dahil mas importante na lumakad kami. Parang hinihila ang katawan ko nang pasakay na kami ng kotse. “When will I have my own car?” “So that you can go everywhere you wanted?” “Daddy!” Niyakap ko ang sarili ko at nakasimangot siyang tiningnan. I have a bully parents! “So that I can go to school alone! It would be hassle for you if you’ll send me to school then will go later to fetch me. It would be more convenient if I would have my own car na.” He just tapped his finger on the steering wheel. Mukhang nag-iisip na siya. Nabuhay na ang loob ko pero nang tumingin siya sa akin na umiiling-iling, tinamad na naman ako. It’s a no again. “Right after you graduate, you’ll have your own car. We will buy what you wanted even if it is the most expensive car.” Most expensive! Hindi ko naman kailangan ng mahal basta mayroon ako para makapunta ako kahit saan ko gusto! I don’t know how to ride in public vehicles. Ayaw ko rin naman dahil sa mga napapanuod kong holdap at nakawan. Bigla akong nanlamig sa idea na sa akin iyon mangyayari. No way! Sumandal na lamang ako at nagbilang ng mga kotseng nakakasalubong namin. It was a big university! Sa page lang ng school at sa google koi to nakikita. Iba pala kapag personal. Nakakahilo ang lawak. Never ko pa rin itong nadadaanan dahil may kalayuan sa aming bahay. Marami ang sasakyang naka-park at may mga estudyante pang nagdadanan. “Be good, Vanessa.” Tumango-tango na lang ako kahit ayaw ko nang marinig ang ganoong klase ng paalala. Hindi ko naman sila masisi dahil sa dati kong school, I used to punch those guys who tries to touch or kiss me. May karapatan naman akong gawin iyon lalo na kung may pambabastos na magaganap. No one can touch me aside from myself of course. “No need to say that, dad. I am good okay? But when there are assholes, I will really punch their ugly faces.” Tumawa na lamang si daddy at saka hindi na nag-park ng sasakyan. Mabilis na lamang niya akong ipinagbukas ng pinto at saka ako humalik sa kaniyang pisngi. Nakanguso akong nanuod sa pag-alis ng sasakyan. Kahit tinatamad ay binaybay ko na ang entrance ng university. Nakangiti akong binati ng guard na naroon. Tinanguan ko na lamang siya at hindi na ngumiti. Natatamad akong ngumiti ngayon dahil wala ako sa mood. Hindi ako iyong plastic na tao. Kung ano ang mood ko ay iyon din ang ipapakita ko sa kahit na sino. Bahala kayong maumay sa mukha ko. Kakalampas ko lang ng main gate nang tumunog ang cellphone ko. Nakalimutan ko pala siyang i-silent mode. Mabuti na lamang at nandito pa lamang ako. Pero kung sa room naman na namin ay okay lang naman sa akin. I can just say that I forgot to silent it. Why the need to tell lies if I can tell them the truth, right? Kung magalit, wala na akong magagawa. As long as I said my apologies, it would do. “Mom…” bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya. “Nasa school ka na ba?” Tumabi muna ako dahil may mga dumadaan. “I just entered the university. Why?” Naging habit ko na yata ang pag-tap ng foot dahil iyon ang ginagawa ko ngayon habang hinihintay ang sasabihin ng nanay ko. “Wala lang. Masama bang tumawag sa maganda at pinaka-mabait kong anak?” Napairap na lang ako at niyakap ang bag ko kahit na nakasukbit ito sa balikat ko. Mas lalo akong tinatamad dahil sa kabaliwan ng mga magulang ko. “I will be a good student, mommy if that is the reason why you called.” “Nakakasakit ka naman ng damdamin, anak.” Matatanggal na yata ang mata ko sa kakairap ngayong araw. “I love you, mommy. Just cook my favorite dish later when I come home, okay?” May sasabihin pa sana ang mommy pero pinatayan ko na siya ng tawag. Ilalagay ko na sanang muli sa bag ko ang aking cellphone nang may dumaan na anim na grupo ng lalaki na nagtatawanan. s**t! Ang ga-gwapo! Parang nabuhay ang tinatamad kong kaluluwa. I wasn’t the only one ogling with them because when I look at my surroundings, there are group of girls who are also giggling as they watch these group of guys. Parang may mga sariling buhay naman ang grupo nila dahil wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid. Doon pa lang, alam ko na kaagad na hindi sila iyong mga mayayabang na grupo. Sa aura pa lamang nila, alam kong may pagka-humble ang mga personalities nila. Sa kanilang anim, tumibok hindi lamang ang puso ko maging ang sa pagitan ng hita ko nang makita ang isang perpektong mukha ng lalaki para sa akin. He is like a greek god! Oh s**t! I checked my panty if it is still intact. Oh ghad! Ang gwapo! Pinipigilan ko ang sarili ko na sumigaw sa kilig. s**t na malagkit! Bakit ngayon lang kita nakita, pogi? Dahil may kalayuan at hindi ko sila marinig ay pasimple akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila. I am not a chismosa. I just want to know who this guy is. s**t na malagkit! Halos himatayin ako nang mapalapit ako sa kanila. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na halos malaglag na ang panty ko. Gusto kong sumigaw sa kilig. I think I have my first crush na! Oh wait, hindi pala I think. Sigurado na ako na siya na ang lalaking gusto kong makasama sa pang-habang buhay. “Tangina mo, Hanz.” Dinig kong saad ng isang long hair na lalaki at saka sinapok ang crush ko! Hanz daw! Pati pangalan ay gwapo. s**t talaga! Fafa Hanz, my love! s**t! Dahil sa pakikinig at sa kanila naka-focus ang atensyon ko ay hindi ko napansin na may may hagdan na akong matatapakan. Matutumba na sana ako kung hindi ko lamang naipantibay ang aking paa. Dahil sa gulat ay napasigaw ako. “Aaah! Ang gwapo mo, fafa Hanz!” Napatabon ako sa bibig at saka napatingin sa kanila. Nilingon nila ako pero nagtawanan lang sila at kinantiyawan ang fafa Hanz ko. Saglit niya lamang akong tiningnan at saka tumawa na lang sa panloloko sa kaniya. Ang panty ko! Nginitian ako ng future hubby ko! Umalis na sila pero mga nagtatawanan pa rin. I flipped my hair and get back on my poise. Sisipagin na akong pumasok nito. Magiging isa na akong mabuti at responsableng estudyante nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD