Vanessa
Kung dati ay tinatamad ako sa mga introduce yourself na iyan, ngayon ay kahit siguro ilang beses pa nila akong pagulitin sa pagpapakialal ay ayos lamang sa akin. Ni-hindi mapuknat sa labi ko ang pagkakabirat nito dahil kanina pa ako nakangiti at kinikilig.
Kasalanan ito ni fafa Hanz. Nag-CR nga ako dahil baka lumuwag ang panty ko at biglang malaglag pero mabuti at ayos pa naman. Tangina naman kasi, makalaglag panty sa gwapo!
Wala pa akong masasabi ko talagang bagong kaibigan. May nakakausap na ako pero iyon lang iyon. I don’t want to treat them as my friend agad without knowing them wholly. Mapili ako sa magiging kaibigan ko. Sa Spain, I only have few friends but I know they are true to me.
Magkaiba yata kami ng department kasi hinahanap ko sya kanina pa sa building namin pero wala pa rin akong makita na ganoong klase ng mukha. Well, I don’t think they are under the Bachelor of Arts in Modelling, Fashion Designing and Merchandising. Sa mukha at katawan, pwedeng-pwede pero sa datingan ay masasabi kong hindi nga sila katulad ng sa kinukuha ko. Baka engineering or business administration.
Kanina pa si fafa Hanz tumatakbo sa isipan ko. Ilang taon na kaya siya? May girlfriend na kaya iyon? Huwag naman sana! Ako lang dapat ang maging girlfriend niya!
Pagkatapos talaga ng klase namin ay ha-huntingin ko siya sa naiisip kong department nila. Wala ka ng kawala ngayon sa akin, fafa Hanz.
It’s three in the afternoon and our class just ended. Buhay na buhay ang dugo ko na lumabas ng aming silid. Saradong-sarado ito dahil naka-aircon ang loob. This university is really classy. Tama lamang dahil mahal din naman ang tuition fee rito. All the facilities and premises are newly painted and structured. Pinaghandaan talaga nila ang pagbubukas ng pasukan.
There are some who are wearing school uniforms but mostly, civilian ang suot katulad ko. I am wearing a fitted dress that reaches my knee. Wholesome naman ito at pangpasok talaga pero siyempre, dahil maganda at sexy ako ay mukhang may runway akong rarampahan. I am also wearing a simple heels that would match my dress.
Tingnan lang natin kung hindi ka pa mahulog sa akin ngayon, fafa Hanz.
May mga sumisipol habang dumadaan ako pero hindi ko sila pinapansin. Mga bastos lang ang naninipol. They don’t deserve my attention at all. Baka masapak ko lamang sila kapag makita ko ang mga pagmumukha nila lalo na kung mga pangit naman!
Nakalabas na ako ng department namin. Ang lawak masyado ng university na ito. Nakakahilo pero para sa fafa Hanz ko, hindi ako mapapagod. Iniisip ko pa lang na makikita ko muli ang kaniyang gwapong mukha ay nabubuhayan na kaagad ako ng loob.
Maraming estudyante sa mga benches at sa kiosk pero wala pa ring mukha ng mga magkakaibigan akong nakikita.
Napagpasyahan ko na lumabas na ng Engineering Department. Sigurado naman ako na wala silang klase dahil mga nasa labas na ang mga estudyante. It would be OA naman if I would go to each rooms and check if they are there. Ayaw ko rin naman na magtanong dahil ang pangalang Hanz lamang ang alam ko. Paano kung marami pala siyang kapangalan dito, mas lalo pang nakakahiya!
I entered the Business and Management Department. Ang daming tao! Karamihan ay nasa benches at may mini-park pa talaga sila! Yayamanin ang department na ito ha!
Mas nakakahilo ang tao kaysa sa laki ng department. Balita ko kasi ay isa ang department nila sa may pinaka-maraming population sa university.
Naupo na lang muna ako sa isang bench na kakaunti lamang ang nakatambay. Mga nagtatawanan at nagku-kwentuhan. Mukhang mga freshmen pa ang mga ito. Halata dahil mga mukhang bata pa ang aurahan nila pero sa porma ay parang kasing edaran ko lamang. Marunong akong kumilatis ng tao. Isa iyon sa kinahiligan ko dati pa. Kung hindi nga modeling ay baka Psychology ang kukunin kong course.
Nagpahinga muna ako dahil nangangalay na rin ang binti ko kakaikot sa malawak na building ng engineering.
Balak ko nang kuhain ang cellphone sa bag ko nang mag-vibrate ito. Kinuha ko kaagad at nakitang si mommy na naman ang tumatawag. Ano ba naman itong nanay ko, akala mo ay mawawala ako o mananapak kaagad ng estudyante rito.
Tinatamad kong sinagot ang tawag habang iginagalaw ang mga paa ko para matanggal ang ngalay.
“Vanessa, honey…” malambing niyang salubong sa akin pagkasagot ko pa lamang ng tawag. Bahagya namana kong kumalma dahil alam kong hindi kalokohan ang sasabihin ng mommy.
“Mommy. I am fine here. What is it?” Ipinalibot ko ang paningin sa mga lumalabas para kung sakaling dumaan man sila ay makita ko kaagad.
“Well, kakain kasi tayo sa labas with Mama. Alam kong wala na kayong klase kaya dadaanan ka na lang namin diyan ngayon. On the way na kami.”
“Agad?!” nagugulat kong tanong kung kaya’t pati ang mga malapit sa akin ay napalingon sa gawi ko. Ngumiti na lamang ako sa kanila at ibinalik ang atensyon sa kausap at sa mga dumadaan.
“Why? Akala ko ba ay tinatamad ka riyan sa school? Magsha-shopping pa naman tayo.”
“I was just looking for something. Call me when you are outside na po.”
“Okay, honey. I love you.”
“I love you, mom. Take care.”
Hindi katulad ng iba, hindi ko ikinakahiya na sa ganitong edad ay nakikipag-I love you-han pa ako sa magulang ko. I don’t care about what other people will say. Lalo na kung wala silang ambag sa buhay ko.
Napabuntong hininga ako. Lilipas ang araw ko na hindi ko na naman siya makikita. Nakakalungkot!
Sigurado ako na rito ko siya ulit babalikan dahil sa nakikita kong suot na ID lace ng mga estidyante rito. Kaparehas ng sa mga suot nila. Ngayon ko lang na-realize na may pagkakakilanlan nga pala pagdating sa mga ID laces. Ang shunga ko talaga misan, gosh! Pinalakas ko na lang ang loob ko na may bukas pa naman. Tama, bukas ko na lang ulit sila hahanapin. Makikita rin kita ulit.
Inayos ko ang heels ko at isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat. Hindi ko na inilagay pa ang cellphone dhail baka tumawag na naman si mommy ay hassle lang kapag kukunin ko pa ulit.
Huling buntong hininga bago ako nagtungo sa exit ng kanilang department. Parang bumibigat ang katawan ko. I want to see him before I go home!
Nagstay ako saglit sa labas ng department nila at saka nagsipa-sipa kunwari ng mga invisible na bato kahit wala naman talaga. Binabaybay ko na ang exit n gaming university para sa labas na lamanga ko maghihintay sa pagdating n gaming sasakyan. Nakakatamad naman talaga.
Lord, magpapakabait na po ako basta ipakita Ni’yo naman po sa akin si fafa Hanz. Please po, kahit ngayon lang po.
Pasimple kong dasal habang nakatayo sa labas ng university. Kasalanan niay kasi ito. Hindi naman ako ganito. Never ko pang na-experience maging patay na patay sa isang lalaki. Ngayon lang at sa unang titig pa lamang iyon pero parang nahipnotismo na kaagad niya ako. Shemay, gulay talaga. Kapag naaalala ko ang mukha niyang nakangiti sa akin ay kinikilig ako, punyeta!
Sige na nga, hindi na ako malulungkot, at least, nakita ko pa rin siya.
Aasa na lang ako na magkikita kami sa mga susunod na araw. At kapag nagkita kami, sisiguraduhin ko na makikilala ko pa siyang lalo.
Dumating na ang sasakyan namin. Bigla kong nakalimutan ang hinahanap ko nang masaya akong sinalubong nina mommy ng yakap. Bumaba pa talaga sila ng sasakyan para i-congratulate ako sa first day of school. Kahit bully sila, sobrang sweet at thoughtful pa rin talaga nila.
Papasakay na sana ako nang mahagip ko mula sa peripheral vision ko ang isang sasakyan na bukas ang bintana habang marahang lumalabas ng exit ng mga sasakyan.
Shit! s**t!
Fafa Hanz ko!
Napalingon siya sa gawi ko. Shemay, talong na jutay! Nalakasan ko yata ang dapat ay sa isipan ko lamang. His forehead creased. Ilang hakbang lang kasi ang layo niya sa akin dahil sa may exit ng mga sasakyan ako naga-abang.
Nakalampas na ang sasakyan niya. Grabeng bilis pa rin ng t***k ng puso ko. s**t! Buhay na buhay na naman ang sistema ko!
“Who’s that fafa Hanz?”
Napalingon ako kay dad. Hindi pa pala sila nakakapasok ng sasakyan. Nakapamewang si mommy habang nakakrus ang mga braso ng daddy.
Nakalimutan kong kasama ko sila!
Kasalanan mo talaga ang lahat fafa
Hanz! Nawawala ako sa sarili ko nang dahil sa iyo!
Pero teka, gusto kong sumigaw sa kilig. Hindi ko na nga napigil at napatili na ako nang pagkalakas-lakas at dali-daling pumasok ng sasakyan na hindi hinihintay ang mga magulang ko.