"Judith, saan niyo raw gustong kainin ang meryenda niyo? Sa ibaba na lang or ipapaakyat rito?
Mula sa pag-tipa sa cellphone, nilingon ni Judith ang mayordoma na si Manang Vivian na nakasungaw sa bumukas na pinto.
"Saan niyo gusto?" Baling sa amin ni Judith.
"Kahit saan," tugon ni Fatima.
Ako naman nagkibit lang ng balikat.
"Manang, bababa na lang po kami!"
Tumango si Manang Vivian bago isinarado ulit ang pinto.
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Judith sa mansion ng mga Villamonte. Ang alam ko may sariling bahay sila Judith. Pero kapag pasukan ay dito siya sa mansion tumutuloy. Mas malapit nga naman sa school at sa bayan.
Anyway, sabado ngayon at walang pasok sa school kaya nagyaya silang mag-group study rito. Ilang oras na nga kaming nakasalampak dito sa mga beanbag sa ibaba ng kama ni Judith.
Nagbasa kami kanina at nagtungan ng mga possible questions para sa recitation sa monday. Pero pansin ko kanina pa distracted itong si Judith. Hindi siya mapakali. Panay ang tipa sa cellphone niya.
"Rain, Fat... nag-chat sa akin si Jordan."
Mula sa hawak kong libro, umangat ang aking tingin ko Judith.
Wala namang bago roon. Palagi naman silang magkachat. Nito ngang magpasukan, halos araw-araw silang napag-sosolo ni Jordan. Kung saan-saang sulok sila napapadpad. Para ding si Leo itong si Judith.
Yes, magtago. Hindi kasi tulad ng parents ko ang mindset ng parents ni Judith. Strict si Tito Danny. Hindi pwedeng magpaligaw si Judith at mag-boyfriend.
Well, I understand him. Ang bata pa naman talaga namin para sa ganung bagay. And though, based on my experience na hindi matapobre at down to earth ang mga Villamontes, I'm sure gusto pa rin ni Tito na ang makatuluyan ni Judith ay yung may sinasabi rin sa buhay tulad nila.
Si daddy nga, palaging sinasabi sa akin, okay lang na hindi mayaman ang makatuluyan ko basta masipag, mataas ang pangarap at yung kakayaning higitan ang mga kaya niyang ibigay para sa akin.
He also told me that it's okay to fall in love. It's okay to be in a relationship. Dahil sila ni mommy ay bata ring nagsimula sa relasyon. Pero dapat na alam ko ang aking prioridad at iyon ay ang makatapos sa pag-aaral.
True love knows how to wait and inspire you to be the best version of yourself. It’s not impatient nor a hindrance for you to achieve more.
Iyon tumatak sa isip ko kapag pinapangaralan ako ni mommy at daddy. Their love for each other is I want for my future love. Kung hindi lang rin tulad nila, ay wag na lang.
“Lagi naman kayong magka-chat.” Komento ni Fatima sa gusto ko sanang sabihin.
Ngumuso si Judith. “Niyayaya niya tayong pumunta sa perya.”
Dalawang linggo na lang ay piyesta na sa bayan kaya may perya malapit sa school namin.
“Tayo o kayo lang?” Panunukso ko sa kaniya.
“Syempre tayo!” Giit niya kahit di naman totoo.
Hindi nga mapakali si Jordan kapag kasama namin siya. Panay ang aya kay Judith sa kung saan. Of course, I know what he wants to do. Hindi na lang ako nakikialam.
“Tss” irap ni Fatima. “Kasama kami dahil hindi ka papayagan kung hindi.”
Namula ang pisngi ni Judith at iniwas ang tingin. Ganyan ang reakysyon niya kapag nahuhuli sa akto.
“Sandali lang naman tayo! Tsaka balak naman talaga natin pumunta roon, di ba?”
“Oo! Pero ang usapan tayong tatlo lang,” may diin na sabi ni Fatima.
Lumingon sa akin si Judith, humihingi ng saklolo ang titig niya.
Isinarado ang librong aking hawak. “Sige pumunta tayo.”
“Yesss!” Tili ni Judith sabay yakap sa akin.
Padabog na pinagkrus naman ni Fatima ang hita. “Really, Rain? Bakit mo kinokunsinti ‘yang si Judith? Ang sabi nila kapag sumama ka crime, isa ka na rin sa mga prime suspect!”
Humalakhak si Judith. “Alam mo kapapanood mo ‘yan ng CSI!”
Right. She’s into those type of documentaries lately. Last month, naman mga alien ang trip niya. Ano kaya sa susunod na buwan?
Ngumuso si Fatima. “Duh! Atleast yung mga pinapanood ko, makakatulong sa akin kapag naging forensic investigator na ako!”
Nagkatinginan kami ni Judith. Humalakhak siya. Napangiti naman ako.
Nag-iiba ang pangarap ni Fatima base sa kung anong napapanood niya. Nung isang buwan lang gusto niya maging cosmetic surgeon.
Binuksan ni Judith ang kabinet niya. Hirap na hirap siyang pumili ng isusuot. Humingi pa siya ng opinyon sa’min. This is gonna be her first date.
Fatima just shrugged. Wala siyang pakialam pagdating sa fashion. She wear whatever is available. Kaya ako na lang ang tumulong kay Judith.
We chose a powder blue dress that’s hugging her waist perfectly. Ang palda niyon ay flowy. Ang fresh niya tingnan.
Nilagyan ko rin siya ng kaunting make up. Natutunan ko na mag-apply ng make up. Dahil minsan may mga biglaang kumukuha sa akin na mag-muse at mag-perform sa event. Tinuruan ako ni mommy.
“Sa perya lang tayo! Nagpa-make up ka pa!” Pang-aasar ni Fatima.
Judith ignore her remarks. Masyado siyang masaya. Pangiti-ngiti lang habang nakatingin sa reflection niya sa salamin.
“Mag-apply na rin kayo ng make up!” Suggestion niya.
“Bakit pa?” Nagtatakang tanong ko.
“Para ‘di naman ako masyadong halata na makikipag-date, ano.” Bumungisngis niya.
Umikot ang mata ni Fatima sabay dinampot ang lipstick. “Ilibre mo kami mamaya!”
Naglagay na rin ako ng make up.
I just put on a little tint on my lips. My eyebrows is thick and well-defined, kaya sinuklay ko na lang iyon gamit spoolie brush. Hindi na rin ako naglagay ng blush on. Kapag mainit ang klima, normal na namumula ang pisngi ko. Ayaw ko naman magmukhang sinampal.
“Tara na!” Apuradong pag-aaya ni Judith.
Dinampot niya ang bag at lumabas ng kwarto. Sumunod sa kaniya si Fatima.
I tied my shoulder lenght curly hair in a messy bun. Nag-iwan ako ng strands sa magkabilang gilid ng mukha ko.
“Rain! Let’s go!”
I picked up my bag then followed them.
Lumabas kami sa mahabang hallway ng mga nakasaradong pinto. Ang daming kwarto dito sa mansion. Madalas na dito lang kami sa first floor. At merong higit bente na kwarto rito pa lang.
Iba-iba iyon. May entertainment room, gym, game room, closet ng mga gowns and tuxedos, dressing room, library! Lahat ata ng klase ng room ay meron dito. Sa first pa lang yan. May dalawang floor pa!
Ang istilo ng mansion ng mga Villamonte, ay hango sa victorian era. Pula ang carpeted na sahig. Ang pader ay printed with gothic pattern designs. Malalaki at matataas ang bintana. Mayroon itong velvet na kurtina.
“Nandiyan pala kayo!” Bati sa amin ni Ate Leanne.
Nakita namin siya sa salas. Mukha kakarating lang. She’s wearing an office attire. Ang alam ko nagtatrabaho rin siya sa opisina ni Gov.
“Hello, Ate!” Bati ko sa kaniya.
She smiled at me. “Nakakainis ang ganda naman nitong batang ‘to!”
Coming from Ate Leanne na nanalong Ms. Valeria Community College in her college days? Its a compliment!
Ngumiti ako. “Thank you, Ate.”
“Sus!” Tumawa siya. “Sasali ka ba sa Musik Laban?”
Kapag mag-pipyesta ay may contest rin na ginaganap sa plaze. Last year, dance group contest ang nangyari. Nabanggit na sa akin ni Judith ang tungkol doon. Updated siya dahil kay Kuya Aaron na konsehal.
“Tatanong ko po muna si mommy at daddy. Busy po kasi sila sa work parehas…”
Dapat na may kasama sa mga contest. Matagal kasi ang oras na hinihintay mga contestant bago mag-perform. I need someone to help me do my make up and hair. Yung pagkain pa kapag nagutom ako. Then yung mga bitbit.
Huling sali ko sa contest, inabot kami nina daddy at Rum ng madaling araw. Hindi nakasama si mommy dahil nagkaroon siya ng out of town seminar that time.
“Sali ka na! Para maraming manood na mga schoolmate niyo!”
Ngumisi si Judith. “Hakot crowd talaga kapag kasali ‘tong si Rain ‘no, Ate?”
Lumingon si Ate Leanne kay Judith. “Are you wearing make up?”
Humagod ang tingi niya kay Judith.
“At saan ang punta niyo?”
“Pupunta kaming perya, Ate!”
“Perya? Eh bakit mukha kang makikipag-date?” Tumaas ang kilay ni Ate Leanne.
Pasimpleng sinulyapan kami ni Judith. Sumasaklolo ang tingin niya sa’min. To the rescue si Fatima kahit palagi silang nagtatalo.
“Sinubukan namin yung make up na binili sa akin ni mommy, Ate! Tinuruan kami ni Rain! Di ba?” Lumingon siya sa akin.
Hindi ako madalas magsinungaling. I tried not too! Pero kung ibinibigay ng pagkakataon at magsasalba iyon sa sitwasyon…
“Opo, Ate…” ngumiti ako kahit gusto kong ngumiwi talaga.
“Sus!” Humalakhak siya at nilampasan na kami.
Namumutlang nilingon kami ni Judith. Sinamaan siya ni Fatima ng tingin at sinenyasan na huwag magpahalata.
Gusto ko na lang mapa-palmface sa kanila. Masyado silang obvious.
“Oh, nandito pala si Leo.” Sambit ni Ate Leanne.
Lumingon ako at nakita si Leo na lumabas galing sa nilabasan naming hallway. He’s wearing a black polo, jeans and sneakers. Nakabukas ang tatlong butones sa unahan ng polo niya. May suot rin siyang silver curb chain necklace.
Dito rin tumutuloy si Leo at ang mga kapatid niya. Wala naman silang ibang bahay rito sa Valeria. And this mansion is more than enough for the whole clan of Villamonte.
Nilagay ni Leo ang kamay sa bulsa. Sumulyap siya sa akin bago binalik ang tingin kay Ate Leanne.
“Bakit?”
“Pupunta raw sila sa perya. May pupuntahan ka ba?”
Hinaplos ni Leo ang panga niya. He then smirked. “Sakto! Kasi pupunta rin talaga ako sa perya!”
Nanlaki ang mata ni Judith. Parang nakita niya ang sarili niyang multo.
“Ayon naman pala!” Lumingon sa amin si Ate Leanne.
Nagtabi-tabi kaming tatlo. Nasa gitna si Judith na mukhang ilang araw ng constipated sa itsura niyang hindi malaman kung ngingiti o ngingiwi. Si Fatima pinipilit na ngumiti. Pero alam ko gusto na lang niyang matapos ang agonizing moment ni Judith.
And here I am, trying not to divert my attention at Leo’s direction! Tinititigan na naman niya ako. Hindi ko alam kung bakit!
Hindi niya gusto ang make up ko? Hinuhusgahan niya ang suot ko? Anong problema sa suot ko?
I’m wearing a white off shoulder, that I tucked under my denim skirt and white sneakers.
Wait, bakit ko pa iniisip kung anong iniisip niya tungkol sa’kin? As if I care about him.
“Sabay-sabay na kayong pumunta sa perya. Magpahatid kayo kay Manong Henry!” Pahabol ni Ate Leanne bago lumiko na sa hallway.
Lumingon sa amin si Leo at ngumisi. “Ako na bahala sa inyo…”
Nagkatinginan kaming tatlo. Mukhang masisisira ang plano ni Judith. Panay ang chat niya sa GC namin. Nandito kaming tatlo sa backseat. Hindi namin magawang makapagdaldalan. Maririnig ni Leo na nakaupo sa front passenger seat.
Sinulyapan ko siya. Nakikipag-usap siya kay Manong Henry, nagtatanong-tanong sa mga pasikot-sikot na daan dito sa Valeria. Narinig kong may driver’s license na siya at naranasan na magmaneho sa US noon.
Si daddy gusto rin akong turuan mag-drive. Essential daw kasi iyon. Si Rumble naturuan na niya. Hindi pa lang legal ang edad ng kapatid ko para kumuha ng lisensya. Kaya kung dinadrive ni Rumble ang kotse namin, kasama niya si daddy at paiko-ikot lang sa subdivision namin.
Ako ang mas pinupush ni daddy na maturuan dahil next year, eighteen na ako.
Na-distract ako nang mag-vibrate ang cellphone sa kandungan ako.
Judith: Kailangan ma-distract si Leo!
Fatima: Itutuloy mo pa rin talaga?
Judith: Syempre! Sayang naman ang outfit at make up ko! Hinihintay na rin ako ni Jordan doon!
Fatima: Pa’no naman i-didistract ‘yang si Leo?
Sinulyapan ako ni Judith. Kumunot ako nang makitang ang bilis niya tumipa sa cellphone. Akala mo may hinahabol na deadline.
Judith: Rain! I-distract mo si Leo!
Huh? Hindi ko alam kung naduling ba ako nabasa ko or wrongsent siya.
Rain: Bakit ako?
Tiningnan ko siya habang tumitipa. Gusto ko siyang pandilatan. Pero di siya lumilingon sa akin.
Judith: You have the talent!
Anong kinalaman ng singing talent ko? As if naman si Ate Laura ako naman kay Tito Levi sa galing um-arte!
Rain: Anong kinalaman nun?
Fatima: Kantahan mo raw ng lullaby hanggang sa makatulog. Makakatakas na siya nun.
Bumungisngis ako. Napalingon si Leo sa akin mula sa unahan. Sinulyapan ko siya bago binalik ang tingin ko sa cellphone.
Judith: Funny! Harhar, Fatima!
Judith: duh I was thinking pwedeng yayain ni Rain si Leo sa karaoke!
Umikot ang eyeballs ko.
Rain: Not a good idea. He didn’t like my voice.
Sumulyap sa akin si Judith. Kita ko ang pagtataka sa anyo niya bago tumipa ulit.
Judith: Who told you that? Kung titigan ka nga ni Leo nung mag-perform ka sa welcome party, parang hindi na humihinga! He literally, staring at you in awe!
Inuuto pa ako nitong si Judith. Hindi ko nakitang ganon ang reaksyon ni Leo. He just casually said I’m good. OA talaga tong kaibigan ko.
Rain: Whatever. Ayoko pa rin.
Judith: Please, Rainnnnn! Sayo nakasasalay ang pagmamahalan namin ni Jordan.
Huh? I don’t even like that man for her! Pero ‘di ko naman matiis si Judith. Totoo nga si Fatima, kunsintidora ata ako?
Rain: Okay. Susubukan ko kung susunod siya sa akin…