"Anong plano?" Bulong ni Fatima kay Judith.
Bumaba na kami ng sasakyan at tumatawid ng daan papunta sa perya. Naglalakad sa unahan namin si Leo habang nasa likuran kami ilang hakbang ang layo sa kaniya, just enough distance not for him to hear our conversation.
Hindi ko pa rin maisip kung pa'no ko siya i-didistract? Parang hindi siya papayag na sumama sa amin sa karaoke!
Sumulyap ako kay Leo. Ang kamay niya ay nakasuksok sa back pocket ng kanyang pantalon. Ang isang kamay naman ay hawak ang cell phone at tumitipa roon.
Kikitain niya rin kaya ang girlfriend niya rito? Palaging nakabuntot sa kaniya yung sophomore sa school namin. Mas mabuti kung ganoon! Hindi ko na siya kailangang libangin!
"Okay, ganito..." nilingon kami ni Judith. "Isasama kita, Fat. Magpapaalam tayo kay Leo na bibili ng food."
Tumaas ang kilay ko. Huh? Iiwan nila akong mag-isa kay Leo?
"Bakit isasama mo pa si Fat?"
"Oo nga!" Pag-sang ayon ni Fatima sa akin. "Ano ako mag-ti-third wheeling sa inyo! Ayaw ko, Judith!"
"Aish!" Kinamot ni Judith ang ulo niya. "Magtataka si Leo kung mag-isa lang akong aalis! Iisipin niya makikipag-kita ako kay Jordan!"
May punto naman ang sinabi ni Judith. Mas mabuti ngang isama na lang niya si Fatima. May magbabantay pa sa kanila ni Jordan. I don't trust her with him alone. Mukhang hindi gagawa ng maganda ang isang iyon.
Nakatinginan kami ni Fatima. Nagtatanong ang titig niya sa akin kung sang-ayon ba ako o hindi sa sinabi ni Judith.
Between the three of us, ako ang laging huling nagbibigay ng opinyon at desisyon ko. Hindi ko alam bakit lagi rin naman nilang sinusunod ang sinasabi ko.
Siguro dahil sa aming tatlo ako ang hindi biased sa sitwasyon? Sila kasing dalawa magkasalungat sa lahat ng bagay.
"Okay. Ako na ang bahala sa kaniya," tumatangong sagot ko sa kanila.
"Ahhh! Thank you! You're the best girl talaga, Rain!" Tumili si Judith at niyakap ako.
Umikot ang mata ni Fatima. "Tsss! Tara na! Para matapos na ito!"
"Okay! Look out ka namin ni Jordan, ah!"
"Ano pa bang magagawa ko?"
Binilisan na namin ang lakad hanggang sa makaabot kami kay Leo. Nagsimula namang magparinig si Judith tulad ng aming plano.
"Nauuhaw ako!" Eksaheradang sabi niya. "May nakita akong nagtitinda ng juice doon, oh!"
Nilingon namin si Fatima. Siya na ang susunod na magsasabi ng linya niya. Si Judith ang nakaisip ng script na 'to. Ganyan katindi ang dedication niya para lang maka-date si Jordan.
"Ako naman nagugutom na! Hindi mo man lang kami pinakain ng meryenda sa inyo! Anong klase kang kaibigan." May hugot na sabi ni Fatima.
Bumingisngis ako. "Mabuti pa,
Bumili na muna kayo ng pagkain niyo..."
Tiningnan ko ang likuran ni Leo na nakaharap sa amin. Malapad ang balikat niya at medyo ma-muscle ang likuran. For his age, matured ang built ng katawan niya. Siguro lagi nitong ginagamit ang gym sa mansion?
Hindi siya lumilingon sa amin pero alam kong naririnig niya kami. Isang hakbang lang ang pagitan namin sa kaniya. Nilalakasan pa namin ang aming boses.
Bumalik ang tingin ko kay Judith. Nakatingin na rin sa kaniya si Fatima.
Sinenyasan ko siyang na lapitan na si Leo. Sunod-sunod siyang tumango at humakbang para sabayan ang pinsan niya.
"Leo?"
Lumingon si Leo sa kaniya. "Oh?"
"Bibili lang ako ng juice. Kasama ko si Fat. Bibili siya ng burger, eh. Ayos lang ba iwan muna namin sa'yo si Rain?"
Kumunot ang noo ko. Iwan? Para namang dapat akong bantayan. Mali ang pagkasabi ni Judith. Ako nga ang magbabantay sa pinsan niya!
Nilingon ako ni Leo. Hindi nakaligtas sa akin ang ngisi niya. Yung ngising 'di mapagkakatiwalaan.
"Ang tanong ayos lang ba sa'yo na maiwan sa akin?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi?"
Anong iniisip ng lalaking ito? Na-intimidate ako sa kaniya? Anong tingin niyang intimidating sa kaniya?
His looks? I've met goodlooking guys before. Mga friends ni Ate Laura. Alright not as handsome as him. Pero gwapo rin naman sila.
His status? Marami akong nakilala at kilalang may sinasabi rin sa buhay. Isinasama kami ni daddy sa mga gathering na in-attend-an niya na work related sa Manila. Not to mention Tito Levi na dating artista at director na ngayon, Tito Gunter na famous painter and Tita Genesis na galing sa alta sosyedad.
Ha! Anong akala niya? Probinsyana akong walang alam?
"Ayon naman pala!" Tuwang-tuwa na sabi ni Judith. "Sige! Bibili na kami!"
Hinili niya sa braso si Fatima. Pero bago sila umalis binulungan pa niya ako.
"Itetext na lang kita kapag pabalik na kami! Goodluck! Galingan mo, ah!"
Sinundan ko ng masamang si Judith. Nagawa pa talaga niyang ngumisi sa akin habang hila-hila si Fatima sa braso.
Napasubo ata ako sa desisyon kong 'to! Hindi ko kaagad naisip ang oras. Ang tagal pa naman nawawala ni Judith kapag magkasama sila ni Jordan. Pano kung napapaos na ang boses ko wala pa rin sila?
Humalakhak si Leo. "It's now you and me..."
Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin. Ang hangin ng dating ng lalaking 'to. Akala ba niya lahat babae ay madadaan sa pangisi-ngisi?
Inirapan ko siya at nilampasan. "Tara."
May isa akong salita. I will entertain him until they get back here. Sana lang hindi gaanong matagalan. I'm confident, okay? Lalo na sa pagpeperform. But I'm not a social butterfly.
Sumunod si Leo sa akin. "Saan tayo?"
"May gusto ka bang gawin?"
Humalakhak siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit? Anong nakakatawa?"
"Ikaw."
Tumaas ang sulok ng labi ko. "Anong nakakatawa sa akin?"
Yumuko siya hanggang sa magpantay ang aming mukha. Hindi ako kumurap o tuminag sa pwesto ko, kahit naamoy ko na ang pabango niya.
He smells fruity and manly at the same time. I didn't expect that. Ang mga kaklase ko kasing lalaki kahit ang kapatid ko ay matatapang ang gamit na pabango. And I hate to admit that fruity scent smells so fresh and addictive...
Ano ba tong pinagsasabi ko?
"Anong akala niyo sa akin? Hindi ko alam ang ginagawa mo?"
Kinabahan ako pero 'di ko pinahalata.
"What do you mean by that?" Humalukipkip ako.
"Pinagtatakpan mo si Judith." Hindi nag-aakusa ang boses niya kundi nagsasabi talaga ng totoo.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo..." I said innocently. I bit my bottom lip, fidgeting on my skirt.
I hate this! I know my advantage. I know I can use it to get away with everything. At ayaw na ayaw kong ang ginagamit aking itsura para lang makalusot at paniwalaan sa kasinungalingan. Wala lang akong choice ngayon!
Gumalaw ang panga ni Leo habang tinititigan ako. Sumingkit ang mata niya nang mapansin kong may tinitingnan siya aking likuran.
Lumingon ako at nanlaki ang mata ko nang makita si Judith at Jordan. Holding hands pa talaga silang dalawa! Akala mo namamasyal sa flower plantation. Nagbubulungan habang bumubungisngis si Judith!
Gusto kong mapa-facepalm sa nakikita ko! Talagang hindi man lang nag-ingat! Pinahamak pa ako. And worst pinagmukha niya akong sinungaling kay Leo! Okay, nagsinungaling naman talaga ako. But I don’t for her!
Humalakhak si Leo. Bumalik ang tingin ko sa kaniya. He looked up and his adams apple protruded.
Napatitig ako sa kaniya at napalunok ng dalawang beses. I’m only human. Hindi ako immune sa ganoong bagay!
"Sabi ko na nga ba..."
His gaze went back to me. Tinititigan niya ako habang napapailing.
Tumaas ang sulok ng labi ko. "So, alam mong makikipagkita si Judith kay Jordan ngayon?”
Kinibit niya ang balikat. “Oo, alam ko.”
"Alam mo ring may relasyon sila, ‘di ba?" Nanunubok na tanong ko.
"Alam kong syota na niya 'yon. Sino bang hindi nakakaalam? They are making out in every corner of the campus."
Nag-init ang aking pisngi.
Wala pa akong nahahalikan ganoon rin ang nakahahalik sa akin. Pero sa paraan ng pagsabi ni Leo akala mo ay walang 'yon.
Siguro nga wala ng meaning ang halik sa lalaking 'to. Weekly ba naman iba-iba ang girlfriend.
"And you didn't do anything about it…” Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ikaw? May ginawa ka ba? Hinahayaan mo rin naman si Judith na makipag-kita sa syota niya.” Ngumisi siya sa akin.
Inirapan ko siya. “As if magagawa ako... kahit pigilan ko siya, makikipag-kita pa rin naman si Judith kay Jordan. Desisyon niya iyon.”
Parang inamin ko na rin na kinukunsinti ko si Judith. Pero totoo naman iyon, hindi ba? At kung sasabihin ko kay Judith ang pag-ayaw ko kay Jordan para sa kaniya, baka maglihim pa iyon. Mas mabuti na lang na hindi, atleast sa paraan na ito namomonitor ko pa rin ang mga galaw nila.
Alam kong sinusundan niya ako kahit ‘di ko siya lingunin.
“Siguradong grounded si Judith kapag nalaman ito ni Tito Danny…”
Huminto ako at pumihit sa paglalakad. "Isusumbong mo ba siya?”
Palaging isinusumbong ni Judith si Leo kay Gov. Imposibleng hindi niya maisip na gumanti. At ito na ang pagkakataon na iyon. Pero kung magagawan ko ng paraan baka pwede pang magbago...
"Ano sa tingin mo?" Niyuko ako ni Leo.
His face inches away from me. Gusto ko umatras pero ‘di ko ginawa. Tinaas ko ang aking noo.
"Kung isusumbong mo si Judith, tingin ko naman ay tatanggapin niya kung anong magiging kaparusahan…”
The side of his lips rose.
I'm not yet done speaking though.
"Pero kung gagawin mo iyon… you will just get into Judith's bad light. Sasabihin rin niya kay Gov ang mga ginagawa mo sa school... At mas marami ang mga iyon kumpara sa ginagawa ni Judith..."
Nalukot ang noo niya habang tinitigan ang mukha ko. Alam kong naiisip niyang tama ang mga sinasabi ko. Dapat na siyang kabahan. Sana kabahan siya para ‘di niya isumbong si Judith!
Lumipas pa ang ilang sandali bago siya sumagot. "Okay... hindi ko siya isusumbong…”
Medyo nakahinga ako. Pero hindi pa rin ako kampante. Someone like him who's known for being notorious, rebellious and Campus Badboy, siguradong may naiisip siyang kapalit sa pagtikom ng kaniyang bibig.
"… kung tutulungan mo ako sa homework ko at maipapasa ang exam."
I knew it! But I didn't expect that the badboy is asking for my help to pass the exam? That's interesting...
"Pa'no kita tutulungan?"
"I don't know. Hindi ba top student ka? Pa'no ba kayo pumapasa sa exam? Alam mo dapat 'yan, ah!" Humalakhak siya.
May isang linggo pa bago ang second periodical exam namin. Mas mataas ang year level niya. So, hindi ko pa napag-aralan yung mga inaaral nila. Pwede naman ako magbasa at manood sa internet in advance para malaman ko. I'm a fast learner.
Tumango-tango ako. “Okay. Sige. Tutulungan kita."
"Talaga ba?”
Linggo bukas. Walang pasok.
"Oo. Pumunta ka bukas ng hapon sa bahay namin.”
Pag-uwi galing sa perya, hindi na tumigil sa pag-chat sa akin si Judith. Binalikan naman kaagad nila ako ni Fatima after thirty minutes. Timaan siguro ng usig ng konsensya.
Ngayon matutulog na ako, panay pa ang tanong niya sa nangyari kay Leo. She's aware that he saw her with Jordan. Pero tulad ng usapan namin ni Leo, ‘di niya isusumbong si Judith kapalit nang pag-tulong ko sa kaniya.
Judith: That’s so unusual! Anong ginawa mo sa pinsan ko?!
Umirap ako at tumipa sa cell phone ko. Para namang kinulam ko si Leo kung magsalita siya.
Rain: Anong gusto mo, isumbong ka niya?
Judith: Ayoko! Syempre! Pero ang magpa-tutor sayo para pumasa sa exam! That's so weird!
Weird talaga. Pero mabuti na 'yon. Atleast naisalba ko si Judith na hindi mapagalitan at ma-grounded!
Judith: Hindi kaya... gusto ka niyan diskartehan?
I dont think so. Graduating si Leo. Kapag puro kalokohan ang gagawin niya sa pag-aaral, babagsak talaga siya at hindi makakapag-college. Lagot siya kay Gov lalo na kay Don Pañello. Maybe, that's what he's thinking.
Judith: Si Tita Marianne nga walang magawa sa kaniya kapag nagbubulakbol tapos sayo biglang nag-iba ang ihip ng hangin!
Judith: Naku, Rain! Binalaan na kita! Madulas sa chicks iyon! Ingat ka!
Masyado siyang OA. Ginagawa niyang big deal ang hindi naman dapat.
Hindi ko na pinansin ang chat ni Judith. Nagbasa at tumingin na lang ako ng mga posible na i-review namin ni Leo bukas hanggang sa makatulog ako.
Bandang hapon kinaumagahan narinig kong may pumaradang sasakyan sa labas ng bahay namin.
Nasalampak ako rito sa salas. Nasa harapan ko ang librong nakabukas at notebooks sa center table.
“Sinong dumating, Rain? Ang daddy mo ba?” Tanong ni mommy.
Natatanaw ko siya roon sa kusina. Nagpe-prepare ng lulutuing banana cue for our meryenda. Request ‘yon ni daddy. Siya tuloy ang nautusan ni mommy bumili ng kulang na asukal. Sumama sa kaniya si Rumble para makapag-practive na rin ng driving.
Walang pasok sa work si mommy at daddy kapag sunday. Inilalaan talaga nila ang araw na ito para family day namin.
“Titingnan ko po.”
Pero inunahan na ako ni mommy na pumunta sa pinto. Tumanaw siya sa labas ng gate. Kumunot ang noo niya.
Narinig ko namang bumukas at sarado ang pinto ng sasakyan.
“Rain! Bisita mo ata ‘to…”
Then narinig ko na ang malalim na boses ni Leo.
“Good afternoon po, Ma’am.” Magalang na bati niya kay mommy.
“Good afternoon rin, Hijo. You’re here for…” Lumingon sa akin si mommy. “… may daughter?”
Tumayo ako at pumunta sa pinto. Pagtingin ko sa labas, nandoon sa harapan ng gate namin si Leo. Sumulyap siya sa akin bago ipinakita ang hawak na libro at notebooks sa mommy ko.
“Opo. Magrereview po kami.”
“Oh…” tumatangong bumaling at ngumiti sa akin si mommy. “Pagbuksan mo ng gate yung bisita natin. Hijo, pasok ka.”
Sinunod ko si mommy at binuksan ang gate namin. Gumilid ako ng kaunti para makapasok si Leo.
“Bakit hindi ka nagpasabi kay Judith na papunta ka na?” Bulong ko sa kaniya.
“Doon na lang kayo sa salas, Rain. Balikan ko lang yung inaayos sa kusina.” Paalam ni mommy na pumasok na sa loob ng bahay.
Nilingon ako ni Leo. “Umalis sila ni Ate Leanne. Pumunta ng bayan. Manonood raw ng sine.”
Tumango ako at minuwestra sa kaniya ang loob ng bahay namin. “Pasok ka.”
Hinubad niya ang sapatos. I handed me visitor’s slippers at sumalampak na kami sa sahig. Magkaharap kami sa center table.
“Nasaan na yung mga notes mo?”
Mula sa pag-iikot ng tingin sa salas namin inabot ni Leo ang hawak na binder sa akin.
“You got a nice home.”
Katamtaman lang ang laki ng bahay namin. Sapat lang sa aming apat. Apat lang ang kwarto, maliit na garahe at backyard kung saan may maliit na garden si mommy.
My parents can afford a bigger house. Pero mas gusto nila ang ganitong katamtaman lang ang laki para kahit busy ang lahat magkikita-kita pa rin kami.
“Thanks. Simulan na natin yung assignments mo? Saan ka ba nahihirapan?”
“Sumasakit ang ulo ko sa science. Hindi ko alam kung tama ba mga
sagot ko rito.”
Marahan akong tumawa. “Patingin nga…”
Binuklat ko ang notebook niya. General Chemistry. Nasa General Biology pa lang ang samin. Pero medyo pamilyar naman ako dahil nagkaroon na ako ng subject na Chemistry nung Grade 10.
Tiningnan ko ang mga sagot niya. Nabasa ko na ang tungkol rito kagabi kaya medyo na-gets ko na. Para sure, tumingin na rin kami sa internet.
Natapos naman namin ang assignments niya. Isinunod naming gumawa ng reviewers base sa pointers na ibinigay sa kanila ng teacher nila.
Infairness naman kay Leo, nakikinig talaga siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko in-expect na madali lang naman pala siyang mapasunod.
“Huwag mo iwawala ‘yan para di na tayo gagawa ng bago. Ang advise ko sa identification, huwag mo i-memorize lahat… yung pinaka-thought lang.”
“Yes, Ma’am!” Ngumisi siya sa’kin.
Inirapan ko siya. “Bilisan mo na diyan. Para makauwi ka na.”
“Rain! Nandiyan na ata ang daddy mo at si Rum!” Sigaw ni mommy mula sa kusina. “Tingnan mo nga!”
Tatayo na sana ako pero narinig ko nang bumukas ang gate kaya bumalik ako mula sa pagsalampak sa sahig.
Tinitingnan ko ang sinusulat ni Leo sa papel nang marinig kong tumikhim si daddy.
“May bisita pala tayo.” Malamig na sabi niya.
“Dad.”
Tumayo ako at lumapit. Humalik ako sa pisngi ni daddy. Napansin kong nalukot ang noo niya nang maglakad kami papunta sa salas.
“Good afternoon po, Engineer.” Bati ni Leo na kaagad tumayo pagkakita kay daddy.
Hindi niya malaman kung lalapitan at kakamayan ba niya si daddy. Kaya si daddy na lang ang lumapit sa kaniya.
“Napadalaw ka ata, bata.” Sabi ni daddy sabay tapik sa likod ni Leo.
Nagtaka ako nang bigla siyang mapaubo.
“Anong sa’tin, ha?”
May nangyari ba sa labas kaya biglang nagbago ang mood ni daddy? Masaya naman siyang umalis sila kanina?
Nilingon ko si Rumble. Tingin pa lang nagkakaintindihan kami.
Nagkibit lang ng balikat ang kapatid ko sa akin. Umiling siya bago pumasok sa kusina bitbit ang binilia nila ni daddy.
“Nagpapatulong lang po ako sa activities sa school, Sir…”
Tinitingnan ko lang silang dalawa. Hindi makatingin ng maayos si Leo kay daddy. Si daddy namin, ang intimadating ng dating. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganito, ah?
“Activities, hmm…” patango-tangong sabi ni daddy.
“Babe!” Mula sa kusina lumabas si mommy. Kumunot ang noo niya nang mapatingin kay Leo. Bumalik ang tingin niya kay daddy. “Halika na nga muna sa kusina! Hayaan mo na sila Rain diyan.”
Ang bilis ng lingon ni daddy sa kaniya. Matigas pang umiling. “Hindi. Ayos lang ako rito. Sige na, Babe. Magluto ka na—“
“Nag-aaral sila diyan! Mawawala sa concentration yang mga bata kung nandiyan ka!” Pinandilatan siya ni mommy.
“Tss… dati nga hindi tayo nag-aaral nakakapasa naman ako!”
Umikot ang mata ni mommy. “Oo, kasi iba ang ginagawa natin!”
Nagkatinginan kami ni Leo at parehas pa kaming napangiwi.
“Ginagawa pa nga…” umangat ang sulok ng labi ni daddy. Medyo nabawasan ang tensyon.
“Oh, bakit? Nanonood ng movie! You, silly!” Tumawa si mommy at hinila na sa braso ang daddy. “Tara na! Tikman mo yung banana cue ko!”
Lumingon si daddy sa amin. “May CCTV diyan, ah.” babala pa niya l bago pumasok na rin sa kusina.
Nagkatinginan kami ni Leo nang maiwanan ulit kaming dalawa sa salas. Nanginig ang labi ko sa pagpipigil na matawa. Gumalaw naman ang balikat niya. Until we cant hold it anymore, we burst out laughing.
“Your parents are really cool.”
“I know, they really are.” Proud na sabi ko.
Niyaya pa ni mommy na magmeryenda si Leo sa bahay. Hindi ko alam kung nakakain siya ng maayos dahil nakasunod ang tingin ni daddy sa kaniya. Pasada alas singko nang magpaalam siyang uuwi. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate namin.
“Salamat sa pagtuturo. Mas magaling ka pa sa mga teacher ko.”
Tumawa ako sa sinabi niya. “Sige. Yung reviewer, ingatan mo.”
“Yes, Ma’am!” Sumaludo siya sa akin at humalakhak.
Inirapan ko siya. “Pasok ko na ako sa loob.”
Tumalikod ako at papasok na sana sa gate nang tawagin niya ako.
“Rain.”
Lumingon ako. “Bakit?”
“May gagawin ba kayo nina Judith sa friday?”
“Hmm? Anong meron?” Nagtatakang tanong ko. Pumihit ako paharap sa kaniya.
“Pupunta kami ng mga kaibigan ko sa Toledo. Sama kayo?”
“Ano bang meron sa biyernes. Bakit kayo pupunta roon?” At bakit naman niyayaya pa niya kami?
“Birthday ko, eh.” Ngumiti siya sa akin. “Punta ka…”