"NAKU, iba na 'yan, Rain..."
Nagdududang sabi ni Judith sa akin.
Ngumuso ako. "Hindi lang naman ako ang niyaya niya, kasama kayo ni Fatima..."
Nandito kami ngayon sa gym. PE subject namin at may practical exam. Tapos na ang mga girls sa table tennis.
Ngayon naman ang mga boys ang pinaglaro ng basketball ng teacher namin. We have to wait for them before we can go back to our classroom. Kaya umupo muna kami rito sa bleachers para manood.
"Isinama niya kami kasi nga hindi ka naman sasama kung mag-isa ka lang!"
Tinukod ang siko sa aking tuhod at sumalumbaba. Totoo naman iyon.
Pero syempre hindi ko aaminin. Ayaw ko binibigyan niya ng malisya si Leo sa akin. Madalas pa naman ako sa mansion. I dont want to feel awkward or anything around him.
"Isinama niya kayo kasi pinsan ka niya." Katwiran ko.
"Sus! Hindi nga niya ako ang sinabihan na may pa-swimming pala siya."
"Syempre palagi niyong isinusumbong ang isa't isa. Stop making this a big deal."
Lumingon si Fatima na nakaupo sa kabilang side ko kay Judith.
"Oo nga. Masyado ka lang talagang malisyosa, Judith!"
Umirap siya. "Duh! I know my cousin! He's a notorious playboy! Basta may palda, papatulan nun!
Bakit naman niya aayain si Rain kung hindi niya type?"
"Dahil tinulungan siya ni Rain?" Pagtatanggol ni Fatima sa akin. "Come on... kahit naman magustuhan niya si Rain walang pag-asa yang pinsan mo. Mataas 'ata ang standard nitong kaibigan natin 'no!"
Kung mag-usap naman sila parang wala ako rito.
"Tigilan niyo na nga 'yan... wala pa sa isip ko ang ganoong bagay."
Distraction lang ang relasyon sa pag-aaral. Ano bang makukuha roon? Wala naman, hindi ba?
At kung mag-boboyfriend lang rin ako, hindi ang katulad ni Leo. Mapapasama pa ako sa mga babaeng kung ituring niya ay parang load, na may expiration date. Ayaw ko ng ganun.
Bumalik ang tingin ko sa court. Tumakbo si Stephen. Hinabol siya ng mga kalabang team hanggang sa kabilang. One of his team mates passed the ball to him. He looked at my direction before, shooting the ball.
Nagtilian ang mga kaklase naming babae sa kabilang bleachers.
Maraming may crush kay Stephen sa klase namin.
Matangkad, matalino at gwapo. That's the best description for him. Palaging malinis ang gupit ng buhok at naka-gel. Ang uniform, parang hindi nalulukot at nadudumihan. Kahit pagpawisan mukha pa rin siyang fresh.
Ang alam ko doctor ang daddy niya na nagtatrabaho sa hospital sa Maynila. Housewife naman ang kaniya Mama. At nag-iisa lang siyang anak.
"Ang iingay!" Umiirap na reklamo ni Fatima. Nakatingin siya sa mga kaklase namin sa kabilang bleachers.
Ingay mula ng mga nag-uusap na estudyanteng kapapasok sa gym ang umagaw sa aming pansin.
Siniko ako ni Judith.
Lumingon ako at nakitang ang section nila Leo pala ang dumating. Mukhang PE rin nila. He was with Jack and Rusty. Hindi ata nila kaklase ni Alyana at Rika.
Ibinalik ko ang aking tingin sa naglalarong mga kaklase namin.
Sila naman ay nanatili ang tingin sa section nila Leo.
Malawak ang gym. May dalawang full size na basketball court, isang volleyball court at tennis court. Kaya ayos lang magsabay-sabay ang PE ng ibang section.
Lumingon ulit si Stephen sa akin. This time ay kumaway siya bago tinira ang bola. Pumasok ulit iyon.
Rinig ko sa kabilang bleachers ang mga pagbuntong hininga.
"Papalapit si Leo, Rain..." bulong ni Fatima sa akin.
Pasimple akong lumingon sa side ng court kung nasaan ang mga kaklase ni Leo na lalaki. I saw him walking towards our direction. Kasama niya si Jack at Rusty.
Si Judith ang pupuntahan niya...
"Rain!" Tawag ni Leo sa akin. Nag-echo sa buong court.
Napalingon ang mga kaklase ko sa bleachers pati ang mga naglalaro sa court.
"Ang ingay naman ng bunganga mo, Leo!" Saway ni Judith sa pinsan niya paghinto sa harapan namin.
Humalakhak si Leo. "Mas maingay ka nga diyan. Sumbong ka nang sumbong kay Daddy."
"Oh, bakit hindi kita isusumbong?" Pinameywangan siya ni Judith. "Puro kagaguhan ang ginagawa mo! Hindi ka na nahiya kay Rain!"
Nasamid si Fatima. Kumunot naman ang noo ko.
Huh? At bakit niya ako dinadamay sa usapan nila? Anong kinalaman ko diyan?
Tinawanan lang siya ni Leo bago bumaling sa akin. "Ano? Sasama ba kayo sa Toledo bukas?"
Nilingon ko si Judith at Fatima para sila ang sumagot sa tanong. Pero parehas silang nagmamaang-maangan. Si Fatima kunwari busy sa pagbuklat sa libro! Si Judith naman biglang nagtipa sa cell phone niya.
Grabe, wala silang tulong. Anong klaseng mga kaibigan ito?
Bumalik ang tingin ko kay Leo. "Anong oras ba?"
Itinapak niya ang isang paa sa step ng bleachers, itinukod ang siko sa tuhod at dumukwang palapit sa akin.
"Hapon. Pagkatapos ng klase. Dadaanan ka namin ni Judith sa inyo."
Nilingon ko si Judith. Inaasahan kong tatanggi siya. Pero kinibit niya lang ang balikat at hinayaan sa akin ang lahat ng desisyon!
"Sumama na kayo..." Sulsol ni Jack.
"Oo nga... para good mood si Leo." Nang-aasar na singit ni Rusty.
Biyernes naman bukas, walang pasok the next day. Ang tagal ko na ring hindi nakakapag-swimming sa Toledo. Ang huli pa iyong classroom outing namin last year.
Tumango ako. "Sige, sasama kami."
Nagpaalam ako kay mommy pag-uwi ko galing sa school. Pumayag naman siya. Hinabilin niyang mag-update ako from time to time dahil aalis rin sila ni daddy. May event sa Crestamonte Hotel and Resort kung saan manager si mommy.
Lumabas ako sa salas bitbit ang bag ko. Naabutan ko roon si Rumble na nanonood ng TV. Lumingon siya sa akin.
"Anong oras ka uuwi, Ate?" Tanong niya sa akin.
Si Rumble lang ang maiiwan dito sa bahay. May pagkain nang hinanda si mommy kanina bago sila umalis ni daddy. Marunong rin naman siyang magluto kung ayaw niya nung ulam.
"Sandali lang kami. Nandito na siguro ako bago pa dumating si mommy at daddy."
Kinuha ko ang cellphone sa suot kong shorts at chineck kung nag-text na si Judith. Nakatanggap ako kanina ng message sa kaniya na on the way na sila rito sa amin.
Si Fatima ay Toledo na namin kikitain. Malapit lang kasi roon ang bahay niya. Ihahatid siya ng daddy niya.
"Sino kasama niyo? Tatlo lang kayo?"
Umiling ako habang tumitipa sa cellphone ko. "Hindi. Kasama namin sila Leo. Birthday niya. Inimbita kami."
"Ah, yung nagpunta rito? Yung anak ni Gov."
"Oo."
Tinext ko si Judith at tinanong kung nasaan na sila. Mag-aalas singko na. Plano kong umuwi rin bago mag-alas syete.
"Marunong magbasketball 'yon, di ba?"
Niingon ko si Rumble. Curious siyang nakatingin sa akin.
"Hindi ko alam." Kibit balikat ko.
"Sabi nina Rex, nakalaro na raw nila yon. Magaling raw."
Nabanggit ni Judith na kapag walang pasok sa school, lumalaro ang pinsan kasama si Kuya Silas ng basketball. Kaya siguro bigla ring dumami ang kakilala nun."
"Wala akong alam sa kung anong hobby nun."
Hindi naman rin kasi mahilig sa basketball. Nakakanood lang ako kapag may kumukuha sakin maging muse.
Narinig kong may pumaradang kotse sa labas ng bahay namin. Sumilip ako sa bintana at nakitang dumating na sila Judith.
"Aalis na ako." Paalam ko kay Rumble. Nilingon ko siya bago ako lumabas. "I-lock mo itong pinto. Huwag kang magpapasok ng di mo kilala.
"Oo, Ate. Alam ko." Patamad na sagot niya't ibinalik ang tingin sa TV.
Lumabas ako ng gate. Paglapit ko sa kotse bumukas ang pinto sa backseat.
"Rain!" Umisod ng upo si Judith para makaupo ako sa tabi niya. "Nagdala ako ng salbabida para sayo!"
Tinawanan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin.
Mula sa unahan ay lumingon sa amin si Leo. "Hindi ka marunong lumangoy."
Ang daldal nitong si Judith. Bakit pa niya kasi sinabi yon?
Umiling ako. "Hindi."
Tumira kami malapit sa beach pero di ako natuto lumangoy. Tinuturuan ako ni daddy, ayaw ko. Takot ako sa alon. Pakiramdam ko tatangayin ako palayo!
Nag-try naman akong mag-aral lumangoy sa swimming pool, di ko talaga maintindihan bakit 'di ako lumulutang kahit anong padyak ko sa aking paa. Mabuti pa itong si Judith at Fatima papasang mga sirena!
Ngumisi si Leo. "So... I can do something that you cant."
Tinaasan ko siya ng kilay. Anong ibig niyang sabihin? Iniisip ba niyang lahat kaya kong gawin?
Si Rain lang ako, hindi si wonderwoman!
Lalong lumapad ang ngisi niya. "Hayaan mo, ililigtas kita kapag nalunod ka."
Humagalpak ng tawa si Judith. "Grabe! Paano ka nakakauto ng mga babae sa ganyang banat mo? Ang baduy!"
Tumawa si Leo. "Hindi ko na sila kailangan utuin. Wala akong ginagawa nagugustuhan nila ako."
Wow. Ang lakas ng hangin, ah? Ang taas naman ata ng tingin niya sa sarili niya?
Nakatitig ako sa kaniya nang bumalik ang tingin niya sa akin. Ngumisi siya ulit. Inirapan ko naman.
Pagdating sa Toledo, sinalubong kami ni Fatima pagbaba namin ng sasakyan.
"Ang tagal niyo! Sabi mo papunta na kayo!" Inaakusahang tinitigan niya si Judith.
"Ano ka ba! Dinaanan pa namin si Rain! Tas bumili pa kami ng food! Nasaan ang mga gamit mo?"
"Nandoon na sa cottage." Ngumuso siya. "May iba pang invited." Bulong niya sa amin.
Hindi na kami nakapagtanong kung sino dahil lumapit na si Jack at Rusty. Tinulungan nila si Leo na kunin at bitbitin mula sa compartment yung mga pagkain na binili at pinaluto sa bayan kanina.
Pagkabayad sa entrance fee, pumasok na kami sa loob. Nauuna kaming tatlo. Nagulat ako nang makitang medyo marami pala talaga ang imbitado. Mahigit sampung katao sila doon.
Kilala na namin ang grupo nila Alyana. May isa pang grupo. Mga kaibigan ng bagong girlfriend ni Leo. Tapos na sila nung sophomore. Ngayon ay ka-batch naman namin nila Judith ang kasa-kasama niya.
Hindi namin gaanong kilala ang grupo dahil lower section sila. But I know they know me and my friends. Lumingon kasi sila pagkakita sa'min at nagbulungan.
Lumapit ang girlfriend ni Leo nang makitang dumating na sila bitbit ang mga pagkain. May nakuha ng cottage kaya inilapag na lang namin ang aming mga gamit sa bakanteng pwesto.
Nagsipaghubad na ng pang-itaas na damit ang mga lalaking kasama namin. Gano'n rin ang mga babae. Nakasuot lang sila ng two piece at shorts. Hindi nagtagal ay inilabas na nila ang mga alak at sigarilyo.
Nagkatinginan kaming tatlo. Expected ko na ang ganitong tagpo. Kilala ang grupo nila Leo na mga tomador at sunog baga.
Huwag lang sana kaming madamay. Bukod kasi sa amin ay may grupo pa ng seniors na narito din sa Toledo.
"Magpapalit na kayo?" Tanong sa amin ni Leo nang lapitan niya kami.
Nakakapit sa braso niya ang kaniyang bagong girlfriend.
Dahil sa akin siya nakatingin, tumango ako. Nilingon ko si Judith at Fatima.
"Tara na. Palit na tayo ng panligo."
Pumunta kami ng restroom. One piece na itim na pinatungan ng shorts ang suot ko. Short sleeves rash guard ang kay Fatima. Si Judith ang hindi nagpaawat at nagsuot talaga ng two piece.
Paglabas namin, nasa pool na ang ibang mga kaibigan ni Leo pati siya at ang girlfriend niya. Lumusong na rin kami. Nasa bandang malalim sila Leo. Dahil hindi ako marunong lumangoy, nasa gilid lang kami.
"Sana pala isinama ko na lang si Jordan... nakakainggit naman ang mga magsosyota rito!" Komento ni Judith.
Ngumuso siya habang nakatingin sa mga kaibigan ni Leo na nagyayakapan na roon sa malalim na parte ng pool. Nakita kong kapit linta rin sa leeg ni Leo ang girlfriend niya. Parang 'di naman aware si Leo na nakikipag-usap kay Jack at Rusty.
"Wala ka ng ibang bukam bibig kundi Jordan! Parang 'di ka mabubuhay ng wala siya, ah." Naiiritang ani Fatima.
"Hindi mo pa kasi naranasan ang may boyfriend! Ewan ko lang kundi mo rin siya maging bukam-bibig!"
Nandidiring tinitigan lang ni Fatima si Judith. I understand her. Hindi pa rin naman ako nararanasan ang magka-boyfriend. Pero di ko nakikita ang sarili ko na parang magiging si Judith. Kulang na lang umikot ang mundo niya kay Jordan.
Nagsabuyan na kami nila Judith ng tubig. Hanggang sa magkayayaan silang sumisid at lumangoy ni Fatima. Natanaw ko silang nasa gitna na ng pool.
Humawak ako sa gutter sa may gilid ng pool at lumapit sa mga kaibigan ko. Nasa kalagitnaan na ako nang mapagtanto kong malalim na yung part na 'to. Hindi na makapa ng paa ko ang ilalim ng pool.
Huminga ako ng malalim bago inilubog ang sarili ko sa tubig. I was trying to reach the bottom with the tip of my toe when my hands holding on to the gutter slipped.
I panicked! Pinadyak ko ang aking mga paa. Sinubukan kong kapain at abutin ang gutter. Pero bumubulusok na ako pailalim!
Oh my god! I'm drowning!
Nakakainom na ako ng tubig nang may yumakap na braso sa aking beywang. Mabilis akong hinila nun pataas. Suminghap ako ng hangin at sunod-sunod na umubo.
“Ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Leo.
Hinawi niya ang buhok na sumabog sa aking mukha bago hinagod ang likuran ko.
Malamig ang hangin at tubig, but somehow his hand, caressing my back is warm.
“Bakit ka ba pumupunta sa malalim? Hindi naman marunong lumangon, ha?” Galit ang tono ng boses niya.
Tumingala ko sa kaniya at nakita ang pag-aalala sa mukha niya.
Syempre, mag-alala siya. Kapag may nangyari sa’kin rito kasalanan niya dahil siya ang nagsama sa’min dito.
“Sinundan ko sila Judith. Nakakapit naman ako sa gilid kaso… dumulas yung kamay ko.”
“Sana tinawag mo ‘ko kung gusto mo pala pumunta sa malalim. Sasamahan naman kita, e.”
Dinala niya ako sa mababaw na parte. Nang maramdaman ko ang sahig sa paa ko, bumitiw ako kaagad sa kaniya.
Mula sa malalim na parte, lumangoy si Rain at Fatima palapit sa amin ni Leo.
“Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Judith.
Lumingon siya sa akin at puno nang pag-alalang hinagod ako ng tingin.
Binalingan ni Leo ang pinsan niya at tinaasan ng kilay. “Nalunod. Sinundan niya kayo. Mabuti nakita ko siya kaagad pa’no kung hindi?”
Suminghap si Fatima at lumipat sa tabi ko. “Hala, Rain...”
Puno nang pag-aalalang tumingin sa akin si Judith. “Dadalhin ka namin sa hospital!”
“Hindi na. Ayos lang naman ako.” Umiiling kong sinabi at winawasiwas ang aking mga kamay.
Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan at kita ko ang guilt sa mga mata nila. I dont want them to feel that way. Wala naman silang kasalanan dahil ako itong hindi nag-iisip na sumunod sa kanila kahit alam ko ang possibility na malunod ako.
“I’m fine really… huwag na kayong mag-alala. Hindi naman ako totally nalunod.”
“Huwag niyong iiwan si Rain, kung ‘di niyo siya mababantayan tawagin niyo ‘ko.”
“Huwag niyong iiwan si Rain. Kung di niyo siya mababantayan tawagin niyo ‘ko,” sabi ni Leo.
Tinalikuran niya na kami at iniwanan roon. Nagkatinginan kaming tatlo bago sinundan ng tingin ang likuran niya.
Umahon na kami sa tubig para kumain. Nasa cottage na rin ang mga kasama namin. Sila Alyana nag-iinuman habang kumakanta sa videoke.
Kumuha na rin kaming tatlo ng pagkain at puwesto sa tabi ng mga bag namin. Hindi pa rin makamove on itong si Fatima at Judith. Humihingi pa rin sila ng tawad.
“Ito kasi si Fatima! Nagyaya pa sa malalim!” Paninisi ni Judith.
“Ako? Ikaw ang diyan ang lumangoy papunta sa malayo!”
“Pero sandali, pa’no nakalangoy kaagad papunta sa pwesto mo si Leo? Nasa kabilang dulo siya ng pool, ah?” Nagtatakang tanong ni Judith.
Hindi ko rin alam. Not unless he’s paying attetion at my direction… pero imposible, nakita ko siyang kausap si Rusty at Jack. Hindi siya tumitingin sa direksyon kung nasan ako.
“Kumuha lang kayo ng pagkain.” Sabi ni Leo na lumapit sa amin.
“Naku, Leo! Mamaya malasing ka! Sinong maghahatid sa amin pauwi!” Sermon ni Judith sa kaniya. “Tsaka naninigarilyo ka na rin!“
“Hindi ako iinom hanggang di ko kayo naihahatid. At ‘di ako naninigarilyo, sila Rusty lang.”
Sumulyap sa’kin. “Okay ka lang ba?”
Marahan akong tumango. “Oo.”
“Sabihan niyo ako kapag, gusto niya nang umuwi. Ihahatid ko kayo.”
Tinapos na namin ang pag-kain. Hindi na kami bumalik sa pool. Nagkasya na lang kami na kumuha ng mga pictures naming tatlo.
“Gandahan mo naman kuha mo!” Ani Judith kay Fatima.
Nandito kami sa bakanteng cottage nang lapitan kami ng tatlong lalaki na taga-lower section.
“Taga-star section kayo, ‘di ba?” Tanong nung isang matangkad.
“Oo.” Sagot ni Judith.
Lumingon ang lalaki kay Judith at kita ko ang lihim niyang pag-ngisi. Yung ngising di mapagkakatiwalaan.
“Hi, Rain…”
Nagulat ako dahil nasa likod naman ang isa pang lalaki.
“Matagal na kitang nakikita sa school pero parang ang hirap mong abutin.”
Napangiwi ako. Kung di mapagkakatiwalaan ang kausap ni Judith, mukha namang di gagawa ng maganda ang isang ito.
“Mas maganda ka pala sa malapitan…”
Nilingon si Fatima. Tumaas ang kilay niya. Akto siyang lalapit pero hinarangan siya ng isa pang lalaki.
Bumalik ang tingin sa lalaking nasa tabi ko na ngayon. He was so close. Naamoy ko ang alak at sigarilyo sa kaniya!
Nalukot ang ilong ko. “Thank you… ah, balik muna kami sa cottage… Fatima, Judith.”
Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Nakita kong di rin komportable sa mga lalaking kumakausap sa kanila.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tinanaw ko ang cottage namin. Abala at nagkakasiyahan ang mga kasama namin doon. Di nila kami napapansin dito.
My dad taught me a little about self defense. Pero di ko nasusubukan iyon! Pano kung pumalpak ako?
“Mamaya na kayo pumunta sa cottage niyo… usap muna tayo… masyado kang mailap sa school, eh.”
Humakbang siya malapit. Suminghap ako at umatras palayo.
“Mas maganda ka pala sa malapitan…”
Akto siyang hahakbang ulit nang bigla ay may humarang sa harapan ko. Tumingala ako at nakita si Leo. Salubong ang kilay at masama ang tingin dun sa lalaki.
“Anong problema mo, ha?” Tinulak niya sa balikat ang lalaking nanghaharassed sa akin. “Hindi ka naman siguro bulag. Ayaw ka niyang lumalapit.”
Tinulak niya ulit yung lalaki sa balikat, mas malakas. Napaatras na yung lalaki palayo.
“Leo!” Awat ni Judith bago pa magkagulo.
Mula sa cottage sumilip ang mga kasama namin. Lumapit sila kasama ang girlfriend ni Leo.
“Leo! Huwag mo na patulan! Nagbibiro lang naman ata sila.” Sabi nung girlfriend at kumapit sa braso niya.
Hindi pinansin ni Leo ang girlfriend niya. Masama pa rin ang tingin niya dun sa lalaking lumapit sa akin.
“Umalis na kayo bago pa kayo samain sa akin.” May pagbabantang sabi niya.
Walang imik na umalis naman yung tatlo. Magkakatabing nakatinginan kami ng mga kaibigan ko.
“Judith, doon na kayo sa cottage.” Utos ni Leo samin.
“Tara, Rain…” hinila na niya ako sa kamay.
Nagyaya na akong umuwi bago mag-alas syete. Tahimik lang kami sa biyahe. Dalawa kami ni Judith sa backseat. Tiningnan ko si Leo na nakaupo sa unahan. Tahimik rin siya.
Bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Nilaro-laro ko ang hawak kong keychain.
Kamuntikan akong malunod, niligtas at kamuntikan mapaaway si Leo dahil sa akin. Ang daming nangyari. And it all leads to one question, bakit niya yon ginawa para sa akin?
Bumaba ako ng sasakyan pagkatapos kong magpaalam kay Judith. Nasa gate na ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan.
Lumingon ako at nakita si Leo na bumaba. Lumapit siya sa akin kaya ‘di muna ako pumasok sa gate.
“Hindi ka ba hinawakan nung lalaki? Di ka binastos?”
Umiling ako. “Hindi, Leo…”
Huminga siya ng malalim saka marahang tumango. “Sige na. Pumasok ka na.”
Tinitigan siya ko siya ng ilang sandali bago ako tumalikod. Pero napahinto rin ako pumihit paharap sa kaniya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakatitig ako sa aking paanan.
“Thank you for saving me… and happy birthday.” I looked up and handed him a small keychain I was holding.
Pinagawa ko ‘yon nung isang araw sa bayan. Simpleng pangalan niya na may accesories na bola at sapatos.
Kumurap siya at parang nagulat pa na may gift ako sa kaniya.
“Nakalimutan ko iabot kanina pagdating namin…”
Kinuha niya iyon at tinitigan. He smiled boyishly. “Ang ganda nito. Thank you.”
Ngumiti ako. Mabuti naman ay nagustuhan niya.
“You’re welcome. Pano? Pasok na ako sa loob…”
Tumatangong, inikot-ikot niya ang keychain sa daliri. “Sige...”
Tumalikod na ulit ako. Pero tinawag na naman niya ako.
“Rain.”
Lumingon ako. “Bakit?”
Nakangiting humawak siya sa batok at umiling. “Wala lang…”
Kumunot ang noo at tumango na lang bago pumasok sa loob ng gate namin. Hmm… he’s so weird.