"PATINGIN nga ng sagot mo sa number six..."
Hinila ako ang notebook ni Leo na kanina pa niya sinasagutan. Halos magkakalahating oras na siya roon.
Nandito ulit sa bahay si Leo. Nakasalampak kami sa salas habang nakakalat ang notebooks at libro namin sa ibabaw ng center table.
Dinaanan niya ako sa classroom kanina after ng klase. Bukas na ang umpisa ng exam.
Gusto niya talagang pumasa kaya nagpapa-review ulit. Dapat kasama namin ni Judith. Pero hindi raw ito makapag-review ng maayos kapag may kasamang iba.
Hindi ko alam kung nagdadahilan lang iyon para makipagkita kay Jordan. Libre siya kasi hindi niya kasabay si Leo pauwi.
"Tama ba?"
Bumaba ng tingin ko sa sagot niya. Itinuro ko na ito sa kaniya kahapon. Halos araw-araw ko siya tinututor. Mukhang hindi naman nasasayang ang effort ko dahil, nakikita kong my improvement siya.
Tumango ako. "Oo. Kapag exam, syempre hindi totally ganito ang mga problems at tanong. Pero in-analyze mo lang. Makukuha mo rin ‘yon. At huwag mo kalilimutan ang formula, okay?"
"Yes, Ma'am!" Sinaluduhan niya ako.
Umirap ako at ibinalik ang aking tingin sa reviewer. Narinig ko siyang humalakhak. Hindi ko siya pinansin at itinuon maigi ang atensyon ko sa pag-re-review.
I know he’s staring at me again. Ganoon ang ginagawa niya kapag di ako nakatingin. Alam ko kasi, nakita ko sa CCTV namin nung ni-review ko.
“Ang seryoso mo na naman…”
"Ano bang dapat itsura ko habang nagrereview? Nakangiti? Mukha naman akong baliw nun."
Humagalpak siya ng tawa. “For someone smart like you, di ko naiisip na magiging posible ito.”
Mula sa binabasa kong libro sumulyap ako sa kaniya. Seryoso na siyang nakatitig sa akin.
“Alin? Ang posible?”
“Na magkasama tayo? Na nag-uusap? Na tinuturuan mo ako sa assignments ko at nirereview?” Nangingiti niyang sinabi.
Hindi ko siya maintindihan. Anong imposible sa bagay na ‘to? It’s not as if… buwan at araw kami na uncommon kapag nagsama.
“Alam mo… magreview ka na lang kung ayaw mo pauwiin kita sa inyo.”
Tumawa siya. Lately ang saya niya. Palaging tumatawa. Sinabi rin yon sa akin ni Judith. Ang light ng mood ni Leo.
"Let's take a break first. Kanina pa tayo nag-aaral. Nagugutom na ako. Kain muna tayo!”
Umikot ang eyeballs ko. Hindi rin naman makapal ang mukha niya. Siya na nga itong tinutulungan ko, aba abusado! Araw-araw ko na lang siyang pinapakain dito sa amin!
Isinarado ko ang aking libro at tumayo. Parang batang ayaw humiwalay sa nanay niya na sinundan ako ni Leo sa kusina.
He can moved freely. Wala ang parents ko. Si mommy may pasok sa hotel. Si daddy naman nasa site.
Kapag nandito ang parents ko, dinaig pa ni Leo ang tuod. I cant blame him though. Grabe rin kasi si daddy makatingin sa kaniya. Parang bawat galaw ni Leo. binibilang ni daddy! He looks so intimidating pa!
Sa lahat ng friends ko, welcoming si daddy. Bentang-benta nga ang joke niya kay Judith at Fatima. Kay Leo lang talaga siya ganyan.
Maybe, he's getting the wrong idea. Akala niya ay nililigawan ako ng lalaking 'to. Well, si Leo lang rin kasi ang lalaking isinama ko rito sa amin.
"Ano bang gusto mong kainin?"
Binuksan ko ang cabinet kung saan naka-stock ang groceries namin. Dapat pala ay bumili muna kami ng siomai sa labas ng school.
"Ano bang meron diyan? Kahit ano na lang." Tiningnan niya ang stock sa itaas ng ulo ko.
Ang tangkad niya. Ako kailangan ko pang tumingkayad para makita ang laman nung kabinet. Siya lampas-lampas pa ang ulo niya doon. Yumuko pa siya ng konti para makapili.
"’Yan na lang pansit canton chilimansi."
Tiningala ko siya. "Kumakain ka ba niyan?"
Noon ang akala ko kapag mayaman, picky pagdating sa pagkain. Yung tipong 'di kumakain ng mumurahing noodles. Pero nung makilala ko si Judith, nagbago 'yon. Panay ang kanin nun ng streetfoods. Walang arte.
Ibig sabihin lang niyon ay napalaki ang mga Villamonte na mapagkumbaba.
"Oo naman! Wala akong pinipiling pagkain ‘no. Lahat kinakain ko!" Ngumisi siya sa akin at tinaas-taas ang kilay.
Yung ngisi niya talaga, hindi mapagkakatiwalaan. Parang may may gagawing kalokohan palagi.
Naiiling na binawi ko ang aking tingin. "Anong flavor ba ang gusto mo?"
itinaas ko ang aking kamay para abutin yung isang pack ng noodles. Pero inunahan ako ni Leo.
Humawak pa ang isang kamay niya sa ulo ko. "Ang liit mo."
Humalakhak siya. Hinawi ko ang kamay niya at hinablot ang isang pack ng pansit canton na hawak niya.
Pati ang height ko pinapakialamanan niya! Nung isa araw ang napuna naman niya, yung kutis ko. Sa sobrang puti ko raw siguro kapag pinisil ako mamumula kaagad.
"Maupo ka na nga do’n sa lamesa. Ako na bahala rito!" Pagtataboy ko sa kaniya.
Hindi siya umalis. Akala mo bahay niya ito. Siya pa ang kumuha ng pot at nilagyan iyon ng tubig.
Tutal makulit siya, hinayaan ko na lang. Kahapon ganyan rin siya. Nagluto ng itlog at nag-toast pa ng bread. Bahay namin ito pero siya ang nagsisilbi sa akin.
"Ikaw na lang maupo roon." Turo niya sa dining area.
Ngumuso ako. Ayaw niya ako pagawain, edi huwag.
Hinila ko ang upuan at umupo roon. Pinanood ko si Leo na maging abala sa kusina. Puting tshirt na lang ang suot niya. Hinubad na niya ang polo kanina. His shoulder are broad. His arms are firm. Nag-fe-flex ang muscle niya sa bandang balikat kapag gumagalaw siya doon.
Napalunok ako. Normal lang din naman akong babae, okay?! Napapansin ko rin ang ganoong mga bagay sa lalaki!
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang biglang lumingon si Leo.
“Gusto mo ng Al dente or medyo soft?”
Tumawa ako. “Ang sosyal naman ng al dente mo. Noodles lang ‘yan.”
“Syempre!” Ngumisi siya bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Pagkatapos ni Leo magluto, inilapag niya pansit canton sa harapan ko. Inabot niya sa akin ang tinidor at pinagsaluhan iyong kainin.
“Nagtataka si Judith. Bakit daw bigla ka na lang nagpaturo mag-aral?” Tanong ko sa kaniya.
“May usapan kami ni daddy.” Sinalinan niya ng juice ang baso ko.
“Anong usapan?”
“Basta. Malalaman mo na lang kapag nakapasa ako sa mga exam.”
Sumulyap siya sa’kin at tinuro ang gilid ng labi ko.
“May dumi ka diyan, oh.”
Kumurap ako at pinunasan ang gilid ng labi ko. “Wala na?”
Tumawa siya. Napaatras ako nang ilapit niya ang kamay sa mukha ko. He stopped but then continued to wiped the sauce on the side my lips using his thumb.
Ipinakita niya ang thumb niya sa akin. At nanlaki ang mata ko nang isubo niya iyon.
“Wala na.” He said, staring at me intently.
Namula ang pisngi ko. “That’s… dirty.”
“I like dirty…” ngumisi siya sa akin.
Oh, alright! He’s flirting with me! Of course he does. Ganyan ang gawain niya sa lahat ng babae sa campus. Kung sinong papatol sa tricks niya, iyon girlfriend of the week or… month!
Naiiling na ibinalik ko ang atensyon ko sa pag-kain. “Ubusin na nga natin ‘to. Para makauwi ka na. Mag-rereview pa ako.”
Tunog ng bola ang narinig namin galing sa labas. Lumingon ako sa pinto nang pumasok si Rumble na may dalang bola ng basketball.
Dumaan siya sa harapan namin ni Leo pagkatapos ilapag ang bola sa upuan.
Tinanguhan niya si Leo. “Nandito ka pala ulit, Kuya.”
“Oo, nagrereview ulit kami nitong ate mo. Naglalaro ka pala ng basketball, Tol?” Bumaba ang tingin ni Leo sa bola.
Tumaas ang sulok ng labi ko. Kuya? Tol? Huh?
Madalas madatnan ni Rumble si Leo rito sa bahay. Though walang complain ang kapatid ko, di rin naman niya ito pinapansin.
Bakit ngayon kung mag-usap sila parang ang close nila?
“Hindi. Ngayon lang. Kailangan sa PE namin. Badtrip. Hindi nga ako marunong.”
That’s true. Wala kasing ibang inatupag itong si Rumble kundi maglaro ng online games. Kapag niyayaya lang siya ni daddy magbasketball saka lang lumalabas.
“Hindi ka marunong? Legit ba?” Pinadasahan ng tingin ni Leo ang kapatid ko. “Sayang tangkad mo, boy. Turuan kita! Sama ka sa’min ng mga kaibigan ko.”
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “Huwag na. Mamaya ay kung ano pa ang ituro mo diyan sa kapatid ko.”
Tumawa siya. “Hindi. Ako bahala diyan sa kapatid mo.”
“Kailan tayo maglalaro?” Interesadong tanong ni Rumble.
“Ngayon na. Gusto mo? Sandali, itetext ko sila Rusty.” Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon.
Binigyan ko siya ng naninitang tingin. “May exam bukas. Mag-rereview ka pa, ‘di ba? Mag-rereview din yang si Rumble.”
Lumingon sa akin si Leo. Napakamot siya sa batok nang makitang nakataas ang kilay ko. Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa.
“Sa susunod na lang. ‘Tol. Pagkatapos ng exam. Magagalit tong ate mo, eh.”
Dumaan sa harapan namin ang kapatiad at kinunutan ako ng noo. “Tss. Sige after exam na lang. Takot ka pala diyan kay Ate.”
Sinundan ko ng masamang tingin ang kapatid ko hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya.
Tumawa si Leo. “Binubully mo siguro lagi ‘yang si Rum nung bata kayo kaya masungit sa’yo, no?”
“Natural na niya yang pagiging masungit. Nagmana kay mommy.” Ngumuso ako at sumalumbaba. “Kailan pa kayo naging close kapatid ko? Di ‘yan basta nakikipag-usap sa ‘di niya kilala.”
“Kilala na niya ako. Lagi naman akong nandito sa inyo.” Tumayo siya at sinimulang ligpitin ang pinagkainan namin. “At saka kapag nagkakasalubong kami sa school, palagi kitang tinatanong sa kaniya.”
Tumaas ang sulok ng labi ko. “At bakit mo naman ako tinatanong sa kapatid ko?”
“Wala lang. Gusto ko lang magyabang sa school na magkakilala tayo.l Ngumisi siya. “Ang dami sigurong naiinggit sa’kin.”
“Hindi naman iyon kailangang ipagmayabang. Anong akala mo sa akin? Anak ng presidente!”
Naiiling na tumayo na rin ako at kinuha ang plato sa kaniya.
He’s really good with lines. Kung di ko lang alam ang karakas niya pagdating sa mga babae, siguro ay naniwala ako ng kaunti.
Kawawa naman ang mga babaeng napapaikot niya sa kamay. Tsk.
Tinapos namin ang pag-re-review. Bago dumating si mommy at daddy, nakauwi na si Leo. Di naman sa ayaw ko na maabutan nila siya rito sa bahay.
Actually, nagpaalam ako kay mommy at pumayag siya nang sabihin kong pupunta ulit si Leo.
It’s just that… na-awkward-an ako kapag tinatanong ni daddy si Leo na parang in-interrogate. Maiintindihan ko kung umaakyat ng ligaw ang lalaking iyon at nagsabi sa kanila, pero hindi naman.
Siguro ang dapat kong gawin ay mas magpapunta pa ng ibang kaklase kong lalaki dito sa’min para maisip nilang hindi lang si Leo ang kaibigan kong lalaki.
Unang araw ng exam, confident ako dahil mga minor subjects lang i-ta-take namin. But still nag-review pa rin ako ng matindi.
Leo: Goodluck sa exam! :)
Nabasa kong chat ni Leo sa akin pagpasok ko sa classroom.
In-add niya ako sa lahat ng social media account ko after nung birthday niya sa Toledo. In-accept ko naman. Para mag-chat na lang kami kung may hindi pa rin siya naintindihan sa mga nireview namin.
Rain: Goodluck. Huwag kang gagawa ng kodigo, okay?
Leo: Hindi na kailangan! Magaling ang tutor ko!
Umikot ang eyeballs ko at napangiti.
Tumunog ang bell hudyat na start na ang exam. Itinabi ko ang cellphone sa bag at pumunta sa silya para sa akin.
Halfday lang ang pasok kapag exam para may oras ang mga estudyante na mag-review. Kaso ang iba ginagamit pa iyon para mag-gala at mamasyal sa mall.
“Huy, nakita ko si Leo, ah?”
Nilingon ko si Fatima. “Saan mo nakita?”
Hindi ko alam bakit ako kinabahan.
“Papalabas ng gate. Kasama yung mga kaibigan niyang basagulero.”
Nagkatinginan kami ni Judith. Kumunot ang noo niya.
“Teka nga, itetext ko lang ang lalaking ‘yon. Kagabi todo review pa siya, eh.”
Mabilis na tumipa sa cellphone niya si Judith.
Second day na ngayon ng exam. And this is a crucial period dahil bukas sabay-sabay na i-ta-take namin ay major subjects.
Sinabihan ko si Leo na mag-review siya mabuti. Yung mga subjects kasi na ‘yon pa naman siya nahihirapan kaya doon rin kami nag-focus.
Nilingon ko si Judith. I shouldn’t feel worried, dahil siya naman ang babagsak hindi ako. Pero sayang naman effort namin ng ilang araw.
“Anong sabi?”
“Wala hindi pa sumasagot! Aish! Talaga ang lalaking ‘yon. Akala ko pa naman nagbago na. Ilang araw na siyang umuuwi ng maaga at nag-aaral pa.”
“Sus! Kapag nakasanayan na kasi mahirap na iyong baguhin at talikuran! Tingnan niyo yung mga cheater, ‘di ba? Paulit-ulit na nag-cheat. Ganyan din yang si Leo.”
Parang may pinaglalaban si Fatima kahit ‘di pa naman siya nagkaboyfriend.
Tumunog ang cellphone ni Judith. Sabay-sabay kaming tumingin sa screen. Binuksan niya ang message galing kay Leo.
Leo: Mauna na kayo umuwi ni Manong Henry.
Judith: Bakit? Saan na naman ang punta mo, ha? Ikaw di ka na nagbago! Exam week, gagala pa kayo mga kabarkada mo!
Leo: May gagawin lang kami saglit.
Nanatili akong nakatitig sa screen nang makita ko sa sulok ng aking mga mata na sinulyapan ako ni Judith bago tumipa sa cellphone.
Judith: Alam ba ni Rain yan?
Mabilis akong napalingon sa kaniya. “Bakit ako nadamay diyan sa pag-uusap niyong magpinsan?”
Umirap siya. “Syempre para naman makonsensya siya, no! Tinulungan mo siya tapos masasayang lang!”
Naiisip ko rin naman iyon. Pero ayaw ko ‘yong parang lumalabas na affected ako sa pag-alis ni Leo kasama mga kaibigan niya! Ano bang pakialam kung saan siya pumunta!
“I-unsend mo na lang!”
“Huwag na! Ayan na oh! Nag-ta-type na siya!”
Bumalik ang tingin namin sa cellphone nang tumunog iyon.
Leo: Hindi niya alam.
May dumating kaagad na kasunod na chat.
Leo: Huwag mong sabihan kay Rain.
That moment I felt dissappointed for the first time in my life. Naniwala akong gusto niya talagang pumasa sa exam kaya nag-effort akong tulungan siya. Iyon pala i-ta-take for granted lang niya ang effort na ‘yon? Sinayang lang niya ang oras ko at panahon ko.
“Rain…” nag-aalalang sabi ni Judith nang makita ang blanko kong mukha. “Baka naman may importante lang na gagawin—“
Umiling ako. “It’s fine. Tara na. Uwi na tayo. Mag-rereview pa ako.”
Nanguna na akong maglakad sa kanila. Pag-uwi sa bahay, naabutan ko si mommy na naghahanda na sa pag-alis.
Humalik ako sa pisngi niya. “My.”
“Nagluto na ako ng pagkain niyo ni Rumble.“
Binuksan ko ang pan na nasa stove at nakitang may afritadang manok doon.
“May fruits sa ref. Kumain kayo, ah? Yung kapatid mo sabihan mong mag-review. Huwag puro laro ng online games!”
“Opo, My.”
Dinampot ni mommy ang bag niya sa couch ng sunod-sunod na may bumusinang sa labas ng gate.
“Sige na. Andiyan na ang daddy mo. Dinaanan niya lang ako rito para ihatid sa hotel. Babalik din siya sa site.”
Hinalikan niya ako sa noo at hinaplos ang aking pisngi.
“Love you.”
“Love you too, Mom.”
Pag-alis ni mommy naligo ako at kumain. Humilata ako sa sofa hawak ang notebook ko. Panay ang tingin ko sa orasan.
Past two PM na wala pa rin si Rum. Kanina pang alas dose ang uwian namin. Nauuna pa nga iyong umuwi sa akin, eh. Ngayon lang na-late.
Bumangon ako at dinampot ang cellphone ko sa nakapatong ng center table. Pang-limang chat ko na ata ito sa kapatid ko.
Rain: Anong oras na. Bakit di ka pa umuuwi?
Tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang chat at tumaas ang kilay ko nang makitang galing iyon kay Leo.
Leo: Nakauwi ka na? :)
May pa-smiley pa siyang nalalaman, huh? Parang di niya sinabi kay Judith na huwag sabihin sakin na nagbubulakbol siya!
Sineen ko lang ang chat niya. Lumipas ang isang minuto nag-chat siya ulit.
Leo: Nakita kong nag-seen ka.
Walang sampung segundo nasundan kaagad ang chat niya.
Leo: bakit di ka nagrereply?
Parang obligado naman akong magreply sa kaniya. Sineen ko lang ulit iyon bago pinatong sa center table. Hindi pa nga nag-iinit ang cellphone doon narinig ko na yong nag-ri-ring.
Leo’s calling…
Ano bang problema niya? Tumatawag pa!
Pinindot ko ang cancel button. Humiga na ulit ako sa sofa para matiwasay na mag-review. Pero hindi naging matiwasay dahil may ingay sa labas. May tumatawag sa pangalan ko.
Bumangon at pumunta sa bintana. Nakita ko si Leo na nakatayo sa may gate paghawi ko sa kurtina.
Huh? Anong ginagawa niya rito?