I was hiding behind our blackout curtain, so hindi ako nakikita ni Leo. Nanatili ang tingin ko sa kaniya nang kuhanin niya ang cellphone sa bulsa ng jersey shorts at tumipa roon.
Ilang sandali tumunog ang cellphone kong nakapatong sa center table.
I picked it up and saw him calling me again. Nalukot ang aking noo. Ang kulit naman niya. Bakit ba siya tawag nang tawag? At anong kailangan niya sa akin? Pumunta pa talaga siya rito sa amin.
Hindi ko pinansin ang tawag niya. Sumilip ulit ako sa bintana at nakitang nando'n pa rin siya sa labas ng gate namin. Nakadikit ang cellphone sa tainga niya.
"Rain!" Tawag niya sa pangalan ko.
Malakas niyang kinatok ang gate namin.
Now, I cant ignore him! Ang ingay niya! Tanghaling tapat na at kapag ganitong oras nag-sisiesta si Aling Marife. Matandang dalaga 'yon na kapitbahay namin. Masungit siya at naninigaw kapag naiistorbo ang tulog. Mamaya ay isumbong pa kami sa asosasyon na may nag-iiskandalo rito.
Dumiretso ng tayo si Leo nang makita akong lumabas ng pinto. Binuksan ko ang gate pero 'di ako lumabas doon.
Napansin kong pawisan ang noo niya at braso. Basa rin ng pawis ang tshirt niya sa bandang dibdib.
"Bakit ka nandito? Hindi ba, sabi ko huwag na muna tayo mag-group study dahil mag-re-review ako? Dapat nagrereview ka rin, right?" binigyan ko talaga ng diin ang huling sinabi ko.
Baka naman sakaling medyo mahiya siya sa pagsasayang ko ng oras para turuan siya.
Ayaw ko na talagang isipin at pansinin ang tungkol do'n para 'di masira ang mood ko sa pag-aaral. Kaso heto siya, pumunta pa talaga. Bumalik tuloy yung disappointment na naramdaman ko kanina. Nadagdagan pa ng inis.
"Mag-rereview ako pag-uwi."
"Pag-uwi... meaning hindi ka pa umuuwi sa inyo?"
Napakamot siya sa kaniyang batok. "May ginawa kasi kami, Rain..."
Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib. "Alam mo namang major subjects ang exam bukas. At nahihirapan ka sa mga subjects na 'yon, Leo."
"I know. Sorry... may kailangan lang talaga akong gawin na importante."
"Mas importante pa sa exam bukas?" Na pinag-effort-an kong ituro sa'yo ng paulit-ulit para pumasa ka!
Hindi ko sinabi yon. I dont want to sound like a nagging mother to him. Again, 'di naman ako ang babagsak kundi siya. Bahala siya sa buhay niya.
"Sige na... umalis ka na. Mag-re-review pa ako."
Papasok na ako ng gate pero pinigilan ako ni Leo.
"Uy... sandali lang..."
Humarap ako sa kaniya. Tinititigan ko siya nang marinig kong may maingay na nag-uusap-usap at tunog ng tinatalbog na bola. Lumingon ako sa kalsada.
Nakita ko si Rumble na kasama si Rusty at Jack. May iba pang mga lalaking nakasunod at nakakalat sa likod nila. Lahat sila nakasuot ng jersey. Ganoon rin ang kapatid ko.
"Ate!" Kunot noong baling sa akin ni Rumble nang makita akong nakatayo sa gate.
Tinaasan ko siya ng kilay. Tinapik niya sa braso at balikan sina Rusty at Jack. Kung umasta siya akala mo ay close niya ang mga ito.
"Nice G! Sa susunod ulit mga pre!" Sabi ni Rumble.
Gumanti ng tapik si Rusty at Jack sa kaniya bago siya lumapit sa amin.
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang kapatid ko. "Saan ka galing? Kanina pa ako nag-tetext sa'yo, ah?"
Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at pinakita sa akin. "Hindi ko napansin, lowbat na pala kaninang naglalaro kami ng basketball."
"Naglaro kayo?" Baling ko kay Leo.
"Oo." Tumango siya sa'kin at nilingon ang kapatid ko nang tapikin siya nito sa balikat.
"Salamat, Kuya," sabi ni Rumble sa kaniya.
"Wala 'yon! Sa sabado lalaro kami. Sama ka para makapag-practice ka pa."
"Sige! Text niyo na lang ako. Pasok na ako."
Gumilid ako at sinundan ng tingin ang kapatid ko hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay namin. Bumalik ang atensyon ko kay Leo.
"Naglaro kayo ng basketball kasama ang kapatid ko?"
Tumango siya at nakangiting kinamot ang sentido. "Oo, nasabi niya kasi sa akin na practical exam nila 'yon sa PE."
"Tinulungan mo siya kasi?"
Hindi ako makapaniwala. Really? He’s capable of helping someone?
"Kasi kapatid ka niya?" sagot ni Leo sa tonong 'duh hindi ba, obvious?'
Kumunot ang noo ko. "Anong kinalaman ko sa pagtulong mo sa kapatid ko? At saka teka nga, basketball ba talaga ang tinuro niyo sa kaniya, ha?"
Sumulyap ako sa mga kaibigan niyang nakakalat sa likuran niya. Ngumisi sa akin si Rusty at Jack. Inirapan ko sila.
"Oo, ano namang ituturo ko sa kapatid mo?"
Nagkibit ako ng balikat. "Ewan ko... paninigarilyo? Pag-iinom ng alak?"
Umangat ang sulok ng labi niya. "Tingin mo gagawin ko 'yon?"
I know medyo na-offend siya sa sinabi ko. What can I do? Kilala ang grupo nilang may bisyo at gumagawa ng kabulastugan sa school.
Bilang ate ni Rumble, kahit minsan di kami magkasundo; nag-aalala pa rin ako para sa kaniya. Kakaunti lang ang kaibigan ng kapatid ko. Ayokong mapasama pa siya sa mga bad influence.
"Hindi ko alam..." sagot kong tinitigan siya sa mata.
"Naglaro lang kami. Hindi ko ipapahamak ang kapatid mo, kung iyon ang iniisip mo." Napailing siya at walang sabi-sabi na tinalikuran ako. "Tara na nga!”
Sumunod kay Leo ang mga kaibigan niya nang maglakad na siya paalis. Sinundan ko sila ng tingin. Nakita kong hinawi ni Leo ang kamay ni Rusty na tumapik sa balikat niya. Medyo malakas iyon kaya kinabahan ako na baka mag-away sila.
Pero umiling lang si Rusty at nagkatinginan sila ni Jack. Parang tingin lang nagkaintindihan. Pagkatapos lumingon sila sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko.
Bakit ba ganun sila makatingin? Kala mo may ginawa akong kasalanan, ah?
Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Rumble pagpasok ko sa bahay. Binuksan niya iyon.
“Bakit hindi ka nagsabi sa akin na sasama kina Leo?” Naninitang ko sa kaniya.
Patamad siyang bumalik sa kama at humilata roon.
"Nagbasketball nga kami. Atsaka na-lowbat nga ako, Ate.”
Tinitigan ko siyang mabuti kung may kakaiba sa kilos niya. Hindi ko pa nasubukan uminom. At lalong hindi pa ako nalasing. But I can tell if someone is drunk.
Mukha namang matino ang kapatid ko. Actually, mukha siyang pagod at inaantok.
Sumandal ako sa pinto na magkakrus ang braso sa aking dibdib.
"Rum, kilalang basagulero at may bisyo ang grupo nila. Hindi mo ba naiisip 'yon."
Kailangan ko siyang pangaralan bago pa mahuli ang lahat. Mas matatanda sila Leo, tiyak na madaling madadala at mauuto ng mga 'yon ang kapatid ko. Rumble is still naïve. At nasa phase ng experimentation ang edad niya.
Nagdikit ang kilay ni Rumble. "Wala kang tiwala sa syota mo?"
"Huh?" Nanlaki ang mata ko. "Anong pinagsasabi mo riyan? Sinong syota!"
"Si Leo. Sino pa ba?"
"He's not my boyfriend!" ang taas ng boses ko! Para akong nag-hit ng highnotes!
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi? Pero pinapapunta mo siya rito kapag wala si mommy at daddy."
"Hey! Nagpapaalam ako kay mommy kapag pinapapunta ko si Leo rito! At pumapayag siya!"
"Eh, kay daddy?" naghahamon na tanong niya.
Aba, ate niya ako! Bakit kinukwestiyon niya ako rito, ha? Nag-aalala lang ako sa kaniya. Ako pa ang binabaligtad!
"A-lam ni daddy!"
Umirap siya. "Bakit mo nirereset 'yung cctv pag-alis ni Leo kung alam ni daddy?"
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko naman laging nirereset! Iyong mga parts lang na tinititigan ako ni Leo kapag busy ako sa pagbabasa or pagsusulat ng reviewer! Syempre, ayaw kong may isipin na kung ano ang parents namin! Lalo na si daddy!
"Ate mo 'ko, ah. Bakit mo ako sinasabihan ng ganyan?"
I don't have any choice but to pull the big sister card here!
Umismid siya. "Wala naman akong sinasabing masama. And you don't have to worry about me. Kaya ko ang sarili ko, Ate."
"Kaya? Eh, kung alukin ka nilang magsigarilyo at uminom, huh? Anong gagawin mo?”
He signed, frustratedly. “Ate, alam ko ang tama at mali. Hindi lang ikaw ang may isip sa’ting dalawa. And stop being judgmental. Ako ang may kailangan ng tulong. I actually asked him to give me pointers. Pero nag-offer siyang turuan ako.”
Napahiya ako sa sinabi niya. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Natameme ako. Unang beses na wala akong rebuttal sa sinabi ng kapatid ko.
“Hindi ko rin naiisip na tuturuan niya ako mag-bisyo. Takot lang nun sa’yo.”
Kumurap ako. “Anong… bakit naman siya matatakot sa akin?”
Nagkibit siya ng balikat. “Ewan ko. Hindi siya mapakali kanina habang nasa court kami. Di ka raw nagrereply. Pagtingin namin, bigla na lang siyang nawala. Pumunta na pala rito sa’tin.”
Ngumuso ako. Malamang alam ni Leo na sasabihin sa akin ni Judith yung chinat niya!
“Tapos ka na ba sa sermon mo, Ate? Gusto kong matulog. Napagod ako. Mamaya na lang ako magrereview.” Pagtataboy niya sa akin.
“Sa susunod magsasabi ka kung sino ang kasama mo at saan ka pupunta para di ako nag-aalala.”
“Oo na... sorry,” nayayamot niyang sagot sa akin.
Umirap ako at sinarado na ang pinto pagkatapos ko siyang sabihan na may pagkain sa kusina. Mamaya na lang daw siya kakain pagkagising niya.
Bumalik ako sa salas para mag-review. Ilang oras na akong nakatingin lang sa libro. Walang pumapasok sa utak ko. Parang dumadaan lang ang mga letra at salita sa mata ko.
Malakas akong bumuga ng hangin at tulalang tumitig sa kisame.
Okay! Fine! Nakokonsensya ako sa lantarang pag-aakusa ko kay Leo na tinuturuan niya ng bisyo ang kapatid ko. It’s wrong to jump into conclusion. He just wanted to help, pero nagawa ko pa siyang husgahan.
Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng center table. Mabilis akong tumipa roon.
Rain: Hi.
Nakita ko siyang nag-seen pero di nag-reply. Of course na-offend ko siya sa mga sinabi ko kanina.
Rain: I know it’s wrong to judge your intention. But just worried for my brother.
Leo: Seen.
Rain: Sorry…
Hindi lumipas ang ilang segundo nagreply siya.
Leo: Ayos lang. Hindi ka na galit?
Sumandal ako sa couch, nakanguso.
Siya nga dapat ang galit sa akin dahil sa pag-aakusa ko sa kaniya, hindi ba? Pero iniisip pa niya ang galit ko? Nakakagulat talaga siya minsan.
Mabilis akong nagtipa.
Rain: Hindi na ako galit :)
Leo: Good. Magreply ka na sa akin palagi.
Tumawa ako.
Rain: Oo na. Sige na! Magreview na tayo!
Leo: Okay. May prize ba ako kapag mataas ang score ko sa exam bukas? :D
Umirap ako at nangingiting kinagat ang aking ibabang labi.
Rain: Sige, meron.
Ang bilis niya, mag-type. Parang wala pang isang segundo nagreply na siya.
Leo: Gagalingan ko bukas, Rain…
Sa amin natapat ang pag-che-check ng test papers ng section nila Leo pagkatapos ng exam. Ngayon ko malalaman kung ginalingan niya talaga.
Kinabahan ako! Pano kung bumagsak siya? Ibig sabihin ba nun ‘di ako effective na tutor?
Naku, sasakalin ko talaga siya! Ayus-ayusin lang niya!
“Ipasa niyo na ang mga test papers dito sa unahan kapag tapos niyo na check-an.” Sabi ng teacher namin.
Test paper ni Alyana ang napunta sa akin. Kahit pano mukhang nag-review ang isang ‘to. Though, hindi mataas ang score, pasang naman kahit pa’no.
Nilingon ko si Judith na tapos na rin sa pag-che-check ng hawak niyang exam.
“Kanino ‘yang chinicheck-an mo?”
“Dun sa kaibigan ni Leo na isa pang basagulero! Si Rusty!”
Luminga ako sa paligid. Gusto ko sanang ipagtanong ang papel niya pero baka ano isipin ng mga kaklase ko.
Bumalik ang tingin ko kay Judith. “Hey.”
Tiningnan niya ako. “Bakit?”
“Pagtanong mo nga kung na kanino yung papel ni Leo…” bulong ko sa kaniya.
Umangat ang kilay niya sa akin. Umikot ang eyeballs ko. Kung ano-anu naman iniisip nito!
“Gusto ko lang malaman kung pumasa siya. I’m his tutor, remember?”
“Hmp! Oo na lang. Sinabi mo, eh!” Umirap siya at tumayo. “Na kanino ang papel ng pinsan ko?! Patingin ako ng score!”
Lumingon ang mga kaklase namin sa kaniya. Mayamaya lumapit ang may hawak sa test paper ni Leo. Kinuha iyon ni Judith. Nauna pa niyang tiningnan iyon!
“Anong score? Pasado ba?”
“You wont believed this!” Bulaslas niyang nanlalaki ang mata.
“Patingin nga…” kinuha ko ang test paper sa kaniya. Namilog ang mata ko.
OMG! He aced the exam!
Isa-isa nang tinawag ang score from lowest to highest. I can’t believed na pangatlo sa mataas na marka si Leo. Ginalingan niya nga talaga!
“Grabeee! Kung alam ko lang na effective ka palang tutor sa’yo na ako nagpaturo! Mas mataas pa mga score ni Leo kaysa sa core ko eh!” Maktol ni Judith.
Ngumisi ako. “Inuuna mo kasi ang pakikipag-date. Ayan tuloy…”
“Hay, naku! Hindi kaya nangodiko at nangopya yung si Leo. Imposible talaga yan.” Kontra ni Fatima.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. “May utak siya. Talaga lang di siya nag-aaral noon kaya ganun ang mga score niya.”
“Uyyyy! Pinagtatanggol!” Pang-aasar ni Judith. “Magiging totoo na ba tayong magpinsan niyan?”
Fatima snorted. “Malabo pa sa grado nitong mata ko na mangyari yan!”
Nagtatalo na naman sila. Hindi ko alam pano naging magkaibigan ang dalawang ito. Palagi namang magkasalungat.
Napapailing na dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng aking uniform nang maramdaman kong mag-vibrate iyon. May chat galing kay Leo.
Leo: Guess what?
Mabilis akong nagreply.
Rain: What?
Nagtanong pa rin ako kahit alam ko naman ang sasabihin niya.
Leo: I aced the exam :)
Rain: I know. Kami ang nagcheck ng papers niyo.
Rain: You did a great job, Villamonte :)
Siniko ako ni Judith. Napalingon ako sa kaniya.
“May naghihintay ata sayo.”
Sinundan ko ng tingin ang nginunguso niya at nakitang nakasandal si Leo sa gilid ng pathway.
He’s waiting for someone…
Nag-angat si Leo ng tingin at diretso sa akin ang mga mata niya. His face lit up. “Rain!”
“Iba na talaga yan!” Bulong ni Judith sa akin. “Lumiliwanag na ang mukha, eh!”
Sinaway ko siya ng tingin.
Huminto sa harapan si Leo. Parang on cue na hinawakan ni Judith sa braso si Fatima at hinila paalis.
Lumingon ako at pinanlakihan ng tingin ang dalawang kaibigan ko. Halata sa mukha ni Fatima na ayaw niyang umalis. Pero wala siyang magawa sa paghila ni Judith.
“Una na kami! Leo! Hindi ka sasabay pauwi?”
Tinanaw ni Leo ang pinsan niya. “Hindi! Mamaya na ako uuwi!”
“Sige! Enjoy kayooo! Bye!”
Sinamaan ko ng tingin si Judith. Anong enjoy pinagsasabi niya!
Humalakhak si Leo. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
“Kanina pa kita hinihintay.”
“At bakit mo naman ako inaantay?”
“Bata ka pa pero makakalimutin ka na ata, Montero.” Ngumisi siya sa akin. “Yung prize ko? Nasan?”
Syempre ‘di ko nakalimutan ‘yon. Marunong ako tumupad sa sinabi ko, ‘no.
“Hmmm… tara.” Pag-aya ko sa kaniya.
Nilampasan ko siya at nanguna na akong lumakad.
“Saan tayo?” Nagtatakang tanong niya.
“Sa prize ko sayo! Ano pa ba!”
Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
“Ayaw mo?”
Natawa ako nang mabilis siyang sumunod sa akin…