Kabanata 8

2450 Words
"Buksan mo na mata mo," utos ko kay Leo. Dumilat siya at bumaba ang tingin sa hawak ko. Dito ko siya hinila sa convinience store malapit lang sa school namin. And what is the perfect to celebrate a milestone? "Ice cream!" Ani kong itinaas ang dalawang hawak na cone. "Ice cream... ang surprise mo sa akin?" Kumunot ang noo ko. Huh? Bakit nag-eexpect pa ba siya ng ibang surprise? "Oo, ayaw mo ba? Sige 'wag na lang—" "Hindi! Gusto ko 'yan!" Sabi niyang mabilis na kinuha ang isang cone sa kamay ko. Inirapan ko siya. Tumawa naman si Leo at niyaya na akong humanap ng mauupuan namin. Nakakita kami ng bakanteng pwesto paharap sa salamin na pader. We sat there, eating our ice cream. "Nag-aral ka talaga, huh..." komento ko habang dinidilaan ang ice cream ko. "Oo, may usapan kasi kami ni daddy at saka sabi mo may prize ako sa'yo, eh." "Meron naman, ah? Ayan na nga ko. Mauubos mo na." Turo ko sa ice cream niya. Tumawa siya sa sinabi ko. "Akala ko may iba pang prize." Umangat ang kilay ko. "Ako na nga nagturo sa'yo para pumasa ka at walang bayad iyon. Nagrereklamo ka pa?" He chuckled again. "Biro lang. Masaya na ako rito sa ice cream mo." "Mabuti naman." Umirap ako. "Ano bang... usapan niyo ni gov? Bakit eager kang makapasa sa exam?" Harmless question naman iyon. Kung 'di niya sagutin, ayos lang rin naman. Na-cu-curious lang ako. Last time nabanggit niya rin iyon ang tungkol doon. "Basta.... Ipapakita ko na lang sa'yo kapag ibinigay na sa akin ni daddy. Siguro sa susunod na linggo iyon. Nakita na niya ang scores ko." Ibibigay? So, meaning... bagay ang hiniling niya? Cellphone siguro? Ngumisi ako. "Sigurado nagulat si Gov, no?" Tumawa siya at napahawak sa kaniyang batok. "Akala nga nila nangopya ako. Pati sila Kuya nagtaka." "Nakakapagpataka naman talaga. Ako nga rin na nagturo sayo nagulat! Pangatlo sa mataas na score." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Hindi mo naman iniisip na nangodiko ako?" Confident akong umiling. "Hindi. I know you can do it. Pinaghirap natin 'yon, eh! At proud ako sa'yo." Nakita kong natigilan siya. Napatitig siya sa mukha ko bago unti-unting ngumiti. "Salamat. Kahit ganito ako, may isa akong salita, Rain. Kapag sinabi ko, kahit anong mangyari gagawin ko." Lahat ng tao may bad points at good points. And Leo's good traits is something I admire the most. Ang mga taong may isang salita kasi sila yung may prinsipyo sa buhay. Ngumiti ako. "Good for you then." Tumawa siya. "Naniwala na rin naman sila daddy na mataas talaga ang score dahil sinabi kong tinututor mo ako." Umawang ang labi ko. "Sinabi mo pa sa kanila? Sana hindi na lang." "Huh? Bakit naman?" Mamaya ay kung ano pang isipin ng pamilya niya sa'min. I mean, hindi kami malapit sa isat isa. But wait, I can tell them that we're friends too since kaibigan ko si Judith. "Wala. Ubusin na nga natin tong ice cream." Umiling ako at tumanaw sa labas ng salamin na pader. Natanaw kong tumatawid sa kalsada ang mga kaibigan ni Leo. Unang nakakita sa amin si Alyana. Siniko niya si Rusty at tinuro ang kinaroroona namin. Nilingon ko si Leo. Akala ko nakita niya rin ang mga kaibigan niya. Pero pagtingin ko sa kaniya nahuli kong nakatingin pala siya sa akin kaya 'di niya sila napansin. Tinaasan ko siya ng kilay. Mauuna pa akong matunaw sa titig niya kaysa sa ice cream na kinakain ko. Sa totoo lang, hindi na ako na-co-concious kapag nahuhuli ko siyang ganyan. Nasanay na ako na lagi niyang akong tinititigan ng palihim. "Yung mga kaibigan mo parating," sabi ko at tinuro ang labas ng salamin na pader. Maaga ang uwian ngayon dahil may seminar ang mga teachers. Free time gumala ang mga estudyante. Lumingon si Leo. Kinawayan siya ni Rusty at Jack. Nanguna silang pumasok sa convenience store kasunod sina Alyana at Rika. "Hinahanap ka namin sa school!" Bungad ni Rusty nang makalapit sa'min. Tinapik niya sa balikat si Leo. "Sama ka? Pupunta kaming bilyaran." Tipid na tinanguhan ko ang mga kaibigan niya bago ibinalik ang aking tingin sa labas ng salaming pader. "Hindi ako pwede, eh. Busy ako," sagot ni Leo sa kanila. "Busy? Tapos na exam! Balita namin ang taas ng nakuha mong score, ah!" Ani Jack. Tumawa si Leo. Nakita ko sa sulok ng aking mata na sinulyapan niya ako. "Magaling kasi yung tutor ko." "Pa-tutor nga rin kami diyan sa tutor mo..." Ani Rusty sa nang-aasar na tono. Tinawanan siya ni Jack. Nanatili akong nakatalikod sa kanila. Nagpapakabusy sa pag-kain ng ice cream ko rito. Pero ramdam ko ang ngisi ni Rusty at Jack. Yung ngising, walang gagawing tama sa buhay niya. Hindi ako snob. Pero hindi rin ako friendly. Kung makikipag-usap sila sakin kakausapin ko rin naman sila. "Sumama ka naman sa'min. Ang tagal na nating hindi nag-chi-chill. Palagi ka na lang wala sa lakad ng barkada." Mahabang litanya ni Alyana. Nilingon ako ni Leo. "Kayo na lang. Ihahatid ko pa si Rain pauwi, eh." "Edi, sumunod ka na lang after mo siyang ihatid. Hanggang mamayang gabi pa naman kami do'n." Tahimik lang ako na nakikinig sa pag-uusap nila. Kung sasama si Leo sa kanila, ayos lang sa'kin. Pwede naman akong umuwi mag-isa. Hindi rin naman niya ako kailangang ihatid sa'min. "Gusto mo isama mo na lang si Rain," suhestiyon ni Rika. Sumulyap ako kay Leo at nakita kong nagsalubong ang kilay niya. "Hindi ko siya isasama dun," matigas niyang sagot sa mga kaibigan niya. "Kayo na lang. Ayokong sumama." Hindi na nagpumilit pa ang mga kaibigan niya nang mapagtantong hindi talaga nila mapapasunod ni Leo. Nagpaalam sa akin sina Rusty, Jack at Rika kaya nilingon at nginitian ko sila. Si Alyana lang ang tanging 'di ako pinansin. Nakita kong sumimangot pa siya paglabas nila ng convenience store. "Bakit 'di ka sumama sa mga kaibigan mo?" Tanong ko kay Leo. "Nag-ce-celebrate tayo. At saka wala ako sa mood uminom at mag-bilyar." Patamad niyang sinabi. Si Leo walang ganang magbisyo? That's new. "Celebrate, hmm..." patango-tango akong sumalumbaba at tumingin sa labas ng salamin na pader. "Bakit? Hindi ba?" lumingon siya sa akin at tinitigan na naman ako. "Pwede ka namang sumunod sa kanila tulad ng suggestion ni Alyana. Baka magalit sila sa'yo..." "Edi, magalit sila. Wala naman akong pakialam sa kanila. Sasama ako kung sino ang gusto kong samahan." His voice was full of conviction. Akala mo may pinaglalaban siya. "They are your friends. Mamaya kung ano pa ang isipin nila sa'tin..." "Ano namang iisipin nila?" Ano nga bang iisipin nila? And why do I care what they will think about us? As if naman may ginagawa kaming hindi tama. I'm just trying to help him. At siya rin naman ang humiling no'n sa'kin. Hindi ko siya kusang tinulungan. Kinibit ko ang aking mga balikat. "Ewan ko... baka isipin nila pinagbabawalan kita..." Nakatitig siya sa akin. Unti-unti siyang ngumingiti. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ganyan ka makatingin?" "Wala lang. Mas gusto kong isipin nila na pinagbabawalan mo 'ko para 'di na nila ako yayaing uminom at manigarilyo." Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Hindi mo ba sila matanggihan kapag isinasama ka nila? Are they forcing you?" Mukha namang hindi siya yung tipong mapipilit sa ayaw niya. He has strong personality. Parang lider-lider nga siya sa grupo nila. Kung may mamimilit man sa kanila, si Leo 'yon. "Kaya kong hindi-an kahit sino. Everyone who knows me, alam nilang kapag ayaw ko wala silang magagawa do'n." "So, bakit gusto mo pa akong gawing alibi?" Tumawa siya. Tinitigan niya ako at tinukod ang siko sa lamesa. Yumuko siya at bahagyang nilapit ang mukha sa akin. Bumilis ang pintig ng dibdib ko. Masyado siyang malapit sa akin. Naamoy ko na ang hininga niyang amoy strawberry dahil sa flavor ng ice cream na kinain niya. Nanatili pa rin ako sa pwesto kong nakasalumbaba habang nakabaling sa kaniya. Hindi ko pinahalata na medyo affected ako sa paglapit niya sa akin. "Gusto kong isipin nilang ikaw lang ang may kayang magpasunod sa akin..." Umangat ang kilay ko. "Why is that?" Hinaplos ni Leo ang likod ng batok. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi, nagpipigil na mapangiti na naman. "Bakit nga ba sa tingin mo... you're smart enough to know what I'm talking about, Rain..." Of course I know. . . I'm aware of what he really feels for me. Sa paraan ng pagtitig niya kapag ‘di ako nakatingin, nararamdaman at nakikita ko rin sa kilos at salita niya. Tumaas ang sulok ng labi ko. Inirapan ko siya. I heard him laughed. Magmula ng araw na 'yon, madalas nang nakabuntot sa'kin si Leo. Para siyang tutang mapapahiwalay sa amo niya. Kapag lunch break kasabay namin siyang kumain sa canteen. Kung vacant naman, tumatabi siya sa'kin sa library. Sa uwian, isinasabay nila ako ni Judith. "Rain!" Napalingon ako kay Leo na tumawag sa aking pangalan. Sa lakas ng boses niya napalingon lahat ng naglalakad dito sa hallway. Hinintay ko siyang makalapit. "Dadaanan kita mamaya, ah?" Tumango ako. Pumunta pa siya rito. Usapan naman talaga namin iyon kahapon pa. May ipapakita raw siya sa'kin. Wala akong idea kung ano. "Oo nga. Sige na. Babalik na kami sa classroom namin. Bumalik na rin kayo." Kasama niya si Rusty at Jack. Nakatayo ang dalawa sa likuran niya. "Mauna ka na umuwi, ah." Baling ni Leo kay Judith. Ngumisi si Judith. "May date kayo?" Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Anong date? May ipapakita lang siya sa akin." "Okay sabi mo, eh..." ngising aso si Judith. Tumawa naman si Leo. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Minsan sa tinginan pa lang parang nagkakaintindihan na silang magpinsan! Tinatanong ko si Judith kung anong ibig sabihin ng mga pasimpleng ngisihan nila. Ayaw umamin! "Sige na... mamaya na lang. Bye na!" Tumalikod na ako at inaya ang dalawa kong kaibigan paalis. "Kakaiba 'yang aso mo, kahit ata pumunta ka sa ibang planeta nakasunod 'yan sa'yo!" Tumawa si Judith. "Tss!" Naiiritang umismid ni Fatima. "Kailan mo ba papatigilin sa pagbuntot sa'yo 'yang si Leo, Rain? Mamaya isipin ng iba na mag-syota kayo!" Wala pa naman akong naririnig na ganong issue. And I don't really care about it. Wala naman akong ginagawang masama. And Leo is just hanging out with us. Pinsan rin siya ni Judith. Wala akong nakikitang problema doon. "Ano naman kung isipin yon ng mga tao? As if may boyfriend si Rain at may girlfriend si Leo!" "May kasama lang yung pinsan mo sa Toledo, ah?" "Wala na sila nun bago pa niya buntot-buntutan itong si Rain! At 'di naman iyon sineryoso ni Leo. Tinikman lang niya." Nag-init ang pisngi ko. Wala akong karanasan sa ganoong bagay. But I'm that not naive. Alam kong may mga kaedad at kaklase akong ginagawa na ang pre-marital s*x. Inawat ko na sila bago pa mauwi sa isang mainit na argumento. Pagdating ng uwian, dinaanan ako ni Leo. Paglabas ko ng classroom naghihintay na siya sa akin. Nilapitan namin siya ni Judith. Humiwalay na sa amin si Fatima dahil magkikita sila ng daddy niya sa plaza. Kami namang tatlo dumiretso na papunta sa parking lot. Naglalakad kami sa pathway nang makita namin si Jordan na naghihintay doon. Nilingon ko si Judith. Her face lit up. "Bakit naghihintay yan? Baka isumbong ka ni Leo." Bulong ko sa kaniya. Sinulyapan ko si Leo. Mukhang balewala sa kaniya si Jordan. Ngumisi si Judith. "Hindi 'yan... may usapan na kami." Kumunot ang noo ko. "Anong usapan—" Di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla siyang hinila ni Jordan sa kamay. Niyakap kaagad nito ang braso sa beywang ni Judith. Umawang ang labi ko nang halos magyakapan na sila sa harapan namin. Nilingon ko si Leo. Nagkibit siya ng balikat. "Tara." Bumalik ang tingin ko kay Judith na ngayon panay ang bungisngis at iwas sa halik ni Jordan sa pisngi niya. Ngayon ko lang sila nakitang ganito kalapit! Pano kung may makakitang teachers at kaklase namin sa kanila. Sasawayin ko sana sila pero hinawakan ni Leo ang kamay ko at hinila na ako paalis. "Huy! Sandali!" nilingon ko si Judith. Kumaway siya sa'min at ngumisi. "Bye! Enjoy!" Hinila na rin siya ni Jordan sa direksyon papunta sa likod ng gym! "Leo! Seriously? Iiwan natin si Judith at Jordan!" Huminto ako at pumihit paharap sa kaniya. "Pano kung may gawin iyong masama sa pinsan mo?" "Alam na nila ang tama at mali, Rain. Matanda na yan si Judith. If they ever do the deeds, nasa kanila na yon." Nanlaki ang mata ko at nag-init ang aking pisngi. He said it like it was a normal thing to do! Na parang simpleng bagay lang 'yon! Gosh! Ganito ba talaga kapag lumaki sa ibang bansa? Liberated masyado ang mindset? Ako kasi wala pa iyon sa isip ko! And If ever na gagawin ko yon dapat sa taong pakakasalan ko! Just like my mom! Humalakhak si Leo habang pinagmamasdan ang mukha ko. Inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. "Kapag si Judith talaga nabuntis ng wala sa oras, ewan ko na lang!" Pananakot ko sa kaniya. "Tingin ko ay marunong naman silang gumamit ng proteksyon. Itinuro naman iyon sa s*x ed. Elementary pa nga lang ako alam ko na kung pano yon gamitin—" "Enough! Halika na nga! Asan ba yung ipapakita mo!" Tinalikuran at nilayasan ko na siya. Gosh! Elementary? Sobrang bata pa niya nun! Kinikilabutan ako sa kaniya! Narinig kong humalakhak si Leo sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin. Naglakad lang ako hanggang sa hawakan niya ang braso ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya. "This is what I wanted to show you." Tumingala ako kay Leo. Itinaas niya ang hawak na susi. May pinindot siya doon at tumunog ang sasakyan na nasa harapan namin. Lumingon ako sa itim na sports car bago binalik ang tingin sa kaniya. "May kotse ka na?" "Oo! Pinayagan na ako ni daddy mag-drive! Ito yung kapalit ng matataas na score ko sa exam!" Namilog ang mata ko. "Good for you! Congrats!" Ngumiti siya. "Thank you! Kundi dahil sayo di ko makukuha tong kotse!" "Wala iyon. It's all your hardwork. Kahit naman anong turo ko sayo kung di mo iniintindi walang mangyayari." "Kung hindi ikaw ang nagturo sa akin ‘di ako makikinig." "Ewan ko sayo..." Inirapan ko siya at tinalikuran para itagong napapangiti na ako. He’s really good with lines. Lumingon ako sa kaniya paghinto sa pinto ng front passenger seat. “Isasakay mo ba ako sa kotse mo o hindi?” Humalakhak siya bago naglakad papunta sa’kin. He then opened the door beside me. “Iyan ang rason bakit kita dinala dito… dahil ikaw ang gusto kong unang tao na maisakay sa kotse ko…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD