Malamig ang aircon. Tumutugtog ang upbeat na music. Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Villamonte. Naglalaro ng billiards sa game room. Maraming arcade games na pwedeng laruin pero ito ang pinili ng mga kaibigan ko.
Tumira si Fatima. Kumalat ang lang ang bola pero walang pumasok kahit isa. Ako ang sumunod. Inasinta ko yung puting bola. Ginalaw ko ang cue stick. Hindi man lang tumama!
Why is it looked easy when daddy and some of my tito are playing?
Naglalaro sila ng billiard na parang ang dali-dali lang. Even Tita Violet knows how to play this! Tinatalo niya nga sila daddy sa larong ito!
"Uy! Ikaw na!" Ani Fatima kay Judith.
Sinulyapan niya kami bago tumipa ulitnsa cellphone. "Mamaya na ako. Kayo muna."
"Sabi mo nandito tayo para mag-relax. Panay naman ang chat mo riyan." Umiirap na tumira si Fatima.
Pinapunta kami rito ni Judith dahil na-bobored daw siya. Pero panay naman ang cellphone niya roon. Malamang si Jordan na naman ang ka-chat niya.
I don't what's happening to them. May tampuhan ata? Kahapon kasi hindi sila nagsabay umuwi.
Anyway, dapat may lakad kami ni Leo. Nagpapasama siya sa akin sa bayan. Hindi ko alam kung anong gagawin niya roon. Last week pa siya nagyayaya.
Kaso nga nagyaya nga rito sa mansion si Judith. Wala namang pasok at natapos ko na yung mga assignments ko kagabi pa, kaya may free time ako. Wala rin akong kasama sa bahay. Umalis si Rumble. May group study. Si mommy at daddy pumasok sa trabaho kahit off nila. Hindi usually na nag-o-overtime ang parents ko. Unless marami talagang trabaho na kailangang matapos.
"Marami bang imbitado doon sa padinner ni Gov at Don Pañello?" Tanong ko kay Juliet.
Umikot ako sa kabilang side ng pool table at tumira.
"I dont know... ang alam ko sabi ni Lolo yung dinner is for the family na lang. May handaan naman sa umaga hanggang hapon."
Well that make sense...
Tuwing fiesta tradisyon nang magkaroon ng handaan dito sa mansion ng mga Villamonte. Bukas ang mansion para sa lahat ng gustong makikain. Taga-labas man o loob ng Valeria.
"Hello, Girls!"
Lumingon kami kay Ate Leanne na kadarating lang. She's wearing color beige sweatshirts and shorts. Her hair was a bit dump. Wala marahil pasok sa opisina ni Gov kaya narito din sa mansion.
Kumuha siya ng cue stick at lumapit sa amin.
"Sabi ni Manang Fe nandito daw kayo."
Nginitian namin siya ni Fatima. Nong di pa siya nagtatrabaho kay Gov, nakakabonding namin siya kapag nandito kami sa mansion.
She's nice and kind. Marami siyang kwento tungkol sa college life at yung panahon na nagtrabaho siya sa Maynila. She's like the sister I've never had.
"Hello, Ate!" Bati ko sa kaniya.
Nginitian niya ako. "Nasaan si Leo?"
Ha? Bakit ako ang tinatanong niya?
Lumingon sa akin si Ate Leanne. She has this playful smirk on her face. It's like she knows something that I didn't know!
Tumawa siya. "Naririnig ko hatid-sunod ka raw ng kapatid ko na 'yon, ah..."
Nag-init ang aking pisngi ko. Gusto ko itanggi pero totoo naman kasi!
Halos araw-araw akong dinadaanan ni Leo pagpapasok siya sa school at hinihintay naman sa uwian. I told him not to wait for me. At umuwi na siya mag-isa.
Kaso hindi naman nakikinig si Leo. Magugulat na lang ako naghihintay na siya sa labas ng classroom namin. Sinasabay rin naman niya si Judith. Pero mas madalas na kaming dalawa lang ang sakay ng kotse niya. Dahil may sariling driver at sasakyan si Judith na si tito danny ang nag-hire.
"Dinaanan niya lang ako, Ate. Kasama si Judith."
Sinulyapan ko si Judith. Mula sa pagtipa, lumingon siya at nagngising aso. Umirap ako sa kaniya. Palagi niya akong inaasar kay Leo! Malapit ko na isipin na pinagtutulakan ako nito sa pinsan niya eh!
Bumalik ang tingin ko kay Ate Leanne. Ngumisi siya sa akin bago tumira. Pumasok ang dalawang bola.
"Anyway, sasali ka ba sa music laban?"
"Kailan nga iyon, Ate?"
"This coming week."
My brow furrowed. "May elimination pang magaganap?"
Tumingala siya, napapaisip. "I think yes... sa monday 'ata ang umpisa ng elimination round."
Ngayon ko na lang rin naalala ang tungkol sa contest na 'yon. I had a busy week. Exam and club activities. Idagdag pa 'yung pag-tutor ko kay Leo.
"Nagpaalam ka na sa parents mo?"
Umiling ako. "Hindi ko pa nasasabi kay mommy at daddy, Ate. They are both busy rin kasi... 'di na lang siguro ako sasali."
Nilingon niya ako. "Sayang naman. Minsan lang ito. Malaki pa ang cash prize."
Nanghihinayang rin ako pero hindi sa prize kundi sa experience at thrill. Being on stage performing, felt fulfilling for me. Seeing I connect with the audience is incredibly rewarding. Every performance is a chance to share something special and memorable with others.
Ang tagal na rin nung huling beses akong sumali sa contest. I think, last year pa 'yon. Nakakamiss magrinig ang crowd na nag-che-cheer sa pangalan ko.
"Sumali ka na. Nag-invite yung organizer ng dalawang music producer at isang talent scout from huge TV network para maging judge. Malay mo ma-discover ka. You have the talent, looks and charm. A few years from now, tiyak na makikita ka na namin sa TV."
"Naku, Ate Leanne! Hindi na kailangan ni Rain ng talent scout! Malakas ang kapit niyan! May Ninong siyang director at may ari ng talent management! Sikat na artista 'yon noon! Crush nga ni Mama! What's his name..."
Sinaway ko ng tingin si Judith. It's true that Tito Levi can help me with my singing career. Marami siyang connection. Tinatanong nga niya ako kung gusto kong pumasok sa sa girlgroup, na ilalaunch this year. Hindi na ako dadaan sa audition at diretso training na.
But training like that is intense. Kailangan tutok ang buong atensyon at oras mo. So, I declined. Ayaw pa rin muna ni mommy at daddy na mag-fulltime ako sa career na gusto ko. Kahit full support sila sa passion at talent ko, they still want me to finish my studies.
Hindi ko rin gusto na parang ihahain na lang ang lahat sa akin. I want to climb the ladder. Gusto ko yung magsisimula ako sa ibaba. At gradual na aakyat sa itaas.
I have this belief na kapag 'di mo pinaghirapan na makuha ang isang bagay, hindi mo 'yon gaanong pahahalagahan.
"Levi Vasquez," ani Fatima kay Judith. "Crush din 'yon ni Mama! Nung kapanahunan daw nun, sobrang gwapo. Pero gwapo pa rin ata ngayon. Baliw na baliw pa rin si Mama dun, eh!"
I cant blame their mom's though. Mommy also had a crush on Tito Levi, nung 'di pa niya kilala si daddy. Sinabi sa akin ni Tita Violet.
"Well, opportunity pa rin naman ito at exposure na rin. Mas marami nga, mas maganda. Malay mo after five years, ang contest na ito ang makatulong sa gusto mong career..."
"Sige, Ate. Pag-iisipan ko po..." ani ko.
Naglaro pa kami ng isang game bago nagpaalam na si Ate Leanne na may gagawin siya. Dumating naman si Leo kasama si Rusty at Jordan.
Tumawa siya nang makitang hindi ko tinamaan ng cue stick yung bolang pamato.
"Ganito kasi..." lumapit sa akin si Leo at kinuha ang cue stick. Humanda siya sa pagtira.
Tumingin si Leo sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa siya ng bahagya bago tumira. Smooth na tinamaan ang number 9 na bola at diretso iyon na pumasok sa hole.
Mayabang na nginisihan niya ako.
"Ang yabang mo..."
Tumawa siya at pumwesto sa tabi ko. "Gusto mo turuan kita?"
Ngumuso ako umirap. Natawa na naman siya.
"Bat pala ang tagal niyo?" Tanong ni Judith kay Leo.
"Tanong mo si Jordan."
Nilingon ni Judith ang boyfriend niya at tinaasan ng kilay. "Na-late ako ng dating. May inutos pa kasi sa akin si daddy."
Sinundo ni Leo at Rusty si Jordan sa bayan. Hindi kasi nito alam ang daan papunta sa mansion. Natatakot rin si Judith na baka paghinalaan siya kung mag-isang pupunta si Jordan.
"Hmmmp! Di na ako magtatampo kung may pasalubong ka sa akin."
"May dala ako sa'yo." Nilabas ni Jordan ang isang balot ng chocnut sa bulsa.
Tumili si Judith at yumakap sa leeg nito na akala mo diamond neckless ang ibigay sa kaniya.
"Ah! You really know my favorite talaga!"
Umikot ang mata ni Fatima habang nakatingin kay Judith at Jordan. Diring-diri ang itsura niya. Natawa tuloy ako.
"Tara na. Laro tayo. Gusto mo dun sa basketball?" Pag-aaya ni Leo sa akin.
Nilingon ko si Fatima. "Wala siyang kasama."
Sinulyapan ni Leo si Rusty. Kunot ang noong nakatingin ito kay Judith at Jordan. Parang first time makakita ng sweet na couple. Sanay siguro itong ibang tagpo ang nasa isip.
Teka nga! Bakit ba kung ano-ano ang iniisip ko rito!
Nakuha ni Leo ang atensyon ni Rusty. He gestured Fatima to him. Suhestiyon ni Judith na magsama si Leo ng isang kaibigan kapag makakasama kami.
Ewan ko anong pumapasok sa isip nilang mag-pinsan para ireto itong Rusty kay Fatima.
The way Rusty survey Fatima, kita ko nang hindi niya type ang kaibigan ko.
Tiningala ko si Leo. May sinabi siya kay Rusty na di ko maintindihan. Parang tinakot na ewan. Bigla na lang kasing nilapitan ni Rusty si Fatima at kinausap.
"Problem solved." Bulong ni Leo sa akin. "Tara. Dun tayo sa basketball."
Nilingon ko pa si Fatima bago sumunod na lang sa kaniya. Sunod-sunod siyang nag-shoot ng bola. Alam ko, nagpapa-impress siya sa akin. Kada kasi naipapasok niya yon ngumingisi siya.
"Alam na alam mo na 'yan, eh. Nagyayabang ka pa sa'kin. If I know, araw-araw kang naglalaro nito."
Tumawa siya. "Hindi. Magaling lang talaga ako. Gusto mo, nood ka ng laro namin para makita mo. O, sige kahit itanong mo na lang kay Rum."
Kay Rum pa talaga ako magtatanong. Minsan lang pumuri ang kapatid ko, at kasama pa si Leo sa mga taong pinuri nun.
"Oo na. Iba naman laruin natin!"
"Saan mo gusto?"
Umikot ang tingin ko. Nakangising pumihit ako paharap sa kaniya. "Dance Revo!"
Akala ko ay tatanggi siya. Pero buong presko niyang tinanggap ang challenge ko. Akala niya, ah? I'm good at this! Madalas naming laruin ni Eli nito noon!
"Sige, ikaw na ang pumili ng kanta." Mayabang na sabi niya.
Umingos ako. He was standing behind while I was choosing a song. Itinukod niya ang dalawang kamay sa makabilang gilid ko.
I looked over my shoulder. Tinaasan ko siya ng kilay. He just smiled at me.
Inirapan ko siya. Kainis! Hindi ako makapag-concentrate. Halos yakap na niya ako. Ayaw ko namang mag-react. Sabihin pa niyang affected ako!
"Ito na lang!" Tinulak ko siya palayo sa'kin pag-click ko sa screen.
Pumwesto na ako sa right side at humawak sa handle sa likuran ko. Ilang taon na akong walang practice, but I still remember how does this work!
Nilingon ko si Leo sabay hinawi ang aking buhok.
"Watch and learn!" Mayabang kong sinabi.
He leaned a little closer to me, smirking. "Hmmm... how about this, kapag nanalo ako, I will chose whatevere prize I want? Bet?"
"Eh, kung ako ang manalo?" Nakataas ang kilay na hamon ko.
Hindi naman 'ata tamang siya na lang palagi ang may prize!
"Okay. Then I'm yours..."
Kumurap ako. "Huh?"
"I mean, I'm at your service! Kahit anong iutos mo sa'kin gagawin ko! Ano, deal?"
"Anong prize naman ang gusto mo?"
Syempre dapat alam ko rin kung anong hihingin niya sa'kin. Pa'no kung hindi ko pala kayang ibigay ang hiling niya? Lugi naman ako roon.
"Tsaka ko na sasabihin kung manalo na ako."
"Ha? Ang daya mo naman. Sabihin mo na ngayon--"
Hindi ko natuloy sinasabi ko dahil biglang nag-umpisa yung kanta ni Justin Bieber! Ako pa ang unang magsasayaw. Mabilis gumalaw ang binti ko. Bawat arrow na umiilaw tinatapakan ko. Once I got the groove, automatic na gumalaw.
Lumingon ako kay Leo, ginalaw ko ang aking balakang sabay tinuro siya. Pinagkrus ko ang aking balikat habang pinapanood siya.
Leo started dancing. Gumalaw ang mahaba niyang mga binti. His body moves like a professional dancer.
My jaw dropped. He got a freaking moves! Dadaigin niya si Chris Brown!
Umikot si Leo sabay pinagpag ang balikat sa paraang niyayabangan ako.
Of course hindi ako magpapatalo, no!
I flipped like a pro sabay irap sa kaniya.
Hinawakan niya ang kaniyang panga habang pinagmamasdan akong sumasayaw. Tumatango ang ulo niya na parang sinasabing 'pwede na'
Bumilis ang music. Bumilis rin ang pag-ilaw ng mga arrow. Sabay na kaming nagsasayaw. Walang nagmimintis sa'ming dalawa. Our feet stomping loudly. We're both catching out breath.
Umikot kami ng sabay at humarap sa isa't isa. I clapped on my right side. Leo did on his left. Gumiling ako pakanan. Gumalaw siya pakaliwa. Tumatawa na kami parehas. We're enjoying the music.
Papatapos na ang kanta nang yumuko si Leo. Nagpantay ang mukha namin. Ang pawis sa noo niya ay butil-butil.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko. He then licked his lower lip.
Bumilis pa lalo ang pintig ng dibdib ko. I got distracted. Napaatras ako, I was about to fell on the floor but Leo wrapped his arms around my waist, pulling me closer to him.
Huminto ang kanta. Tumigil rin kami sa pagsasayaw. Hinihingal na nagkatinginan kami. His face inches away from me...
"I won..." he whispered.
Lumunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang akong nawalan ng boses. He was so close!
Tumawa si Judith mula sa likuran namin. "Mamaya na 'yan! Meryenda muna! Huy!"
Bumitiw ako kay Leo at nagmamdaling nilapitan si Judith na ngayon ay ngising aso na.
"Ano iniisip mo?" Defensive na sabi ko.
"Wala naman..." ngumisi siya.
Naupo ako sa tabi ni Fatima. Lumingon siya sa'kin.
"Bat pawis na pawis ka?" Nagtatakang tanong niya.
"Ah, naglaro kami ni Leo sa dance revo. Sandali kukunin ko muna yung bag ko--"
"Kinuha ko na. Here."
Tiningala ko si Leo sa likuran ko at kinuha ang bag ko sa kaniya.
"Thanks..." iniwas ko ang aking tingin. Naghalungkat ako sa bag ko.
Ramdam kong nasa likod ko pa rin siya. Hindi ako lumilingon.
"Pawis na pawis yung likod mo, Rain," ani Fatima. "May dala ka bang pamalit?"
Umiling ako. "Ayos lang, punasan ko na lang ng panyo..."
"Humiram ka na lang sa'kin!" Judith suggested.
"Hindi na, ako na bahala!"
Tiningala ko si Leo. "Bahala?"
"Oo, sandali lang." Lumabas siya ng game room.
Nagkatinginan kami ni Judith. Nagkibit siya ng balikat.
Bumalik si Leo na may dala nang bimpo, tshirt at powder. Inabot niya iyon sa'kin.
"Ayan na lang gamitin mo," aniya.
Niladlad ko ang damit. Lumang jersey shirt iyon na may numerong 15 at apelyedo na Villamonte.
"Damit mo 'to, eh." Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"Oo nga, lumang sports fest shirt ko 'yan. Di ko na ginagamit kaya ayos lang na gamitin mo."
Bumaba ang tingin ko sa tshirt. Mukha iyong malaki sa'kin. But this will do though.
Tumango ako at tumayo. "Sige, palit lang ako."
Sumama sa'kin si Fatima papunta ngrestroom. Hindi na kami lumabas dahil meron na dito mismo sa game room.
I changed into Leo's shirt. Just I expected malaki nga sa akin. Pero ayos lang. itinali ko na lang iyon sa may beywang.
Paglabas ko ng cubicle, naabutan ko si Fatima na nag-a-apply ng liptints and facepowder.
"That's new, hmm..." I told her.
Hindi kasi siya mahilig maglagay ng kahit anong kolorete sa mukha dati.
Umirap siya at sinulyapan ang suot ko. "Really, Rain? Sinuot mo talaga yan? Pano kung may B.O yang si Leo? Edi, nahawa ka pa!"
Inamoy ko ang damit sa bandang kili-kili. "Wala namang amoy."
"Ang sabi ni mommy, kahit daw nilabhan na kapag ginamit mo ang damit nang may b.o pwede ka pa rin mahawa!"
Madalas na magkasama kami ni Leo. Tumatabi rin siya sa akin lagi. Wala naman akong naamoy. He actually smells minty and fruity at the same time. Siya lang ang may amoy na gano'n. Kahit piringan ata ako, mahuhulaan ko si Leo, dahil sa amoy niya na nakabisado ko na.
"Wala siyang b.o," I told her and tied my hair in a messy bun. Nag-retouch na rin ako ng kaunti bago kami lumabas.
I saw Leo outside waiting for us. Kasama niya si Rusty. Nang makita nila kami kaagad siyang tumingin sa akin. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang suot ko.
"Ayos lang pala sa'yo." Sabi niyang nangingiti pa rin.
"Malaki nga sa'kin. Tinali ko na lang dito." Tinuro ko ang gilid ko.
Nilapitan na namin si Judith at Jordan doon sa may couch. Naglalambingan na naman sila. Pasalamat si Judith, walang CCTV dito sa game room. Kundi nabuking siya ni Tito Danny.
"Kain na kayo! Dumating na yung in-order ni Leo!"
Tinuro ni Judith ang mga pagkain sa center table. May dalawang box ng pizza doon at fries.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Leo sa'kin.
Kinuha niya ang paper plate.
Dalawang flavor ng pizza ang in-order niya. Isang four cheese at garlic shrimp. Alergic ako sa shrimp at may lactose intolerance.
Kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Yung four cheese na lang—"
"Hindi pwede kay Rain 'yang in-order mo. Alergic siya sa seafoods at lactose intolerance." Komento ni Fatima.
Ano ba yan, dapat hindi na lang niya sinabi. Pwede naman akong kumain kahit konti.
Napahinto si Leo na kumukuha na ng pizza para sa akin. Nilingon niya ako.
"Bawal sa'yo 'to..."
Umiling ako. "Ayos lang. Pwede akong kumain kahit konti..."
"Naku! Eh, kung atakihin ka ng alergy mo! Wag na." Saway ni Fatima sa'kin.
Binalingan ni Leo si Judith. Apologetic itong ngumiti.
"Sorry naman. Nawala sa isip ko..."
"O-order na lang ako ng bago."
Inawat ko si Leo. "Huwag na. Ito na lang fries ang kakainin ko. Busog pa naman rin ako. Kumain ako sa amin bago umalis."
Sumandal siya tabi ko at nilabas ang cellphone sa bulsa. "Anong gusto mo?"
"Huwag na nga—"
"Yan na lang ang prize ko."
Lumingon ako sa kaniya. "Anong prize?"
"Nanalo ako sa dance revo, di ba?"
"Ha? You tricked me. Kaya ka nanalo!"
Tumawa siya. "Kapag talo, talo talaga! Walang dayaan dun. Pili ka na. Ayoko kumain kung 'di ka rin kakain."
"Edi huwag." Hamon ko sa kaniya.
"Hindi pa ako nananghalian. Matitiis mo ako?" He smiled at me, innocently.
Umirap ako at padabog na kinuha ang cellphone sa kaniya. Kinonsensya pa ako! Tumawa siya.
Tahimik akong nag-scroll sa cell phone ni Leo habang nag-uusap usap sila.
"Oh! Sasali rin si Nanette? Pinipilit nga ni Ate Leanne na sumali itong si Rain," ani Juliet.
Madalas kong makalaban sa mga singing contest dito sa Valeria ang ate ni Jordan. Dati rin siyang nag-aaral sa VNHS. Dapat ay kolehiyo na ito kasi nabuntis ng maaga. She's the biritera type. Ilang beses niya rin akong tinalo noon. Given naman iyon dahil mas matanda at mas marami siyang experience sa'kin.
"Magkalaban na naman 'ata si Ate at Rain," sabi ni Jordan.
"Hindi ako sasali sa contest..."
Inilapit ni Leo ang ulo sa balikat ko. "Bakit di ka sasali?"
Sinulyapan ko siya. "Busy si mommy at daddy..."
"Wala kang kasama?"
Tumango ako at binalik ang screen ang tingin. "Yeah. Mahirap kapag mag-isa lang ako. Hindi ako makakalabas sa backstage kung may kailangang gawin or bilhin."
"Hmm..."
Hindi na siya nagsalita ulit.
Pumili naman ako ng pagkain. Single size na pizza lang ang gusto ko pero sinamahan iyon ni Leo ng pasta na chicken. Kumain lang rin siya nang dumating ang pagkain ko.
Naglaro ulit kami ng billiards after namin magmeryenda. Pairing ang gusto nila. Suhestiyon ni Rusty na by groupings na lang.
Ako si Judith at Rusty ang naging magkakakampi. Si Jordan, Fatima at Leo naman sa kabila.
"Ayusin mo naman! Tambak na tayo!" Sermon ni Judith kay Rusty.
"Nahiya naman ako sa inyo. Ako lang gumagawa ng score." Sarcastic na sabi niya.
Napangiwi ako. That's true. Puro mintis ang tira namin ni Judith. Unlike kina Leo. Si Fatima lang ang nagmimintis. Pero dahil sa coaching ni Leo, nakakapuntos na rin siya.
"Galingan niyo naman!" Mayabang na sabi ni Leo sa amin.
Dumaan si Fatima sa harapan naman sabay ngumisi. Humanda siya sa pagtira. Nilingon pa niya si Leo.
"Tama ba 'to? Ganito ba?"
Nilapitan ni Leo si Fatima. Yumuko siya ng kaunti. Sinipat niya ang bola bago inayos ang kamay ni Fatima.
"Like that."
Nilingon pa siya ulit ni Fatima bago tumira. Pumasok ang bolang aim niya.
"Ang galing ko na!" Tili ni Fatima.
"Nice! Gumagaling ka na!"
Nag-apir ang dalawa. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila.
"Ikaw na, Rain." Siniko ako ni Judith.
Naglakad ako palapit sa pool table. Tumira ako. Syempre, nagmintis na naman! I sucked at this!
Lumingon ako sa kalaban naming grupo. Nanahimik si Jordan, dahil ang sama ng tingin ni Judith sa kaniya. Nag-apir naman si Leo at Fatima sabay tumawa. Nairita ako bigla.
Sumandal ako sa gilid. Pinagkrus ko ang braso sa'king dibdib. Hindi na ako ngumingiti or nang-iirap kapag nang-aasar sila. Wala akong expression.
Tinatawanan pa niya ako, ah? Kung hindi ko kaya siya diyan i-tutor?!
"Wala na ba kayong mas igagaling pa diyan?" Pang-aasar ni Leo.
"Sige lang, mang-asar ka pa!" Humalakhak si Judith. Sumulyap siya sa akin sabay nag-ngising aso.
Wala naman akong pakialam sa kanila. Pinagmamasdan ko ang posisyon ni Fatima doon sa pool table. Gagayahin ko 'yon. Kapag pumasok ang bola ko, masampal sila talaga!
"Leo," tawag ni Fatima kay Leo. "Ayos na 'to?"
Lumapit ulit si Leo at inayos na naman posisyon ni Fatima. Nagsalubong ang kilay ko.
Humalakhak si Judith. Paglingon ko sa kaniya may ibinulong siya kay Rusty. Nagkatinginan silang dalawa. Parang nagkakaintindihan ang titig nila.
"Ayan, ayos na," sabi ni Leo kay Fatima.
Pumasok ulit ang bolang tinira ni Fatima. This time ay may costumize na silang apir ni Leo. Parang ang super close na nila, ah?
Pinagpag ni Leo at Fatima ang damit nila sa harapan ni Judith at Rusty. Imbes na maasar ay nagtawanan lang ang dalawa.
Nilapitan ako ni Judith habang tumitira si Rusty.
"Gusto mo manalo tayo?"
Nilingon ko siya. "Pano?"
"Kapag turn mo na tawagin mo si Rusty! Magpaturo ka!"
Kumunot ang noo ko. Huh? Hindi ko kaagad na-gets ang sinabi ni Judith. Pero narealize ko na si Fatima nga nagpapaturo din kay Leo, ‘di ba?
"Rain, ikaw na!" Sabi ni Judith sa akin.
Tumango ako at lumapit sa pool table. Nilingon ko si Leo. Ngumisi siya kaagad sa akin.
"Hindi papasok ‘yan…” Pang-aasar niya.
"Ah... Rain, inaasar ka, oh! Kung ako ‘yan… ‘di ako papayag! Huwag mo ngang pansinin ng isang buwan yan!"
Kitang-kita ko sa sulok ng aking mga mata na huminto sa pagtawa si Leo. Literal na natigilan siya.
Palihim na umangat ang sulok ng labi. Hmmm…
Nilingon ko si Rusty. “Pa’no ‘to? Paturo ako…”
Ngumiti siya at lumapit sa akin.
Pero nasa tabi ko na rin kaagad si Leo.
“Ako na magtuturo sa’yo.” Aniyang pumwesto sa gilid ko kung nasan nakatayo si Rusty.
Nilingon ko siya. “Ha? Hindi naman kita kakampi.”
“Oo nga!” Singit ni Judith. “Doon ka nga sa mga kakampi mo! Huwag kang epal dito sa team namin! Hoy! Fatima! Tawagin niyo nga tong kakampi niyo! Nanggugulo sa’min!”
Lumapit si Fatima at sinamaan ng tingin si Judith. “Huwag nga kayong madaya diyan! Sinisira nyo mindset ng kakampi namin!”
Umangat ang sulok ng labi ni Judith. “Huh? Mindset ka diyan! Ikaw pwedeng magpaturo kay Leo tas si Rain bawal kay Rusty! Hay, naku! Kayo ang madaya! Alis na! Di makatira si Rain eh!”
Binalingan ni Fatima si Leo. “Tara na! Huy!”
“Doon ka na nga…” pagtataboy ko kay Leo. Nilingon ko si Rusty. “Game na.”
Hindi kumilos si Rusty. Pagtingin ko sinasamaan na pala siya ng tingin ni Leo.
“Ano ba.” Saway ko sa kaniya.
“Alis na nga!” Ani Judith.
“Leo, Tara!” Tawag sa kaniya ni Fatima.
Gumilid naman siya. Pero di siya lumayo sa akin. Nanatili siya malapit sa akin.
Yumuko si Rusty para maging magka-level ang katawan namin. Umikot ang isang braso niya sa likod ko.
Narinig ko ang malakas na buga ng hangin sa likuran namin. Di ko iyon pinansin.
Binalik ang aking atensyon kay Rusty. Halos hindi siya dumidikit sa akin. He make sure na may distansya ang braso niya sa likod ko katawan niya sa katawan ko.
Inayos niya ang kamay kong nakahawak sa cue stick. “Ayan, pwede na yan. Try mo.”
Nilingon ko siya. Tumango siya sa’kin. Tumira ako at tuloy-tuloy na pumasok ang bola. Namilog ang mata ko.
“Pumasok!”
“Naka-score ka rin! Nice one!” tumatawang itinaas ni Rusty ang kamay niya.
Makikipag-apir sana ako sa kaniya kaso bigla na lang sumingit sa gitna namin si Leo.
“Tama na. Ayos na yon.”
Umatras si Rusty nakataas ang dalawang kamay. “Laro lang ‘to, Pre.”
“Oo nga!” Ani Judith. “Tumira ka na, Leo! Ang dami mong ganap diyan!”
Seryosong tinitigan ni Leo si Rusty. Tumira din siya. Pero halatang distracted na siya. Sunod-sunod na nagmimintis ang bola niya. Hindi siya umaalis sa tabi ko.
Humalakhak si Judith. Nilingon niya si Fatima na tumitira doon sa pool table.
“Oh, bat ‘di mo turuan si Fatima?”pang-aasar niyang nilingon si Leo. “May pa-apir-apir pa kayo habang inaasar si Rain!”
Napailing ako. Sinaway ko ng tingin si Judith. Ayaw ko namang isipin ni Fatima na issue sa akin yung pagiging magkakampi nila ni Leo. Nairita lang ako talaga sa pang-aasar nila sa akin kanina.
“Shut!” Bulyaw ni Fatima kay Judith. “Ang malisyosa mo talaga eh no!”
Tumawa lang si Judith. Tuwang-tuwa siya dahil hindi nakapunto ang kalaban naming team. Nang ako na ulit ang titira, nilapag ni Leo sa table ang cue stick sa table.
“Ayaw ko maglaro. Kayo na lang.”
Binitiwan na rin si Fatima ang cue stick niya. “Ako rin.”
“Sussss! Talo na kasi kayo! Ang lakas niyo pa mang-asar kanina!”
Tuwang-tuwa pa si Judith. Napailing na lang ako. Nawalan na rin naman ako ng gana sa paglalaro.
“Una na rin ako.” Paalam ni Rusty. “Nice game.”
Ngumisi Judith sabay nag-thumbs. “Sabi sayo mananalo tayo!”
“Uuwi na rin ako.” Sabi ni Fatima.
“Susunduin ka ng daddy mo?” Tanong ko sa kaniya.
Umiling siya. “Hindi. Nasa Manila si daddy.”
Tumango. “Sabay na tayo.”
Nahinto siya paghalungkat sa bag niya. Nag-alalangan na tiningnan ako. Kumunot naman ang noo. Anong problema?
“Sige…” sagot niya.
“Ihatid ko na kayo,” pagpiprinsinta ni Leo.
“Kaya naman naming mag-commute.”
“Ihahatid ko kayo,” may pinalidad na sabi ni Leo.
Nagkatinginan kami ni Fatima. Tinanguhan niya ako bilang pag-sang ayon sa alok ni Leo.
“Isabay niyo na rin si Jordan!” Sabi ni Judith.
“Apat lang ang kasya sa kotse ko.”
Inakbayan ni Rusty si Jordan. “Kami na lang ang magsasabay. Dala ko kotse ni daddy.”
Nilingon ni Judith si Jordan. “Ayos lang sayo na kay Rusty ka sumabay?”
Tumango si Jorda. “Oo, ayos lang.”
Hinatid kami ni Judith hanggang sa main door ng mansion. Sa driveway, nakaparada na roon ang kotse ni Leo at Rusty.
Niyakap ko si Judith bago pinakawalan rin siya at pinuntahan si Fatima na naghihintay na roon sa tabi ng sasakyan ni Leo.
“Hindi ka galit sa akin?” Nag-aalangan na tanong ni Fatima.
“Bakit naman ako magagalit sa’yo?”
Ngumuso siya. “Ito kasing si Judith! Ang daming sinasabi! Masyadong malisyosa! Mamaya ay kung anong isipin mo diyan!”
Tumawa ako. “Ano namang iisipin ko?”
“Ewan ko. Baka lang meron. Kaya nga nililinaw ko, eh. Atsaka di ko type yang si Leo.”
Lalo akong natawa at umiling. “Hindi ka rin naman niya type.”
Umikot ang eyeballs niya. “I know! Baliw na baliw lang naman sayo yang aso mo. Oh, ayan na siya…”
Lumingon ako at nakitang papalapit na samin si Leo pagkatapos makipag-usap kay Judith at Rusty.
“Let’s go.”
Pinatunog niya ang sasakyan. Sumakay si Fatima sa backseat. Umikot naman ako sa front seat. Bubuksan ko na ang pinto pero inunahan ako ni Leo.
“Sakay na…”
Sumakay ako. Umupo si Leo sa driver seat at pinaandar ang sasakyan…