TAHIMIK kami sa loob ng sasakyan habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tension at frustration sa bawat hugot ni Leo ng malalim na paghinga. Pasimple ko siyang sinulyapan. Diresto lang ang tingin niya sa daan. Seryoso ang mukha niya at magkadikit ang kilay. Hindi tulad no'ng unang beses ako maupo rito sa backseat, na pilit niyang inaabot ang kamay ko, ngayon kahit sulyapan sa rearview mirror ay di niya ginagawa. What do you expect, Rain? You pissed him off. He probably think that you're a brat and ungrateful for all the good things he did to you. Huminga ako ng malalim nang maramdaman kong bumibigat na naman ang aking dibdib. Itinuon ko na lang ang tingin sa labas ng bintana. I tried to shove away these ugly thoughts clouding my mind. But I cant. . . Kung ano-anu na ang tumatakbo s

