Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko na nagawang pigilan si Leo. Sinugod niya at sinuntok si Stephen sa mukha. Napalingon ang mga estudyanteng dumadaan sa hallway. “Leo!” Tumitiling singhap ko. Napaatras si Stephen sa lakas ng suntok. Hinawakan niya ang tinamaang ilong. Nanlamig ang buong ko katawan pagkakitang tumutulo sa sahig ang dugo galing sa ilong niya. “Stephen!” Leo took another step. Hindi siya naawat sa nakikitang duguan at basag na salamin sa mata ni Stephen. Aktong susuntokin niya ulit ito nang napigilan sa pagdating ni Rusty at Jack. "Pre! Tama na! Nasa school tayo!" Awat ni Jack na hinawakan si Leo sa braso. Pumagit na naman si Rusty. "Wag dito, men! Abangan na lang natin mamayang uwian sa labas!" “Bitiwan niyo ‘ko!” Hinawi ni Leo ang mga kaibigan. Dumating si Jud

