"Ang ganda! Bagay na bagay sa'yo! Kitang-kita ang hubog ng katawan mo!" Umikot ako sa harapan ng fullsize mirror. Pang-apat na ito sa mga dress at gown na sinukat ko. Ito ang pasok sa preference color na gusto ko which is lavander. But the style is not giving me the fairytale-like theme I wanted. It is a spaghetti sequins strap mermaid cut gown. May mahabang slit sa unahan at expose ang buong likuran ko. It is showing too much for my liking. "Bet mo na ba 'yan?" Tanong sa'kin ni Karla ang may-ari nitong vintage store. "May iba pa po ba kayong gown with same color po na lavander or kahit... powder blue?" "Naku, dear! 'Yung kulang blue na natitira kahapon dinaana ni Nanette. Yang apat na sinukat mo na lang rin kulay lavander na meron ngayon. Bagay na bagay na sa'yo 'yan." Hindi na

