Nakatapos na kami sa dalawang set ng gimbap. To make sure na tama ang lasa, kumuha ako ng ilang pirasa para ipatikim sa boys. Paglabas ko nang van, natigilan ako nang makitang naroon na lamesa si Fatima kasama nila. Pasimple siyang tumayo sa tabi ni Leo na chinicheck yung beef stew na nakasalang sa stove. "Luto na 'ata 'yan." Komento ni Fatima. Nakisilip siya sa caserole bago sumandok ng kaunti roon. Hinipan niya iyon at inilapit sa bibig ni Leo. "Tikman mo nga..." Tumaas ang sulok ng labi ko. Hahakbang na sana ako palapit nang mag-echo sa isip ko ang sinabi ni Alyana. Natigil at nanatili ako sa tinatayuan ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Leo kay Fatima. At imbes na tikman ang pagkain na sinusubo nito, napalingon siya sa direksyon ko. Iniwan niya si Fatima at pumunta sa'kin.

