Lumingon sila Alyana sa direksyon namin. Lumapit sila nang makitang dumating na kami ni Leo. "Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong ni Leo sa pinsan. "Nabanggit ni Rusty na may outing kayo kaya sumunod kami rito." "Ha? Sumunod? Hindi kayo in-invite?" Nilingon ni Leo si Rusty na tinaas ang mga kamay na tila sinasabing wala itong alam sa nangyayari. Bakit nga naman hindi sila nagsasabi? Pa'no kung sakto lang yung nakatokang pagkain ng mga kasama namin? Anong kakainin nila? "Ang OA mo, Leo! Nandito na kami, eh! Alangan namang umalis pa. Kami naman ang magbabayad ng expenses namin, no!" "Lakad lang 'to ng barkada namin, eh," giit ni Leo. "Barkada niyo? Pero nandito si Rain?" Singit ni Fatima. Natakot siya kaagad at nagtago sa likod ni Judith nang lingunin siya ni Leo na

