"WAG kang malikot. Oh, pout your lips a little. Like this..." Sinapo ko ang pisngi ni Leo at ngumuso. Imbes na sundin ang inuutos ko, tumawa lang siya sabay dinampian ng halik ang labi ko. Nandito kami ngayon sa classroom kung saan kinukuhanan ng grad. picture ang section nila Leo. Tiyempong vacant ko ngayon dahil may dinaluhan na meeting yung teacher namin sa isang subject. Sumulyap ako sa unahan. Si Rika ang nakasalang at kinukuhanan ng litraro. Makapal ang make up at bongga ang ayos ng buhok niya. Ganoon rin si Alyana na nasa gilid at hinihintay ang kaniyang turn. Pinaghandaan at pinagkagastusan talaga ang ayos para sa pictorial na ito. Si Leo lang talaga ang parang walang pakialam. Kundi pa nga ako nagprisintang ayusan at make-up-an siya, wala talagang mangyayari. "Dalian mo n

