BISPERAS na ng bagong taon. Tanghali pa lang ay busy na kami ni mommy sa paghahanda ng pagkain para mamayang gabi. Gumawa na kami ng fruit salad kagabi pa. Binalot na ang shanghai at nagmarinate na rin ng chicken na iro-roast sa oven mamaya. Masaya ang ambiance rito sa bahay. Ramdam ko na ang new year celebration. Nagpapatugtog kasi kami ni mommy sa bluetooth speaker habang nag-aayos rito sa kusina. "Anong oras pupunta si Leo, Anak?" "After dinner daw po sa kanila." "Pumayag si Gov?" "Opo, Mom." Sinulyapan ako ni mommy. "Hindi uuwi ang mommy niya sa kanila?" Hindi ko sinabi kina mommy ang pag-oopen sakin ni Leo tungkol sa sitwasyon ng parents niya. It's not my story to tell. And also respect ko na rin na pinagkatiwalaan niyang sabihin sakin ang ganoon ka-personal na bagay sa

